CHAPTER 49


Zenia POV

"ZENIA!!! "

"shit! "-mura ko at tinignan ng matalim si monique na ang lakas ng boses.

"What? "-inis na tanong ko sa kaniya. Natapos ang laro nila charles at sila ang panalo. Hindi na ako magtataka. Tsk.

Nandito ako sa long tennis room. Nagaayos ako ng gamit ko para sa laro.

"San ka ba galing? "-tanong ni skit

"Sa kaibigan ko"

"Kaibigan? "

"Tsk"-hindi ko na sila pinansin pa at tinignan ang taong kanina pa nakatingin sa akin.

"May sasabihin ka din ba? "Tanong ko sakaniya. Kita ko naman na natahimik ang iba sa gilid at nakatingin lang din sa aming dalawa.

"Tsk.. Galingan mo mamaya"huling sabi niya bago lumabas sa pinto.

"Yun ohhhh!! "

"Hahaahaha... Galit galitan lang naman yun! "

"Hahaha.. Pag-ibig nga naman! "

"Hahahaahaha"

Napailing nalang ako sa mga narinig. Sinukbit ko na ang racket ko sa likuran ko at nauna nang lumabas. Naramdaman ko naman na nakasunod lang sila sa akin. Dumeretso ako sa court kung saan gaganapin ang long tennis game. Marami akong nakitang mga estudyante at mukhang pumunta lang naman sila dito dahil nandito ang mga kings..

Napatingin ako kay dria na hinahanda na din ang gagamitin niyang racket.

"Good luck"-dinig kong sabi ni Ivan sa kaniya at niyakap pa siya nito. Hindi ko nalang pinansin ang paglalambingan nila. Unang maglalaro si dria at sa pagkakaalam ko isang senior ang makakalaban Niya.

Nakita kong naghanap na ng pwesto sila skit para makapanood sila ng maayos sa laro. Umupo ako sa isang bench at pinikit ang mga mata ko. Hindi naman nakawala sa pandinig ko ang ilang mga bulungan. Nahagip ng paningin ko ang iilang reporter na kinukunan ako ng litrato. Dapat talaga pinapunta ko na dito ang manager ko ng mapigilan sila.

"Hi"-napatingin ako sa taon lumapit sa akin. Hindi ako magsalita at pinikit nalang ulit ang mata ko.

"Ay ang rude ni ate... Hehehe"-naramdaman ko naman na umupo siya sa tabi ko. What's with this girl?

"He he... Alam mo ate nagulat ako kanina kasi naglalaro ka din pala ng long tennis.. Alam niyo po idol ko po kayo. Ang galing niyo pong umacting at kumanta"-dinig kong sabi niya sa tabi ko.

"Alam niyo din po ba.. Fan na fan niyo po ako ni kuya kyle.. Nakaka sad nga lang po at hindi ko na nakikita si kuya Kyle dito sa school.. Gusto ko pa naman pong makipag picture sa kaniya"tinignan ko siya at kita ko kung paano siya kasaya habang sinasabi niya ang mga yun. Napansin ko din na nakasuot siya ng damit ng long tennis club. Player din pala siya.

"Alam niyo po ba kung nasan si kuya Kyle? "-tanong niya at tinignan ako.

"Tsk"-ako at tinignan nalang ang laro ni dria na nagsisimula na. Kampante naman akong mananalo siya sa laro niya. Kahit dada pa din ng Dada ang katabi ko hinayaan ko nalang siya at natulog nalang.

-------

Charles POV

Natapos ang laban ni dria na panalo siya. Muntik na siyang matalo kanina pero mabuti nalang nakabawi siya. Lumapit kami sa kaniya at sinalubong naman siya ni ivan ng yakap.

"Kyaaahh... Akala ko talaga talo na ako"dinig kong sabi ni dria

"Hahaha... Ikaw pa.. Magaling ka kaya sa larong to"

"Yah right!  Nakakabanas lang kasi yung kalaban ko.. Ang arte! "

"Hahaha.. Hayaan mo na yun. Panalo ka naman"

"Tama.. Tama"

"Hahahaha"hindi ako nakisali sa. Daldalan nila at hinanap nalang ng paningin ko si zenia. Nakita ko naman siyang nakaupo sa isang bench at nakapikit ang mata. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya.Napatingin ako sa isang babae na katabi niya.

"Kuya... Pakigising naman po si ate .siya na po susunod na lalaro. Nakakatakot po ka--"

"OK"-hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at lumapit pa kay zenia. Tumayo ako sa harapan niya at yumuko. Napangiti naman ako dahil sa naisip ko. Magkalapit na ang mukha namin at anytime kunting destansya nalang magkalahalikan na kami.

"Kyaaaaaahhhhhh!! "

"Omggggg!! "

"This will be a great news!! "

"Kunan niyo!! "

Dinig kong sigaw at tilian ng mga tao. Napansin ko din na kinukuhanan kami ng litrato ng mga reporter. Kita kong nagmulat siya ng mata at sumalubong sa akin ang malalamig niyang mata.

"Mabuti naman at gising kana"-nakangisi kong sabi sa kaniya. Hindi ko pa din nilalayo ang mukha ko sa mukha niya.

"What are you doing?... Lumayo ka nga! "-inis na sabi niya sabay tulak sa akin. Napaayos naman ako at namulsa sa harapan niya.

"Mag ready ka na. Ikaw na susunod na lalaro.. Sleepy head"-I said bago siya talikuran.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng palihim habang inaalala ang mukha niyang gulat na gulat. May iba naman pala siyang expression sa mukha e.

------

zenia POV

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago pumasok sa loob ng court. Nakita ko naman ang makakalaban ko at nakangisi siya sa akin ngayon. Kita ko din na tutok na tutok sa akin ang mga camera ng nga reporter. Tsk.

Narinig kong pumito na at siya ang unang mag se-serve ng bola. Mahigpit kong hinawakan ang racket ko at ng malapit na sa akin ang bola. Walang kahirap hirap na sinangga ko yun at pinalo pabalik sa kaniya. Mabilis niya namang nasalo at napalo sa akin pabalik. Hinawakan ko ng maagi ang racket ko at pinalo ang bola papunta sa kabilang court. Kita kong hinabol niya yun para masalo pero huli na dahil nalaglag na ang bola at pumasok.

Kita ko ang inis sa mukha ng kalaban ko. Inabot sa akin ang bola dahil ako naman ang mag seserve. I position my self at hinagis ang bola pataas. Mabilis ko naman yung pinalo at mukhang napasobra yata sa bilis dahil natamaan sa braso ang kalaban ko at hindi niya nasalag.

Kita kong napatingin sa akin ang lahat dahil sa ginawa ko. Napakibit balikat nalang ako. Hindi ko kasalanan yun. Tatanga tanga siya. Kinuha ko ulit ang bola at nagsimula na ulit mag serve. This time na Palo niya na ang bola pabalik sa akin. Binalik ko din naman sa kaniya ito pero muntik nang hindi makapasok sa net. I just did it on purpose. Nasal niya ito at binalik sa akin. Mabilis ko naman pinalo ang ito at napunta sa kabilang pwesto niya at hindi niya na naabutan dahil bumagsak na ito sa sahig. Tsk.. Easy.

Nag patuloy lang ang laro na hindi pa din siya nakakabawi man lang sa akin. Ng last serve ko na kita kong ang sama ng tingin niya sa akin. I smirk on my mind. I step my foot forward sabay hagis ng bola sa taas at walang pagalinlangang pinalo yun. Kita kong bumulusok papunta sa kaniya ang bola. In instant nakabulagta na siya sa court habang may pasa sa noo niya.

"What the!! "

"Shit! "

"Ang galing!! "

"Woooooooo!! "

"Ms.. Zenia!!! "

"Ang galing niya!! Idolll!! "

Napangisi naman ako ng makita kong dinaluhan ang kalaban ko ng mga medic. Segurado akong bagong balita na naman to.

Hinipan ko ang bangs ko at pumunta na nila skit na napapangisi nalang. Ng makalapit ako sa kanila bumungad naman sa akin ang tanong ni brent na hindi makapaniwala.

"How did you do that?.. Woww! Kita mo yun.. Nahimatay ang kalaban niya!  Hahaha.. Tang'ina! "-napailing nalang ako sa sinabi niya. Tinignan ko si charles na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin
Ano na namang iniisip nito. May isa dalawa pa akong laban. Ganon don si dria.

"Tara sa cafeteria. Gutom na ako.. May oras pa naman bago magumpisa ang sunod long laro"-sabi ni dria. Nagsitango nalang kami sa kaniya at umalis na kami.

---------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top