CHAPTER 57
Zenia POV
Naglalakad ako dito sa corridor habang bitbit ko ang bow and arrow ko. Isang oras nalang magsisimula na ang laro ko.
Napatigil ako ng bigla nalang may nagsalita sa likod ko. Sa tuno ng boses niya alam kong galit siya.
"Zen! "Hinarap ko si skit na hindi alam kong anong gagawin niya. Napatingin ako sa hawak niya.
"Skit!! "Rinig kong sigaw ni Zack sa likod niya. Napatingin siya sa akin at mukhang nagulat siya. Tinignan ko ulit sa skit
"Tell me the truth!! Zen!! Ikaw ba? Ikaw ba yun!!?? "Sigaw niya. Nakakaagaw na kami ng atensyon ng ibang mga students.
"Nasayo na ang ibedensya.. Bakit mo pa ako tinatanong?kulang pa ba? "Tanong ko sa kaniya. Wala akong pinakitang emosyon sa kaniya kundi blankong tingin.
"Wow!.. Hindi mo man lang ba talaga ipagkakaila ang lahat?... Your unbelievable "sarcastic na sabi niya sa akin.
"Excuse me.. May laro pa ako"paalam ko sa kanila at tinalikuran na sila para maglakad.
"Zenia!! Alam mo ba ang kahihinatnan ng ginawa mo? You know the rules.. Don't you? "Napatigil ako sa sinabi niya.
"I know.. And I don't regret of what I did"I said at iniwan na sila ng tuluyan sa corridor.
Ito na ang simula. Umaayon ang lahat sa Plano. Kunti nalang...
----------
Skit POV
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni zenia hindi ko na alam kung saan ako dinala ng paa ko. Hindi ko gusto na dito nalang matatapos ang lahat. Alam ni zenia ang rules sa gang hindi maaring sumabak sa Laban ng mag-isa ang isang member ng grupo. Labag yun sa patakaran. Dahil pinapahiwatig nito ang pagtataksil at walang tiwala sa kakayahan ng grupo. At pagnakaabot Ito sa higher ranks. Isa lang ang ibig sabihin non. Maalis siya sa pagiging kasapi ng grupo kahit siya pa ang leader namin.
Napatigil ako sa paglalakad ko ng bigla nalang may humawak sa braso. Hinarap ko ang taong yun at hindi ako makapaniwala sa nakita kong Tao na nakatayo sa likuran ko
"Anong ginagawa mo? "May halong inis na tanong ko sa kaniya sabay bawi ng braso ko. Kita kong ngumiti siya at namulsa habang nakatingin sa akin.
"I think may alam ka na sa tinatagong sekreto ng leader niyo"nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tinignan ko siya na nagtataka.
"Anong alam mo Sebastian!? "Medyo tumaas na ang tuno ng boses ko dahil sa pinaghalong galit, inis, at kaba na nararamdaman ko.
"Hindi siya ang kilala niyong zenia...ang totoong zenia ay isang mapagpanggap. Pinapaikot niya lang kayong lahat sa nga kamay niya. Pinaglalaruan ang buhay niyo. "Sabi niya.
"Ano bang alam mo?...hindi mo siya kilala kaya wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan! "Sigaw ko sa kaniya.
"Talaga?...sa pagkakakaalam ko nilabag niya ang isang rules sa GA na ang higher ranks ang nagpatupad...alam kong alam mo ang sinasabi ko dahil isa ka sa mga nagpatupad non.. Higher 'LIN'"naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya
"Ano ba talagang gusto mo? "
"Simple lang...sundin ang pinaguutos sa akin"makahulugan niyang sabi bago ako lagpasan.
"Btw.. Be careful"aapila pa sana ako sa sinabi niya ng bigla nalang may tumamang bagay sa leeg ko.
"A-no--"kinapa ko yun at hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang nanlabo ang paningin ko at kainin ako ng dilim.
-------
Monique POV
Pagkatapos naming kumain sa cafeteria nauna na kami ni dria papunta sa pool area. Swimming ang susunod naming laro at inaasahan ko nang makakalaban ko si dria sa finals.
"Tapos ka na? "Bungad na tanong saakin ni dria pagkalabas ko sa shower room.
"Hmm.. Tara na"aya ko sa kaniya at pumunta na kami sa pwesto namin. Kunting minuto nalang at magsisimula na ang laro. Tinignan ko ang isa pa naming kalaban. She's Haley. Dinig kong usapan ng ibang students na magaling din siya pagdating sa sports na to. Nakakuha na siya ng 7 gold medals sa middle school niya.
"Get ready swimmers!! "Sigaw ng referee. Rinig ko naman ang hiyawan ng mga studyanteng nanonood sa laro. Nakita ko naman si Bryan na nakangiti sa akin. Ginantihan ko naman siya ng ngiti.
Napatawa naman ako ng makita kong nainis siya sa mga babaeng nakapaligid sa kanila ni ivan at nagpapansin.
"Sira talaga"bulong ko sa isipan ko. Wala dito si Stacy dahil may laro yun ngayon sa football girls. Si skit hindi ko alam. Si zenia naman may laro din siya.
"On your mark... Ready get set go!! "Pagkarinig ko ng tunog ng pito nagdive na ako sa tubig kasabay nila dria.
Medyo nauuna na sa akin si dria pero hindi ako magpapatalo sa kaniya.
"Woooo!!! Babe bilisan mo pa humahabol si Monique sayo! "Dinig kong sigaw ni ivan. Tang'inang lalaking yun..
Hindi ko na sila pinansin pa at mas mabilis na lumangoy. Magkasabay kaming umikot ni dria at lumangoy pabalik. Pasimple kong tinignan si Haley at medyo hindi ako makapaniwala dahil nasasabaya niya kami dria. Magaling nga siya.
Ng malapit na ako sa finish line mas binilisan ko pa. Kasabay ng pagtunog ng buzzer ang paghawak ko sa gilid ng pool.
"Wooooo!!! Ang galing "
"Kyaaaahhh! "
"Grabe ang bilis!! "
Mabilis kong tinignan ang score board at hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Tinignan ko si dria at nakangiti siya sa akin.
"Congrats! "Sabi ko sa kaniya. Siya kasi ang nanalo at pangalawa ako. Tinignan ko si Haley at hindi ko alam pero bumungad sa akin ang kamay niya. Napangiti naman ako at nakipag shake hands.
"Congrats! "She said
"Same too you"umahon na ako at sinalubong naman ako ng yakap ni Bryan na medyo ikinapula ko.
"B-yran? "
"Ang galing mo kanina"niyakap ko naman siya pabalik. Hanggang ngayon hindi ko pa din siya sinasagot seguro kapag tapos ng school fest. Hindi ko naman kailangang patagalin pa ang panliligaw niya hindi naman mahalaga kong gaano siya katagal man ligaw ang mahalaga kung gaano kami katagal nagmamahalan.
"Hoy! Tama na ang landian.. Awarding na oh"kumalas naman ako sa yakap ni Bryan at napatawa kami dahil sa sinabi ni ivan.
"Panira ka talaga van! "
"Gago! "Napatawa naman kami dahil sa pagmumura niya. Inabutan naman ako ni Bryan ng towel. Kinuha ko yun sa kaniya at hinatid pa talaga niya ako pagkatawag sa pangalan ko.
I'm thankful dahil hindi niya ako sinusukuan.
-------
Nandito kaming lahat sa room ng kings at kanina pa hindi mapakali si Zack sa kakabalik ng lakad.
"San mo ba siya huling nakita? "Inis na tanong sa kaniya ni Stacy. Matapos kasi ng laro naming lahat tinawagan naman kami ni Zack na nawawala daw si skit.
"Sa corridor.. Hahabulin ko pa sana siya kaso hindi ko na siya naabutan"sagot niya.
"Baka naman nagpapahangin lang kung saan saan diyan"-sabi ni ivan
"Tama.. Zack kaya huminahon ka nga! Kami tong nahihilo sa pinaggagawa mo e"sabi ko. Kita ko naman na naupo na siya sa tabi ni Charles na kanina pa nakikinig sa usapan namin.
"Stacy nacontact mo na ba siya? "Tanong ko Kay Stacy. Umiling naman siya sa akin.
"Connot be reach"napabuntong hininga ako
"Ano ba kasing nangyari zack? "Tanong ni Brent. Nakita ko naman kung paano umirap si Stacy sa kaniya.
"Hindi ko alam.. Basta ang huli niyang nakausap ay si zenia. Hindi ko alam kong anong pinag-usapan nila"sabi niya sa amin.
"Kung ganon.. Kailangan nating makausap si zenia..baka may alam siya kung bakit hanggang ngayon hindi pa din bumabalik si skit"sabi ni bryan
"Ang tanong... Saan naman natin hahanapin ang babaeng yun.. Hindi nga natin mahagalip pagkatapos ng laro "sabi ni dria
Napabuntong hininga naman ako. Nasan na ba ang dalawang yun?
-----
Zack POV
Hindi ko gustong magsinungaling sa kanila pero kailangan. Sa tingin ko hindi magihing maganda kapag sinabi ko sa kanila ang alam namin ni skit. Alam kong masasaktan din sila.
Pero sa ngayon.. Kailangan mo naming mahanap si skit.
Damn.. Nasan na ba siya?
--------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top