Chapter 31 - Camping Trip (PART 2)

.

Mira's (P.O.V)

Ang ganda ng paligid. Masyadong green dahil sa mga puno, halaman staka grass. Ang sarap pa sa pakiramdam dahil sa malamig na hangin. So fresh.

"Ganda noh? Mas maganda pag nasa tuktok ka na ng bundok. Sobrang lamig dun staka halos abot mo na ang ulap." Nagulat naman ako sa nagsalita sa likod ko. Hinarap ko ang lalakeng pamilyar ang boses at kumabog na naman puso ko pagkakita sa kanya.

Bakit ba di pa ako nasasanay na bumibilis tibok ng puso ko pag nakikita sya?

Nakangisi sya sakin at para mapagtakpan ko na super bilis tibok ng puso ko dahil sa kanya ay tinaasan ko sya ng kilay.

"Nginingisi mo dyan?"

"Wala. Iniisip ko kasi kung kelan mo balak mag-thank you sakin dahil pinahiga kita sa balikat ko." Namula naman ako sa sinabi nya at mas lalo naman syang ngumisi.

Oh jusko!! Wag kang mag-blush Mira! Wala kang dapat ika-blush!

"A-ayoko nga! Ikaw nag-suggest eh. Tinanggap ko lang. Di na kailangan mag-thank you noh!" Inirapan ko pa sya. Nahihiya talaga ako. Di lang halata.

"Sungit. Parang thank you lang eh...  Tara na nga!!'' At nagulat naman ako ng hinila nya ako. Pero mas nagulat talaga ako dahil hawak nya ang kamay ko. Ramdam ko pa nga init ng kamay nya eh.

"Teka nga!! Bakit mo ba ako hinihila!!?" Di ko maalis pagkaka-hawak nya sa kamay ko kahit ayoko talagang alisin pero kailangan. Hindi kami. Walang kami. Peke lang lahat ng namagitan samin.

"Nahuhuli na kasi tayo. Umaakyat na sila tayo nandito pa." At dahil sa sagot nya napatingin ako sa paligid. Naiwan na nga kami.

Bakit di man lang ako tinawag nina Jhaycee? Hays.

Naglakad pa kami at ilang saglit lang nakikita na namin sila. Hay salamat!! Agad kong inalis kamay ni Rhobert sa kamay ko staka tumakbo na palapit kina Jhaycee-- WAAAAAH!!!!

*Booogsh!*

"Oy! Mira!!" Ang sakit! Ang sakit-sakit!

Masakit matipalok sa bato tas sakto pa yung ilong ko. Ang saket!! Waaah!!

Tinulungan naman nila ako makatayo. Magpapa-salamat na sana ako dun sa tumulong sakin sa pagtayo nang marinig ko boses nya. Hays. Bumilis na naman heartbeat ko.

"Magingat na kasi sa susunod. Di halatang excited ka eh." Sinamaan ko na lang sya ng tingin. Grabe maka-sermon. Kala mo naman tatay ko. Tse!

"So? Magte-thank you ka na ba sakin?" Feeling ko namula na naman ako sinabi nya. Kainis naman! Wag kang ano Rhobert!

"T-thank you? Asa!" Sabi ko saka sya tinulak pero sa halip na sya yung matulak eh parang tinulak ko sarili ko-- eh!?

Akala ko sasalpok na naman ako sa lupa pero may sumalo sakin agad ko naman ito tinignan at nakita ko maamo nyang muka.

"A-a-ahm... Zeid..." Grabe makatitig tong si Zeid.

"Are you okay? Muntik ka na naman mapasalampak." Halatang nag-aalala sya.

Umayos ako ng tayo, pinagpagan damit ko staka sya hinarap ng may ngiti sa labi.

"Salamat Zeid." With matching eye smile pa ako nyan ah.

He smiled back at me. "Your welcome, ms. President."

Magsasalita pa sana ako ng may marinig akong boses.

"Tara na kung ayaw nyo maiwan dyan. Tss." Napalingon naman ako kay Rhobert nung magsalita sya. Problema nun at nagsu-sungit? Daig pa babaeng meron.

"Jelly fish ngayon si Rhob ah? Haha!!" Napalingon naman ako kay Zeid dahil nagsalita sya. Nakangiti sya ng malawak. Isa pa tong lalakeng toh. Parang baliw.

Pero di ko nagets yung sinabi nyang jelly fish. Pano naging jelly fish si Rhobert eh tao kaya sya?

"Ha?" Sagot ko na lang. Di ko talaga gets eh.

"Wala." Nakangiti pa rin sya ng malawak. Infairness kita na naman dimple nya. "Tara na?"

"Ah oo. Tara!"

Nagkwe-kwentuhan lang kami habang naglalakad. Ang dami rin naming nakita sa bundok na toh. May kasama kaming tour guide. Di naman kasi pwede na puro teachers lang kasama namin diba? Baka maligaw kami. Di pa naman namin kabisado ang lugar na ito.

"Mira!!" Napalingon naman ako sa boses nila Jar. Lumapit sila sa pwesto namin tas ngumiti ng parang may kahulugan.

Nako. Ano naman kaya pumapasok sa utak ni Jaraica?

"Uy wag mag-solo. Samahan na namin kayo." Naka-ngiti pa rin si Jar habang sinasabi yun. She's crazy.

"Oh sure. Pwedeng pwede." Sagot naman ni Zeid kaya umupo agad pareho etong si Jar at Kea sa mat.

Lunch break namin. Nasa gitnang bahagi na ata kami ng bundok after maglakad ng ilang oras. Medyo mataas nga ito at nakaka-pagod. Nakaka-gutom rin dahil di rin ako nakakain. Tsk. Si Rhobert kasi kumain nung sandwich na bigay sakin ni Zeid.

Speaking of Rhobert. After akong tulungan ni Zeid di na sya namansin. Busy na sya sa girlfriend nya. Well mas okay na yun. Nasa proseso pa ako ng pagmo-move on tapos bigla na naman syang eeksena? Malaki impact nun sa puso ko pag nag-kataon.

"Mira!!" Napatingin ako kay Kea. Nawala pala ako sa sarili ko sa lalim ng iniisip ko. "Ang lalim ng inisip mo hay nako. 20 minutes na lang bago tayo mag-hike ulit. Ubusin mo na yang lunch mo."

"Ah sige." Staka ko tinuloy yung kinakain ko.

"Mira try mo tong beef steak. Specialty toh ni mama." Napa-tingin naman ako sa pagkaing inalok ni Zeid. Wow! Mukang masarap nga.

"Sige! Salamat!" Nginitian ko na lang si Zeid ng ubod ng tamis. Kumuha na rin ako ng isang laman staka nilagay sa lunch box ko.

Pagka-subo ko ng kanina napatingin ako kila Jar at Kea na ngiting ngiti sa akin.

"Hoy nginingiti nyo dyan?"

"Wala. Ang sweet nyo kasi ni Zeid!" Sagot naman ni Jar nag-wink pa kay Zeid. Ano ba naman pinagsasabi nila. Hays.

"Sweet ka dyan. Jar magtigil ka nga at kumain ka na lang dyan." Nakakahiya kay Zeid. Mga feelingera toh. Wala naman namamagitan samin ni Zeid kundi friendship lang.

"Namumula si Zeid oh! Yiiee! Naniniwala na ako sa forever~ magmula nung nakilala kita-- aray!!" Binatukan ko nga si Kea. Baliw. Kumanta pa kasi bigla eh.

Duh? Wala kayang forever.

Kung may forever edi sana kami pa rin hanggang ngayon ni-- ah wala. Basta walang forever.

"Pft. Ayan nabatukan ka tuloy. Buti nga bleeh-- ouch!! Mashaket!" Binatukan ko rin si Jar. Pareho kasi silang nangiinis. Hay nako.

"Masakit ka talaga mang-batok Mira. Ang sakit lang Mira! Alam mo yun?" Pinunasan pa ni Kea yung imaginary tears nya kahit wala naman. Nababaliw na si Keana.

"Drama mo teh. Padala mo na yan kay ate Charo!!" Pangeepal naman ni Jar sa drama scene ni Kea. Sinamaan lang ng tingin ni Kea si Jar.

"Epal mo! Palibhasa manhid ka na sa sobrang sakit. Bleeh!!" Nag-make face pa si Kea. Ang kukulit nila. Pft.

Nagkukulitan lang sila sa harap ko pero di ko na mapigilan ngumiti. Ang sarap sa pakiramdam na sila ang mga kaibigan ko. Yung palagi lang masaya at dadamayan ka pa kapag malungkot ka.

"Ang saya siguro magkaron ng ganyang mga kaibigan." Napatingin naman ako kay Zeid nung nagsalita sya. Nakatingin lang sya kela Jar at Kea na hanggang ngayon ay nagkukulitan pa rin.

"Nakakamiss lang magkaron ng ganyang mga kaibigan. Yung totoo at walang iwanan." May problema kaya si Zeid kaya nya sinasabi ito?

"Oo. Sobrang saya. Kasi lagi ka nilang dadamayan pag may problema ka. Kapag malungkot ka naman gagawa sila ng kahit anong kalokohan mapatawa ka lang. Ganun nga siguro ang mga tunay na kaibigan." Sagot ko na lang kay Zeid saka pinanood sina Jar at Kea.

"Sana ako may ganyan ding kaibigan." Napatingin ulit ako kay Zeid dahil sa lungkot ng boses nya habang sinasabi iyon.

"Ano ka ba!" Pinalo ko sya balikat nya. "Meron kang mga kaibigan na totoo noh! Ako, sina Jhaycee! Jaraica at Keana. Kung tutuusin buong 7-2 ay mga tunay na kaibigan." Nginitian ko sya ng malaki. Mali kasi iniisip nya na wala syang kaibigan.

Oo tinuturing kong kaibigan ang 7-2. Kahit na may bubuyunggoy at mga maldita na kasama sa 7-2 para sakin mga tunay ko pa rin silang kaibigan.

"Kung sa tingin mo di kami pasok sa requirements ng pagiging tunay na kaibigan. Gayahin mo na lang ako. Ang pagiging tunay na kaibigan wala yang requirements. Nararamdaman yan ng puso mo. Kung pareho kayo ng nadarama ng puso nyo." At staka ko sya kinindatan. Napatitig naman sya sakin ng ilang segundo bago ngumiti.

"Salamat. Salamat sa pagiging tunay na kaibigan Mira."

"Nako wala yun! Ganun talaga magka-kaibigan." Sabi ko na lang sa kanya.

Sa totoo lang ni minsan di ko naisip na may problema si Zeid. Muka kasi syang okay lang dahil palaging nakangiti. Hay.

Sa bawat ngiti talaga ng isang tao, may nakatagong sakit o kasiyahan. Dipende na lang yun sa nangyare sa kanya pero nagagawa pa rin ngumiti.

"Dahil dyan Mira iimbitahan kita sa Sabado." Eh? Sabado? Sa Friday uwi naming lahat kaya rest day for sure sa sabado pero ano meron?

"Alam ko namang rest day nating lahat sa Sabado pero sa gabi lang naman. Ahm... let's have a dinner date?" Nagulat naman ako sa alok nya.

Dinner date? Bakit parang kinabahan ako? At.... at bigla ko na naman sya naalala.

(Slant words are flashback. Paalala lang baka malito.)

"Hey Mira! Let's eat outside. My treat!" Then he wink at me.

"Nag-babasa pa ako at staka baka mahuli tayo ni lolita ko. Baka makagalitan ka--"

"Don't worry. Papayagan tayo nun basta sabihin natin na magde-date tayo. Romantically." He smiled sweetly at me.

One of those unforgettable memories. Bakit ba kailangan ko pang maalala yun?

Napayuko na lamang ako. Ayoko nang maalala sya, sila....

"Uh Mira? Ayos ka lang ba? Kung ayaw mo naman ayos la--'' Pinutol ko sasabihin ni Zeid.

"Hindi ah! Ayos lang. Sige sa Saturday. Dinner date tayo." Staka ako ngumiti sa kanya.

Mira wag mo na alalahanin ang nakaraan. Mag-focus ka na lang sa present. Hindi lang sya ang taong makakadate mo. Madaming pwede. Katulad ngayon ni Zeid. Focus. Wag mo na alalahanin ang first date mo.

"Oy! Oy! Oy! Ano yan? Date?" Nagulat naman ako kay Jaraica.

"Hala! May date kayong dalawa!? Ha Zeid? Mira?" Palipat-lipat tingin samin ni Keana.

"Ahm--" -Ako.

"Oo eh. Bilang regalo sa payo nya sakin." Eh? Regalo?

"Kailangan talaga date ang iregalo mo?" Pagtataka naman ni Jar.

"Oo. Minsan lang ako makipag-date." At natawa naman sya.

"Oh? Ang Mr. Perfect ng Willstone minsan lang makipag-date?" -Kea.

"Di naman kasi ako ganun kalapit sa mga babae. Minsan lang ako magkaron ng kaclose na babae."

"Nga pala Mira!" Humarap sakin si Zeid. Tinignan ko lang sya ng nagtataka.

"Wag ka mag alala sa babayarin ha? Haha! My treat." And he smiled sweetly at me. At pumasok na naman sa utak ko ang alaala na yun.

"C'mon Mira! Let's eat outside!!"

"Sinabi ko na diba? Nagbabasa pa ako. Staka ayoko baka makagalitan ka ni lolita. Lalo na si kuya! Gumagawa pa naman sya ng abs nya kaya baka sapak abot mo dun."

Natawa na lang sya. "Di yan!! Date lang naman eh."

"Pero--"

"Wala nang pero pero. Let's have a date today. My treat!!"

My treat.... My treat....

Aish. Kalimutan mo na sabi iyon Mira eh!!

"Yeah ofcourse. Thanks!'' Ngiti ko na lang kay Zeid.

"Anyway san kayo mag--" -Jar.

"Bingi ba kayo? Kayo na lang ang hindi nag-liligpit. Plano nyo bang magpa-iwan?" Yung boses na yun.

Tama. Ang may-ari ng boses na yun ang nagligtas sakin sa takot at sakit na nararamdaman ko noong nakita ko sya sa party nun.

Naalala ko na naman ang mga alaala noon na binibigyan ako ngayon ng takot. Pero di ko akalain na marinig ko lang ang boses nya, mawawala yun. Katulad noon. Nung sa party....

Lahat kami tumingin sa kanya. Nakita ko na naman ang masungit face nya.

"Ay! Oo nga. Ligpitan time na!!" Naghadali naman bigla sina Zeid at Jaraica sa pagliligpit.

Tumayo ako at staka hinarap ang lalake na kung makapang-utos samin parang mafia boss.

"Magliligpit na. Kumalma ka lang dyan BOSS." In-emphasize ko pa yung word na 'boss'. Sinamaan lang nya ako ng tingin. Pikon talaga kahit kailan. Haha!

"Tsk. Sa future pa ako magiging boss ng isang kumpanya--"

"Oh talaga? So ikaw tagapag-mana ng kumpanya nyo? Congrats! We're on the same boat." Ewan ko ba. Trip ko syang inisin ngayon.

"Mira mamaya ka na makipag-kwentuhan dyan. Tumulong ka sa pagliligpit." Sigaw ni Kea pero di ko sya nilingon. Naka-tingin pa rin ako kay Rhobert na pinantayan lang ang tingin ko.

Nginitian ko sya ng makahulugan saka tumalikod para tumulong kina Jar. Sana nagets nya yung ngiti ko. Pag hindi nya nagets, napaka slow nya.

Niligpit na namin yung gamit staka sinuot mga dalang bag namin at ready to go na.

Pagkatayo ko habang suot yung bag ko ay saktong pagkakita ko kay Jhaycee. Nanlaki mata ko nung maalala ko sya.

Kaynes. Nandito nga pala sa camping bestfriend ko pero sa naka-focus ako sa ibang bagay. Di ko man lang sya nilapitan o kinausap. Di rin naman sya lumapit sakin. Baka nag-tatampo sya kaya di lumapit? Hays.

Namiss ko tuloy bigla sya. I miss you Pachot.

"Oo nga pala si Jhaycee kanina inaaya ko dito kaso ayaw nya. Baka lang daw masira moment nyo ni Zeid pag pinuntahan ka namin. Pero di naman nasira moment nyo nung pinuntahan ka namin ni Kea?" Baka samira moment namin?

Ah! Kaya sya di lumalapit sakin dahil lagi kong kausap at kasama si Zeid. At baka nagse-selos sya samin! Tama!!!

Pero kasalanan ko rin naman. Alam kong may gusto sya kay Zeid pero eto ako, hinahayaan lang lumapit at maging sweet sakin si Zeid.

Pero-- yung date!! Paano na? Naka-oo na ako kay Zeid. Pero pag umurong naman ako sa date namin baka matuwa si Jhaycee kasi walang date na namagitan samin.

"Hayaan nyo muna sya. Sang-ngayon umakyat na tayo. Nahuhuli na tayo oh." At umakyat na nga kaming lahat ng bundok.

Lahat kami Nagkwe-kwentuhan at tawanan lang dahil sa mga corny jokes ni Jar at fiction story na nabasa ni Kea. Masaya talaga sila kasama. Pero mas masaya talaga kung kasama sa grupo namin si Jhaycee. Hays.

Bakit kasi sumama pa ako kay Zeid? Malamang sa malamang nagseselos sya.

"Hiking! Hiking! Bear, bear, bear! Hiking! Hiking!'' Oke. Ang corny po ng kanta ni Kea.

"Tumigil ka nga sa pagkanta. Mamaya biglang umulan edi delikado tayo dito." Paalala ni Jar. Mukang magiinisan pa yung dalawa.

"Di uulan noh! Ang ganda nga ng boses ko eh." At nag-hairflip pa si Kea.

Taray. Pa-hairflip pang nalalaman.

"Miss Jaraica and miss Keana! Focus on what I am discussing. Paguwi natin may homework akong ibibigay sa inyo. Wag puro kwentuhan!" Nagulat naman kaming apat nang sumigaw adviser namin.

Geez. Bakit kasi di na lang si ma'am Fatz adviser namin?

"Sorry po!" Sabi naman nila. Hay salamat at tatahimik na rin sila.

Habang nagha-hike kami, nagdidiscuss si adviser namin sa mga view na nakikita namin. Hula ko ang ipapagawa samin essay o reaction paper.

"Camping tas paguwi may assignment? Crazy." Naririnig ko nagbubulungan sina Jar at Kea.

Ang kukulit. Lagot sila pag nagkataon.

Naglakad pa kami ng di ko alam kung ilang oras at sa wakas nakarating na kami sa tuktok!

"Finally!" Sigaw ko sa sarili ko. Kitang kita ko ang ulap na parang maaabot ko na.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Rhobert kanina nung kakadating palang namin dito.

Totoo nga yung sinabi nya. Halos abot ko na ang ulap. Ang ganda tignan.

"Everyone! Ihanda nyo na yung tent nyo dahil malapit na rin mag-gabi. Apat tao kada isang tent. Bawal magkasama ang babae at lalake. Dapat babae at babae at lalake at lalake. Understand? Okay game!"

"Miraaa! Sama sama tayo ha?" Excited na sabi nila Keana at Jaraica.

"Syempre naman!" Ngiti ko sa kanila. Pati ako naeexcite sa mangyayare mamaya at bukas syempre.

"Tatlo na tayo. Sino pa pwede isama?" Tanong naman ni Keana.

May gusto ako isuggest since kailangan ko bumawi sa kanya ngayon.

"Si ano na lang. Si--"

"Ako." Napatingin naman kami dun sa nagsalita sa likod.

Si Jhaycee.

Sakto! Sya yung isa-suggest ko.

"Jhayceeeee!!" Niyakap sya ni Jar.

"Omg Jhay! Samin ka makiki-share ng tent!!?" Excited na tanong ni Kea.

"Oo. Kung ayos lang kay Mira. Pwede ba?" Tumingin naman sya sakin.

Susko. Okay na okay lang na maki-share sya samin. Pero kilala ko sya sa mga ganyang pananalita nya eh. Halatang naiinis sya sakin or nagtatampo.

"Aba! Ayos na ayos sakin!" Saka sya ningitian ng matamis.

Sana magkabati na kami huhu.

"Thanks."

"Oy ano pa hinihintay nyo? Tara na! Ayusin na natin!" Sigaw ni Kea at inayos na nga namin yung tent.

Medyo mahirap ayusin. Yung iba tapos na pero kami di pa tapos.

Napaupo naman sina Jaraica at Keana.

"Ayoko na! Wala nang pag-asa na maaayos natin yan." Hingal na hingal pa si Jar habang sinasabi yun.

"Meron. Tiwala lang. Bat sila naayos nila, diba? Konting tyaga lang." Sabi ko saka tinuloy pag-aayos ng tent na toh.

Sa totoo lang kanina pa ako nabibwisit sa tent na toh. Tama naman pagkaka-ayos namin pero mali pa rin at tumutumba.

Pigilan nyo ko bago ko toh ihagis sa ibaba ng bundok na toh. Letse.

"Hay!!" Napa-upo na rin si Jhaycee. Mukang suko na rin sya sa tent na toh.

"Ayoko na! Walang kwenta tent natin. Baba na lang tayo ng bundok na toh saka mag-check in sa malapit na hotel." Halata namang naiirita na si Jhaycee.

"Di pwede! Aabutan tayo ng dilim pag bumaba tayo, maliligaw tayo pag nagkataon. Saka di tayo papayagan ng adviser natin noh." Paliwanag naman ni Jar.

"Mamaya na kayo magpahinga oy! Kailangan natin toh ayusin kundi wala tayong tutulugan mamaya." Pangungumbinsi ko sa kanila.

Masyadong nakakasira ng araw ang tent na toh. Grr!

"Ayoko na talaga!'' Sabay sabay nilang sagot.

K fine. Sabi ko nga ako lang mag-aayos.

Patuloy ako sa pag-aayos hanggang sa may marinig akong pamilyar na boses at bumilis na naman tibok ng puso ko.

Hay kilala ko na tuloy kung sino nag-salita. Sya lang naman nakakapag-pabilis ng tibok ng puso ko.

"Mukang kailangan nyo ng tulong ah?" Halata naman siguro noh? Pero di ako hihingi ng tulong sayo. Never.

"Hindi. Kaya na nam--" Pinutol naman nila sasabihin ko myghad! Bakit sila papatulong sa lalakeng toh na may girlfriend na bubuyunggoy?

"OO! KAILANGAN TALAGA NAMIN!" Sabay sabay na sabi nila Jhaycee, Kea at Jar.

"Sige. Tulungan ko na ka--"

"Hindi! Kaya ko na tong mag-isa." Sabi ko saka tinuloy pag-aayos.

Pero shet naramdaman ko kamay nya sa kamay staka inalis pagkakahawak ko dun sa tent.

My goodness gracious.... aatakihin na ata ako ng sakit sa puso dito!!!

"Mali kasi ginagawa mo. Ganto dapat..." At pinanood ko na lang sya na saglit lang inayos yung peste naming tent.

"Ayan okay na!'' Sabi nya matapos ayusin yung tent namin.

"Wow!" -Kea.

"Galing mo naman Rhob! Salamat!" -Jar.

"Thank you sa tulong!" -Jhaycee.

"Wala yun. Haha sige lagay nyo na gamit nyo sa loob." Sagot ni Rhob sa kanila. Sinunod naman nila sinabi ni Rhobert tss.

"So, Ms. Aguinaldo? Wala ba akong matatanggap na thank you dyan?" Taas baba pa kilay nya. Mukang syang paniki leche.

"Asa!'' Sagot ko saka kinuha gamit ko at nilagay sa loob ng tent.

Nag-thank you naman na ako kanina sa pamamagitan ng pag-ngiti.

"Kelan mo sasabihin yung 'thank you' sakin? Parang ang dali lang naman sabihin nun." -Rhobert.

"Pag nasiraan na siguro ako ng bait staka ko lang masasabi yun.'' Sagot ko na lang ulit sa kanya. Kinuha ko first aid kit para magamutan sugat ko sa ilong. Kung bakit kasi natalisod pa ako kanina.

Kamalasan nga naman.

"Ayan natalisod ka nga pala kanina. Ayan namumula pa rin ilong mo." -Jhaycee.

"Na-excite lang ako kanina kaya sorna boss."

"Labas na kami ha? Tutulong kami sa pangunguha ng kahoy. Camp fire daw mamaya eh!'' Ani Jar.

"Pero diba boys naka-assign sa pangunguha nun?" -Jhaycee.

"Gusto rin namin maglibot kaya sasama na kami. Sige maya na lang!" Sabi naman ni Kea at lumabas na silang dalawa ng tent.

Okay naman. Kaming dalawa nalang ni Jhaycee naiwan dito sa loob.

Pero naisip ko na rin, pagkaka-taon ko na mag-sorry kay Jhaycee para mawala na pagtatampo nya sakin.

"Ahm Jhaycee...." -Ako.

"Oh? Bakit?" Tinignan ako ni Jhaycee.

Sana talaga mawala na inis nya sakin. Hays.

"Galit ka ba?"

"Nope."

Di sya galit? Weh?

"Sorry pa rin kung galit ka man sakin."

"Ayos lang. Nagselos lang talaga ako." Buti inamin na nya. Hay.

"Cute mo pala magselos? Haha!" Halata na talagang may gusto sya kay Zeid.

"Tse! Nagseselos lang ako ng slight." At inirapan pa ako ng luka.

"Nagseselos ka pa rin! Alam mo sayong sayo lang si Zeid. Wag ka mag-alala." At tinapik ko pa sya sa balikat.

"Di ko naman sya pagmamay-ari." Hay nako. Pakipot mode pa tong babaeng toh. Nagba-blush naman.

"Sus! Tiwala lang. Oke?"

"Oo na.'' At natawa na lang kami pareho.

Hay! Namiss ko talaga tong bestfriend ko.

"Hoy lumabas na kayo dyan! Kailangan nyo tumulong sa pagluluto." May nagsalita sa labas na kaklase namin. Si Rachelle.

Buhay pa pala sya? Charot.

"Lalabas na!" -Jhaycee.

"Dapat di mo na sinagot yun. Kalahi kaya nun sila Jana." Sabi ko. Totoo naman kasi.

"Hard neto. Labas na nga lang tayo at tumulong na sa pagluluto." Palibhasa marunong mag-luto tong babaeng toh kaya okay lang tumulong. Eh ako? Di ako masyadong magaling.

Naalala ko tuloy yung luto ko nun para kay Rhobert nung may sakit sya, kahit parang sunog na yung luto ko naappreciate pa rin nya.

Teka nga-- bakit inaalala ko pa yun!!?

Lumabas na kami ng tent at may malaking table dun kung san ginagawa yung pagluluto. May naghihiwa, may naglilinis ng gulay. Lahat sila busy. Wala din akong makitang boys. Mukang nanguha na nga sila ng mga kahoy.

"Hoy! Tumulong na kayo dito!" -Mebelyn.

Lumapit na kami nang may binigay sakin si Bernadette sakin na knife and chopping board. So maghihiwa ako? Mukang madali lang naman, sige.

"Maghiwa ka nang gulay. Yung mga hinuhugasan na gulay ni Rachelle, yun yung hihiwain mo." Sabi sakin ni Mebelyn.

"At ikaw naman Jhaycee tulungan mo ako dito sa pag-iihaw." -Mebelyn.

"Okay!" Masiglang sabi ni Jhaycee. Bakit mas mukang madali yung gagawin nya?

Hay. Papanoorin ko na lang tong taong katapat ko na naghihiwa ng pork.

"Di ka ba marunong maghiwa man lang ng gulay at kailangan panoorin mo pa ako?'' She smirk at me. What the heck? Si Jan Aubrey pala tong naghihiwa ng baboy.

Kaya pala parang nararamdaman ko yung bubuyunggoy air!

"Di ah. Marunong ako. Tinitignan ko lang kung gaano ka kagaling maghiwa ng pork." Pagtanggi ko.

Ayoko kaya mapahiya sa babaeng toh. Never. Duh?

"Ang pinaka special ability ng isang babae ay ang pagluluto tapos ikaw hindi marunong? Hay nako." At tumawa pa ng nakakainis. Pigilan nyo ko, itutusok ko sa mata ng babaeng toh yung hawak kong kutsilyo.

Joke. Mabait pa naman ako. Hahampasin ko na lang sya ng chopping board.

"Marunong ako mag-luto noh! Tinuruan ako nung yaya ko." Kahit ang totoo di naman talaga ako tinuruan magluto ni ate Alice. Gusto nya sya magluluto for me.

Mula breakfast hanggang dinner, pinagluluto nya ako. Pero ang turing ko talaga sa kanya ay parang kapatid na babae. Hindi katulong ang turing ko sa kanya.

"Edi start mo na mag-hiwa!" Sabi nya saka pinag-patuloy paghihiwa ng baboy. Kawawang baboy. Isang bubuyunggoy ang naghihiwa sa kanya.

Kinuha ko yung sibuyas saka binalatan at hiniwaan. Medyo mahiral hiwaan dahil maliit ito at dapat daw pino ang pagkahiwa.

Hiwa...hiwa...hiwa...hiwa-- ARAY!!!

"Ouch!" Sambit ko at tinignan ang daliring nahiwa. May dugo! What the eff!!!

"Paghihiwa lang di ka pa sanay?" Napatingin naman ako dito sa babaeng katapat ko na naghihiwa din at halatang nagpipigil ng tawa.

"Mira? Hala! May dugo sa daliri mo!!" Nagpapanic na sabi ni Mebelyn.

"Okay lang ako. Maliit na sugat la--"

Di ko natuloy sasabihin ko na may humatak sakin at dinala ako dun sa may water faucet. Binuksan nya yun saka tinapat yung daliri kong may sugat.

"Maghihiwa ka na lang, pati sarili mo hihiwain mo." Sabi nya sakin. Ang boses na naman nya. Tinulungan na naman ba nya ako?

"S-sorry--"

"Sa susunod wag mo na tangkain mag-hiwa ng gulay o baboy o kung ano pa man. Mag-ingat ka na sa susunod." Di na ako naka-sagot.

Feeling ko sinesermunan ako ng tatay ko. Eh si Rhobert lang naman toh.

Hinarap nya ako at bakas ang pag-aalala sa muka nya. "Ayos lang naman kahit di ka mag-thank you sakin. Ingatan mo lang sarili mo, please?" Nagulat ako kasi nakikiusap sya sakin.

Totoo bang sinabi nya na 'please'? My goodness gracious!

"O-oo. Iingatan ko sarili ko." Staka ko sya nginitian with assurance.

"Tara." Tapos na pala nya hugasan yung daliri ko. Tumayo kami pareho at hinila pa rin nya ako hanggang sa tent nila-- wait, SA TENT NILA!!!?

Ano ba gagawin nya sakin? Ohmy! Wag naman sana. Maaga pa oh. Mamayang gabi na lang-- joke lang. Nababahiran na talaga ng kaberdehan utak ko.

"Stay here. Kukunin ko lang yung first aid kit sa loob." Ah buti naman dito lang ako sa labas maghihintay.

"Pero may first aid kit naman ak--"

"I said STAY. HERE." Oke naman. Inemphasize pa nya yung 'stay here'. Masusunod boss.

Lumabas na agad sya ng tent nila at may hawak na syang maliit na box. Mukang yun na yung first aid kit nya.

Hinila na naman nya ako dun sa malaking puno ng kahoy na pwedeng gawing upuan. Umupo kami dun at dun nya ginamot yung sugat ko.

Tahimik lang kami pareho. Tahimik nya akong ginagamot at tahimik ko syang pinapanood.

Sa totoo lang napapaisip ako kung bakit nya ko tinutulungan. Alam natin readers na wala na kami. No more fake relationship. Pero eto sya tinutulungan ako. So trip nyang mahulog na naman ako sa kanya? Hay nako. Pigilan mo sarili mo Mira.

Bakit ba parang wala man lang awkward line na namamagitan samin? Parang normal lang lahat jusko.

Pero may isa pa akong naisip eh. Bakit sa dami na nyang natulong sakin ngayong araw eh di ko pa rin masabi yung 'thank you'? Dahil ba sa pride? Ang babaw ko naman kung ganun nga. Hays.

"Ayan okay na." Sambit nya kaya napatingin ako sa daliri kong may bandaid na may design pang Super Mario.

Hanggang bandaid ay Super Mario pa rin!!?

"Wala ka talagang hilig sa Super Mario noh?"

"Medyo lang." Sagot nya saka napatawa. Natawa na rin ako. Wala nga talaga syang gusto sa Super Mario. Okay fine.

Mabilis na nag-gabi at kumain kaming lahat ng dinner habang may camp fire sa gitna. Ramdam ko tuloy yung init kahit malamig sa bundok na toh.

"Oras na para matulog. Bumalik na kayo sa tent nyo at magpahinga. Madami pang activity na gagawin bukas. Goodnight!''

"Goodnight leader." Sagot naming lahat.

Napahikab naman si Kea dito sa tabi ko. Naglalakad na kami nila Jar, Jhaycee at Kea pabalik sa tent namin.

"Nakaka-pagod ang araw na toh." -Kea.

"Sobra. Kaya mukang magiging masarap tulog ko ngayong gabi!!'' -Jhaycee.

"May instant aircon pa tayo dahil sa lamig ng lugar na toh." Humagikgik pa si Jar.

Nahikab na rin ako sa sobrang antok at pagod ng may naramdaman akong nagflow. Napahinto ako at nanlalaki mga mata ko.

May nagflow sa may lower region ko.... wag nyo sabihing naihi ako? Pero imposible naman ata yun. Kakaihi ko lang kanina sa malapit na banyo. Infairness nga eh, kahit bundok toh may public restroom pa rin. Sosyalin!!

Pero may pinoproblema talaga ako eh. Kung di yun ihi, di kaya.... di kaya.....

"Mira? Ayos ka lang?" Tanong ni Jhaycee. Naka-tingin silang tatlo sakin.

Shet. Nararamdaman ko nang sumasakit puson ko.

Kingna naman. Bakit ngayon mo pa ako dinalaw? Kung kelan camping namin staka wala ako sa bahay?

"W-wala. Ayos lang ako ha-ha-ha." Ayaw na meh! Masakit na puson ko huhuhu.

"Ah okay." At bumalik na sila sa paglalakad. Sumabay ako. Pumasok na kami sa tent. Sila nireready na yung pantulog nila pero ako eto, naghahalungkat kung may dala ako para malagyan ko at di ako magka-tagos.

Pero shit lang. Wala akong dala huhuhu!

Teka baka may dala etong mga kasama ko? Tama. Manghihingi na lang ako-- teka? May narinig akong humihilik. Paglingon ko sa kanila ay mga bagsak nila.

Aym rily fayn. Srsly?

Lumabas ako ng tent dala ko ang isang... isang underwear at jogging pants. Aym rily fayn. WTF?

Dumiretso ako sa public restroom kahit nakakatakot dahil tahimik at madilim. Tulog na sila habang ako, eto namomroblema.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang salamin at tatlong cubicle. Tapos may narinig pa akong nag-flush.

M-may tao? O-omg! Asdfghjklpoiuyt!

At lumabas na ng cubicle ang isang lalake na deserve masabihan ng thank you.

"Ano ginagawa mo dito? Tulog na silang lahat oh." -Rhobert.

After nyang magtanong naiyak na ako. Di ko alam kung ano nakakaiyak sa sinabi nya pero naiyak na talaga ako.

"Oy! Bakit ka umiiyak!!?"

"K-kasi ang laki ng problema ko ngayon!!" At umiiyak pa rin ako.

"Ano bang problema mo?" Di ko sya sinagot at umiyak pa rin ako.

"Hoy ano nga?"

"A-ang sakit ng puson ko. Wala pa akong dalang napkin. Ang laki ng problema ko!!!!'' Umiiyak pa rin ako srsly?

"Napkin? Yung gamit sa babae?" Tanong nya.

"Oo! Napkin! Kailangan ko ng napkin!!!" At lumakas na pagiyak ko.

"S-saglit lang! Ikukuha kita!" At lumabas na sya ng banyo.

Kukuha nya ako? Talaga? Sana lang ikuha nya talaga ako. Subukan nya akong paasahin iuuntog ko sya sa pinto ng banyo na toh.

Ewan ko pero parang ilang segundo lang lumipas at nandito na sya at binigyan ako ng napkin. Napahinto ako sa pag-iyak saka napatingin sa muka nyang namumula.

Ang cuuuuuute <3

Pero bago yun, kinuha ko muna yung napkin saka pumasok sa isang cubicle at nagpalit na ng damit.

Habang nasa loob ay narealize ko na medyo nakakahiya yung ginawa kong paghingi ng tulong sa kanya. Ayos lang kung sa babae kaso sa lalake ako nanghingi ng tulong? Myghad!

Pero ang masasabi ko na lang talaga ay kailangan ko na sya sabihan ng thank you bago matapos ng tuluyan ang araw na toh.

Lumabas na ako at nakita ko pa rin sya na mukang hinintay talaga ako at namumula pa rin muka nya.

Napatingin sya sakin at agad lumapit. "Ayos ka na ba?" Halatang nag-aalala sya.

"Oo. Medyo masakit puson ko pero normal lang yun kaya tiis ganda na lang."

"Hay buti naman at ayos ka na." Napa-buntong hininga pa sya.

"Ahm... Rhobert?" Eto na. Kailangan ko nang sabihin.

Tumingin sya sakin. "Bakit?"

"Ahm... gusto ko lang sabihin na... ano... na thank you! Thank you sa lahat ng tulong na binigay mo sakin ngayong araw." Saka ko sya nginitian ng matamis.

"Wala yun. Mahalaga ka sakin na tutulungan kita kahit ano pang problema yan."

---------------------

April Fools!!! Charot. April pa rin naman kaya oke lang yan. Sorry late update :) writers block ako ngayon :(

Chapter dedicated to @charlie_juliett  for creating new book cover for Class 7 - 2. And ito na ang pinaka-final book cover. Di ko na ulit papalitan :))

Votes and comments?

Thank you!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top