Chapter 19 - Coldness

.

Mira's (P.O.V)

Nagising ako dahil sa ingay ng paligid. Ang ingay! Mga pasaway! Psh.

"Ano kasi nangyare sa kanya? Hayst."

"Aba malay ko. Dinala lang sya dito nung kaklase nya."

"Psh. Bakit di mo tinanong? Tsk. Dapat inalam mo baka mamaya may nangyare na palang iba dito sa kapatid mo."

"Nakakatamad kaya."

"Miski na! Hindi yan reason noh! Wala ka man lang bang care sa kapatid mo!!?"

"Meron."

"Eh meron naman pala eh! Nakaka-bwisit ka. Sana--"

"Edi sana ikaw na lang nagtanong. Ikaw ang may gustong alamin diba? Bakit di mo gawin?"

"Aba. Hoy Mr. Agui--"

"MAG-TIGIL NA KAYO!! Ang ingay nyong dalawa!! Alam nyo ba yun!!? May debate ba!!? Pwes wag kayo dito mag-debate. Dun kayo sa labas!! Mga panira. Psh." Sigaw ko.

"Sorry Mira."

"Sorry."

Inirapan ko lang sila. Nakakainis eh! Pasalamat talaga sila. Naku!!

Sino yung nagdedebate? Edi si Ate Alice at Kuya Marky!! Ganyan sila maging sweet sa isa't-isa.

Nakakainis man yang dalawa na yan, mahal ko sila. Pero baka mas mahal nila isa't-isa. Yiiee! Dejk. Alam kong loyal si kuya kay ma'am Fatz. Halata rin kasi na seryoso sya ngayon kay ma'am Fatz. I'm so happy for them.

Ako na siguro ang pinaka-masayang may kapatid na lalake sa mundo kung magka-tuluyan sila ni kuya.

Eto namang si Ate Alice, kahit ilang beses na syang nag-deny sakin na wala daw syang gusto kay kuya eh halata naman. Sus galawan nya eh. Haha!

Pero kung totoo man na may gusto sya kay kuya tapos aware pa sya na may ibang nililigawan si kuya, masakit yun. Kaya sana may dumating na bagong lalake sa buhay nya para makalimutan na din nya si kuya.

"Nga pala, ano ba nangyare sayo at dinala ka dito nang kaklase mo ng walang malay?" After nya sabihin yun, naalala ko na naman yung nangyare kanina.

I feel fear again. Nanginginig ako at parang naiiyak na. Hindi, umiiyak na nga dahil tumutulo na luha ko.

"Shit. Why are you crying my princess!!?" Nakikita kong natataranta na si kuya pati din si ate Alice na di alam kung paano ako patatahanin.

"S-sandali kukuha ko sya ng m-maiinom." Natatarantang sabi ni ate Alice at mabilis pa sa segundo ng orasan syang umalis sa kwarto ko.

Kuya is trying to calm me pero di ko kaya. Parang tumatak na sa utak ko yung nangyare at gusto ko na yun kalimutan.

Hinawakan ako ni kuya sa magka-bilang balikat saka nilapit ng dahan dahan yung muka nya sakin. Dahil dun naalala ko yung hinalikan ako ng isang panget na planong--plano akong-- waaaah!!!

"Mira, tumingin ka sa mata ko. Tuming--"

*SLAAAAP!!!*

"Fvck! My handsome face!!" Sigaw ni kuya dahil sa sampal ko sa kanya pero lumakas na yung iyak ko pati pag-hikbi ko.

He was forcing me to kiss him and do that thing. A-ayoko... ayoko!!!

"L-lumayo ka. P-please... nagma-makaawa ako. A-ayoko pa p-po. Bata p-pa a-ako." I'm so scared right now. Di ko alam kung namamalik mata ako or what. Pero parang nakikita ko sa harapan ko yung lalakeng pilit akong hinalikan.

Shit. Nasan si kuya? Ayoko na. Natatakot na talaga ako.

"U-umalis ka. D-di ako payag! Umalis kaaaaaaa!!!" Buong lakas kong sigaw.

"What happened!!? Mira anak." Naramdam kong may humawak sa kaliwa kong kamay. Naririnig ko boses ni dad pero ibang lalake yung kaharap ko. Eto yung humawak sakin kanina para di ako makapalag.

Hindi... hindi... e-eto na ba katapusan ko?

"Dad para syang natatakot at ayaw nyang may humawak sa kanya."

"Tumawag ka ng doktor. Dalian mo Marky."

Pilit kong inaalis yung pagkakahawak nya sakin pero ayaw nya akong bitawan.

"Bitawan mo ko!! Bitawan mo ko maawa kaaa!!" Pagmama-kaawa ko.

"My princess, kumalama ka. Ako ito. Ang papa mo--."

"BITAWAN MO KO! BITAAAW!!" Buong lakas kong sigaw at bumitaw naman sya pero unti unti akong nakaramdam ng paghihina.

"Kuya buti dumating ka na. Nagwawala sya eh." Boses talaga yun ni dad at parang nawala na yung mga lalake kanina at nakikita ko naman si dad na may kausap na doktor.

"Mabuti pa patulugin muna natin sya. Sasakan ko lang sya ng gamot na pampatulog. Don't worry Mark, harmless to' at walang side effects pag-gising nya ang gamot na to'. Malilimutan lang nya nangyare ngayong gabi." Ano daw? Anong gamot? Di kaya drugs? Jusku po ayoko pa. Kasabwat nung mga lalake ang doktor na to'. Isang impostor ang doktor na toh!!

"L-lumayo ka sakin." Nakita kong may injection na hawak yung doktor na mukang ituturok sakin kaya dahan dahan ako umuuso patalikod.

"P-please. A-ayo....ko..." Tinurok na sakin yung gamot at unti unti akong nakaramdam ng antok.

Di naman siguro masama yung doktor. Matutulog muna ako. Sobrang pagod na yung mata ko sa kakaiyak at pagod na rin ang katawan ko.

Matutulog lang a-ako sa....glit....

----------Next Day----------

Nagising ako dahil sa alarm clock ko pero tinatamad pa rin akong bumangon. Ang sarap kaya matulog!

Nararamdan ko na naman ang antok kaya napapa-pikit na ako at ready na sanang matulog nang may epal na kumatok sa pintuan ko.

*Tok-tok! Tok-tok!*

"Mira? Gising ka na ba? Mabuti pa bumangon ka na dahil may pasok ka ngayon. Sabihin mo lang kung ayaw mo pumasok para mapaalam ko na sa dad at lola mo." Napagising ako dahil sa sinabi ni ate Alice.

Himala ata? Parang ok lang na um-absent ako ngayon? Ganern? At sa di ko alam na paraan, bakit parang mas nagising diwa ko ngayon na hindi sumisigaw si ate Alice eh dati halos sya na ang alarm clock ko dahil sa boses nya pero ok nga eh nagigising ako.

"Mira?" Oh tawag na ako. Kailangan ko pumasok dahil madami kaming gagawin sa school. You know, student council.

"Ate Alice papasok ako. Maliligo lang ako saglit!" Sabi ko saka pumasok sa banyo at inumpisahan ang morning rituals ko.

Saglit lang ako naligo at staka nagbihis staka nag-ayos ng konti sa aking muka. Para naman mas lalong gumanda! Diba? Haha! Sayang ang bigay ng Dyos kung di mo naman gagamitin.

Bumaba na ako para kumain dala na rin yung bag ko para di na ako papanik pa ulit. Ang haba kaya ng staircase namin kaya nakaka-ngawit teh!

Dumiretso na ako sa kusina at nakita ko naman na kumakain dun si kuya. Aba. Lonely ang peg?

Ay di naman pala lonely. May kausap eh. Guess who? No other than, ate Alice!!!

Lumapit na ako sa kanila habang naririnig ko na nag-babangayan na naman sila. Daily routine na ata nila yan eh kaya pagbigyan!

"Good morning." Bati ko sa dalawa na ewan ko lang kung narinig or napansin man lang ba nila ang presence ko dito pero mukang hindi dahil patuloy lang sila sa pag-babangayan. Oh sya! Mag-sawa sana sila! Mga snabero to'. Psh.

Kumain na ako, pansin ko ang katahimikan ng lugar.

"Pwede ba?? Kung wala kang magawa, wag kami pagtripan mo! Leche to'."

"Magtiis kayo! BLEEH! HAHA!"

"Aba! Loko ka ah! Kala mo naman ang pogi mo sa ganyang itsura na yan? Eww!

"Maka-'eww' ka. Kala mo nandidiri ka pero deep inside pala nagwagwapuhan ka sakin. Wahaha--aray! P*nyeta naman oh!"

"Deep inside nagwagwapuhan ako sayo? Excuse me? Ang kapal ng face mo! Mas makapal pa sa pinaka-makapal na dictionary sa buong mundo!"

"Sh*t. Etong gwapong muka na to'? Makapal? At mas makapal pa sa dictionary? Huh! Talaga lang ha?"

Joke lang. Tahimik ba yung may nagbabangayan sa paligid? Tsk. Tsk. Eto talagang si kuya at ate Alice. Baka mamaya eh may namumuo na pala.

"A-ano gagawin mo?" -Ate Alice. Napatingin naman ako kay kuya na tumayo at parang dahan dahan nilalapitan si ate Alice. Like wth??

Ano na namang kalandian ang gagawin ng kapatid ko? Jusku! Wag sila gumawa ng milagro dito sa kusina!

And I can see na na-corner na ni kuya si ate Alice. Napa-smirk si kuya at si ate Alice naman parang kinakabahan. Pft. They look so cute.

"M-magtigil ka sa b-binabalak mo. Binabalaan k-kita Marky Jhon Aguinaldo!" Nauutal na sabi ni ate Alice. Kasi naman palapit ng palapit ang muka ni kuya sa muka ni ate Alice.

At syempre bago pa may mangayareng di inaasahan ay may ginawa na ako.

"Kuya Marky Jhon Aguinaldo! Ano na namang kalandian yan ha? Wag ka dito mag-kalat! Dun ka kay ma'am Fatz! Shuu! Shuu! Layas!!" Ginamitan ko pa sya ng hand signal na pinapalayas sya. Pero syempre joke lang yung pinapalayas sya. Duh?

Nagulat sila nung nakita ako. Nilayo naman na ni kuya ang muka tapos parang back to serious mode sya at pansin ko naman ang namumulang pisngi ni ate Alice and also! I can see dismay in her eyes. Pft. Umasa ata na magkakaron ng kissing scene. Haha! Masakit talaga umasa. Hay.

Natapos na kaming kumain ni kuya at sumakay na rin ako sa kotse nya at nang makapasok na rin kami sa school.

Matiwasay at ligtas naman kaming nakarating sa school pero di ko alam kay kuya kung may date ba or what dahil hadaling hadali sya sa pagpapatakbo ng kotse.

Nga pala, bago kami dumiretso sa school. Aba! Dumaan muna kami sa isang flower shop tapos bumili pa sya ng chocolates sa convenience store. Nako nako! Mukang alam ko na kung bakit naghahadali at may dala pang chocolates at red roses.

Pagkadating sa school, dumiretso na ako agad sa room. Nandun na iba kong kaklase, wala pa si Mr. New Guy.

Himala at late sya?? Napatingin naman ako sa relo ko at may 15 minutes pa naman pala bago magstart ang klase.

"Mira! Tinatawagan kita kagabi pero di ka naman sumasagot. Nagtext kasi sakin si kuya Marky at tinanong ka eh mga bandang 6 yun tapos di ka pa pala umuuwi! Nako. Pasaway ka na ngayon? Ha Ms. Perfect?" I just keep on saying sorry habang sinesermunan ako ni nanay Jhaycee.

I know that they are just worried kaya ganyan sila sakin. Sina kuya Marky, ate Alice, si Jhaycee at ma'am Fatz. Even dad and lolita.

Patuloy pa rin sya sa pagsermon pero napahinto at napatingin sa pinto. Napatingin na din ako kase sino ba tong pa-special na to' dahilan para mapatigil at mapatahimik kaming lahat, I mean sila. Kasi nakikinig lang ako sa sermon ng bestfriend ko eh.

Nakita ko sya. Ang gwapo talaga nya, oh ayan inaamin ko na. Pero parang may mali sa kanya ngayon. Di ko alam pero nung napatingin sya sakin, a cold stare exactly ay sumabay ang lakas ng heart beat ko. Kinakabahan ba ako or what? Ano ba to'? Grabe naman lakas ng tibok ng puso ko.

Parang tumaas ang balahibo ko nung nakita ko sya naglalakad papunta sakin? Eh? Kay Jhaycee ba sya pupunta or sakin?

Ahm... syempre sakin. Ako ang girlfriend eh, duh?

Pero ang kinabigla ko, nilagpasan nya lang ako, even Jhaycee at mararamdaman mo talaga ang bad aura nya.

Alam ko na kung bakit ang lakas ng heartbeat ko. Hind to' kilig. Kaba tong nararamdaman ko and I don't know why. Dahil ba sa wala sya sa mood at di ako pinansin? Or kung ano pa man.
Pero sana naman walang mangyare masama ngayon. Please lang, sana wala.

Nag-bell na kaya umupo na ako proper chair ko which is katabi ko si Mr. New Guy. Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon eh kinakabahan ako at mas dumoble pa nung nakatabi ko sya.

Ramdam ko na talaga ang dark aura nya. Dumating na ang teacher namin at nag-discuss ng lesson.

Halos di ako makapakinig ng maayos dahil sa kaba na nararamdaman ko hanggang ngayon. Just like shit. What's happening to me? Bat ayaw ayaw mawala ng kaba ko?

Pinakopya na kami ng lecture at sa kasamaang palad, nalaglag pa yung ballpen ko sa gawi nya at medyo malayo kasi nga gumulong kaya di ko rin abot.

Di ko alam kung ipapaabot ko ba sa kanya or hindi kasi nga ramdam ko pa rin na bad mood sya pero bahala na.

"Mr. New Guy pwede bang paabot nung ballpen ko? Ayun lang oh. Di ko kasi abot." I said in a pleading tone pero di nya ko pinansin. Di ko nga alam kung narinig ba nya ako o hinde. Hasyt. Ulitin ko na nga lang.

"Mr. New Guy? Paabot ho nung ballpen. Sige na oh." Ulit ko tapos medyo nilalakasan ko rin para marinig nya.

Pero wala pa rin. This time alam kong narinig na nya ako dahil napatingin sya sakin saglit tapos balik na ulit sa pagsusulat. Like the heck!!? Ano ba problema nya at ganyan sya!!? Psh. Malapit na yung limit ko. Konti na lang. Tsk.

"Mr. New--"

"Ayan na. Just stop calling me and 'Mr. New Guy' is not my name so could you please just shut you're mouth??" Naiinis na sabi ni Mr. New Guy-- I mean Rhobert. Wag daw syang tawaging 'Mr. New Guy' eh. Edi wag.

Pero... bakit ganyan sya? Actually nasaktan ako kahit simple lang sinabi nya. Medyo harsh din kasi eh pero masakit talaga. Tagos nga ata sa puso ko eh.

Di ko na lang sya pinansin at nagsulat na kahit sa kaloob-looban ko eh di pa rin ako maka-get over sa sinabi nya. Masakit talaga eh.

3 subjects down and... ganun pa din sya sakin. Still cold as ice. Daig pa talaga nya ang yelo at ang manhid nya! Di man lang ba nya maramdaman na may nasasaktan na pala sya? Aissh.

Nandito kami sa cafeteria to eat, ofcourse. Ata naman maglaro diba? Psh.

Kasama ko si Jhaycee, Jaraica at Keanna. Nagkwekwento sila ng kung ano ano pero wala na rin ako maintindihan kasi sa iba ako naka-focus.

Iniisip ko pa rin kung bakit ang cold nya. May nagawa ba ko? Sa pagkaka-alam ko naman wala pero wala akong maisip na dahilan kung bakit sya ganun sakin.

Nahihirapan na rin ako kumilos dahil sa kanya. Dahil lang sa pagiging cold nya. Tsk.

Alam nyo readers, pag sya cold pa din, naku! Ipapatapon ko na sya kung saan talaga malamig. Sa Antartica!! Leche. Magsama sila ng kalamigan dun.

Tahimik lang akong kumakain at nakikinig sa mga pinag-uusapan nila Pachot at nakikitango na lang at tawa ko para di nila mafeel na may nao-op na pala.

Patapos na ako kumain nang mapatingin ako sa entrance door ng cafeteria at kung pinaglalaruan talaga kami ni tadhana. Nakita ko sya dun sa pinto kasama yung ibang kabarkada nya tulad nila Brine at Angeloy. Pero di ko talaga inaasahan na kasama nya yung babaeng kinaiinisan ko. Yung babaeng tinuturing na akong karibal.

No other than the Queen Bee, Jan Aubrey Isidro! *sabog confetti*

Bakit pagdating kay Jana normal lang sya? Or hindi sya cold, mas sweet pa nga eh. Bakit? Sakin lang ba talaga sya cold? Masakit teh. Masakit.

Nakita ko kung paano ngumiti si Mr. New Guy. Sweet smile, I guess. Dahil lang si Jana kausap nya, mawawala na bad mood nya? Or should I say kay Jana lang talaga sya di bad mood.

Ibang iba yung pinapakita sakin ni Mr. New Guy kesa kay Jana. Bakit ganun? Ako yung girlfriend diba pero sakin lang sya cold.

Di ko na sya maintindihan. Ang hirap nyang ispelengin!

"Mira? Ok ka lang ba? Pansin ko kanina ka pa nanlalata tapos di ka rin nakikijoin sa ka-hyperan namin." Sabi ni Jaraica kaya napatingin naman ako sa kanya.

Nakatingin na pala sila sakin. Pansin ko rin sa mata nila na nag-aalala sila.

Nagulat naman ako kay Jhaycee na parang sinasalat ang leeg ko at noo ko. Is she checking me if I have a cold?

Aish. The word 'cold'. Word of the day ba yan ngayon? Nakakainis na. Naalala ko lang si Mr. New Guy eh!

"Hmm. Wala ka namang lagnat. Di kaya... may Lovenat ka!!? OMG!! Why o why-- Aray! Wag mo nga kurutin pisngi ko! Masakit kaya! Pano na lang ang rosy cheeks ko? Edi mas lalong namula?" Ang haba haba ng sinabi nang bestfriend ko. Daldal talaga. Psh.

Pero sira talaga eh. Lovenat? Wala nyan sa vocabulary ko.

"Sira ka talaga! Wala akong sakit noh, at mas lalo namang wala akong Lovenat!" I protest. Katoyoan kasi ni Jhaycee Corpuz. Tsk.

"Baka lang naman. Grabe to'." Sabi ni Jhaycee habang hawak-hawak ang cheeks nya na kinurot ko.

"Hay naku! Ako naman ata na-op ngayon?" Taas kilay na sabi ni Keanna. We know na nakikipag-biruan lang sya samin.

"Edi maki-join ka! Duh??" Taray din talaga ni Jaraica. Pft.

Nag-aasaran na sila pero di seryosohan. I'm just watching them at nae-enjoy ko naman kahit pinanonood ko lang sila. I'm happy to have these girls. They are my best of bestfriends.

Sapat na sila pati ang pamilya ko. Pero minsan, di mo talaga maiiwasan na parang kulang ka.

Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Parang may kulang, di pala parang kasi may kulang talaga.

Namimiss ko yung pangaasar at panggugulo nya. Yung madalas na pagka-beast mode nya. Yung bad boy daw. Yung lalakeng mahilig sa Super Mario at Mario Cart. (Mario Cart talaga eh? HAHAHAHA! -Ms. Gray)

Yung pangalan nya? Si Rhobert Castro. The guy I've been dreaming of. Ideal guy? Not really dahil for sure, may mas ideal pa sa kanya.

Pero wala eh. Sya pinili ng puso ko.

Teka? Anong pinili? Di ko naman sya mahal!

Hayst. Tama na nga. Corny na masyado eh. (Corny na talaga!! Walang forever! WOOOH!! -Ms. Gray)

Pwede ba? Mamaya ka na nga Ms. Gray! Ang lakas na kaya ng kabog ng puso ko. Shet lang.

Bumalik na kami sa room since maguumpisa na ulit ang klase for the next topic. Kinakabahan talaga ako.

Kinakabahan ako na baka cold pa din sakin si Mr. New Guy.

Dumating na nga sya sa room kasama syempre mga kabarkada nyang sina Brine at Angeloy. At may extra pa ngayon. Si Jana, the epal.

Todo ngiti pa rin sya kay Jana hanggang sa makalapit sya sa tabi ko ay balik na sya sa dati nyang mood.

Syempre back to being cold na naman sya. Ako na makakatabi nya eh. Hot kasi ako.

Oo na. Alam kong dinadaan ko lang sa pagjojoke yung sakit na nararamdaman ko. Ang corny ko!!

Pero realtalk, hot talaga ako. Di yan joke.

Filipino time na kaya si ma'am Fatz ang teacher namin ngayon. At kung minamalas nga naman, may activity pala ngayon na in-announce kahapon. Di man lang sinabi sakin ni Jhaycee. Psh.

Pero di naman talaga yung activity yung problema ko eh. Yung by partner! Yun!

And guess what? Kapartner ko sya.

Bakit ngayong cold pa sya sakin? AISSH!!!

"Ok. Maghanda ng isang buong papel at ballpen. Sagutin yung mga tanong na ididikta ko. Ay bago yun, hatiin sa gitna ang papel. Sa kaliwang bahagi ng papel ang magsasagot ay isa at sa kanan naman ay yung kapartner ng isa. Gets? Ok. Magumpisa na tayo." Hay buti naman. Kanya kanya rin pala. Bale nag-share lang kami sa isang papel.

So ginawa nga namin. Busy yung iba habang ginagawa yun kasabay pa ang daldalan. Kami naman ni Mr. New Guy?

Walang imik na ginawa yung sabi ni ma'am. Nagumpisa nang magdikta si ma'am ng mga tanong at eto ako, naguumpisa nang mag-sagot.

Buti na lang talaga nag-advance reading ako. Kundi, nga-nga ako dito sa pinagagawa ni ma'am.

Next naman nagsagot ay si Mr. New Guy. Tahimik lang sya habang nagsasagot at mukang naka-focus rin.

Kung tutuusin, matalino din si Mr. New Guy. Tamad lang talaga kaya ayan. Minsan nga-nga sya sa mga quiz. Saka wala naman talagang taong tanga. Duh?

Natapos na kami at pinasa na yung papel. Kala ko tapos na pero di pa pala.

"Di ko ata nasabi sa inyo kahapon na dalawang activity ang gagawin ngayon? Ok. Unang activity palang yun. Eto na pangalawa. Ipapakita nyo sakin at sa iba kung ano nga ba ang ibig-sabihin ng 'Love' gamit ang pag-arte." Enebe. Talagang love ang topic? Pwede naman siguro na maging group na. Di lang by partner.

"Gagawa kayo ng sarili nyong script. At syempre by partner pa rin. Bawal mag-iba ng kapartner. At bibigyan ko kayo ng 1 week para tapusin yun. Bago ang homecoming ng school saka yan ipeperform. Dapat kabisado nyo na linya nyo at may costume syempre. Bawal may hawak nang script. Intindi? Sapat naman na siguro ang 1 week para sa activity na toh." By partner pa rin!!? Jusku. Bakit ngayon pang di kami magkasundo!!!? Bakit!!?

Nagtaas ng kamay si Zeid na nasa harap ko lang. Kapartner nga pala nya si Jhaycee.

So sila rin ang partner sa pag-acting? Hmm. Kung tutuusin bagay sila ni Jhaycee. Para nga ring may namumuo eh. Haha!!

Kung meron man, boto ako sa kanila at staka mas ok din yun nang mawala na feelings sakin ni Zeid. Mas ok yun.

"Ma'am, parang ang unfair naman po ata pag yung acting na yun ay for 1 activity lang diba? Why don't we add points para mas galingan namin ang pagacting? Di lang simple at corny??" Ano meron?? Pero tama naman si Zeid eh. Parang ang unfair kasi kaunting points lang makukuha namin eh mahirap di kaya um-acting.

"Hm. Tama ka dyan Zeid. Para may maganda ka bang idea kung pano gagawin para mas lalo nyong pagbutihan?" Tanong ni ma'am.

"Ma'am!" Napatingin kami sa likod dahil sa pagtawag ni Angeloy kay ma'am. Grabe din makangiti tong lalakeng toh. Pero parang may something sa ngiti nya eh.

"Ma'am! I suggest na ang may best na gawa ay di lang dagdag points sa project. Kundi sila din ang magka-date sa Homecoming!" After sabihin yun ni Angeloy. Halos sumangayon ang lahat pwera na lang sakin.

Pano naman kasi si Mr. New Guy ang makaka-date ko! Not now!

"Ok then. Yun na lang gagawin. Nice idea Mr. Violenta. Aalis na ako. Bye class."

"Paalam rin po ma'am Fatz." Sabay sabay naming sabi pero feeling ko wala na ako sa mood.

Ikaw ba naman? Malalaman na ganto ang deal diba? Hasyt.

Naiinis akong tumingin kila Brine at Angeloy tapos nakita ko sila na naka-evil smile tapos nag-high five pa.

Teka high five? Diba palabas yun? Lol.
(Corny! HAHAHA!!)

Tss. Whatever Ms. Gray.

English time na pero wala daw teacher ngayon kasi may meeting daw ang English Department kaya para ring vacant ngayon.

Busy ang iba habang ako tahimik lang. Ay hindi lang pala ako. Pati si Mr. New Guy, tahimik lang sa tabi ko na nagdo-drawing or nagsusulat? Ay ewan.

Ako? Nakapahalumbaba lang dito sa upuan ko. Niyaya ako nila Jhaycee sa labas pero tinatamad ako kaya nag-paiwan na lang ako.

Ang boring naman--

"Bakit nagpa-iwan ka dito?" Nagulat naman ako may nagsalita dito sa tabi ko.

Si Mr. New Guy? Kinakausap ako??

Pero in a cold tone pa rin. Ano pa ba aasahan ko? Hayst.

Pero ano daw?

"Huh?"

"Tss. Bakit di ka sumama kila Jhaycee? Sinasadya mo bang magpaiwan dahil sakin?" WTF? Aba. Kapal din ng pagmumuka nitong lalakeng toh. Diba pwedeng tinatamad lang talaga ako gumala??

"Wow. Ang kapal mo rin noh? Wala lang ako sa mood gumala kaya di ako sumama sa kanila. Hindi dahil sayo. Psh." Sabi ko saka sya inirapan. Ang kapal kasi eh!

He just smirk at me pero I can still see some coldness in his eyes.

Ano ba kasi talaga problema nya at nagkaka-ganito sya?

"Just make sure of it." Sabi nya tapos biglang nilapit ang muka nya sa muka ko kaya naman nanlaki ang mata ko.

Ano gagawin nya? Hahalikan ba nya ako? OMG!! Ano gagawin ko?? Wag naman dito. Jusku. Sa classroom talaga? May mga kaklase kami dito noh!!

Pipikit na ba ako? O hihintayin kong dumampi yung labi nya sa labi ko?

ASDFGHJKL!! ANO BA GAGAWIN KO!!?

Pero enebe! Bakit ganito mga iniisip ko? Jusme. Ang dumi ng utak ko! Waaaah!!! I hate this!! Mira ang berde mo!!

"And also make sure na di ka pa nafo-fall sakin."

After those words, I feel my world stop. Ano ibig nyang sabihin??

--------------------

Vote and comment. Please. I need feedbacks now para naman malaman ko kung may kwenta ba tong ginagawa kong story or nagaaksaya lang ako nang oras sa pagtatype? Dejk. It's your choice naman kung mag-vote or comment kayo.

Thank you!!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top