Chapter 11 - Exchange Students
.
Mira's (P.O.V)
"Miguel? Miguel ikaw nga!" Sigaw ni Jhaycee sabay takbo papunta dun sa kotse ni Miguel.
"Yow Jhaycee. Musta na?" Naka-ngiting bati ni Miguel.
"I'm fine. Anyway! Alam kong hinahanap mo ang pinsan mo. So, there she is!" Sabi naman ni Jhaycee sabay turo sakin.
And yes. Pinsan ko yang lalake na yan.
"Mira!" Sabi ni Miguel sabay yakap sakin. Oh! I really miss this guy!
"Hindi mo ba ako namiss?" Malungkot na sabi ni Migs. Tsk. Kadramahan ng pinsan ko.
"Syempre....--" Pabitin effect ang peg ko. Mas lalo pa atang nalungkot ang muka nya. Haha! Ang cute talaga ni insan.
"--Oo! Namiss kita insan!" Sabi ko sabay talon sa kanya. I really miss him! One year ko na syang hindi nakikita tapos wala pang communication.
"Aww. Di ako kasama sa hug. Nakaka-inggit." Naka pout sa sabi ni Jhaycee. Haha!! Isa pa tong babaeng ito eh. Madrama din.
"Haha!! Tara nga dito!" Sabi ni Miguel sabay hila kay Jhaycee papunta sa pwesto namin at staka kami nag-group hug.
"Okays na! So? Sino manlilibre?" Naka ngiting sabi ni Migs. Nagkatinginan kami ni Jhaycee at parang nag-uusap ang nga mata namin then we smiled and look at him.
"Ikaw!" -Me
"Ikaw!" -Jhaycee
"Ako? Ako pa!? Eh ako nga yung bagong datin eh!" Sabi ni Migs sabay pout. Haha ang cute!
Sinuntok sya ng mahina ni Jhaycee sa braso. "Kaya nga! Kaya dapat ikaw yung manlibre!" Sabi ni Jhaycee.
"Okay! Okay! Ako na yung manli-libre." Sabi ni Migs na kataas pa ang kamay na parang surrender na. Tinawanan lang namin sya.
"So? Tara na D.Q.!!!" Nakangiting sabi ni Jhaycee. Napatingin naman ako kay insan na titig na titig kay Jhayce with matching smile pa. Naiinlab na naman ang loko. Haha!!
"Uyy insan! Sa D.Q. daw! Haha" Sabi ko. Masyadong titig kay pachot eh at mukang nagulat pa ang loko.
"H-ha? Ah oo! Tara na sa D.Q.!" Masayang sabi nya.
Sumakay na kami sa kotse nya at nag-punta na sa Mall since dun lang merong D.Q.
Nasa loob na kami ng mall at agad din naman naming nakita yung D.Q. Hmm. Natatakam ako dun sa mga poster na may picture ng ice cream. *u*
"Girls, dito lang kayo ah? Ako na lang ang oorder." Sabi nya at dumiretso na sa counter. Pinag-masdan ko na din sya.
Tumangkad din ng konti si insan. Medyo lumaki din yung katawan. Parang mas hot sya ngayon? Di ko lang alam kung may oh-so-hot-na-pandesal na sya. I wonder lang kung tumalino na sya and hindi na sya pasaway. xD
Pero most of all, mas gumwapo sya.
"In fairness, tumangkad ng konti si pandak. Haha!!" Naka-ngiting sabi ni Jhaycee.
Oh! One thing for you to know guys. Crush po dati ni pachot si insan. And ganun din kay insan. Crush ni insan si Jhaycee hanggang ngayon. Pero syempre. Secret lang nila yun na sakin lang nila sinabe. Hihihi!
Pero ang alam ko ngayon, wala nang gusto si Jhaycee kay Migs. Pero si insan? Mukang may tama pa rin kay Jhaycee.
"Here's your ice cream, girls!" Sabi ni insan na kadadating lang at may dalang tray na may baso na ang laman ata ay yung ice cream.
"Strawberry flavor para kay Jhaycee." Sabay patong ni insan nung ice cream ni Jhaycee sa harap nya. See? Pati favorite color at flavor ni pachot. Alam na alam.
"Cookies and cream for insan!" Sabay patong nung ice cream ko sa harap ko.
"And lastly! My favorite vanilla ice cream for me!" Sabi ulit ni insan sabay patong nung ice cream nya sa harap nya.
"Whatever." Bulong ko na lang sabay subo nung cookies and cream flavor na ice cream ko.
"So? Mag-kamustahan muna tayo!" Exited na sabi ni Jhaycee. Whatever.
"Hmm. Great idea Jhaycee!" Sabi naman ni insan at nakipag-high five pa kay pachot. Tyansing ang tawag dun guys. Nahawakan yung kamay eh!
"Kamusta ang France?" Bored na tanong ko sabay subo ulit ng ice cream.
"Ayun nandun pa rin. Hindi naman sya lumipat sa Asia-- Aray insan! Nagjo-joke lang ako noh!" Tss. Pilosopohin daw ba ako? -,-
"Seryoso akong nagta-tanong dito oh! Tsk." Sabi ko na lang sabay kain ulit nung ice cream.
"Haha!! Okay, okay! Relax insan. Okay lang naman dun sa France pero busy sina mama eh. You know? Business again and again." Sabi nya at staka bumuntong hininga.
Well totoo naman eh. Our family only cares for our business. Minsan na lang din mag-bonding ang whole family at staka mga nasa ibang bansa pa. Like Miguel's family. Sa France na sila tumira. Buti nga dun sa family side ng mommy ko. Nakapagti-tipon pa sila since nandito naman silang lahat sa Pilipinas.
"Tsk. Tsk. Ang KJ naman kasi ng family nyo. At staka, puro lang ba talaga business ang iniisip ng pamilya nyo? Lalo na ng lola nyo? Business na ba talaga ang happiness ng mga magulang nyo?" Sabi naman ni Jhaycee. Tama naman sya eh. Lagi na lang business. Yun na ata talaga ang happiness nila.
Yung family kasi nila, ang mga Corpuz. Sa halip na business ang laging inaatupag. Mas inaatupag nila yung 2nd princess ng kanilang pamilya. At yun ay wala nang iba kundi si Jhaycee Corpuz. Nakaka-inggit nga sila eh.
"Naku! Tama na nga yan. Mabuti pa mag-shopping tayo at libre ko lahat ng bibilhin nyo." Naka-ngiting sabi ni insan. Pero wait....
Libre nya daw? *○*
Masaya yun! Kuripot kaya yang si insan kaya dapat sulitin na kung manlilibre sya.
"Tara na! Tara na! Libre daw ni Migs kaya sulitin na!" Kinikilig na sabi nya sabay takbo dun sa E.G.G. botique. Favorite shop of all nya.
"Hmm. I want this dress!" Sabi nya sabay taas nung hanger na may nakasabit na dress na.... simple lang pero eleganteng tingnan. Ang kulay nya ay black and white.
"Ikaw insan? Ano bibilihin mo?" Tanong sakin ni Migs.
"Ayoko kasi dito sa E.G.G. Gusto ko dun sa Bench." Bored na sabi ko habang hinihintay si Jhaycee mamili pa ng damit. And guess what?
Pang-anim na damit na yung hinahanap nya ngayon.
"And this one too!" Sabi ni Jhaycee kaya napatingin kami sa kanya at dun aa dress. And like..... wow?
Ang ganda nung dress. Color blue sya. Para syang tube na may pa-baloon style. Tapos may mga kumikinang pa na akala mo naman ay tunay na diamond.
"Ang.... ganda...." Namamangha ako dun sa dress. Ang ganda kasi. Favorite color ko pa yung kulay nung dress. Awesome!
"Jhaycee, last na yan ha? Si insan, magsha-shopping din. Remember?" Paalala ni insan kay Jhaycee na parang nagde-day dreaming. In short, tulala with matching smile pa.
"Hmm. Ok. Waah!! Ang ganda talaga ng dress na toh!" Sabi ni Jhaycee habang nagla-lakad papuntang counter at sinundan namin sya since si insan ang magba-bayad nung mga pinamili nya.
"Ma'am, 15,870.00 po po lahat ng binili nyo." Naka-ngiting sabi nung cashier. Inabot naman ni insan yung credit card nya kay Jhaycee. Naks! Naka-credit card na ngayon si insan! xD
"Tara na sa Bench." Sabi ko sabay labas agad nung shop at di na sila tinignan.
Nakita ko naman agad yung Bench shop kaya eto ako ngayon, naniningin ng magandang jeans or dress.
"Pagka-tapos natin dito, samahan nyo ako sa Sony gadgets shop. Bibilhin ko lang yung latest nila ngayon." Sabi nya. In fairness, hanggang ngayon. Maka-sony pa rin si insan.
"Yung latest? Wag na yun! Mag Iphone 6 ka na lang. Apple pa yung brand!" Recommend naman ni Jhaycee. Maka-apple naman kasi tong babaeng toh kaya yan ang ni-recommend.
"Kung ako sa inyo, mag-Samsung na lang kayo. Magka-karoon ata ng bago dun ngayon eh." Sabi ko naman habang naniningin pa rin ng jeans. Wala kasi akong mapiling maganda. Ako nga pala ay maka-samsung. Hiyang-hiya naman kasi ang Samsung Grand 2 ko sa Iphone 5 ni Jhaycee. At mas lalong hiyang-hiya ang Iphone 5 ni Jhaycee sa Experia Z ni insan. :3
"Okay na tong dress na toh!" Sabi ko sabay kuha nung hanger na may nakasabit na color red na dress at pa-baloon style.
Kumuha na rin ako ng ilang mga jeans, shirts, polo shirt and skirt. Yeah! I love wearing skirts!
Binayaran na ni insan lahat ng kinuha ko. Lagpas pa ata ng 20k yung mga pinamili ko sa sobrang dami.
Hindi na kami tumuloy dun sa Sony Gadgets shop since malapit na ma-cut ang credit card nya sa sobrang dami naming pinamili. Suped dami nga naman kasi.
Hinatid na din namin si Jhaycee sa kanila at staka kami dumiretso sa bahay.
Pag-dating namin....
"Miguel! Apo!" Sabi ni lolita kay insan at staka nakipagbeso-beso pa.
"Yow insan!" Sabi ni kuya at staka nagkipag-bro fist kay insan. Close din kasi yang dalawang yan eh.
"Miguel!" Sabi ni dad at staka nakipag-bro hug kay insan.
"Pasok muna tayo sa loob!" Naka-ngiting sabi ni lolita.
Pumasok na nga kami sa loob at dumiretso na sila sa dining room pero ako? Pumunta muna sa kwarto ko para mag-bihis. Ang lagkit ng pakiramdam ko eh.
Nag-shower muna ako at staka nag-bihis lang ng isang white shirt na may tatak ng muka ni tweety bird at nag short lang ako na color orange and naka-flipflops rin ako. Kinuha ko na yung phone ko at bumaba na para kumain.
Pag-dating ko sa kusina....
"Hay nako apo. Wag mo muna isipin yang negosyo namin. Matagal pa naman bago kayo nila Mira ang mag-handle." Naka-ngiting sabi ni lolita.
Ahh... mga tagapag-mana na naman ang topic?
Umupo na lang ako sa upuan ko at nagsimula nang kumain.
"Well, let's say na maaga pa para pag-usapan toh pero gusto kong ipaalala sa inyong dalawa, Miguel at Marky. Kayong dalawa ang magiging vice president ng kumpanya here in Philippines at sa France while Mira will be the CEO. Or ang pinaka mataas sa lahat." Sabi ni lolita. K. Payn. Ako nga ang future CEO ng Aguinaldo Group of Companies.
"Bakit si Mira ang magiging next CEO eh si Marky ang panganay?" Angal ni dad pero sang-ayon ako dun sa sinabi nya.
"Hindi pwera panganay eh sya na ang magma-mana? Si Mira ang gusto ko and that's final." Sabi ni lolita sabay kain nung pork steak nya.
"Pero--" -Dad
"Wala nang pero, pero! I want Mira to be the next CEO!" Sabi ni lolita sabay inom nung tubig at staka tumayo.
"Magpapahinga na ako." Sabi nya at lumabas na ng dining room.
"Hayy. Mira, wag mo muna isipin yung sinabi ng lola mo ha? You can still enjoy your life. Hindi puro business lang." Sabi ni dad at tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
After kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Gusto ko nang matulog.
Hayy. Ako? As a future CEO? I think I can't handle a big company. Ang gusto ko lang sana ay yung mga companies dito sa Pilipinas ang i-handle ko. Pero hindi eh.
Ang gusto ni lolita ay i-handle ko lahat ng mga companies namin around the world na pwede pang dumami pag-dating ng right time ko.
Nagde-day dream pa ako nang tumunog ang phone ko at nakita kong may natanggap ako message from...unknown number?
From: 09tututtutut
Psst!! Ms. Perfect!
The who naman itong unknown number na toh?
Me:
May I know kung sino ka?
*Ring* Oh! May reply agad!
From: 09tututtutut
Rhob.
Rhob? Eh sino ba yung Rhob? May kilala ba akong ganun??
Me:
Wala akong kilalang Rhob.
From: 09tututtutut
Aissh! Rhobert Castro. May kilala ka nang ganyan?
Me: 09tututtutut
Wala eh. Sino ba yun?
From: 09tututtutut
Tsk. -,- Si Mr. New Guy ito!
Ahh. Si Mr. New guy pala ang ka-text ko.
Me:
Ah. K.
From: 09tututtutut
Yan lang sasabihin mo?
Me:
Eh ano ba dapat kong sabihin? -__-
From: 09tututtutut
Whatever. Paki-save itong # na toh.
Me:
K.
From: 09tututtutut
Na-save mo na?
-____- Psh. Tinatamad nga akong isave eh.
Me:
Oh yeah? Bakit ba?
From: 09tututtutut
Alam mo na yung mga dadalhin bukas sa D.A?
D.A? Diamond Academy? Ano meron dun?
Me:
Ano gagawin natin sa D.A? Duh!? Sa Willstone Academy po tayo naga-aral.
From: 09tututtutut
Exchange students tayo. Remember?
Exchange students? Weh? Diba hindi naman? Pero.... ay oo nga! Exchange students kami starting tomorrow sa D.A!
Me:
Ay oo nga noh! Ambilis ko maka-limut. Grabe. Anyway? Ano mga dadalhin?
Reply ko sa kanya at hinhintay na lang ang replay nya.
1 minute....
2 minutes....
3 minutes....
4 minutes....
5 minutes....
=_= Wala pa rin syang replay. Aissh!!
10 minutes....
20 minutes....
1 hour....
Inaantok na ako... ano ba yan! Wala rin syang replay! Maka-tulog na nga.
Pero bago matulog ay nag-toothbrush muna ako sa banyo at staka na ako dumiretso higa sa kama ko. Pero bago matulog ay tinignan ko muna yung phone ko sa huling pagkakataon.
Wala pa ring pagbabago sa lock screen ko kaya natulog na lang ako.
----------TheNextDay----------
Rhobert's (P.O.V)
"WAAAAAAAH!!!!!" Napa-bangon agad ako ng higa dahil sa sigaw ng kapatid ko na yun.
Sinuot ko agad ang slippers ko at dumiretso sa kwarto ng kapatid ko. Pag-bukas ko ng pintuan ng kwarto nya....
"ANO NANGYARE CHA!!?" Sigaw ko agad at nakita ko sya banyo na naka-higa. Mukang nadulas ata.
Pinuntahan ko na sya sa banyo at tinulungang tumayo.
"Salamat kuya!" Naka ngiti pa sya sakin. Tsk.
"Sige na. Maliligo pa ako." Sabi ko at bumalik na ulit sa kwarto ko para maligo.
Sa Diamond Academy pala kami ngayon? Dun muna ako galing bago sa Willstone. Transferred student ako? Remember?
Nung nalaman ko kasi na dun nag-aaral si first love nagpa-lipat agad ako. Pinayagan naman ako ng papa ko na syang may ari ng D.A
Sinuot ko na yung uniform ng D.A at sinuot na rin yung ID ko sa Willstone.
I dunno kung ano magiging reaction ng students pag nakita nila ulit ako dun mamaya.
Bumaba na ako dala yung bag ko. Pag-dating ko sa kusina nakita kong kakaupo pa lang nung kapatid ko.
"Ano ulam mama?" Tanong ko sa maganda kong nanay.
"Your favorite fried egg!" Nakangiting sabi ni mama. Ang ganda talaga ng mama ko.
"Thanks ma!" Sabi ko din ng naka-ngiti sa kanya. Umupo na rin ako sa upuan ko at nag-simulang kumain.
After kong kumain ay humingi na ako ng perang baon pag-punta sa school. At dahil sa ibang school ako ngayon. Lumaki yung baon ko. From 100 to 200. Pwede na rin.
Wala akong credit card at never ko rin naranasan mag-baon ng 1000 katulad sa Willstone na ubod ng yayaman ang mga estudyante.
Edi sila na mayaman! =.=
"Bye anak! Ingat ka sa Diamond Academy! Hihi" Si mama. Psh. Ayoko na nga bumalik dun eh.
Naglalakad na ako palabas ng subdivision para sumakay ng taxi papuntang D.A. Mas mapapamahal ang pamasahe pag sumakay pa ako ng tricycle eh lalabas palang yun ng subdivision at staka 40 pesos na. Ang mahal diba?
K. Ako na ang super tipid. =.=
*Ring-Ring*
Uyy! Selpun ko yun ah! (Selpun-Cellphone)
Nakita ko na nang-text sakin si Jhaycee.
From: Jhaycee
Hi Rhob!! Alam mo ba? Ang gwapo mo. Hihi ^__^
Nambobola na naman ang kikay. May kailangan na naman toh sakin eh.
Me:
Alam kong gwapo ako. Matagal na. Ano kailangan mo?
From: Jhaycee
Ano kasi... baka makita mo si Harry mamaya sa D.A. Ano... alam mo na. Hihihi >///
Tsk. Tsk. Sabi na eh. Si Harry na naman?
Sino si Harry? Si Harry yung isa sa mga hearthrob sa D.A na krass ni Jhay.
Me:
Oo na. FS na naman ang gusto mo?
From: Jhaycee
Oh yizz!! Kyaaa~! >●
Me:
Geh. Ako na bahala.
At nilagay ko na yung selpun ko sa bag ko at nagpatuloy na sa paglalakad
At makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakalabas din ako ng subdivision. Ang layo din noh?
Buti na lang talaga at nakasakay agad ako ng taxi papunta sa D.A. Sabi rin kasi nila Jana,sa entrance gate na lang daw ng D.A magkita-kita.
After 30 minutes ay naka-dating na rin ako sa D.A. Sa wakas!
Nag-bayad na ako sa driver at staka lumabas ng taxi. Malapit na rin kasi mag-7.
Pagkalabas ko....
O.O -Students
Lahat sila nanlalaki ang mata nang makita ako. Tsk. Sinsabi ko na nga ba eh.
Napatingin naman sila dun sa gilid ko kaya tinignan ko din kung ano meron. And there I saw her, na bumaba sa kotse nya.
Pero.... napansin ko?
Parang nag-slow motion ang paligid ko habang nag-lalakad sya papunta sakin?
Tapos, ang bilis ng heart beat ko. Ganito yung naramdaman ko nun kay first love eh.
"Hey!" Bati nya sakin. Tekk! Binati lang nya ako, parang kinikilig na ako? Putek! Para akong bading neto eh!!
"H-Hi Jana!" Bati ko din sa kanya. She just smiled at me.
Ni-ngitian nya ako? Shit feeling toh!
"Nasan na yung iba?" Tanong nya. Sasagutin ko na sana nang may mag-salita sa likod. Familiar voice? Di kaya si--
"Hi Ms. President." Naka-ngiting sabi ni Jana kay Ms. Perfect.
"Hello." Sagot nito. Humarap na ako sa kanilang dalawa. And nakita ko ang ngiting peke? Ni Ms. Perfect.
"Hi Ms. Perfect." Bati ko na lang din sa kanya.
"So? Asan si Zeid?" Tanong ni Ms. Perfect.
"Here." Sagot ni Zeid na nasa likod ni Ms. Perfect at agad lumapit sa tabi ni Jana. Psh.
"So? Tara na?" Sabi ni Jana and we just nod to her.
Pagpasok namin sa loob....
All eyes on us. Or...... sakin?
Hula ko. Magsisisigaw yan. In 1...2...3...
"KYAAA!!!! SI RHOBERT CASTROO! ANDITO ULEET!"
"AND KASAMA PA NYA YUNG MR. OH-SO PERFECT."
"AND LOOK! YUNG KA-LOVETEAM NI MR. PERFECT. SI MS. PERFECT!!!"
"SI JANA!! ANG GANDA NYA. WAAH!!"
"RHOBERT!!! I MISS YOU!!"
"KYAAA!! RHOB MAHAL KITAA!"
Tsk. Sabi na eh. Gwapo ko talaga. Hohoho!!
"Tara muna sa office nung head teacher? Para kunin na rin yung schedule?" Tanong ni Jana.
"Sure" Nakangiti kong sabi. Naka smile sya eh, dapat ngumiti rin. ^_^
Ang korny! Para akong bading nito eh. Bad boy kaya ako. Tsk.
Dumiretso naman kami sa office na may nagsisigawan pa rin. May kasama nga kasi akong may maganda at gwapo na nilalang. Pero syempre, mas gwapo naman ako noh!
Nu ba yan! Ang hangin ko pero nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. ~_^
Pumasok na kami sa loob ng office ng matiwasay. Buti naman at walang nag-balak mag-rape samin. Lol.
"Good morning ma'am." Bati nila dito kay head titser. Ayoko ngang batiin yang matandang yan. Tss.
Napatingin naman samin yung head na kanina pa titig na titig sa mga paper works na dapat ata nyang pirmahan at di na dapat titigan pa dahil wala naman magagawa.
"Oh! Morning. So? I guess kayo ang mga students from Willstone Academy?" We just nod to her.
"Hmm. Okay. Here's your schedule and oh! Magkaiba kayo ng building. So ganito, si Mr. Crisostomo at Ms. Isidro sa bldg C. While you Mr. Castro and Ms. Aguinaldo ay sa bldg B. Get it? You may go now." Deretsong sabi nya at balik titig dun sa mga papel. Tss. Daldal talaga ng matandang toh. =.=
Kinuha na lang namin yung schedule namin staka lumabas ng office at pansin ko rin na napaka-ingay pa rin sa labas.
"Famous huh?" Sabi ni Jana and I just smile at her.
"Hearthrob ka pre?" Sabi naman ni Zeid.
"Yeah. Gwapo eh." Ok. Ako na ang mahangin. HOHOHO!! xD
"Pfft. Gwapo? Weh?" Bulong ni Ms. Perfect. Bulong ba talaga yun? Eh bakit rinig ko? Tss.
"Anong sabi mo?" Inis kong sabi sa kanya. Gwapo naman talaga ako. =.=
"Wala. Sabi ko, pangit ka na nga. Bingi ka pa. Tss. Kakaturn off yun dude. Haha!!" Sabi nya. Aba! Binara pa ako. =.= Hindi ako pangit at lalong hindi ako bingi. Edi sana di ko narinig yung binulong nya diba? Tss.
Pero ok na sya. Buti naman at di na sya umiiyak at back to real na sya. Ang pangit kaya nya umiyak. Hoho!!
Ang bad ko. Haha!!
Di ko na lang sya pinansin at nag-umpisa nang maglakad papuntang Bldg B. Anong section kaya kami?
Pumunta na rin sina Jana at Zeid sa Bldg C habang kami naman nitong Ms. Perfect na toh ay dito sa Bldg B.
Hinahanap namin ang room 28 dahil dun daw ang classroom namin base dito sa schedule.
"San ba yung room na yun, Mr. New Guy? Kanina pa tayo paikot-ikot dito oh!" Sabi ni Ms. Perfect and yeah. Kanina pa namin hinahanap ang room 28.
"Diba dito ka dati nag-aral bago sa Willstone? Bat di mo alam kung san yung room 28 na yan!!?"
"Eh sa di ko makita eh! Taga bldg A po ako dati Ms. Perfect kaya di ako napapasyal dito sa bldg B!"
"Tss. 7:30 na oh! Di pa ata tayo makaka-abot sa first subject. First day, late? Wow!" Tsk. =.=
"Room 25.... room 26.... room.... 27.... room 28-- ROOM 28! Eto na yun!" Sigaw nya ng makita ang room 28. Sa wakas.
Bakit di namin makita kita yung room na yun? Aaminin ko. Malaki din tong bldg B. Tatlong floor ata meron ang building na ito eh?
And nasa 3rd floor pa kami.
"Tara na!!" Sigaw nya sabay hila sakin at tumakbo papunta sa room 28.
Kumatok muna sya sa pinto at staka ito binukas at nakita namin ang teacher at mga classmate namin for 1 week.....
0_0 sila?
"Ma'am, sorry we're late. Di po kasi namin mahanap tong room na toh. Hehe. Sorry." -Ms. Perfect.
"It's ok. You two may come in." -Teacher. At pumasok naman kami pero nasa harap.
Nasa bldg A dapat sila ah? Bat nandito sa bldg B?
"Please introduce yourselves to them." Sabi nang teacher na toh. Tsk.
Gusto ko sana sabihin na.... 'ma'am, kilala na po ako ng mga yan.'
Pero imposible ko naman sabihin yun.
"Ok ma'am." Masunurin talaga tong babaeng toh.
Humarap na sya sa kanila at nag-umpisa nang magpakilala.
"Hi! I'm Mira Aguinaldo from Willstone Academy. I'm one of those exchange students here. Sana maging kaibigan tayo kahit na 1 week lang kami dito." Sabi ni Ms. Perfect with matching ngiti pa. Napatingin naman ako sa mga boys na yun at pansin kong titig sila kay Ms. Perfect.
Tss. Nagandahan na naman siguro.
"Psst. Mr. New Guy, ikaw na!" Bulong sakin ni Ms. Perfect kaya nagpakilala na din ako.
"I'm Rhobert Castro from Willstone Academy. One of the exchange students. That's all." Tipid ko mag-salita ah? Mad mabuti na yun pero napansin ko na nakatingin sakin ang isang ugok.
Ok. Alam ko na next na mangyayare.
"RHOB!!!! WE MISS YOU PRE!"
--------------------
NXT. CHAPTER: Chapter 12 - His Stare
Thanks for reading my story! *bow*
Multimedia side: Angeloy Violenta
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top