CHAPTER 59
zenia POV
6:30 palang ng umaga nandito na ako sa school. Ngayong umaga matatapos lahat ng laro at mamayang hapon preparation para sa pageant.
Duneretso ako sa garden at naghanap nang pwedeng mapagtambayan habang naghihintay magumpisa ang laro. Hindi na ako nagpaalam kay Jack kanina pag kaalis sa condo niya. Ang himbing nagtulog e.
Umakyat ako sa pinakamataas na puno at sumandal. Pinikit ko naman ang mata ko at umdlip na muna.
---------
Napamulat ako ng bigla nalang tumunog ang school bell. That's mean magsisimula na ang lahat ng laro.
Tinignan ko ang oras sa wrist ko at mukhang napahaba yata ang idlip ko. Naisipan ko nang bumaba. Pagkababa ko nakita ko naman si skit na naglalakad papasok sa building. Dere-deretso lang siyang naglalakad papasok at mukhang malalim ang iniisip niya. Hindi ko siya pinansin pa at naglakad nalang papunta sa field 2 kung saan gaganapin ang outdoor archery.
Nakasalubong ko pa sila Charles kasama sila zack. At mukhang may laro sila sa basketball. Naka suot sila ng Jersey at hindi ko maipagkakaila na ang gwapo nila tignan sa suot nila.
"Zenia"tawag sa akin ni Brent ng lalagpasan ko na sana sila. Tumigil ako at hinarap sila.
"Si skit? Alam mo ba kung nasan siya? Hindi kasi siya umuwi sabi nila Monique"sabi sa akin ni Zack. Tinignan ko naman siya at kita kong kinakabahan siya habang sinasabi yun. Hindi din siya makatingin sa mga mata ko. I smirk on my mind.
"I saw her."sabi ko. Napatingin siya sa akin bigla at mukhang nabuhayan.
"Saan? "Tanong niya
"Pumasok siya sa building.. Mukhang ok naman siya"sabi ko
"Segi.. Salamat! "Huling sabi niya bago tumakbo papunta sa lugar na tinuro ko. Nakita ko namang sumunod sa kaniya sila Brent. Napatingin ako sa isang Tao na naiwan dito sa tabi ko. Kita kong nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.
"San ka nagpunta kahapon pagkatapos ng laro? "Tanong niya na ikinataas ng kilay ko.
"Sa kaibigan ko"sagot ko sa kaniya.
"Kaibigan? Sino? "
"Bakit ka ba tanong ng tanong? "Inis na tanong ko sa kaniya. Bahagya naman siyang natigilan sa sinabi ko. Mukhang nabigla siya.
"K-kasi... "
"Kasi ano? "Tanong ko sa kaniya.
"kasi...nagaalala ako sayo"nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.
Hinawakan ko ang balikat niya at nagsalita.
"Wag kang mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko"huling sabi ko sa kaniya at iniwan na siya doon na parang Tanga.
-----------
Charles POV
"Damn! "Mura ko ng mapagtanto kong nasabi ko ang hindi ko dapat masabi sa kaniya. Tinignan ko kung saan siya nagpunta at hindi ko na siya Makita pa.
"Cap!! " napatingin ako Kay Jules na tumatakbo papalapit sa akin. Isa siya sa mga ka team ko sa basketball.
"Buti.. *huh* nahanap *huh*kita.. Galit na galit si coach don. Kanina ka pa niya hinahanap.. Dalian na natin! "Hindi na ako nakaapila pa sa kaniya at hinila na ako.
Nakarating kami sa gym at sinalubong naman ako ng talak ni coach.
"Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na ilang minuto nalang magsisimula na ang laro!? "Hindi ko na siya pinakinggan pa at tinuon nalang ang pansin ko sa makakalaban namin. Napatingin ako sa captain ng seniors.
Tinignan niya ako ng matalim. Hindi ako nagpatalo sa kaniya at napangisi nalang ako kalaunan ng siya ang unang bumawi. *smirk* weak.
Narinig ko naman na tumunog na ang buzzer.
"Tara na! "Sigaw ko sa kanila.
"Yeah!! "
"It's game time! "
Dinig kong sigaw ng mga ka team ko at pumasok na kami sa court. Narinig ko pa ang ilang paalala sa amin ni coach pero kahit ni isa sa amin walang nakinig sa kaniya.
Ako, si zack, Bryan, Jules, at si Tim. Kami ang first five. Pumunta na ako sa gitna ng court ng tawagin ako ng referee. Pumwesto na ako para sa jump ball. Tinignan ko ang kaharap ko at ang talim ng tingin niya sa akin. Tsk.
May sinabi pa ang referee bago niya ihagis ang bola sa taas. Sabay kaming tumalon ni Frank at nag-agawan ng bola. Nakita kong nag smirk siya sa akin ng makuha niya yun at mabilis na pinasa sa no. 6. Tumakbo na ako pabalik sa court namin para sa defence.
"Wooooo!! Go kings!! "
"Kyaaahh... Zack!! "
"Frank wag kang magpapatalo diyan! "
"Kyaaahhh... Charles!! I love you! "
"Omggg! Ang hot ni Jules! "
"Kyaaaaaahhh!! "
Dinig kong sigaw ng mga manonood. Hindi ko na sila pinansin pa at tumingin sa opponent ko.
"Masaya ako na nagkatapat na naman tayo"sabi niya sa akin.
"Yeah"pagkasabi ko non. Mabilis kong hinarang ang kamay ko sa bola na ipapa sana sa kaniya. Kita ko ang gulat sa mukha niya at mukhang hindi niya naman napansin ang ginawa ko. Mabilis ko yung drinible at tumakbo papunta sa kabilang court. Naramdaman ko naman na humahabol siya sa akin.
Mabilis kong nilampasan ang isang kalaban at nag lay-up. Napangisi ako ng makita kong pumasok yun.
"Kyaaahhh.. Charless!! "
Pagkababa ko tinignan ko si Frank na ang sama ng tingin sa akin. Mukhang nainis na siya. Nag smirk ako at nilagpasan na siya.
-------
Mabilis lang ang takbo ng oras at 4th quarter na. Ilang minuto nalang din ang natitira sa laro. 102-98 ang score at lamang kami.
Pabagsak akong umupo sa bench at kinuha ko ang bottled water ko at uminom. Hingal kong pinunasan ang pawis ko at nakinig sa sinasabi ni coach. Tumabi naman sa akin si zack at hingal na hingal na din siya.
"Gusto ko nang matapos to"dinig kong sabi niya
"Malapit na.. Ilang minuto nalang ang natitira"narinig naming tumunog na ang buzzer. Tumayo na ako at ganon din ang team mates ko. Naglakad na kami sa papasok sa court.
----------
Zenia POV
Maagang natapos ang laro ko dahil hindi ko na pinatagal pa. Mabilis akong naglaho sa field kanina dahil sa binabantayan na naman ako ng mga reporter. Naisipan ko Nalang na pumunta sa gym at manood ng laro.
Nandito lang ako sa itaas ng gym sa may sulok at nakatigin sa ibaba. Napatingin ako sa team ni Charles at makikita mo sa kanila ang pagod. Napatingin ako sa score at mukhang malaki ang tyansa nilang manalo.
Naramdaman ko naman na parang may nakatingin sa akin. Napatingin ako sa kanan ko at doon nakita ko si skit na nakatingin sa akin na walang buhay. Blanko lang siyang nakatingin sa akin.
Umiwas din siya at naglakad na papalayo sa akin.
Napaayos naman ako ng tayo at sinundan lang siya ng tingin.
"Skit"bulong ko.
---------
Stacy POV
Kasama ko ngayon sila Monique at dria at nanonood kami ngayon ng laro nila Bryan. Hindi na kami dumagdag sa pagsigaw dahil halos lahat ng tao dito pangalan nila ng team nila ang sinisigaw.
"You see that! Dria! Ang galing ni Bryan pumasok ng bola! "Tili ni Monique sa tabi ko.
"Oo na! Nakikita ko hindi ako bulag! "
"Ahmmp.. Ang bad mo! "Napailing nalang ako sa pinagsasabi nila.
Napatingin ako gawing kanan ko at nanlaki ang mata ko ng mahagip ng paningin ko si skit.
"Skit! "Tawag ko pero mukhang hindi niya ako narinig.
"Si skit? Nasan si skit? Stacy! "Hindi ko pinakinggan si Monique at tumakbo papunta Kay skit na papalabas na sa gym. Sumuot ako sa nagsisiksikang estudyante at fuck!
"Hoy! Ano ba! "
"Wag ka ngang sumingit! "
"Miss.. Aray! "
"Miss.. Ano ba!! "
"Sorry "yan nalang ang nasabi ko sa kanila at ng makalabas na ako ng tuluyan sa gym nilibot ko ang paningin ko para mahanap siya.
"Skit! "
"Skit nasan ka na ba? "Tanong ko sa sarili ko. Tatakbo na sana ako papunta sa gawing kanan ng bigla nalang may humila sa braso ko. Tinignan ko ang taong yun at bahagya pa akong nagulat ng makita ko siya.
"San ka pupunta? "Seryoso niyang tanong sa akin. Winaksi ko naman ang kamay niya na nakahawak sa braso ko
"Ano ba! Wala ka na don"inis na sabi ko Kay brent
"Stacy..mag-usap muna tayo"
"No! "Sagot ko sa kaniya
"Stac--
"Ano ba Brent! Hindi ka ba nakaka-"
"Fuck! You pls shut up! At makinig ka sa sasabihin ko!? ..stacy"
Matalim ko siyang tinignan at kita ko kung paano siya nasasaktan sa ginagawa ko.
"Stacy makinig ka pls! I'm begging! "Nagbuntong hininga ako at nagsalita
"Fine! "
"Thanks"kita ko kung paano guminhawa ang mukha niya sa pagpayag ko.
"Stacy...isang beses ko lang tong sasabihin...stacy..liligawan kita"nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. What the hell!!
"At hindi ako tumatanggap ng no bilang sagot.. Kaya sa ayaw o gusto mo. Liligawan kita"nakangiti niyang sabi sa akin.
"Hindi ko na hahayaang... Tatalikod ka na naman sa akin at iwan mo ako na nasasaktan. Hindi ko na hahayaang hanggang bangayan nalang ang kahahantungan ng lahat.. Kaya stacy.. Sasabihin ko to sayo.. Liligawan kita hindi lang dahil mahal kita kundi dahil ikaw lang ang unang babaeng nakakuha ng puso ko"
Tang'ina!!
------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top