CHAPTER 56


Skit POV

Nagsisimula na ang laro at wala akong naririnig na ingay sa apat na sulok ng kwarto. Ginalaw ni third ang isang horse at kinain ang isang pawn ko. Napangisi ako sa isipan ko ng bigla ko ding kinain ang horse niya.

Kita ko kung paano kumunot ang noo niya at matalim akong tinignan. Umayos naman ako ng upo at nginisihan siya na ikinabigla niya.

"Your good"he said.

"I am? "Pagmamaang-maangan Kong sabi. Akala niya hindi ko nakita ang ginawa niya. Ginalaw niya ang queen at kinain ang isang Bishop ko. Ginalaw ko ang isang pawn ko. Mag-iisang oras na kaming naglalaro at kunti palang ang nakakain ko sa chess piece niya. Hindi ko napansin ang galaw niya

"Checkmate"he said at ngumisi sa akin.

"Not so fast"I said at kinain ang queen niya gamit ang isang Bishop ko.

"Checkmate"I said to him. Nakita ko naman na parang kinakabahan na siya. Maling galaw niya lang wala na siyang lusot.

Isang galaw lang ang kailangan ko. Panalo na ako.

Kita kong nilapit niya ang kamay niya sa king niya pero Hindi niya pa ito nagagalaw. Napatingin siya sa akin at tinapunan ako ng matalim ng tingin. Ginalaw niya ang king at nilagay sa kanan.

"You lose"I said at ginalaw ko ang ruke ko at kinain ang king niya. Tinignan ko siya at ang Hindi maipinta ang mukha niya na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"I won"I said to him at spread my hand for shakehands. Tinanggap niya naman Ito at ngumiti sa akin.

'It's really good to be your opponent "

"Me too.. Your good "

"Thanks"pagkatapos naming magusap nagpaalam na ako sa coach ko na aalis na ako. Hindi mo naman maalis sa mukha niya ang saya dahil sa pagkapanalo ko. Napailing nalang ako bago ko puntahan sila Monique sa cafeteria. Nag text siya sa akin na nandon daw sila kasama ang kings at kumakain.

----

Pagdating ko sa cafeteria nakasabay ko namang dumating sila Brent at Ivan. Napakunot ang noo ko ng makita kong parang lantang gulay si Ivan.

"Kamusta laro? "Tanong ni Brent pagkalapit nila sa akin.

"Panalo.. Ikaw? "

"Same... "Nakangiti niyang sagot. Nagulat naman kami ng bigla nalang sumigaw si ivan

"Ahhhh... Nakakainis ka talaga Brent!! "Tinignan ko na nagtataka si Brent dahil sa inasta ni ivan

"Ahehehe... Pagpasensyahan mo na yan.. Hindi tanggap na natalo ko siya sa golf"

"Prrfftt... Dahil lang don.."I said. Nag nod naman siya sa akin. Sinilip ko si ivan sa likod niya at ganon pa din ang mukha. Prrfftt.. Parang bata.

"Tara na.. Nagugutom na ako"aya ko sa kanila at pumasok na kami sa cafeteria. Nakita naman namin kaagad kung nasan ang iba. Lumapit kami sa kanila at umupo ako sa tabi ni Zack.

"Kamusta laro niyo? "Bungad na tanong sa amin ni Bryan

"Aahhh.. Wag mo nang ipaalala!!! "Napatawa naman kami ni Brent sa biglang pagsigaw ni ivan sabayan mo pa ng pagdadabog niya. Nakita naman namin ang pagtataka sa mukha ng Iba.

"Hayaan niyo na natalo e"natatawang sabi ni Brent sa kanila.

"Waaaaahhhh!! King'ina mo Brent!! Makakabawi din ako sayo!! "Sigaw ni ivan.

"Prrfftt..hahaha..OK lang yan Van bumawi ka nalang next year...kung mananalo ka Kay Brent.. Hahaha"napailing nalang ako sa sinabi ni Bryan.

Napatingin ako Kay zenia na kanina pa tahimik sa tabi ni Charles. Parang may malalim siyang iniisip. Nagitla naman ako ng mapatingin siya sa gawi ko. Iba ang nakikita ko sa pagtitig niya sa akin.

Zenia.. May pinaplano ka na naman ba?

----

Charles POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain. Napatingin ako sa katabi ko na kanina pa tahimik.

"OK kalang ba? "Tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin at mukhang Hindi niya naman inaasahan ang pagtanong ko.

"Y-eah.. Why? "

"Kanina ka pa tahimik"

"Hindi ka pa ba nasanay? "Napatingin ako sa kaniya ng matalim dahil sa sinabi niya. Kita ko naman kung paano siya ngumisi sa akin ng nakakaloko.

"May laro kayo mamaya.. Hindi ba? "Tanong niya. Nag nod naman ako bago magsalita.

"Football..finals na mamaya.. Manonood ka ba? "Tanong ko sa kaniya

"May laro din ako.. Finals din sa archery"

"Alam ko naman na mananalo ka "

"You sure? "

"Bakit ...wala ka bang tiwala sa sarili mo? "Taka kong tanong sa kaniya

"Hmm.. I don't know... Hindi ko na kasi Alam kong ano pang magagawa ko"napatahimik ako sa sinabi niya. Napatahimik naman ang iba ng tumayo siya bigla.

"Zen? "Tawag sa kaniya ni skit

"Una na ako..may laro pa ako"paalam niya at sinundan lang namin siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng tuluyan sa caf.

"Charles? What happened? "Pagtanong sa akin ni zack

Hindi ako nagsalita at tumayo nalang din. Iniwan ko na sila don at umalis na. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.

Anong pinupunto niya sa sinasabi niya. Anong hindi niya alam kong ano pang magagawa niya?

----

Skit POV

Nagtataka ako sa inakto ni zenia. Nandito pa rin kami sa caf. At parang walang gustong bumasag sa katahimikan sa table namin.

"Skit."tinignan ko si Zack na nakatungo lang habang nakatingin sa pagkain niya.

"Bakit? "Tumingin siya sa akin at parang nagdadalawang isip siya kung magsasalita ba siya o hindi.

"A-no.. Ahmm.. Tungkol sa paghahanap natin sa anonymous girl...kilala ko na siya"natigilan ako sa sinabi niya.

"Anong? "

"Skit..--"hindi niya natapos ang sasabihin niya ng sumabat sa amin si monique

"Oy!!! May sarili kayong topic ah"sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Tigilan mo ako sa kalokohan mo Monique"

"Ano ba kasing pinaguusapan niyo at hindi niyo kami sinasama diyanNapabuntong hininga ako at tumayo na. Hinila ko naman si Zack patayo din at mukhang hindi niya naman inaasahan ang ginawa ko.

"Una na kami "paalam ko sa kanila at  hinila ko na si Zack paalis don.

"Skit... San tayo pupunta? "Dinig kong tanong niya. Huminto naman ako sa paglalakad at nagsalita.

"Paguusapan natin ang babaeng yun.. Pero hindi dito "I said to him at hinila naman siya papunta sa likod ng building.

Ng makarating kami don binitawan ko naman ang kamay niya at hinarap siya.

"Now.. Who's that girl? "Iba kasi ang kutob ko sa babaeng yun. Hindi ko alam pero may kakaiba talaga sa kaniya. Simula ng makita ko ang video na nakipaglaban siya sa GA hindi ko na maalis ang paningin ko sa kaniya. I really want to know her.

"Skit.. Hindi ka mabibigla sa sasabihin ko.. Pero--"

"Fuck!  Sabihin mo Zack!! "Inis na sabi ko sa kaniya. Napabuntong hininga siya at nagsalita na ikinagimbal ng mundo ko.

"Si zenia"

"A-nong... Zack wag kang magbiro ngayon.. Hindi si zenia yun! "Hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Paano namang maging si zenia yun kung alam niya ang rule ng grupo namin. Hindi...

"Hindi din ako makapaniwala sa nalaman ko...pero lahat ng ibedensya si zenia ang tinuturo..nagpatulong ako sa kaibigan ko para malaman ang lahat at Ito.. "May binigay siya sa aking litrato. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago yun kunin. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Ng tignan ko ang picture. Parang gusto ko nang magwala sa nakita ko.

"Skit"

"Damn!! H-ow... How!! "Sigaw ko at napaupo nalang sa damuhan. Kusa namang tumulo ang luha ko dahil sa nalaman ko.

Hindi! Hindi to totoo. Tumayo ako at mabilis na tumakbo kung saan pwede kong makita si zenia.

"Skit!!! San ka pupunta!! "Dinig kong tawag sa akin ni zack pero hindi ko siya nilingon. Mabilis akong tumakbo habang maraming tanong sa isipan ko. Siya lang makakasagot ng katanungan ko ngayon.

Siya lang...

--------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top