CHAPTER 52
Zenia POV
Nakacross arm lang ako habang nakasandal sa pinto at nakatingin lang sa pinaggagawa ng apat sa closet ni dria. Sinasabi ko na nga bang dapat sa Condo nalang ako ni Jack tumuloy ngayong gabi.
"Waahh.. Ito nalang suotin mo Zen bukas!! "Sigaw ni dria pakita sa akin ng dress na kulay pink. Napangiwi ako sa isipan ko. Pink? Kailan pa ako sumuot ng ganyang kulay?
Umiling ako sa kaniya. Nakita ko naman na napabusangot siya at tinapon ang damit sa kama niya.
"How about this? "-pakita sa akin ni monique ng isang kulay dilaw na dress na parang tube. Umiling naman ako sa kaniya.
"Ito? "Inilingan ko naman si skit
"This? "
*iling*
"Hmm.. Ito? Simple la--"
"No"pinutol ko na ang saaabihin ni stacy ng ipakita niya sa akin ang white dress pero kunting galaw nalang makikita na kaluluwa ko.
"Aha! Ito nalang! "Tinignan ko ang pinakit ni dria. Its a plain maroon dress na simple lang ang design
Hanggang tuhod lang siya. Kita ko naman na pangiti ngiti silang apat sa akin ng hindi ako magsalita. Kumunot ang noo ko.
"..no"
"What!?ano ba naman yan.. Ang dami na naming pinakita... Tignan mo o! "Tinignan ko ang kama niya at puro lahat nakatambak na mga damit ang nandon. Nagkibit balikat naman ako sa kaniya. It's not my fault.. Sila ang magpumilit na ipasuot sa akin ang mga yan. Naalala ko naman ang papel na binigay sa akin kanina ng babae.
Flash back
Pagka dating ko sa Bahay dumeretso ako sa kwarto ko at sumalampak sa kama dahil sa pagod. Pass 7 na kami natapos sa pagpaparactice ni Charles para sa talent namin.
Kinapa ko ang phone ko sa bulsa pero nagtaka ako ng iba ang makapa ko. Tinignan ko ang papel na hawak ko. Walang alinlangan ko yung binuksan. May nakita akong nakusalat sa loob kaya binasa ko yun.
"10:30E-29S-15-N"-K
Napakunot ako sa nabasa ko. I know it's a code. Tinignan ko ulit ang code and I smirk on my thought. He never failed me.
Nabigla naman ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tinago ko na ulit ang papel bago ko buksan ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto nabigla nalang ako ng bigla nalang akong kaladkarin palabas no dria papunta sa kwarto niya.
Flashback end
The next think I knew ibat ibang klaseng damit na ang pinapakita Nola sa akin.
"Hoy! Zen! Ano na ang pipiliin mo? Hindi naman yata pwedeng mag pants ka bukas sa rehearsal niyo.. Hako! Hindi pwede sa akin ang mga ganyan kaya sa ayaw at sa gusto mo mag de-dress ka bukas! "Sabi ni dria at hinila ako papalapit sa closet niya.
"Pumili ka na... Hindi mo naman magustuhan ang mga pinakita namin sayo kanina.. Kaya hala! Ikaw pumili ng sayo! "Sigaw pa niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako at wala nang nagawa. Tinignan ko ang closet niya at parang gusto kong magmura sa mga damit niya. Tang'ina wala na bang ikakaikli ng mga dress niya dito? Tsk.
Nahagip naman ng paningin ko ang isang dress ng itim. Kinuha ko yun at tinignan. Katamtaman lang ang haba at hanggang tuhod lang din siya. Kulay itim siya at parang tube pero may parang net din nakalagay papunta sa leeg kaya hindi siya nakakaasiwang suotin.
"Waaah! Good choice!! Bagay sayo! "Dinig kong sigaw ni monique papalapit sa akin. Tinignan niya din ang damit na kinuha ko.
"Sukat mo na Dali!! "Tinignan ko ng matalim si stacy
"Bukas na"sabi ko at kinuha na ang dress sabay labas sa kwarto ni dria.
"Zen!! Sukatin mo na!! "
"Bukas na"
"Zen!! "Hinarap ko sila sa likod at tinignan ng matalim
"A-hehehe... Sabi nga namin bukas na"
"Tara na stacy... Balik na tayo sa kwarto "
"Mabuti pa nga monique"
Hindi ko na sila pinansin at bumalik nalang sa kwarto ko. Pagkapasok ko humiga na kaagad sa kama. Sabay tapon ng damit sa isang mesa.
-----
*bzzzzzz* bzzzzzz*
Napamulat ako ng mata at kinapa ang phone ko. Tinignan ko ang caller at nakita ko ang pangalan no detective Jack. I press the answer button.
[My lady] bungad niya sa akin.
"What is it? "
[Young master want to talk to you] napabuntong hininga naman ako.
"Hand him the phone"utos ko. Hinintay ko naman na magsalita ang sa kabilang linya.
[Ate]
"Gusto mo daw ako makausap? "
[ate I miss you]
"Me too... Malapit na tayong magkasama.. Kunting hintay nalang... Just do your job right now. Be a good son to dad.. Sundin mo lahat ng sasabihin niya.. And pls.. Be careful "
[You too ate]
"I will"
"Btw.. Any progress? "I ask him
[OK na lahat.. Hinihintay nalang namin ang date ng coronation. Kapag tapos na akong coronahan gagawin ko na ang nasa Plano]
"Make sure hindi to malalaman ni dad"
[I'm sure ate.. Alam ko naman kahit hindi ipakita ni dad sayo.. Alam kong gustong gusto ka niyang makasama] napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya.
"I know.. Sadyang ma pride lang talaga siyang Tao"
[Ate naman]
"Hahaha... I need to end this call.. Be careful brother "pagkatapos kong sabihin yun. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at binaba na ang tawag. Pabagsak akong nahiga ulit at napahawak ako sa noo ko.
"Kunti pa... Malapit na"bulong ko sa sarili ko. Tinignan ko ang oras at 12:00 am na pala. Hindi ko man lang napansin na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko naman na tumutunog ang tiyan ko. Tsk.
Tumayo na ako at bumaba nalang. Dumeretso ako sa kusina at naghanap ng makakain sa ref. May nakita naman akong fresh milk at wet bread. Kinuha ko yun at nagsalin ng gatas sa baso. Umupo ako sa upuan sa dining at kumain nalang .
Iinom na sana ako ng may mapansin ako sa bintana. Pinakiramdaman ko ang paligid. Hindi din nagtagal may napansin akong ibang presensya sa labas. Ang dami nila.
Napatingin ako sa isang bintana malapit sa akin. May nakita naman akong anino. I grab a gun na nakalagay sa isang drawer dito sa kusina. Kinasa ko yun at hinanda ang sarili ko.
Dahan dahan kong ni lock ang mga bintana, lumapit ako sa main door at ni lock yun. Lumayo ako sa pinto ng makita kong pilit nila yung binubuksan. Lumapit ako sa hagdan at hinintay silang makapasok.
*blag*
*bang*
bang
bang
bang
"Shit! " mura ko ng maubusan na ako ng bala. Mabilis kong kinuha ang isang katana sa dingding at sinugod ang isang kalaban malapit sa akin. Mabilis ko siyang sinaksak sa puso. Nakita ko naman na bumagsak ang katawan niya. Tinignan ko ang tatlo pang tao na nakatayo sa harapan ko at may kaniya kaniyang hawak na baril.
"What do you want? "I ask them. Hindi sila sumagot at mabilis akong pinagbabaril.
bang
bang
bang
Mabilis akong nagtago sa pader dito sa kusina dahil sa sunod sunod nilang pagpapaputok.
"Wtf! Zen!! "
"Damn! "Mura ko ng marinig ko ang sigaw nila monique na pababa.
Sinilip ko sila at nakita kong nakipaglaban na din sila skit. Mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko at walang pagaalinlangan na pinugutan ng ulo ang bagong dating na kalaban.
Sinipa ko ang isa sa tiyan at mabilis siyang sinuntok sa mukha. Mabilis ko namang kinuha sa kaniya ang baril niya at ginamit yun sa kakampi niya. Ng makita ko na itong bumagsak sinunod ko naman siyang binaril sa ulo na ikinamatay niya.
"Wtf! Sino ang mga to? "
"Tang'ina inisturbo nila ang beauty sleep ko"
"Jusko! Zen! May alam ka ba dito? "
"Muntik na ako don kanina"sunod sunod na tanong nila sa akin. Hindi ako sumagot sa kanila at sinuri ko nalang bangkay na nasa harapan ko. Nakita ko naman na may suot silang silver necklace. It's a cross.
"Tsk... Be ready may paparusahan tayo"malamig na sabi ko sa kanila sabay hagis ko ng kwentas kay skit. Umakyat na ako sa taas at nagayos na.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top