Mystery 12 - The other Ten Mizteroz

♡ Mikke ♡

"Hmmm..... okay okay. So anong ginawa mo ng mga panahon na pinaalis ka dito?" Tanong ko naman kay marko, pagkatapos niya ikwento sa akin ang nakaraan.

"Nag search pa rin ako sa mga pagkatao nila, kahit na nahihirapan ako. Lalo na ang other ten mizteroz" napakunot ako ng aking ulo dahil sa huli niyang sinabi.

Ten Mizteroz?

-------

Ashh! Kainis!

Pahirapan akong makapasok sa mansyon, paano naman kasi may nakabantay. The heck kailan pa nagkaroon ng bantay. Bat hindi ko man lang alam diba!

Napaisip ako saglit dahil sa sinabi ni sir. Bakit pala ang lapit ng loob niya kay yanny, dahil sa nakababatang kapatid niya na anim na taon nang patay.

"Hays.." siguro maghihintay nalang akong mag time, at saka ako papasok sa loob.

Ilang oras pa bago mag 6 am ng umaga.

Napaupo nalang ako sa may damuhan at napapikit. Hindi man lang ako naka tulog kanina, sa dorm ni sir, nakakatakot kaya at isa pa nag kwentuhan kami.

Napamulat ako ng aking mata dahil may kumulbit sa akin, laking gulat ko ng isang batang babae ang nasa tabi ko. May hawak siyang manika. Sa totoo lang kung hindi cute ang batang ito ay matatakot ako dahil sa dala dala nyang manika.

"Ano ginagawa mo dyan?" Aba't parang hindi bata kung magsalita ang isang to ah. Ano tingin niya sa akin bata rin na katulad niya. At isa pa bakit nandito siya?

"Naliligaw kaba bata?" tanong ko naman sa kanya. Ngunit kumunot ang kanyang ulo, na tila ba nagtataka siya sa sinabi ko.

"Baka ikaw" Tignan mo, hindi nga ata bata ang isang ito kung makapagsalita ay.

"Hindi, gusto mo samahan na kita" Pagaaya ko sa kanya, kaya tumayo na ako. akmang hahawakan ko na ang braso niya ng may sumigaw.

"Sunny!" Pareho kami napalingon duon sa sumigaw. Napatakbo ang bata sa isang matangkad na lalaki, na ngayon ko lang nakita. hmmm... siguro kapatid niya.

"San ka na naman nanggaling ha! Pinahirapan mo na naman kami" pagsesermon niya duon sa bata, at ng mapansin niya ako ay binigyan niya ako ng masamang tingin. Parang may ginawa akong masama sa kapatid niya, diba wala naman ah!

Kailangan ko na bang umalis? Paano kung tawagin nila yung guard diba? Nako patay ako nito.

"Bakit nandito ka?" Seryosong tanong ng lalaki. Bigla naman akong kinabahan. Para kasing kahit anong oras ay pwede niya akong kainin ng buhay.

"Eh, ano kasi-" hindi ko alam ang sasabihin ko ng biglang mag salita ang batang babae.

"Naliligaw siya Sky" nagtaka nalang ako sa sinabi ng bata. Ako maliligaw?

"She thought na dito ang mansyon nila, the thing is nag nagkamali siya. Mukhang inaantok na nga siya eh" tignan mo parang hindi naman siya bata kung makapagsalita, tama siya duon sa huli niyang sinasabi. Inaantok na kasi ako, pero alam ko parin ang mga pinaggagawa ko sa buhay ko no hahhahahhaha

---------

So ngayon heto ako at sumusunod sa kanila. Why? Paano naman kasi tinakot ba naman ako na kapag hindi daw ako sumunod sa mga pinapagawa nila ay isusumbong daw nila ako sa mga nagbabantay. So yup eto sumusunod nalang ako, baka kasi d oras ay mawala ako sa paaralan na ito at mapagalitan ako ni boss. Nako patay ako duon.

Hindi ko alam kung anong plano nila duon sa dalawang guard na nagbabantay. Feel ko naman may plano sila, kaya sumunod nalang ako na walang tanong tanong pa. Hanggang sa humiwalay na yung batang babae, kaya sumunod nalang ako duon sa lalaki. Kasi pinapasunod niya ako sa kanya.

Hanggang sa makapasok na kami sa loob ng mansyon. So... hindi ito ang mansyon namin? I mean namin ng mizteroz. The heck!? Nasan ba ako?

Ibang iba ito sa mansyon namin, iba yung design ng loob ng mansyon. The heck! Nasa school pa ba ako?

"Mukhang may bisita tayo" napatingin ako duon sa nag salita. Isang magandang babae, na nakangiti sa akin. I don't know pero nginitian ko siya at bumati ng magandang gabi. Grabe ako ba to? hahahhahaha

Hindi lang siya nag iisa. May dalawa pang nagpakita at ito ay magkambal na lalaki. Ngunit kabaliktaran naman nito ang unang babae na bumati sa akin dahil nakabisangot ang dalawa.

"Huh nice?!" Magkasabay nilang sabi sa mababang tono ng kanilang boses.

Sumunod naman nagpakita ang isang batang lalaki na kasing edad lang ata noong isa. Anyways nasaan nga pala yung batang babae.

Mukha siyang pasaway na bata. Tinignan lang niya ako at sabay irap. Grabe, ano paba maaasahan ko sa isang tulad niya.

"Ano ba ha? Sira kaba?" Napunta ang aking atensyon sa tatlong lalaki na nag kakagulo.

"Eh ayaw mong maniwala. Bahala ka"

"Ano ba kayo, wag nga kayong mag away"

"Sino ba nag sabi sayo na nag aaway kami ha?" Kailan kaya nila marerealized na may tao. O sadyang ganyan lang sila kapag may ibang tao o bisita sa bahay nila.

"Pagpasensyahan mo na silang tatlo" ayan nanaman ang mala anghel na mukha niya.

"Ano gagawin ko dito?" Tanong ko duon sa kasama kong lalaki. Nakatingin lang siya sa akin. At naghihintay lang sa sasabihin niya.

"Sky, sky nalang itawag mo sa akin" hindi naman pala masungit eh. Saglit lang sino ba nag sabi na masungit? Hindi ko naman sinabi yun ah hahahhahha ay ewan. Nginitian ko lang siya at sabay sabi ng kanyang pangalan.

"Dito ka muna hanggat hindi pa naguumaga" sabi niya at saka siya umalis na nakapamulsa. Nagpapasalamat ako sa kanya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito? Naiwan nalang kasi ako na nakatameme dito sa loob ng mansyon, habang sila ay may kanya kanyang ginagawa.

"So ahmmm... ano pwede kong gawin?" Tanong ko sa kanila, pero parang hindi nila ako narinig. Ah... okay.

Napaupo nalang ako sa salas nila habang pinagmamasdan ko yung tatlong lalaki na nagkakagulo kanina. Hanggang ngayon naman ay nagkakagulo parin sila. Hindi ba sila napapagod? Sa ginagawa nila.

Habang ang batang lalaki ay abala sa panunuod ng kung ano sa TV

Napalingon ako para hanapin yung mala anghel na babae kanina lang, subalit nakaalis na ata? Hindi ko na kasi siya nakikita dito.

Baka pumunta na sa kwarto niya. Hayst, ilang oras pa ba bago mag umaga?

Nasan pala yung batang babae, nakabalik na kaya siya. Pagkalingon ko sa aking gawing kanan ay nahagilap ng aking mga mata ang masamang pagtitig ng dalawang kambal.

Ano nanaman ba problema nila?

"May kailangan ba kayo sa akin?" Magalang na tanong ko sa kanila. Kung hindi ako magpapakita ng paggalang sa mga to, ay baka kung anong mangyari sa akin at isa pa, hindi ko alam kung nasaan ba ako. Kaya maganda na na mag-ingat.

Kaysa sagutin nila ang aking tanong ay lumapit sila sa akin, na aking pinag taka. Magkasabay sila kung kumilos.

"Oo buhay mo" bigla akong kinalibutan dahil sa sinabi nila, at parang biglang tumigil ang aking mundo. Kakaiba ang kanilang awra, yung tipong nakakapanindig balahibo at parang nakakamatay.

"Ha...ha...ha..anong klaseng joke yan" yung tipong dinadaan ko nalang sa tawa para mawala na yung takot ko sa kanila. Umiwas na din ako ng tingin.

Pero nahagilap ko parin ang pagngisi nila. The heck ano bang problema nila, at ganan sila.

"Pagpasensyahan mo na silang dalawa, ganyan talaga sila" biglang sabi ng anghel na babae.

"Ako pala si Mizzy" magalak na pagpapakilala ko sa kanya. Hindi na ako nag dalawang isip pa na magpakilala sa kanya dahil gusto kong malaman ang kanyang pangalan.

Para siyang nagulat sa aking ginawa, pero agad naman napalitan ito ng ngiti at sabay sabi ng kanyang pangalan "Angel" bat naman pala eh, pangalan palang alam mo na, na totoo. Hehehehehhe gets ba ninyo? Hehhehehe

"Matagal ka na naming hinihintay" Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya. Nakangiti pa rin siya ngayon sa akin. Pero yung mga kasama niya, ay nakatingin na na din pala sa akin. Hindi ko nga man lang napansin na nandito sila.

"A-anong---

Agad kong minulat ang aking mga  mata. Panaginip lang pala.

Napatingin ako sa may pintuan dahil kanina pang may kumakatok. Napakamot nalang ako sa aking ulo habang binubuksan ang pintuan. Sino bayang nagwawala, kay aga aga.

"Ano ba! Mizzy! Late na tayo!" Bulyaw sa akin ni may. Grabe kung makasigaw wagas. Late lang naman eh, bumalik nalang ako sa aking kama. Para matulog ulit, inaantok pa kasi ako. Pero naglaho ang antok ko ng daganan ako ni may.

"Oy! Ano ba ang sakit!" Pagrereklamo ko sa kanya, for real ang bigat niya.

"Eto na nga o babangon na. Kaya please umalis kana dyan at ang bigat mo!" Pakiramdam ko tuloy kahit anong oras ay mababali na ang buto ko sa likod. Tumayo naman siya, dahil naawa naman sa aking kalagayan.

Maigi kong hinawakan ang aking likod, na dinaganan niya. 

"Pambihira naman ay. Bat ba kasi hinintay mo pa ako?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, habang nag uunat ako.

"Hindi mo ba alam. Ngayon yung event ng school natin" excited na sabi niya sa akin, kaya napaisip naman ako. Anong event?

Ah... naalala ko na.

"Oo na eto na maliligo na ako. Hintayin mo nalang ako sa labas" kahit masakit pa rin ang aking likod ay nagawa ko paring humikad sa kaantukan, at saka siya lumabas.

May paevent nga pala ang school namin at ngayon yun gaganapin. So yep wala kaming klase kasi maghapon yun at may mga pa booth pang nalalaman ang school.

Kaso hindi kami kasali sa booth na iyon. Pero bakit siya excited ay dahil first time makakasali ang mizteroz sa ganitong pa event ng school i mean umattend. Kahit pag attend sa ganitong bagay ay pinagbawalan sila ng eskwelahan, dahil sa takot sila na may maaaring mangyaring masama. Hindi lang kasi mga estudyante lang ng eskwelahan na ito ang maaaring mag enjoy pero maaari din sumali ang mga tao na galing sa out side.

Oo parang ang daya no dahil yung mga out side pwedeng pumunta sa ganang event pero ang isang estudyante sa eskwelahan na ito ay hindi pwede. Sabagay, nakakatakot naman isali ang mga mizteroz, if i'm just a ordinary girl diba. The thing is i'm not just a ordinary girl, at isa pa i don't really know them yet. I just need more proof and evidence.

Napatingin ako saglit sa salamin at napaisip kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon?

Parang nakakapagtaka lang kasi na pagkagising ko nandito na agad ako. Sa pagkakaalam ko kasi pumunta talaga ako kay sir kahapon. Pero... hindi ko na maalala pa kung pa paano ako nakabalik dito.

To be Continue.....

----------------

Edited March 23 2020

Thank you for reading my story!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top