CHAPTER 55


Third person POV

Hingal na umupo sa isang upuan sila skit dahil napatawag ng time out ang coach nila. Third set na ng laro at mahahalata mo na sa kanilang lahat ang pagod sabayan pa ng ingay ng ibat ibang estudyanye sa pag che-cheer sa bawat grupo.

"Skit... Seguro magpahinga ka na muna..pagod na pagod ka na"alalang sabi ni dria sabay abot ng isang towel Kay skit. Kinuha niya naman ito at nagsalita.

"Last set na to.. Kapag nanalo tayo dito.. Tayo na ang champion"

"Pero kanina ka pa naglalaro... Mag sub ka nalang kaya mu-"

"I'm fine"nginitian niya si dria na ikinabuntong hininga nalang nito.

"Bahala ka"sabay irap nito. Napatawa naman siya sa inakto ng kaibigan. Tinignan niya ang kalaban nila at hindi niya maipagkakaila na magagaling ito at may ibubuga din katulad nila. Nahagip niya ang captain ng kabilang grupo at parang nakaramdam siya ng iba ng ngumisi sa kaniya ito. Ngising may binabalak.

*prrrrrrrtttt*

"OK!  Girls!! Let's win this game!! "Sigaw ni stacy na siyang tumatayo nilang captain.

"Alright!! "Sabay na sigaw nila at sabay sabay pumasok sa court. Hinawakan na ni monique ang bola dahil siya ang mag se-serve.

"Go! Monique!! Kaya mo yan! "

"Woooooo!!! Ipanalo niyo na yan!! "

" road to champion na to!! "

"Hooo Kristy wag kayong magpapatalo sa kanila"

Sunod na sunod na sigaw ng nga estudyante. Huminga ng malalim si monique at hinintay ang signal ng referee. Itinaas nito ang kamay sabay sinyas

*prrrrrrrrrttt**

Itinapon na ni monique ang bola ng volleyball sabay spike nito. Pumasok ang bola at nasalo ng no. 3 at binalik sa kanila ang bola.

"Mine! "Sigaw ni milka isa sa grupo nila at sinalo ang bola. Pinasa niya ito Kay stacy at hindi naman ito nagdalawang isip na ipasok sa net ang bola. I-boblock na sana ito ng kalaban ng hampasin ng malakas ni stacy ang bola at pumasok.

*prrrrrrt*

"24-22"sigaw ng scorer

"Nice! "Sigaw ni Monique at nakipagapir kay stacy. Bumalik naman sa pwesto si monique para sa pangalawang serve.

"Woooooo! Tapusin mo na yan monique!! "

"Talo na yan!! "

Hindi pinakinggan ni monique ang mga sigaw at hinintay nalang ang signal ng referee.

*prrrrrrrttt*

"OK!! "Sigaw ni monique at nag serve na. Pumasok ang bola at sinalo ng kalaban. Nag spike naman ang no. 2. Alam nilang malakas ang pagkakapalo ng kalaban pero hindi nagdalawang isip si skit na salohin yun. Ng tumama ang bola sa braso niya napangiwi siya sa sakit at alam niyang magiiwan yun ng marka. Binaliwala niya yun at pinasa Kay monique. Nag set si monique at nag spike si stacy. Nasalo naman ito ng kalaban at binalik sa kanila ang bola. Sinalo ito ni dria at binalik sa kanila ang bola. Ramdam ng lahat ang tension sa laro. Kapag nanalo sila stacy tapos na ang Laban.

"Arrggshh"

"Skit!! "Sigaw ni dria ng makita niyang napadaing si skit ng saluhin ulit ang tira ng captain ng kalaban. Napa singhap ang lahat ng makita nilang namumula na ang kamay ni skit.

Patuloy pa rin ang laro at dahil sa tindi ng kaba ni stacy. Hindi niya na napansin na napalakas ang Palo niya sa bola at tumama ito sa mukha ng kalaban na ikinahimatay nito. Kita din ang pagdugo ng ilong nito.

"KRISTY!!! "sigaw ng isang babaeng kalaban nila at dinaluhan ang babaeng nahimatay. Napatingin si stacy sa mga kakampi niya at ngumiti nalang na pinapahiwatig na hindi niya sinasadya. Napailing nalang sila dahil dito.

*prrrrrrrrrttttt*
"25-22"

"Woooo!!! We won!!! "

"Shit!  Dria ang Kamay ko!! "

"Hahaha.. Sorry! "Hindi maipagkakaila ang saya nila dahil nanalo sila sa laro.

-------

"Woo! Bro ikaw ang kalaban ko? "Gulat na tanong ni Ivan Kay Brent ng makapasok na sila sa field.

"Hindi ba obvious? "Bara nito sa kaniya na ikinasimangot nito.

"Tang'ina nito!! Bilisan mo.. Magsisimula na ang laro.. Tandaan mo to kahit magkaibigan tayo aba ayaw ko namang magpatalo sayo no"bilib sa sariling sabi ni Ivan.

"Hahaha... Sa tingin mo mananalo ka sa akin? Haha.. Last year tandang tanda kong ako ang nanalo sa golf "

"Ahmmp... Tandaan mo to... This year ako na ang champion!! "

"Geh lang bro! "Pangaasar ni Brent sa kaniya at iniwan na siya nito.

"Siraulo yun!! Tsk.. Makahanda na nga! "Inis na sabi niya at kinuha ang gagamitin niya para sa laro. Nakita niya namang magsisimula na ang laro. Lumapit siya Kay Brent na hinahanda na ang sarili para sa pagtira ng golf ball. Medyo malayo ang hole sa course. There are 18 holes in the whole course.

"Hintayin mo naman ako.. Wag ma syadong excited! Hahaha... Iiyak ka naman mamaya pagkatapos ng laro!! "Natatawang sabi ni Ivan dito.

"Ulol! Tignan nalang natin"sabi no Brent sa kaniya sabay Palo ng clubs sa golf ball.

Napatanga naman sa gulat si ivan dahil walang kahirap hirap na naipasok ni Ivan ang bola sa unang hole.

Rinig naman ang palakpakan at sigawan ng mga manununood.

"Tang'ina!! "Mura ni Ivan. Nilingon naman siya ni Brent at nag smirk

"See"

"Gago!! Magkamali ka lang lagot ka na! "Nagkibit balikat nalang si Brent sa kayabangan ni Ivan. Hindi niya Ito pinansin pa at tumira nalang ulit.

"Damn... Mukhang mapapasubo ako ngayon ah.. Tang'ina bakit ba kasi ang galing nang lalaking Ito pagdating sa golf! Buysit!! "Sabi ni Ivan sa isipan niya habang sinusubaybayan ang bawat tira ni Brent na walang mintis.

"Hahahaha... Sabi ko naman sayo e! "Napalitan ng saya ang mukha ni Ivan nang Hindi naipasok ni Brent ang pang anim niyang tira.

"Siraulo to! "Sigaw ni Brent sa isipan niya habang hinahayaan si Ivan na tumira.

"Hahaha.. Pumasok!! Lagot ka na Brent!!! Hahaha.. Ako na ang mananalo ngayon!! "Napakamot nalang sa batok si Brent dahil sa sigaw ni Ivan ng pumasok ang unang bola sa hole.

"Mukhang disidido talaga siyang talunin ako... Mapapasabak yata ako ngayon ah"isip ni brent

Tumagal pa ang laro hanggang sa 8 bola ang naipasok ni Brent samantala 7 palang ang naipasok ni Ivan.

Hinanda ni Ivan ang club niya para sa pagtira ng bola. Sa isipan niya kailangan niyang maipasok Ito para manalo siya.

Sa kasamaang palad dahil sa tindi ng kaba niya nagkamali siya ng Palo ng bola at Hindi malang Ito umabot malapit sa hole. Napangisi naman si Brent dahil sa nangyari.

Lumapit siya kay Ivan na nanlulumo habang nakatingin sa bola. Tinapik niya Ito sa balikat at nagsalita.

"De Bali... Ililibre nalang kita mamaya.. Pampalubag ng loob"

"Hindi mo yan maipapasok"sabi ni Ivan sa kaniya

"Let see"hinanda ni Brent ang sarili para sa huling pagtira niya. Kasabay ng paggalaw ng club parang bumagal ang oras at lahat nakatutok lang sa club ni Brent.

Lumikha ng tunog ang pagtama ng club sa golf ball at lahat humintay sa mangyayari. Bigla nalamang naghiyawan ang manonood sa nasaksihan dahil nakita nilang nalaglag ang bola sa panghuling hole.

"Arrrgggshhh!!! Talo na naman!! "Sigaw ni Ivan sabay sabunot ng buhok niya.

"Prrfftt... Sabi ko naman sayo e.. Ako pa din ang mananalo"sabi ni Brent at iniwan na si Ivan na nagluluksa pa din sa loob ng course.

--------------

Skit POV

Pagkatapos ng laro namin sa volleyball dumeretso na ako sa locker area para makapagpalit ako ng damit.isang oras nalang ang natitira bago ang susunod kong laro. Kailangan kong makaabot don. Finals na at alam kong mahihirapan ako sa kalaban ko ngayon.

Ng matapos na ako makapagpalit ng damit kinuha ko na ang bag ko at dumeretso na sa chess room. Doon kasi magaganap ang laro para sa chess. Hindi din pwedeng makapasok doon ang hindi players dahil bawal ang distraction habang naglalaro.

Mabilis akong pumasok sa pinto ng chess room ng makita ko yun. Napahinga ako ng makitang hindi pa nagsisimula ang laro.

"Coach! "Tawag ko Kay coach ng makita ko siya. Napatingin naman siya sa gawi ko

"Nandito ka na pala Ms. Salvador.. 10mins. Nalang magsisimula na ang laro.. Get ready"napatango naman ako sa kaniya at umupo na sa isang table. Napatingin ako sa kaharap ko at Hindi ko inaasahan na isa siyang nerd.

Nakayuko lang siya at napatingin sa chess board na nasa harapan naming dalawa.

Mukhang matalino to..

---------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top