Chapter 29 - No More

.

Mira's (P.O.V)

Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang kisame ng kwarto ko.

Napa-upo naman ako ng marealize kung anong nangyare kanina.

"OMG!"

Napa-tingin naman ako sa bintana na madilim na. Ibig sabihin gabi na mula yung nangyareng sapakan sa pagitan ni kuya at Mr. New Guy.

Nag-alala talaga ako pareho sa kanila. May sugat kaya si Rhob? Aish! Sana naman wala.

Narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko at napa-tingin naman ako dun. Nakita ko si Zeid na may hawak na tray na may lamang pagkain.

Ano ginagawa nya dito?

"Dinner in bed." Naka-ngiting sabi ni Zeid. Nag-tataka pa rin talaga ako kung ano ginagawa nya dito.

Nilagay nya yung tray sa side table na katabi lang ng kama ko staka sya humarap sakin nang naka-ngiti pa rin.

"Kamusta na? Okay na ba pakiramdam mo?"

"Anong ginagawa mo dito?" Di ko pinansin mga tanong nya.

"Actually pupunta dapat ako kila Rhob then I saw you there at narinig yung sinabi mong di ka maka-hinga." Napalitan ng pag-aalala at galit ang mga mata nya.

Tumahimik ako. Di ako naka-sagot. Dahil di ko rin naman alam ang irereact ko.

Ngayon di lang si kuya nakaka-alam. Pati si Zeid at Jhaycee. Shit.

"At staka..... narinig ko din lahat." Napa-tingin naman ako sa mga mata nya. Mukang nagda-dalawang isip pa sya kung sasabihin sakin o hindi.

Sa totoo lang wala na kong plano kung malaman man ng lahat o hindi. Nothing will change. I'm still hurt and he has his own serious girlfriend.

"I'm sorry...." Parang gatilyo ng baril ang salita nya dahil bigla na lang bumuhos ang mga luha ko.

Ang sakit. Ang sakit pumasok sa isang pekeng relationship na ikaw lang rin ang mahuhulog.

Masakit na sa pekeng relasyon ay ikaw lang ang totoong pinakita ang pag-mamahal at malasakit. Na sya ay acting lang. Peke nga kasi. Fake.

I'm still crying silently nang may maramdaman akong mainit na bagay na yumakap sakin.

"Shh...sige iiyak mo lang yan. Ilabas mo lang yang sakit na nararamdaman mo. I'm sorry for being stupid to open such topic. I'm sorry for what  happened. I'm sorry." Sa pag-sabi na yun ni Zed ay humagulgol na ako. I'm sobbing for effin sake. I can't stand this thing.

Umiiyak lang ako habang nakayakap sya sakin. Ganto ba talaga pag nag-mahal? Nasasaktan?

2nd time ko nang ma-fall. And I just can't believe that I'm hurt again. As always.

Wala na ba akong karapatan makadama ng true love? Am I not worth it?

15 minutes kaming ganun ang pwesto. Yakap nya ako habang umiiyak ako. Narealize ko din na nakaka-hiya itong ginawa ko kaya bumitaw na ako at di maka-tingin sa kanya.

What the eff just happened? Ugh!

"Ahm... sorry. Nakakahiya yung ginawa ko." Di talaga ako maka-tingin sa kanya! Waaah!

Napa-tingin na lang ako sa kanya nung tumawa sya. Eh?

"Okay lang. Ano gumaan pakiramdam mo noh?'' Totoo sinabi nya. After kong umiyak habang yakap nya eh parang gumaan pakiramdam ko. Di na ako masyadong nabibigatan.

Tumango ako. "Yes. A little bit."

"That's good." He is smiling from ear to ear to me. At dahil dun nakikita ko ang kanya powerful dimple. Ang cute.

"Ah yeah. Thanks to you Zeid. Salamat din kasi nandito ka sa tabi ko ngayon. Naabala ka pa."

"It doesn't matter. Basta ikaw. Your important to me, Mira." Naka-tingin sya ng deretso sa mata ko and I don't know. Feeling ko namumula ako sa hiya. Bakit nya sinasabi sakin toh? Oh my ghad.

Tumawa ako kahit di naman nakaka-tawa. Ang awkward kasi eh. "Asus. Mga banat mo Zeid ah? Wag ako."

"Let me do this for you. Hayaan mo ko Mira. Ganto talaga ako sa taong mahalagang mahalaga para sakin."

Zeid I'm warning you. Stop making cheesy lines dahil di ko pa kayang kiligin sa nangyare sakin. I'm not yet ready.

"Ewan ko sayo. Kakain na lang ako." Sabi ko staka kinuha yung tray sa side table na katabi lang ng kama ko.

"Gutom ka na noh?"

Tumango ako staka sinubo yung kanin at chicken curry. I am really really really hungry! Nakapagod naman kasi talaga ang araw na toh.

"Gugutomin ka talaga. Konti lang daw kinain mo nung lunch at di ka pa nag-agahan." Tapos tumawa sya. Anubayan! Sino kaya nag-sabi sa kanya? Si Manang o si kuya?

Speaking of kuya....

"Zeid, si kuya Marky? Nasan?"

"Ahm nasa kwarto nya ata. After namin mag-usap eh pumanik sya. Kaya baka nasa kwarto nya nga."

Napatango-tango na lang ako. I wonder kung galit pa rin si kuya. Sana naman kalmado na sya ngayon.

"Aww!" Nagulat ako at napa-'aray' nung pitikin nya noo ko. Grabe sya!

"Tulala ka na naman. Tsk tsk. Mabuti pa kumain ka na."

"Oo na. Haha!"

Nag-kwentuhan lang kami habang kumakain ako. Minsan natatawa din ako sa mga corny nyang jokes.

Masarap kasama si Zeid. Handa ka nyang patawanin kapag malungkot ka. Kapag naman nag-iisa ka, lagi lang sya nasa tabi mo kahit di mo sinasabi. I can say that he's a good friend.

Bigla na lang sya tumayo kaya napa-tingin ako sa kanya ng nag-tataka.

"I gotta go. It's almost midnight. Matulog ka na. Pahinga mabuti ah?" He said smiling at me so I smile back.

"Sige. Ingat ka ha? Ay teka! Hatid na kita sa--"

"Wag na. Magpahinga ka na. Take care of yourself, Mira. Goodnight." Sabi nya ng naka-ngiti saka lumabas ng kwarto ko.

Naka-tingin lang ako pintuan ng kwarto ko kung saan lumabas si Zeid. Siguro mga ilang minuto rin ako ganun.

Ganun ba talaga si Zeid sa mga taong mahalaga sa kanya? Super caring at maaalahanin pa sya? What a great guy. Swerte na lang kung sino magiging girlfriend nya.

Hay! Maka-tulog na nga lang.

-

Kinabukasan nagising na lang ako na medyo nahihilo pa.

"Ugh! I hate headaches!!" Sigaw ko sa sarili ko saka tumakbo papuntang banyo para mag-shower at mag-tootthbrush. Di na ako nakapag-shower kagabi sa sobrang occupied na ang utak ko. Occupied ni Zeid at.... sya. Basta si ano!

Saglit lang ako naligo. Half bath, wala naman kasi akong plano umalis ng bahay ngayon. Tinatamad ako at staka baka makita ko sya.

Lumabas na ako ng banyo para mag-bihis nang mapagtanto kong 6:00 pa lang ng umaga. Aga ko palang nagising? Congrats to myself.

At dahil maaga pa, naisip kong mag-jogging sa labas. Hanggang sa may park lang. Siguro naman di ko sya makikita dito noh? Sa kabilang subdivision bahay nila eh.

Nag-suot lang ako ng gray jogging pants and a long sleeves shirt.

Nagsisintas ako ng running shoes ko ng may kumatok sa pinto.

"Mira? Gising ka na ba?" Boses yun ni ate Alice ah.

"Yep!" Sagot ko pabalik. Di ko mabuksan yung pinto dahil nag-sisintas pa ako.

"Okay. May naka-handa ng breakfast sa baba. Kain ka ha?"

''Okay." Maikli kong sagot saka kinuha yung gym bag ko na may lamang face towel at phone at wallet ko. Kukuha na din ako ng gatorade sa refrigerator namin.

Hadali akong bumababa at dumiretso sa dining room. Nakita ko dun na nag-aayos ng plato si Manang Remy.

"Good morning!" Bati ko.

"Good morning din hija. Kain na." Bati pabalik sakin ni Manang. Whoa! Daming pagkain ah?

"Maaga umalis si sir Mark kanina. Sinundo si madam sa airport." Napatingin naman ako kay ate Alice.

"Ngayon uwi ni lolita!!?'' Myghad!

"Yep. Kaya madaming pagkain ngayon." Sabi ni ate Alice at dahil dun di ko na napigilan kumuha ng madami.

Bacon, sausage, fried egg and fried rice plus wheat bread and fresh milk. Busog ako nito for sure!

Mabilis lang ako kumain at nag-jogging na ako. Ngayon uwi ni lolita at kailangan maabutan ko silang kumakain pa ng breakfast.

Naka-dalawang ikot lang ako mula sa bahay hanggang park. Nakaka-pagod din pala.

Bumalik na ako sa bahay at nakita ko na pinaparada yung kotse ni lolita sa loob. Andyan na sya! Omg!

"Lolita!!" Tuwang tuwa ako na nadito na si lolita. Nakaka-miss sya.

Tumingin naman sya sakin ng naka-ngiti. Nasa sala sila kasama si dad, nandun din yung secretary nya. At si kuya naman nakita ko ding hadaling bumaba. Galing ata sa kwarto nya.

"Hello Mira! Kamusta ka? Mahigit isang buwan din akong wala dito." Tapos tumawa sya.

Kamusta ako? Haha okay naman. Lalo na yung puso ko. Okay na okay lang.

Ngumiti na lang ako. "Lolita mabuti pa ibigay mo na lang pasalubong mo samin." Epal ni kuya. Alam nya rin kasi nangyayare sakin. Actually sya lang nakaka-alam bukod kela Jhaycee syempre.

"Muka kang pasalubong Marky! Nako ikaw! Ang daming babae dun na tinatanong ako kung nasan ka. Puro mga anak ng business partners ko. Ang dami mong nabiktima Marky Jhon! Nako talaga naman." Ayan. Nasermunan tuloy si kuya.

"La! Wag nyo na pansinin mga yun. Sadyang gwapo lang po talaga apo nyo kaya madaming nahuhumaling." Kumindat pa ang loko.

"Baliw!" Natatawa kong sabi kay kuya.

Mabilis lang lumipas ang Sunday namin. May uwi si lolita saking sapatos staka nga boyish clothes. Kaya dumami na naman pantalo ko. Pero most favorite ko talaga ay yung ripped jeans.

May natanggap din akong pabango ng 1D from Migs. Ohmy! Best gift ever!

Syempre madami ding chocolates. And lahat yun galing sa UK.

Monday na ngayon kaya nandito ako sa school.

Ewan ko ba. Kinakabahan ako habang papuntang room. Siguro dahil makikita ko na naman sya, sila.

Kamusta na kaya sya? Sana naman okay lang sya.

Hay nako Mira! Tigilan mo na nga pag-aalala mo sa kanya.

Pagkadating na dating ko sa room ay napa-tingin sila sakin. Naramdaman ata nila na may dumating na magandang nilalang.

Echos ko lang yun!

"Oh bakit ganyan itsura nyo?" Tanong ko na nasa pinto pa rin.

"Eh kasi.." -Mebelyn.

"Excuse me. Wag po harang sa daanan." Napahinto naman ako at feeling ko huminto ang orasan.

Nagsalita sa likod ko ang tinuturing kong mundo.

Dahan dahan akong napatingin sa kanya at dahil dun nakita ko syang may kasama. May kasama syang bad spirit! Isang bubuyunggoy!

Nakatingin din sila sakin at nakatingin din ako sa kanilang dalawa. Bumaba yung tingin ko sa kamay nila at nakita kong magka-holding hands sila.

Para akong tinutusok. Yung puso ko parang tinutusok ng isang dosenang karayom. Bakit ang sakit.... ang sakit sa mata. Ang sakit sa dibdib. Ang sakit ng buong pagkatao ko.

Ngumiti ako at parang nagulat pa si Rhobert. Si Jana naman ngumisi lang.

Wag kang ngumisi! Baka madurog ko yang labi mo!

Manahimik ka konsensya. Di lang labi nya dudurugin ko. Gagawin ko sya pirapiraso!

"Sorry kung nakaharang ako.'' Staka ko sila tinalikuran at umupo na sa upuan ko.

Di ko pa talaga kayang harapin sila.

Napatingin ako sa kanila. Umupo muna si Jana sa upuan staka binigay ni Rhobert yung bag ni Jana sa kanya. Dala dala nya kasi ito.

Tsk. Binoyfriend ba nya si Rhobert para gawing taga dala ng bag nya? Susko!

Pero syempre alam kong nagpapaka-gentleman lang si Rhobert sa SERIOUS GIRLFRIEND nya.

Ano ba Mira! Wag ka ngang bitter dyan! Wag mo na lang sila tignan. Ituon mo ang pake at atensyon sa ibang bagay!

Nung papunta na si Rhobert sa upuan nya which is katabi ko lang ay kumuha agad ako ng libro staka nag-basa.

Naramdaman ko naman na umupo sya tabi ko. At base on my peripheral vision ay nilabas nya notebook nya at nag-sulat.

What the heck, Mira? Magbasa ka na nga lang!

Pero di ko talaga kaya na di sya tignan. Anak ng tokwa! Uso mag-move on! Sinaktan na nya ako kaya dapat magalit ako sa kanya at kalimutan na sya.

Pasulyap sulyap pa ako sa kanya dahil baka mahuli nya ako pag tumitig sa kanya.

Pero busy lang sya sa pagsusulat ng kung ano.

Sa totoo lang napapa-isip talaga ako kung ano nagustuhan ko sa kanya. Well yes! Isa syang gwapong nilalang. Di ko ikakaila yun. Matalino din pero medyo tamad. Medyo gentleman din. Madali din syang pakisamahan. Pero mas madalas syang bipolar. At mahilig din sya pambatang laro na Super Mario!

Pero hindi eh! Sa totoo lang parang hindi naman katangian nya nagustuhan ko. Kundi sya mismo. Sya. Si Rhobert Castro mismo.

Kaso nakakairita lang na mafofall na lang ako, sa maling tao pa. Second time ko nang mahulog. Pero wala pa ring sumalo.

Kundi ka ba naman tanga, Mira? Alam natin na ang bawat pangarap ng isang lalake ay katulad ni Jana sa simula't sapul pa lang.

Sya ang bawat pantasya ng lalake. Sa ganda nya? Sa talino nya? Sa yaman nya?

Hays. Don't let yourself down Mira. Tama bang insultuhin sarili ko? Kaloka.

"Bakit ka naka-tingin sakin?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig at bumalik sa sarili ko. Naka-titig pala ako kay Rhobert habang iniisip yun! Waaah! Lagot!

"Ah no. Let me rephrase it. Bakit ka naka-titig sakin?" Seryoso nyang tanong. Ganto itsura nya nun after sabihin ni kuya sa kanya na nasaktan ako.

His emotionless eyes. Dahil dito nag-mumuka syang misteryoso. Well isa naman talaga syang misteryoso.

"A-ah.... ano k-kasi...."

"Good morning class!" Napatingin naman kami sa harap dahil nandun na teacher namin. Shet! Savior na kita ma'am!

"Good morning ma'am." Bati namin.

"Okay. You may now seat. I will proceed to our discussion last Thursday. Masyado tayo naging abala nung Friday kaya ngayon ay back to normal class na. Listen carefully to what I will discuss because you will have quiz after this." Sabi ni ma'am staka humarap sa blackboard at nagsulat ng kung ano ano.

Napabuntong hininga naman ako. Thank god dumating na si ma'am. Wala akong maisip na dahilan sa kanya eh.

Nakinig na lang ako ng maayos sa klase ni ma'am dahil may quiz kami after nito pero di pa rin ako makapag-focus. Si Rhobert kasi katabi ko. Oo sya talaga idadahilan ko. Ata naman sisihin ko sarili ko diba?

Pero seryoso. Di ako makapag-focus dahil sa kanya. Nararamdaman ko kasi ang mga titig nya sakin. Kung pwede nga lang na makipagtitigan din ako sa kanya eh ginawa ko na. Kaso ayoko. Baka lalo akong humina at pipilitin syang bumalik sakin. Edi ako naman nagmukang kawawa? Hays.

Lumipas ang ilang oras at lunch break na. Di ako nakapag-focus sa ibang subjects dahil sa kanya. Kaya ayun. Mababa yung mga score sa quizzes. Nagulat pa nga yung ibang teachers dahil sa mga score ko. First time mangyare eh.

Nandito ako ngayon sa SC office at tinitignan itong letter at mga wafers na ibibigay sa mga estudyante. In-approve na kasi ni madame principal yung letter para dun sa Camping trip namin na dati pa dapat ginawa. 2 weeks from today ay pupunta na kaming bundok para dun mag-camping. Ipapakita dun ang kagandahan ng kalikasan kaya naisip na magpaganto. Suggestion ito ng isang teacher mula sa grade 8 dahil puro matataas na building at subdivisions na lang ang nakikita ng ibang kabataan ngayon.

So ayun inutusan ako gumawa ng letter at gawin yung naisip nya na isa sa mga activity ng Student Council. Kainis nga eh. Dinamay pa kami? Wadapak.

I massage my temple because I feel like having a headache. Jusko!

Dami ko na ngang iniisip tapos dadagdag pa tong camping na toh. Hay nako!

Yes. Madami akong iniisip dahil may dumagdag pa sa utak ko na kung kakausapin ko ba sya ng personal. Yung kaming dalawa lang at walang eepal na bubuyunggoy. Kaso naiisip ko din na baka di pumayag si Rhobert na kausapin ko sya. Baka magalit sya sakin.

Pero gusto ko talaga sya kausapin. Gusto ko linawin lahat ng meron samin. Kung meron pa ba o talagang pinutol na nya nung homecoming night. I need closure. Yung kaming dalawa lang sa isang tahimik na lugar. Yung walang gagambala.

Bukas ko na nga lang ipamimigay tong mga wavers. Kakain muna ako!

Niligpit ko muna yung mga nakakalat na gamit staka dumiretso sa cafeteria. Gutom na gutom na ako eh.

Mahaba pa yung pili kaya pumila na din ako. Gutom na ako masyado kaya pagtitiisan ko na lang pagpila. Habang nakapila ay napapatingin ako sa paligid. Sa mga estudyanteng kumakain sa upuan. Sa mga estudyanteng nagkwe-kwentuhan pero napako tingin ko sa entrance.

Tinignan ko lang sila habang naglalakad at mukang naghahanap ng mauupuan.

Si Rhobert at si Jana na nakakapit sa braso nya. Geez! Ang clingy naman nya. Well bagay naman sa kanya ang kumapit sa mga sanga. Kasi isa syang unggoy.

Mukang ang dami rin nyang kinukwento kay Rhobert. Di na talaga ako nag-tataka kasi isa syang bubuyog.

And tadah! Isa talaga syang bubuyunggoy. Confirm!

Nakatingin lang ako sa kanila pero ramdam ko na yung pag-kurot ng puso ko. Masyadong masakit to the point na parang di ka maka-hinga dahil sumisikip dibdib ko.

I really hate seeing a scene that my love one is with other girl. Masyadong masakit sa mata lalo na sa puso.

Umorder na lang ako at mabilis na kinain yun para makaalis sa cafeteria. Masyadong torture para sakin na nasa iisang lugar kami ng mahal ko pero may kasama syang iba. Di ko nga alam kung nakita nila na nandito ako ngayon o ano. Di ko na kasi sila tinignan at pinansin dahil masakit pa rin yung nararamdaman ko.

After kong kumain ay dumiretso na ako sa room since maguumpisa na din afternoon class.

Pagkabalik ko ay saktong pagkadating din nila Rhobert at Jana. Pero di ko muna pinansin. Kasi mamaya ko ibibigay ang pake at atensyon ko kay Rhobert pag nagkausap kami ng personalan. Yung kaming dalawa lang talaga sa isang tahimik na lugar na halatang walang aabala samin.

And I'm just really hoping na magkausap nga kami. I'm really.... really hoping na pumayag syang magusap kami ng masinsinan.

Lumipas ang ilang oras at uwian na kaya naisip ko nang tanungin si Rhobert para magkausap kami.

Habang inaayos ko gamit ko ay narinig ko boses ng bubuyunggoy sa tapat ko na kinakausap si Rhobert.

"Hey hon. May meeting sa SC office kaya kailangan umattend. Mauna ka na lang since pinapauwi ko ng maaga ng mama mo." Malambing at maamong sabi ni Jana. Parang isang anghel ang nagsasalita kung di mo sya titignan. Pero pag tinignan mo na sya ay yung anghel mapapalitan ng ibang klaseng nilalang na may sungay at buntot.

"Okay. Ingat ka ah?" Boses yun ni Rhobert. Yung normal nyang boses. Walang halong kalamigan o katamisan. Yung normal lang talaga.

"Yes sir!!" Hagikgik ni Jana. Napairap na lang ako sa pag-hagikgik nya. Arte talaga.

Saktong tapos ko na ayusin gamit ko kaya napaharap ako sa kanila at saktong hinalikan ni Jana si Rhobert sa cheeks.

Nakakagulat naman yun. Harapan talaga. Ano bastusan lang? Sa harap pa talaga ng fake ex-girlfriend nyang naghahabol pa rin sa kanya ngayon?

Hays. Nakaka-gaga. Di naman ako naghahabol. Gusto ko lang talaga linawin lahat.

Napatingin sila sakin at emotionless eyes lang binigay sakin ni Rhobert samantalang si Jana ang nag-smirk lang sakin.

Sige lang. Ngisi pa. Tignan natin kung makangisi ka pa bukas eh wala ka ng bibig for sure.

Tinaasan ko lang ng kilay ang bubuyunggoy na nilalang na toh pero umalis na sya sa harap ko at sa room ng may ngisi pa rin sa labi.

Pigilan nyo ko!! Mapuputol ko talaga bibig nun!!

Nabalik ako sa huwisyo ng makita ko si Rhobert na kakalabas lang ng classroom kaya hinabol ko agad sya dahil kailangan nga namin magusap.

Nasa hallway na sya ng wala masydong tao nung naabutan ko sya. Hingal na hingal pa ako pero wala na akong pake. We need to talk. NOW.

"RHOBERT!'' Sigaw ko at napahinto naman sya sa paglalakad pero kalaunan ay nagpatuloy na rin.

What the? Did he just snob my beauty? No!!

"Rhobert! Sandali!!" Sigaw ko ulit at hinawakan na sya sa braso nung naabutan ko sya ng mas malapit.

Humarap sya sakin with emotionless eyes again. I hate those emotionless. Gusto ko yung normal na black nyang pupil na halata mong masaya.

"What do you want?" Cold nyang sagot. Ang sakit para sakin na may kalamigan pa rin sa boses nya.

"We need to talk. Yung tayong dalawa lang, please." I need to beg para kausapin nya ko. Masyado ko na syang kilala.

Nanliit mga mata nya. ''Wala na tayong dapat pag-usapan." Aniya at tatalikod na ulit sana ng pigilan at pakiusapan ko muli sya.

"Please Rhobert. Kahit ilang minuto lang. Kailangan ko lang ng kaliwanagan. I need our closure without the presence of anyone." Sabi ko.

"I promise. This will be the last. Kailangan ko lang talaga ng closure sa breakup natin sa fake relationship natin.'' Sana naman pumayag sya.

"Fine. Tell me what do you want then let go." Tumango ako sa kanya.

"Rhobert....Mr. New Guy. Sa totoo lang nasaktan ako sa mga sinabi mo nung Friday night. Masyadong nakakagulat. Kasi nung umpisa lang ng party masaya ako, tayong lahat. Chilling and enjoying pero nung nagtext ka sakin na lumabas ay dun na nagbago yung atmosphere."

"You confess to the girl you really like in front of me. Hell. Masyadong masakit pinakita mo sakin. Harapan kung harapan talaga eh. Nakaka-bullshit lang. Ang sakit eh. Ang sakit sakit! Masyadong masakit pagkahulog ko kase kung kailan natanggap ko na sa sarili ko na mahal kita saka mo naman pinamuka na may girlfriend ka na at walang makakapag hiwalay sa inyo." Tumulo yung isang luha ko. But still, he's only watching me with eyes full of happiness. Not sadness.

"You said last friday that your ending our fake relationship. Rhobert... w-wala na bang pagasa? No more chance? Wala na ba talaga?" Nanghihina ako sa pwedeng isagot nya pero eto lang susi para makapag move on na ako ng tuluyan.

"I'm sorry to tell you but... no more chances about us. I like you as my friend, really, but feelings do faded away so it's probably no more." And there bumuhos lahat ng luha ko na kanina pa pinipigilan.

_
--------------------
_

Babati ako kahit late na haha. February pa rin naman eh huhu.

HAPPY VALENTINES STUDENTS!! As a late gift, here's new update for Class 7-2.

Your votes and comments? Please?

Thank you!!!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top