Chapter 16 - Fever

.

Mira's (P.O.V)

1 week na ang lumipas and I must say that na-enjoy ko tong week na toh.

Pano ba naman tuwing uwian eh lagi kong kasama si Mr. New Guy sa plaza para magfood-trip.

Today is Saturday kaya nasa bahay lang ako at kung ano anong kaekekekan ang ginagawa.

Kanina pa din ako babad sa phone at laptop kasi nga boring. Most opened apps ko nga ay facebook, instagram and twitter. Ganyan ako pag bored. Nakababad sa phone maghapon.

Nagsa-soundtrip ako ng may nagpop sa messenger ko sa fb. Meaning may nagchat sakin.

Brine Marcelino:

Hey! ;)

Aba. Naka-wink emoticon pa?

Me:

Ano kailangan mo?

Brine Marcelino:

Ikaw.

Aba. Pinagloloko ba ako nito?

Me:

Ako ba'y pinagloloko mo? Gusto mo ata masapak? Tsk.

Brine Marcelino:

Haha!! Oo na. Kasi si Rhobert eh. Nagpapasama sakin eh wala ako sa Manila ngayon. Baka pwede mo syang samahan?

Me:

Bakit? Ano ba nangyare?

Brine Marcelino:

May sakit ata? Eh wala syang kasama sa bahay nila ngayon. Nasa business trip mama nya kasama kapatid nya.

Me:

Oh fine. Ano ba address?

After kong pumayag ay sinend naman agad nya sakin yung adress. Agad naman ako nagbihis para pumunta sa bahay nila Mr. New Guy. May sakit nga daw kasi.

Pagkabihis ko ay agad naman na akong pumunta sa kabilang subdivision since dun pala ang bahay nila Mr. New Guy. Naglalakad lang ako sa loob ng subdivision nila Mr. New Guy para mahanap bahay nila dahil di ko pa alam itsura ng bahay nila. Duh? This will be my first time to go in their house.

After minutes of walking ay nakaagaw pansin sakin yung isang bahay. Di sya ganun kalaki pero sapat na para sa isang pamilya. Light green ang pintura at napansin ko din address number nila. Yun yung address number ng bahay nila Mr. New Guy.

Naglakad ako papunta sa gate nila saka nag-doorbell. And now I'm just waiting for someone to open the gate.

3 minutes. 3 minutes na akong nakatayo and wala pa rin nagbubukas ng gate para sakin. Tsk. Nangangawit na ako!

Pero, ah! Wala nga pala sya kasama sa bahay pero pano naman ako makakapasok? Tsk.

For the second time, nagdoorbell ako at sa wakas! May nagbukas ng gate at nakita ko ang muka ni Mr. New Guy.

Halata sa muka nya yung gulat nung nakita nya ako. Kahit sino naman ata magugulat?

"H-hey. Nandito ka pala. Ano ginagawa mo dito?" Tanong nya.

"Dumadalaw? Commonsense please." Naiiritang sabi ko. Kasi naman tong lalakeng toh. Tsk.

"Ang sungit mo talaga. Tara nga, pasok ka." Sabi nya saka hinawakan kamay ko at hinila papasok sa loob ng bahay nya.

Mainit kamay nya. Di yung normal na mainit dahil parang mapapaso ka kaya naman pagdating namin sa loob ay agad ko agad ko hinawakan noo nya para icheck kung mataas ba lagnat nya.

"Ang taas ng lagnat mo!!" Ang taas ng lagnat nya. Dapat nagpapahinga lang sya. Tsk.

"Magpahinga ka muna. Dun ka muna sa kwarto mo. Teka? San ba kwarto mo? Ihahatid na kita." Napakapit na kasi sya sakin dahil mukang nahihilo sya kaya naman aalalayan ko sya hanggang kwarto nya.

"Taas..." Matipid na sabi nya pero gets ko naman na yun. Naglakad na kami at dahan dahan umakyat dahil baka pareho kaming bumagsak. Nandito na kami sa second floor at di ko alam kung alin dito kwarto nya sa dami nang kwarto dito.

"Uy saan ba dito kwarto mo?" Tanong ko sa kanya nang bigla sya humiwalay sakin at naglakad papunta ata sa kwarto nya?

Teka nga. Bat ba sya naglalakad magisa? Tsk. Pagewang gewang pa oh! Daig pa lasing. Hahaha

"Oy bat ba humiwalay ka? Inaalalayan nga kita eh." Sabi ko at lumapit sa kanya para alalayan ulit sya pero tinapat nya sa muka ko yung kamay nya signaling me to stop kaya naman huminto ako. At nakita ko na lang sya na pumasok sa kwarto nya.

Problema nun? Ayaw ba nya ako pumasok sa kwarto nya? Well ayoko rin naman pumasok kasi naman nakakahiya kaya. Lalake sya at babae ako. Ano na lang sasabihin ng iba? Duh?

Bumaba na lang ako at dumiretso sa kusina para sana ipagluto sya. Magla-lunch na rin eh kaya alam ko na di pa sya kumakain.

Chineck ko laman ng refrigerator nila para tignan kung ano pwedeng lutuin at nakakita ako dun ng gulay saka frozen chicken sa freezer.

Hindi ako ganun kagaling magluto at staka konti lang alam kong lutuin kaya kinuha ko na lang yung frozen chicken, patatas, laurel leaf, paminta at etc. Balak ko sana ipagluto si Mr. New Guy ng adobo since yun lang alam ko at madaling lutuin.

Nagsimula na akong maghiwa at magisa. After few minutes natapos ko na rin lutuin yung adobo. After ko lutuin yun nagsaing na ako. Buti na nga lang at may rice cooker dito kaya di naman ako nahirapan ng sobra.

After ko magsaing at magluto, niready ko na yung pagkain at nakalagay na sa tray. Dadalhin ko na lang toh sa kwarto ni Mr. New Guy para di na sya mahirapang bumaba. Kumuha na rin ako ng gamot at tubig for him para ok na.

Di ko alam pano mag-alaga ng may sakit kaya ginagaya ko na lang pano ginagawa ni ate Alice sakin pag may sakit ako.

Nakarating na ako sa tapat ng kwarto nya pero dahil di ako maka-katok, binaba ko muna yung pagkain saka binuksan yung pinto at pinasok na yung pagkain.

Pagkapasok ko, ang dilim sa loob at ang lakas pa ng aircon kaya pati ako giniginaw. Takte. May lagnat na nga naka-aircon? Tindi talaga ng so-called boyfriend ko na toh.

Binaba ko muna yung tray sa side table at staka hinanap yung switch at binuksan yung ilaw. Pagkabukas ko nilibot ng mata ko para makita itsura ng kwarto.

Halos mapa-nganga ako sa nakita ko staka nanlaki mata ko.

"Fvck! Who turned the lights on!!?" Uh-oh.... gising na ang bad boy.

Bumangon sya staka napatingin sa pwesto ko. And swear... yung mga tingin nya sakin parang kakainin na nya ako ng buhay. Pero mas nangibabaw pa rin sakin yung tawa. Pft

"Pft... Super Mario? Haha mahilig ka pala dun... Hahahahaha!!" Di ko na napigilan tawa ko at mas lalong sumama tingin nya sakin. Haha sorry na.

Eh kasi naman isang bad boy... mahilig sa pambatang laro na Super Mario? Isn't that amazing? Pft...

"Ge. Tawa pa more." At dahil dun napalakas lalo yung tawa ko. Haha!! Sarcastic pagkakasabi nya pero mas lalo pa akong tumawa. Patay ako nito for sure.

Pero... eto ba dahilan nya kung bakit ayaw nya ako papasukin sa kwarto nya? Dahil nahihiya sya? Pft.

"Tss. Di ka pa tapos?" Naramdaman kong bad mood na sya kaya tumigil ako kahit natatawa pa rin ako.

"Pft. Sorry. Kumain ka na muna.." Sabi ko saka nilagay sa harap nya yung mga pagkain na hinanda ko.

"What's this?" Tanong nya sabay turo dun sa adobo. Takte. Wag nyang sabihin na di nya alam ang pambansang ulam na adobo??

"Adobo. Duh? Can't you see?" Sabi ko sa kanya.

"Adobo ba yan? Bakit parang..." Naka-kunot noong tanong nya.

"Parang?" Tanong ko. Kulang kasi sinabi nya.

"Bakit parang sunog na ewan tong niluto mo?" Tinaasan ko lang sya ng kilay sa sinabi nya.

"Aish. Kainin mo na lang!" Sabi ko saka lumabas ng kwarto nya at bumaba para pumunta sa sala.

Naiinis ako na ewan. Siguro na-offend ako dun sa sinabi nya. Kasalanan ko ba na first time ko lang magluto? Tapos di pa nya ma-appreciate. Tsk.

At dahil nabwisit nya ako. Umuwi na ako samin. Effort ko yun pero di nya ma-appreciate. Ang saya naman. Woooh!!

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay, I receive 1 message. At sa kanya pa talaga galing ha? Tss. Wag syang kumain!!

Kahit nabwibwisit ako sa kanya, I still read his text message. And after I read it... yung puso ko shet...

From:Mr. New Guy
Di mo na kailangan mag-walk out. Dahil kakainin ko rin naman yung niluto mo. Anyway, I appreciate your effort :)

-------------------

After 12345678910 years ay nagka-ud muli! And happy 500+ reads! Hahaha babaw ng kasiyahan ko noh? Haha pero IMY guyss!!! :*

You can vote or comment on today's chapter pero kung ayaw, it's ok :)

'Till the next chapter! See you in chapter 17!! :D

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top