Chapter 23 - Practice

.

Mira's (P.O.V)
_

Sabado ngayon pero di ko pa rin magawang bumangon dahil sa nangyare kagabi.

Shit lang diba? First time ko mag-stalk ng isang tao at isang hayop! Huehue.

Yung tao? Si Mr. New Guy. Yung hayop? Si Jan Aubrey Bubuyunggoy. Yan na talaga bago nyang name. Walang kokontra!

Sabado nga ngayon pero may practice ng cotilion sa school. Malapit na nga kasi yung Homecoming. Remember?

Iniisip ko pa rin talaga yung nangyare kagabi. Jusku. Waaaah!!!

Flashback...

"Ako kasama nya. May date kami ngayon eh." Saka ako inakbayan. Napatingin ako sa kanya at talaga namang nawindang pagkatao ko pagkakita lang sa kanya.

Asdfghjkl ZEID CRISOSTOMO!!?

Gulat na gulat sila na napatingin samin. Si Jana the bubuyunggoy, si Mr. New Guy pati din si Jhaycee.

Oh shoot! Si Jhaycee kaka-amin lang sakin kanina na may gusto si Zeid tapos eto namang Zeid Crisostomo na toh biglang susulpot tapos sasabihin na sya ang kasama ko at may date din kami ngayon.

What the fvck?

What the hell?

Pangit si bubuyunggoy? Sobra.

"Una na kami sa inyo. Bukas na lang sa school!" Sabi ni Zeid ng naka-ngiti saka ako hinila.

Nagpatangay na lang ako dahil blanko pa rin utak ko sa nangyayare.

Bakit ba nya sinabi yun kina Mr. New Guy? May sira na ba sa ulo tong si Zeid?

Nasa parking lot na kami ng maalala ko si Jhaycee. Enebe! Dami ko ng kasalanan sa kanya!

"Zeid! Si Jhaycee nasa loob pa--"

"Hayaan mo na sya. Nandyan na sundo nya. Tinawagan ko kanina." Nainis naman ako sa sinabi nya.

Inalis ko pagkakahawak nya sa kamay ko. Nagulat naman sya sa ginawa ko. Bwisit sya. Magsama sila nung dalawang MU sa loob ng Mall!

"Hayaan? Are you crazy? She's my bestfriend at kasama ko kanina tapos ano? Iniwan ko sya dun kasama sina Jana dahil nahuli kaming nangiistalk sa kanila? Dafvck! Zeid! Para ko syang iniwan sa ere!" Inis na inis kong sermon sa kanya.

May utak ba si Zeid o ano? Kainis!

"Mira--"

"I'm done with this. Babalikan ko sya sa loob." Sabi ko at naglakad na pabalik sa Mall ng hilahin nya ako at nagulat na lang ako na naka-subsob na yung muka ko sa dibdib nya.

Ang higpit ng pagkaka-yakap nya. Pero buti naman nakakahinga pa ako dahil kung hindi baka sinampal ko na sa lalakeng toh yung kawali.

"B-bakit mo ako niyakap?" Nagtatakang tanong ko.

"Let mo do this in just 5 minutes. Please...." Sabi nya kaya hinayaan ko lang.

1 minute....

2 minutes....

3 minutes....

4 minutes....

5 minutes....

Bumitaw na sya saka ako tinignan sa mata. Naiilang ako sheyt.

"I'm sorry kung sinabi ko yun. Kanina ko pa din kayo sinusundan kaya nalaman ko na nagiistalk kayo sa kanila. And damn it! Alam kong nasasaktan ka sa nakikita mo kaya nung nahuli kayo kanina eh umeksena na ako. I'm sorry...." Halata yung sincerity nya sa mata nya kaya tinanggap ko na.

End of Flashback...

Naintindihan ko na kung bakit nya yun ginawa. Pero mas pinoproblema ko ngayon si Jhaycee!

Tinawagan ko sya kagabi at nag-sorry ako at ok lang daw kahit halata namang hindi.

Alam ko feeling ng maiwan sa ere kaya nagiguilty ako sa ginawa ko.

Tumayo na ako at nag-himalos muna. Mamaya na ako maliligo pagka-tapos kumain. Gutom na ako eh!

Pag-kababa ko bumungad agad sakin si ate Alice na nagliligpit ng mga plato. Mukang kakatapos lang kumain nila Lolita ah?

"Good morning ate! Nasan sila kuya?" Tanong ko sa kanya sabay upo sa upuan ko.

"Sina madam pumasok na office tapos yung kuya mo may date daw." Oh. May lakad pala ngayon si kuya at ma'am Fatz kaya ibig sabihin wala mamaya si ma'am? Aww.

Pero mas nag-taka ako kung bakit naka-simangot si ate Alice eh palangiti yan.

Ah! Alam ko na. Dahil dun sa date nila kuya at ma'am Fatz. Nako! Selos mode pala ngayon si ate Alice.

Hays kawawa naman. Ang hirap talaga ng ganun noh? Yung gusto mo may ibang gusto. Sadlayf.

Kung tutuusin parang di katulong si ate Alice sa ganda nya. Malamang maganda sya, ikaw ba naman may magulang na British at pure Filipina?

Gandang lahi lang diba?

Kainggit nga eh. Gusto ko din na maging half foreigner tapos half Filipino. Masaya kaya yun!

Pero wala eh, pure Filipina ako na ubod ng ganda! Charot!

"Ate? Selos ka noh?" Tanong ko kay ate Alice na kasalukuyan akong pinagha-handa ng agahan ko.

Nagulat naman ata sya sa tanong ko? Curious lang naman ako dahil dati tinanggi nya na may gusto sya kay kuya kahit halata namang may gusto sya dun.

She sigh and nodded her head. Nanlaki naman mata ko nung tumango sya.

Woah! Ibig sabihin may gusto nga sya kay Kuya? Oh my effin ghad!

May gusto sya kay kuya pero super much aware naman sya na may nililigawan si kuya. Dahil lagi man silang magka-galit, close sila.

Normal lang naman na sakin may magka-gusto sa kuya ko. Eh minsan nga mga kaklase ko sinasabi sakin na crush nila si kuya, ganito, ganire.

Ikaw kaya di magka-crush sa isa sa mga heartthrob ng Willstone? Kung maganda ako, malamang sa malamang may gwapo akong kapatid.

Matalino din naman yun kaso tamad. Pasaway din yun ng Willstone. Senior high na sya kaya last year na nya dito. Awtsu.

Pero di ko alam, nagising na lang ako na may nililigawan sya and this time seryoso sya dun sa babaeng yun.

Ang talagang kinagulat ko lang nun na yung nililigawan pala nya ay ang pinaka-batang teacher ng Willstone.

Si ma'am Fatima Santos, maagang grumaduate dahil sa sobrang talino. Maganda din yan tapos ang bait pa!

Haist. Oh diba? Sa description ko pa lang sa dalawa parang ang pwede sila maging perfect couple.

Aish bakit ko ba sila pinoproblema? May sarili akong problem dito sa story duh. Si Author na bahala magbigay ng story nila. Diba Ms. Gray?

(Oish! Ingay nire. Pa-spoiled ka rin noh?)

Just asking Ms. Gray. Para matuwa mga readers!

(Hep hep! Pag-iisipan ko.)

Kdot Ms. Gray.

Kumain na ako at ininterview naman ako bigla ni ate Alice kung sino naghatid sakin kagabi. Namula naman ako tuwing naalala ko yun.

Minadali ko na lang kumain staka pumanik sa taas para maligo't mag-ayos. May practice pa ngayon sa school.

Chineck ko phone ko at may mga nagtatanong kung nasan na daw ako. Tinext ko na lang na mag-umpisa na kahit wala ako. Male-late lang ako ng konti.

Naligo na ako tsaka bnilower yung buhok ko para matuyo agad. Nagsuot lang ng white tocong shorts, pink v-neck shirt and a vans shoes.

Dala ko lang rin yung shoulder bag ko na ang laman ay payong, wallet and phone.

Palabas na sana ako ng may kumatok. I'm sure na si ate Alice yan.

"Mira, may bisita ka. Dalian mo dyan!" Bisita? At this hour?

Agad akong napaisip at naisip ko sya. Sya kaya bisita namin? OMG!

Dali dali akong lumabas at tinignan kung sya nga ang bisita ko pero hindi.

"Hi Mira." He smiled at nakita ko na naman ang powerful dimple nya. Lol.

Isang Zeid Crisostomo ang nasa harap ko. Hindi si....

Hindi si Rhobert Castro....

Oo nga naman, ano gagawin nya dito diba? Staka di nga nya alam kung san bahay ko eh.

Asa ka pa Mira, masasaktan ka lang. Hays.

Ningitian ko ng pilit si Zeid. Ang gwapo pa naman nya ngayon para di ngitian diba?

"Oh Zeid? Bakit nandito ka? Di ka ba aattend ng practice?" Takang tanong ko kasi totoo naman. Di ba sya aattend?

Kung di sya aattend edi walang partner si Jhaycee? Naman! Partner sila! Naniniwala na ako sa forever~ Joke!

Natawa naman sya. Ang cute nya tumawa! Haha! "Aattend ako. Sinundo lang kita." Nanlaki mata ko sa sinabi nya.

"Ha?" Mas lalo naman syang natawa.

"Pft. Sinusundo kako kita. Tara na? Baka nag-hihintay na sila dun." Nakangiti nang sabi ni Zeid.

Jusku Lord, help me. Di ko kaya kasweetan ng isang Zeid Crisostomo.

"A-ahh.. sige?" Tanong na sagot ko. Kumalma ka nga Mira! Sa bestfriend mo na tong lalakeng toh.

"Haha! You're so cute. Tara na." Sabi nya at mas lalo akong nawindang.

Hinawakan kasi nya kamay ko staka hinila palabas.

Pero nung hawak nya kamay ko, walang kuryente feeling. Walang mabilis na heartbeat feeling.

Pero dati si Rhobert makita ko lang ang bilis na ng heartbeat ko. Why o why?

Kasi mahal mo sya....

Che! Mahal? Ano yun? Nakakain ba yun?

Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Zeid at nag-umpisa na rin syang mag-drive. Di pa ako nakapag-paalam kay ate Alice na papasok ako. Ano ba yan! Ite-text ko na nga lang.

At mas masaklap pa, sabi ko kanina papadaan ako sa Starbucks sa driver namin kaso may sumundong iba sakin. Enebe. Nakaka-hiya naman kung magpa-daan pa ako sa Starbucks diba? Hays.

"Kumain ka na ba?" Napatingin ako kay nung tanungin nya ako. Diretso lang syang naka-tingin sa kalsada pero naka-ngiti sya.

Nakikita ko na naman tuloy yung powerful dimple nya.

"Ahm oo. Nakalimutan ko na nga uminom ng kape eh. Haha." I said laughingly. Totoo naman kase na nalimutan ko magtimpla ng paborito kong cappuccino.

"Cappuccino? Ikaw? Nakalimutan mo uminom? Haha are you joking me?" Natatawa ring tanong ni Zeid. Alam kasi nya na paborito ko ang cappuccino at every morning ay gumagawa ako ng sarili kong cappuccino.

Oh diba? Dami nyang alam tungkol sakin.

"Hmm. Totoo nga na nalimutan ko uminom. Ewan ko ba. Wala siguro ako sa sarili ko kanina." Sabi ko.

"Ganun? Oh tara. Daan tayong Starbucks." Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Seriously? Just for my cappuccino?

He's really a nice and sweet guy. No wonder kung bakit nagka-gusto sa kanya si Pachot ko.

Dumaan nga kami sa Starbucks na malapit sa school namin. Bumili lang ako ng Cappuccino coffee saka slice ng black forest cake habang si Zeid naman bumili ng Vanilla Frappuccino at sansrival.

Kumain muna kami since hindi pa pala kumakain ng breakfast si Zeid. Kita mo tong lalake na toh, mas inuna pa akong sunduin kesa kumain ng agahan naku.

Nagkwe-kwentuhan lang kami ng mag-ring phone ko. Someone's calling. I excuse myself to him kase nakaka-hiya naman diba kung bigla ko na lang sagutin yung tawag na nag-interrupt sa pag-uusap namin.

Lumakas kabog ng dibdib ko nang makita ko kung sino yung caller.

Mr. New Guy is calling...

Answer.... Reject...

Pumunta muna akong restroom saka sinagot yung tawag. Shet. Tinatawagan ako ni Mr. New Guy!

After I slide the Answer button, "H-hello?" Kalma Mira! Huu!

[Asan ka na? Nakaka-dalawa na kaming pasada sa pagpa-practice pero wala ka pa rin. Tsk.] Halata namang iritado sya noh? Tss.

"Pupunta na." Inis kong sagot saka in-end call.

Nakakainis! Kala ko pa naman matutuwa ako sa pag call nya-- natuwa nga ako dahil first time yun pero kapal ng muka mainip! Ako pa rin ang presidente ng School noh!

Bumalik na ako sa pwesto namin at nakita kong naka-ngiti na naman sya. Di naman sya pala-ngiti hano?

I still manage to smile at him kahit nabwisit ako ng isang MU. Isang malanding unggoy!

"Tara na? May naiinip na dun sa school satin eh." Naka-ngiti kong pag-aya sa kanya. Di pa ubos yung binili ko pero ok lang. Wala na akong gana eh.

"Sige." Sabi nya ng naka-ngiti saka tumayo at nag-umpisa nang mag-lakad palabas. Sinundan ko lang sya.

Sumakay na kami sa kotse nya at nag-umpisa syang mag-drive. The good thing is malapit lang ang Starbucks sa school kaya nandito na agad kami.

Pinark na nya yung kotse sa parking lot. Bubuksan ko na sana yung pinto ng pigilan nya ako.

"Wait!" Sabi nya sabay labas ng kotse saka umikot sa pwesto ko para pag-buksan ako. Gentleman huh?

"Thanks." Naka-ngiti kong sabi. Ningitian lang din nya ako. Normal na talaga sa kanya ang laging ngumingiti noh?

Sabay na kaming naglakad papuntang auditorium-- kung saan gaganapin yung practice.

Nagkwe-kwentuhan kami and sometimes he's trying to knock some joke kahit corny. Kahit corny, atleast napatawa ako. Di katulad ng isang unggoy na walang ibang alam gawin kundi mambwisit.

We enter the auditorium at ang daming sumalubong sakin lalo na ang mga kaklase ko, ang Class 7-2.

"Nandito ka na rin Ms. President!" -Jaraica.

"Tagal natin ah?" -Rigor.

"Ang tagal mo! Psh." -Bernadette.

"Yow president." -Brine.

"Ms. President! Kumain ka na ba? Eto sandwich oh." -Angeloy.

"ANG TAGAL MO PRESIDENT! NAMISS KITA ALA-- ARAY NAMAN JAR!" -Keana.

"Ingay mo Kea! Mabibingi pa sayo si Mira eh." -Jaraica.

"Manahimik na lang kayo pareho?" -Brine.

"K." -Keana/Jaraica.

Napa-iling na lang ako sa kakulitan ng mga kaklase ko. Ang mga kaibigan talaga mahilig mag-barahan sa isa't isa kahit joke lang yun.

They are my true friends. Pwera na lang sa isang bubuyunggoy at dalawa nyang mukang pwet na alipores. Pwe.

"Umpisa na ng practice." Napatigil naman ata mundo ko nang marinig ko boses nya. Teka ang OA! Napatigil talaga ang mundo?

Ang lalim ng boses nya. Sobrang maaaaaaaanly! Kaso may halong coldness.

Cold na naman sya? Aray naman.

Dahil sa utos na yun bumalik na sa kanya kanyang pwesto mga kaklase ko.

Nilapag ko lang bag ko nang may kumalabit sa likod ko. Tinignan ko at nakita ko si Zeid. Eh?

"Okay ka lang? Mukang hindi eh." He eyes are showing me that he's worried.

Ningitian ko sya. "Okay lang ako noh. Sus. Bakit naman ako di magiging ok?" I ask him jokingly. Umiling na lang sya at nauna ng pumwesto sa pwesto nya.

Tumabi na sya kay Jhaycee na kasalukuyang nakikipag-usap sa iba. Mag-partner nga pala sila noh? Pero ano mas masaklap?

Yung alam kong nakita nya ako kanina pero di nya ako pinansin. Galit nga sya.

Malamang magagalit yun, nangiwan ba naman ako sa ere eh.

Ayokong nakaka-galit bestfriend ko. Tapos di magpa-pansinan? Ang lungkot ko grabe pag ganun. Parang may kulang sa pakiramdam mo. Ganun.

At yun nga ang nararamdaman ko ngayon. Hays.

Pumwesto na din ako sa tabi ni Mr. New Guy. Sya kasi partner ko diba? Kung sino nga daw mag-partner sa Filipino, yun din mag-partner sa Cotilion. Corny nga eh.

Feeling ko ang swerte ko. Kasi ang daming gusto maging partner si Mr. New Guy. Actually ako din naman, ako pinipili nila maging partner pero sorry. Kami ang pinares ni ma'am Fatz.

Si ma'am Fatz kasi ang may hawak ng event na toh kaya sya din namili ng section na sasali sa cotilion.

At dahil ang section namin ang pinak-paborito at close nya, kami pinili nya!

Napatingin kami dun sa pumalakpak. Sya ata yung choreographer. "Game! Let's start." Sabi nya staka pinindot yung speaker.

Nag-play na yung parang pang Cinderella? Ganern.

At nag-umpisa na nga kami. Hawak nya isang kamay ko at yung isa nyang kamay nakalagay sa bewang ko habang yung isa kong kamay nasa balikat nya.

Nung mag-dikit balat namin, I don't know. Alam nyo yung kuryente feeling? Para akong nakuryente dahil nagka-dikit lang balat namin.

Nagka-tinginan kami sa mata. Eyes to eyes talaga! I swear! And shet. Bumilis tibok ng puso ko. Parang may hinahabol.

His black solemn eyes staring at my own eyes. I can see coldness in his eyes pero unti unti itong nawawala habang nagtitigan kami.

Habang nakatitig rin ako sa mata nya, feeling ko nasa ulap na ako. Cloud 9 lang ang peg diba? Pero wala akong pake. Yun ang nararamdaman ko eh.

Alam kong madami ring taong nakapaligid samin pero ewan ko ba. Feeling ko talaga kaming dalawa lang yung nagsa-sayaw sa cloud 9.

I'm just enjoying the moment hanggang matapos yung kanta. Tapos na yung kanta pero walang bumibitaw samin.

As in wala. Naka-dancing position pa rin kami pero di na nga lang nagswe-sway. At wala rin bumibitaw sa pagtitigan namin.

"Oh? Patibayan ba?" Napabitaw kami sa isa't isa dahil sa gulat. Sino ba tong epal na toh?

Napatingin kami sa kanya at natatawa lang sya. Si Jaraica pala toh. Kahit kailan talaga tong babaeng ito.

"Buti wala na kayong LQ?" Tanong nya habang naka-ngiti. Ang daming pala-ngiting tao dito noh?

Pero ano daw?

"Ha?"

"Ha? He Hi Ho Hu? Haha de joke lang Ms. President. LQ kako! Lovers Quarrel? Nung nakaraan kasi di kayo nagpapansinan pati nga kami di pinapansin ni Rhob. Akala nga nung iba nag-break na kayo eh. So ayos na kayo? Ha Rhob? Mira?" Excited na tanong ni Jaraica. So nahalata na rin ng iba?

Sasagot na sana ako ng marinig ko na naman ang cold nyang boses.

"Shut up. Ang daldal mo." Napatingin naman ako sa kanya, sa mata nya actually.

Bumalik na naman yung coldness. Hindi tulad kanina na parang sumasaya na sya.

Natahimik nga si Jar at napa-yuko na lang. Natakot siguro? Nakakatakot naman kasi talaga boses nya.

Umalis si Mr. New Guy saka lumapit sa isang bubuyunggoy na nilalang. Lagi naman eh. Masanay na tayo readers.

Magsama kayo mga unggoy.

Naupo ako dun kung saan nakalagay yung bag ko. Kukunin ko sana yung wallet dahil bibili pa ako sa labas ng tubig--

"Tubig oh." Napatingin ako kay Jhaycee. Napangiti naman ako ng malaki dahil mukang magkaka-ayos na kami.

"Wag kang mag-isip ng iba dyan. Inutusan lang ako bigyan ng tubig kayo. Ge." Saka sya umalis at lumapit kay Keana at inabutan din ng tubig.

Napailing na lang ako sa sinabi ni Jhaycee. Napaka-defensive talaga nun kahit kailan. Mamaya talaga makikipag-ayos na ako sa kanya.

"Ok guys! Yung mga kasali dun sa may special number na hiphop songs ang gagamitin. Pwesto na!" Sabi ni kuya bakla este kuya choreographer. Ang bakla kasi nya kumilos tapos may bangs pa. Boom panes!

Pumwesto na rin ako. Di nyo ba alam? Magaling ako sumayaw. Hobby ko yun bukod sa paggawa ng homemade cappuccino.

Nagulat ba kayo dahil hiphop songs? Eh cotilion mauuna kaya malamang naka-gown kami sa araw na yun? Actually eto yung sinasabi kong twist.

Sasayaw kami ng hiphop songs habang suot yun magaganda at mahabang gown. Magpapalit na lang kami ng sapatos pag pang hiphop na yung sasayawin.

Hindi alam nung iba yung hiphop chuchu na yun. Surprise na bale namin yun sa kanila.

Naka-pwesto na kami, by the way puro girls lang kami na sasayaw ng hiphop na toh.

Now playing: New Thang

Dito eh kami bahala sa sarili namin step. Hinati nga pala kami sa 2 groups. Leader ako ng first group habang si Jana the bubuyunggoy ang leader ng second group. So parang gagawin showdown sa sayawan.

Nice idea right?

We dance. Pinakita ko husay ko sa pagsasayaw at sa sayaw naman ni Jana?

Makagiling wagas eh. Akala mo nasa Bar. Psh.

Next namang tumugtug ay 'Dessert'. Medyo madali na toh. Madalas ko kasi sayawin toh.

Dito sa Dessert may gawa ng step yung choreographer. Buti naman. Nakaka-pagod kaya mag-isip ng step!

"Mag-12 na kaya lunch break muna! 1 hour lang ok? Yung mga may baon kumain na. Yung mga wala naman bumili na kayo." Sabi nung choreographer kaya nag-agree na din kaming lahat.

Wala akong lunch kaya bibili ako sa labas pero bago yun, hinila ko si Jhaycee para kumain sa labas ng di na sya makapalag.

"H-hoy! Ano ba! Maka-hila ka naman. Tsk." Sabi sakin ni Jhaycee. Natawa na lang ako sa reaction ng muka nya.

"Treat kita ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Treat mo? Wow. For the first time!"

"Tse! Manahimik ka na lang! Kailangan natin mag-usap."

"Paguusapan naman natin? Wala tayong dapat pag-usapan." Seryoso nyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

"Wether you like it or not, you'll come with me." She just frown at me at natawa na lang ako sa kanya.

_
Jhaycee's (P.O.V)
_

Kainis! Bakit ba ako nagpa-hatak dito kay Mira? Psh. Pero ok na yun. Malay mo magso-sorry na sya diba?

Magso-sorry dahil nang-iwan sya sa ere. /bow/

Hinila na lang ako ni Mira sa isang Italian Restaurant. Rich kid talaga eh, dapat sa McDo na lang edi nakita ko pa yung standee ni Alden Richards! OMG!

"Ano gusto mo?" Tanong nya. Sino pa nga ba?

"Kung ano na lang sayo." She just nod saka umorder dun sa waiter.

Seriously? Naiinis ako kahapon kasi iniwan ako sa ere ng sarili kong bestfriend. At ang mas nakakainis at mas masakit, yung naging savior pa nya kagabi ay si Zeid! Isang Zeid Crisostomo!!!

Saklap noh? Palakpakan natin sya. Di man lang ako sinabay kagabi. Bwiset. Feel na feel siguro dun sa kotse ni Zeid. Pwe!

Pero kung mag-sorry man si Mira, tatanggapin ko. Aba ayoko masira friendship namin sa ganung kababaw na dahilan.

"Ok. So let me explain what happened yesterday. I'm so--"

"I don't need your explanation, selfish girl." Seryoso akong nakatingin sa kanya habang sinasabi yun. Pinipigilan ko lang tumawa dahil sa naging reaction nya.

Echos lang naman yang 'I don't need your explanation' chuchu. Trip ko sya ngayon. Pambawi lang sa nangyare kagabi.

"Oh c'mon! Makinig ka naman Jhaycee." Inuutusan ba nya ako? Aba. No no no no waaaaaaaay!

"Say please first." Naka-ngisi kong sabi. Mataas pride ng babaeng toh. Ewan ko lang kung gawin nya.

Napakunot muka nya staka bumuntong hininga. Hoho! Mukang gagawin nga nya. Exciting toh guys!

"Please.... pakinggan mo explanation ko." Naka-tungong sabi nya. At dahil dun napatawa na ako ng tuluyan.

"HAHAHA OMG!" Buti na lang talaga kaunti mga tao dito pero nakatingin sila sakin habang itong bestfriend ko tinignan lang ako ng nagtataka. Haha! Magtaka ka lang!

"Hahaha pft... e-explain now-- Hahahaha!!" I can't stop laughing. Ang babaw ko noh? Ganun talaga. First time kasi ito kaya pagbigyan na!

Nagumpisa na syang mag-explain and I understand her. Kahit di naman sya mag-explain papatawarin ko pa rin sya. Ganun talaga ako kabait na bestfriend!

"Ok lang. Sus." Sabi ko ng nakangiti.

"Talaga?" Di nya maka-paniwalang sagot pft.

"Oo nga. Aba ano? Ayaw mo pa?" Nagtataray na naman po ako. Di lang halata.

"Ofcourse gusto ko! Salamat Pachooooot! Love you so much!" Nagulat na lang ako nung niyakap nya ako. I hug her back at napangiti na lang ako.

Kahit wala si Zeid, mas pipiliin ko pa rin ang bestfriend ko kasi mas mahalaga sakin ang friendship namin kesa love of my life. May right time para sa buhay pag-ibig.

Bumitaw na sya sa pagkaka-yakap staka ngumiti sakin ng ubod ng tamis. Infairness ang ganda talaga nitong bestfriend ko. Ms. Perfect talaga!

"Kain na nga tayo. Ayoko naman mag-drama. Treat mo na sarili mo--"

"Opps!" Tinapat ko pa kaliwa kong kamay sa muka nya sign na tumigil sya. "Treat mo diba? Wag mo bawiin kung ayaw mo makalbo." Natawa na lang sya at napapayag ko rin na libre nya ako.

Lakas ng loob sabihin kanina na treat nya ako ngayon tapos babawiin pwera nagka-bati na kami? Aba! No, no, no!

Kumakain na kami syempre kasabay na pagkwe-kwentuhan ng mag-ring phone nya.

"Excuse me." Sabi nya sakin at tinanguan ko na lang.

"Hello?" Nagtaka ako dito sa bestfriend ko. Kasi naman nung binasa nya yung tumawag sa kanya parang yung mata nya nag-shine na parang dyamante lang. Oha!

Pero bigla rin nalukot muka nya sabay bulong ng 'tss'. Ok? Anmeron?

"Psh. Di ako makaka-punta--....... Oo na! Oo na! Pupunta na...... Wag mo lang ako bwisitin. Ge bye." Sabi nya sabay diin ng end call dun sa tumawag sa kanya. Sino naman yung mysterious caller na yun?

"Sino yun?" Tanong ko sabay kain nung aking favorite carbonara. I love this!

"Si Mr. New Guy." Maikling sagot nya sabay subo nung sundae na kinakain nya.

Maikling sagot pero kilala ko. Sino pa nga ba? Edi si Rhobert Castro!

"Oh? Bakit daw?"

"May practice daw bukas." Huh? Bawal kaya pumasok sa school pag Sunday. Eh sunday kasi bukas.

"Practice? Diba bawal bukas--"

"Hindi practice ng cotilion. Practice nung sa Filipino. Next week na kasi yun. Psh. Bakit kasi sya pa kapartner ko." Sabi nya saka dere-derechong kinain yung sundae nya.

Oh.... I get it! May practice para dun sa activity sa Filipino. Pero nakaka-excite kasi sila pa yung partner! Hihi.

Naala nyo pa ba yun readers? Yung gagawin naming activity? Naeexcite ako para sa kanilang dalawa!

At the same time, nae-excite din ako kasi partner ko si... ehem. Zeid Crisostomo! Oh My Giiiiieeee!!!!

"Pupunta ka bukas?" Tanong ko.

"Kailangan eh. Hays." Narinig nyo yun? Pupunta daw sya!

I smell something that will happen tomorrow. Exciting! Hihi!

_
--------------------
_

May ZeiCa and RhoMi moments na naganap ngayon. Kinilig ba kayo? Yiiieee!!!

Spoiler Alert! Next chapter ay madaming RhoMi moment na magaganap. Humanda na kayong kiligin. Hihi.

Vote and comments are highly appreciated.

Thank you!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top