Mystery 11 - Yanny Secrets

"Alam mo na diba, pero ano nagpadala ka" ayan ang sabi sa kanya ni sam. Nasa isang lugar sila ng academy kung saan ay walang ni isang estudyante ang maaaring makakita sa kanila o makinig sa kanilang pag uusap, yun ang akala nila. Dahil may isang tao na nakikinig at nagtatago, hindi dahil sa kanila kundi sa ibang dahilan.

"Sa pagkakataon na ito, hindi lang ako ang makakasakit sa kanya kundi ikaw" seryosong sabi ni sam kay mark na nag iisip ng malalim.

"Bakit ngayon mo lang ito sinasabi sa akin? Eh matagal na nangyari iyon" tinignan siya ng masama ni mark, ganon nadin ang tingin ni sam.

"Alam mo naman na wala ako noon at umalis diba, kaya hindi ko malalaman. Eh kung sinabi mo sa akin ng maaga diba. Ano bayan! Mark ilang araw nalang, at malalaman na ng mga estudyante, kaya ako sayo hanggat maaga pa sabihin mo na sa kanya ang totoo" sambit ng dalaga sa binata. Hindi niya ito hinintay pa na mag salita at umalis na siya. Naiwan nang mag isa si mark habang nag iisip kung anong magandang paraan para sabihin kay yanny ang totoo.

---------------

Masayang nakikipag kwentuhan si mark sa mga kaibigan niya ng bigla siyang akbayan ni yanny.

"Hello" bati ng dalaga sa kasama ni mark. Nag kantyawan naman sila dahil mag kasama ang magjowa.

Pagkatapos kasi ng araw na iyon, na umamin si yanny ay ganon na din ang ginawa ng binata, umamin din siya hanggang sa niligawan niya ito at sinagot na ng dalaga.

Ngumiti lang ang dalaga sa mga kaibigan ni mark at sabay ngiti niya sa kanyang boyfriend.

Iniisip na ni mark kung ano kaya ang magiging reaksyon ng dalaga kapag sinabi niya ang totoo, hindi niya maisip na lubusang masasaktan ang dalaga sa kanyang gagawin.

Balak na niyang sabihin sa dalaga bago pa siya maunahan ni sam. Naghihintay lang siya ng pagkakataon para sabihin ang totoo.

-------------

Walang lakas ng loob na sabihin ni mark kay yanny dahil kapag nakikita niya ang mukha ng dalaga ay hindi niya mawari na mag iiba ulit ito.

Ngunit hindi niya inasahan na may makakaalam ng sikreto nila ni sam, kaya laking gulat niya na buong estudyante ay alam na ito. Sinalubong siya ng mga kaibigan niya at agad sinabi ang tungkol dito. Agad niyang tinanong kung alam na ba ni yanny ngunit wala pa ang dalaga. Kaya agad siyang pumunta sa gate para salubungin ang dalaga kaysa malaman pa ng dalaga ang tungkol kay mark sa ibang tao.

Ngunit hindi niya alam na mas nauna pa sa kanya ang dalaga at naghihintay ito sa rooftop.

Habang nag iintay ang dalaga ay nagpapahangin ito habang pinagmamasdan ang view na nakikita niya ngayon mula sa kinatatayuan niya. Hindi niya aakalain na dahil sa galit, na nalaman niya ang tungkol kay mark at kay sam ay wala nang luhang pumapatak mula sa mga mata niya. Ang akala ng dalaga ay siguro pagod na siya na lumuha pa, para sa mga tao paulit ulit lang siyang sinasaktan.

"Anong gagawin mo?" Nagulat ang dalaga dahil may tao pala sa kanyang likod. Hindi man lang niya naramdaman ang pag bukas ng pintuan, o kanina pa talaga ang binata at hindi lang niya napansin kanina ng makarating siya dito.

"Bakit nandito ka?" Tanong niya sa binata.

"Gusto kong makita ang gagawing mong katangahan" sabi ng binata at sabay ngisi sa dalaga.

"Ano?!" Naiinis na sabi ng dalaga.

"Alam mo kung wala kang gagawin, umalis ka nalang no hindi yung iniinis mo ako!" Sigaw ng dalaga sa binata, dahil naiinis na ito sa binata.

"Paano naman kasi, papapuntahin mo siya dito para mapag bintangan sa pagkamatay mo" nagulat ang dalaga dahil sa sinabi ng binata. Paano niya nalaman ang binabalak niya. Tama ang sinabi ng binata dahil ayun ang gagawin ni yanny, tatalon siya para mapagbintangan ang taong pinapunta niya dito sa rooftop.

"So tama ako, how patetik?! Huh sasayangin mo ang buhay mo para mapagbintangan ang isang tao? Tsk tsk kung ako sayo papatay nalang ako" hindi alam ng dalaga kung ano bang gusto iparating ni lian, pero ang pag kakaintindi lang niya ay dapat siya ay pumatay kaysa siya yung mamatay.

"Ha? Ikaw pala tong sira eh! Edi ako ang nakulong kung ako ang papatay diba. At isa pa hindi pa ako sira para pumatay ng tao" pagrereklamo ng dalaga sa kanya na ikinatuwa ng binata.

"Eh mas sira ka pala eh, Remember there is a class of mizteroz. Walang estudyante ang nabubunyag ng kanyang krimen" mas naguluhan ang dalaga ng ipasok ng binata sa usapan ang section ng mizteroz. At saka lang naisip ng dalaga ang ibig niyang sabihin.

"Edi kung papatay ako maaari akong maging mizteroz?" Gulat na gulat na tanong niya, na halos hindi makapaniwala.

"If that's what you want, magiging part ka ng mizteroz at wala makakaalam ng sikreto mo. Pero hindi mo maitatago ang katotohanan na pumatay ka" napatulala nalang ang dalaga sa sinabi ng binata at iniwan na siya nito. Tila napaisip siya sa mga sinabi ni lian sa kanya.

Parang may tumulak sa kanya para gawin ang bagay na iyon.

Ilang oras ang lumipas ng dumating na ang kanyang pinapunta. Kinakabahan siya at pinagpapawisan sa kanyang gagawin, hindi niya alam sa kanyang sarili kung tama ba o mali ang kanyang gagawin. Ilang ulit na tinawag ni sam ang kanyang pangalan. Oo balak niyang patayin si sam, ang pinakang close na kaibigan niya. Sa huling tawag sa kanyang pangalan ay nagpakita na siya sa wakas sa kanyang kaibigan.

"Yanny!" Tawag ng kanyang kaibigan sa kanya ng makita siya. Bakas sa mukha ng dalaga ang tuwa dahil nakita niya ang kaibigan niya. Ilang buwan na kasi silang hindi naguusap dahil nga sa ginawa ng boyfriend ni sam noon.

Ngunit seryoso ang mukha ni yanny. Hindi alam ng dalaga na ang kaibigan niya ang kukuha ng kanyang buhay.

---------------

Magisa na nagaayos ng kanyang gamit si sir marko sa loob ng faculty, ng biglang nagpakita si lian ang isang estudyante ng mizteroz.

Hindi na nagulat ang guro dahil lagi naman siya nitong ginugulo at bigla bigla nalang nag papakita kung saan saan.

"Alam mo ba may nakilala akong bagong estudyante ng mizteroz, bat hindi man lang ninyo sinabi kaagad sa amin" At napalingot kaagad ang guro dahil sa sinabi ng binata. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha.

"Anong ibig mong sabihin" nag aalinlangan tanong niya, ng ngumisi ang binata.

"Hmmm... ang pangalan niya ay yanny" at duon na niya kinuwelyuhan ang binata. Puno ng galit ang guro, dahil alam na niya ang tinutukoy ng binata.

"Nasaan siya ngayon! Pag may masamang nangyari sa kanya hindi ko alam ang gagawin ko sayo!" Kita sa mga mata ng guro ang galit at hindi siya nagloloko sa sinabi niya.

Hindi niya alam na ang dalaga ang gagawa ng masama at hindi siya ang mapapahamak. Ng sabihin ng binata kung naasan naroroon ang dalaga ay agad tumakbo ang guro para puntahan si yanny.

Ngunit huli na siya, nadatnan nalang niya ang dalaga na luhaan habang kaharap ang biktima niya. Ang taong pinatay niya. Napa luhod nalang ang guro, dahil sa nakita niya. Tumingin sa kanya ang dalaga at napapailing na lang dahil hindi siya makapaniwala na nagawa niyang patayin ang dalawang taong itinuturing na niyang kapatid sa loob ng eskwelahan.

---------

♡ Hannah ♡

Bakit parang nasa good mood ang mokong?

"May ginawa ka nanaman kay sir marko no?" Ganan kasi siya kapag masaya siya, laging kung anong kalokohan ang ginagawa niya duon sa teacher.

Ngumiti lang siya sa akin at sabay sabing.

"May bago tayong kaklase" nagulat naman ako dahil sa sinabi niya hindi lang ako pati na din ang mga kaklase namin.

"Ano naman kalokohan yan?!" Tanong ni enzo, sa kanya. Pero sa mukha niya ngayon ay hindi siya nagloloko sa sinabi niya.

Tumingin siya sa akin na aking ikinatakot. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako dahil sa mga tingin niya.

"Tawag ka pala ni sir marko sa rooftop" nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit ako pa? Hindi ako nakapag reklamo sa sinabi niya at sumunod nalang ako.

Pagkalabas ko ng classroom ay nakahinga na ako ng maluwag ngunit nag tataka parin ako, sa sinabi niya.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng rooftop agad ko itong binuksan at tinawag ang pangalan ni sir ngunit sumalubong sa akin ang dalawang estudyante na puno ng dugo at wala nang malay. Napalingon naman sa akin si sir marko na nakaluhod at isa pang estudyante na umiiyak. Ya-yanny?

Anong tong ginawa mo lian?

Nagulat ako ng bigla akong hinigit ni sir at sinarado ang pintuan. Nangangatal siya ngayon at tila hindi niya alam ang gagawin. Ngayon ko lang siya nakita na ganito.

"Ma-may kasama ka pa ba?" Natatakot na tanong niya sa akin. Umiling lang ako sa kanya. Bakit ganito lang ako hindi man lang kinakabahan o natatakot sa aking nakita? Dahil nangyari na ito sa akin noon, kaya wala nang bago pa para sa akin.

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa aking pulso, kaya nakaramdam ako ng sakit.

"Shhh... wag kang maingay, itakas mo si yanny. Kahit anong mangyari wag na wag mong ipagsabi sa iba ang nangyari" Hindi ko alam kung anong gusto niyang gawin ko. Pero ginawa ko na lang ang sinabi niya. Binitawan niya ang aking pulso at lumapit kay yanny na ngayon ay umiiyak parin at puno ng dugo ang kanyang kamay at may bahid na din ng dugo ang kanyang mukha. Tinignan ko kung sino ba ang iniiyakan niya. Nagulat ako ng makita si mark.

Sa pagkakaalam ko boyfriend niya ang taong ito, ngunit bakit niya ito pinatay. Oo pinatay niya alamang si sir na nakaluhod duon kanina na wala man lang bahid na kahit anong dugo diba. Isa din naman si sir sa mga pinaglaruan ni lian.

Sinubukan ko siyang kausapin ngunit wala siya sa katinuan. Kaya inalalayan ko nalang siya makaalis dito. Bago pa kami tuluyan makalayo ay nilingunan ko si sir, na halos hindi makapaniwala sa ginawa ng kanyang estudyante.

The thing is paboritong estudyante niya si yanny alam namin yun lahat ng mizteroz, sino naman kasi hindi makakahalato noon diba. Napagkamalan nga namin na may pagtingin ang guro sa kanyang estudyante ngunit mali ang aming iniisip.

Hindi namin alam ang dahilan kung bakit niya ito naging paboritong estudyante. Napabaling ako sa kasama ko na paulit ulit na bumubulong ng "patawad" Kahit anong gawin mo hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan. Wala din magagawa ang sorry mo.

Hindi ko alam kung saan ko ba siya pwede dalhin kaya sa mansyon na lang namin. Para sa ganon ay makapag linis na din siya. Panay dugo na ang kanyang katawan ganon na din ako.

Maingat kaming lumabas ng building na ito, buti nalang at nag uumpisa na ang klase.

Papaano kaya si sir marko?

---------

Natapos na ako sa paglilinis sa kanya. Ngunit wala parin siya sa kanyang sarili.

To think sa ginawa niya alam ko na ang dahilan, naalala ko na may nakalat na balita kanina na ang boyfriend ni yanny na si mark ay two timer daw kasi pinagsabay ang magkaibigan na si sam at si yanny. Pero sa pagkakaalam ko may boyfriend na si sam at.... si olive yun.

Ano na ngayon? Hindi naman pwedeng iwan ko siya dito para maka attend ng klase.

-------

Ilang araw na ang lumipas ng mangyari ang ginawa ni yanny sa dalawa niyang kaibigan. Pinaalis si sir marko dahil sa napagbintangan siya ngunit hindi siya nakulong.

Alam ng principle kung sino talaga ang pumatay. Ngunit hindi na lang niya ito pinaalam, at pinalaki pa ang gulo. Siguro alam na din ng mga magulang ni yanny kung kaya nasa section na namin siya. Kahit papaano ay bumabalik na siya sa katinuan. Kahit papaano.

Ngunit dumatang ang araw, ang first anniversary ng pagkamatay ni mark at ni sam, ay bigla bang may kinakausap siya na hindi namin nakikita. Natakot ang ibang mga estudyante sa kinikilos ni yanny. Pinipilit namin at ilang beses namin sinasabi sa kanya na wala na si mark, ngunit wala. Parang wala lang sa kanya, at hindi niya kami nakikita.
Pagkatapos ng anniversary ay tuloy sa pag iyak si yanny, at lagi sa akin ang takbo niya. Paulit ulit na nangyayari sa kanya ang ganon bagay kapag sasapit na ang anniversary ni mark. Nakakapagtaka nga kung bakit wala si sam, at laging si mark nalang.

Pero sa tingin ko ayaw niyang balikan ang taong nanakit sa kanya, pero sinaktan siya ni mark. Kasi pinag mukha siyang tanga. Hindi naman kasi kasalanan ni sam kung ipinag arrange marriage siya kay mark. Wala naman magagawa ang dalawa tungkol duon. Mukhang nasaktan siya sa nalaman niya kaya niya nagawa iyun kay mark at kay sam. At baka mahal parin niya si mark? And she can't move on.

Hanggang sa nasanay na kaming Mizteroz. Bumabalik siya sa katinuan ngunit isang tahimik na tao at tila ba updated siya sa lahat ng bagay, hindi namin alam kung papaano at saan niya nakukuha ang mga balita na sinasabi niya sa amin.

To be Continue....

 ----------------------

Edited March 24 2020

HELLO!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top