CHAPTER 48
Monique POV
Parang hindi ko alam ang gagawin namin nila dria. Paano ba naman ilang tawag at text na kami Kay zenia kung nasan siya wala naman kahit ni isang reply. Kahit sagutin ang tawag cannot be reach din. Ano ba yan. Dalawang gabi na siyan hindi umuuwi. Si Kyle din hindi namin alam kung saan nagsusuot at hindi namin alam kong nasan din. Kahit pagpunta sa mga laro niya hindi niya nagawa.
Iba talaga ang kutob ko dito.
"Ano sinagot niya na? "Tamlay na tanong ko kila dria na kanina pa tinatawagan si zenia. Umiling siya sa akin kaya napahilamos naman ako ng kamay.
We're here at the cafeteria at maya Maya simula nang laro nila Zack sa basketball.
"Fuck! Nasan na ba kasing babaeng yun. Hindi ba niya alam na nag-aalala na ako sa kaniya. King'ina!! Bullshit!! "-sigaw ni Charles sabay hagis ng phone niya. Napapikit nalang ako sa frustration. Zenia nasan ka na ba.. Isa pa yan hindi na nakakapag practice sila Charles para sa pageant nila sa Friday ng gabi. Kaya hindi din siya mapakali at aligaga sa kakahanap kay zenia.
"Dalawang araw na siyang hindi umuuwi"-sabi ko at yumuko. Naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko. Tinignan ko si Bryan at ngumiti siya sa akin.
"Babalik din yun.. Baka may inasikaso lang"-umiling ako sa sinabi niya. Hindi iba talaga e.. Ano namang gagawin non?
"Paano kong ...m-may nangyari na sa kaniyang mas-ama? "
"DRIA!! "-sigaw ni stacy sa kaniya dahil sa sinabi nito.
"So-rry... Hindi mo naman maalis sa akin na isipan na ganon nga.. Nawawala si zenia? At may posibilidad na may mangyari sa kaniya"
"Dria... Alam nating malakas si zenia kaya walang mangyayaring masama sa kaniya"-napayuko nalang ako dahil sa sinabi ni stacy. Napatingin ako kay Zack at skit na kanina pa pilit na tinatrack ang phone ni zenia pero hindi nila magawa.
"Nakita niyo na? "Tanong ko sa kanila.
"Hindi pa"-napabuntong hininga si skit pagkasabi niya non.
"Si Kyle? Baka alam niya"-sabi ko. Umiling naman sa akin si skit.
"Nasa bahay nila siya.. At kahit puntahan natin siya don hindi din naman natin siya makakausap"-napabuntong hininga nalang ako. She's right! Malapit na ang birthday ni Kyle may mabigat na responsibilidad na siyang kahaharapin sa buhay niya.
"Skit.. What do you mean? "-takang tanong ni brent
"Nothing"sabi nito at tinuon nalang din ulit ang pansin sa tablet niya. Kita ko naman na napatingin sa aming girls ang mga buhay. Iniwas ko nalang sa kanila ang tingin ko. Not yet.
-------
Detective jack POV
Nakatingin lang ako kay my lady na hindi napapagod sa kakainsayo dito sa training room sa condo ko. Dalawang araw na siya dito at wala siyang ginawa kon di mag-ensayo ng mag-ensayo. Nabalitaan ko din na school feast pala nila school pero mukhang wala naman siyang pakealam don. At walang balak na puntahan ang laro niya.
Nakita kong mabilis niyang sinuntok ang punching bag at nawasak ito. Lumabas naman don ang mga buhangin. Napailing nalang ako. Ikalimang sira na yan. Bibili na naman ako nang bago. Hay!
Napatingin siya sa gawi ko kaya inabutan ko siya ng tuwalya at tubig. Kinuha niya naman yun sa akin.
"Anong sabi ng kapatid ko? "-biglang tanong niya. Nginitian ko naman siya.
"Payag siya sa plano. Alam mo naman daw na mahal na mahal ka niya kaya gagawin niya lahat para sayo"sabi ko. Kita ko naman ang mumunting ngiti sa labi niya. Alam kong brutal at may pagdemonyo si my lady pero pagdating sa mga mahal niya sa buhay gagawin niya ang lahat maprotektahan lang ang mga ito.
"I know yan ang sasabihin niya.. How I miss him"-sabi ni my lady
"Gusto na din po kayong makita ni young master. My lady"-sabi ko
"Sabihin mo.. Soon magkikita na din kami.. Malapit na.. Sana lang tama tong desesyon ko"-nawala ang ngiti sa labi niya ng sabihin niya ang huling sinabi niya.
"Alam ko pong.. Magtatagumpay kayo"-sabi ko. Tinignan niya ako at nag nod siya sa akin.
My lady.. Be careful...
-------
Zenia POV
Pabagsak akong umupo sa sofa dito sa condo ni jack sabay pikit ng mata.
"Hindi ka po ba papasok my lady? "-biglang tanong sa akin ni jack sabay abot sa akin ng isang pizza. Kinuha ko naman yun at kinain.
"Papasok"
"Sa pagkakaalam ko school feast niyo ngayon.. Wala ka bang laro? "
"Hmmm.. Meron"
"E? Bakit hindi ka pa nag-aayos? "Tinignan ko siya at nginisihan
"Wag kang mag-alala makakaabot ako sa laro ko"-sabi ko sa kaniya"at isa pa.. Alam ko naman na may nakakamiss na sa akin kaya kailangan ko nang bumalik.. Baka mabaliw na yun "kita kong napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Sino? "
"Tsk.. Ang daldal mo."sabi ko sa kaniya at tumayo na. Pumasok ako sa guest room at nag-ayos na ng sarili.
--------
Pagkarating ko sa school. Kunti lang ang nakitang kong estudyante na palakad lakad sa Booth area. Narinig ko naman ang mga hiyawan At sigawan sa gym kaya dumeretso ako don. Mukhang kanina pa nagsisimula ang laro.
Pagkapasok ko sa gym bumungat sa akin ang napakaraming estudyante na nagsisiksikan. Fuck! Pumunta ako sa taas kung saan kita ang nangyayari sa laro. Hindi masyadong Tao dito sa taas at medyo tago din.
Basketball pala ang laro. Nakita ko ang ibat ibang cheering squad at may kaniya kaniyang sinisigaw na pangalan. Nahagip ng mata ko si Charles na nakaupo sa bench at mukhang bad mood dahil salubong na salubong ang kilay niya. Kinakausap siya ng coach nila pero umiiling iling lang ito. Ano bang iniisip ng isang yun at nageenarte na na naman. Nakita kong hirap na hirap na sila Zack sa loob ng court. Seniors pala ang kalaban nila kaya nahihirapan sila dito.
Napabuntong hininga ako at naglakad papunta sa pwesto kung nasan si Charles. Kailangang magising ng isang yun. Matatalo sila kapag pinagpatuloy pa niya ang kahibangan niya.
Kahit mahirap makalapit sa kaniya mabuti nalang nakaya ko pa. Nakita ko din sa malapit sila monique na nag-aalala na din sa kahihinatnan ng laro.
Ng nasa likod na ako ni Charles narinig ko naman na kinausap na naman siya ng coach niya.
"Charles..Kailangan mo nang pumasok sa loob.. Matatalo na tayo niyan e"
"Sorry coach masakit talaga paa ko"
"Aiishht!! "Napangiwi ako sa sinabi niya. Kita ko naman na lumayo sa kaniya ang coach niya dahil hindi na alam ang gagawin.
"Masakit ba talaga? "-biglang tanong ko na ikinagulat niya. Napatingin siya sa akin at mukhang anytime sasabog na siya pagkakita sa akin.
"AT SAN KA NANGGALING BABAE? HINDI MO BA ALAM NA NAG-AALALA KAMI SAYO! DALAWANG ARAW KANG HINDI NAGPAKITA TAPOS NGAYON BIGLA BIGLA KA NALANG SUSULPOT!! "bagot ko siyang tinignan.
"Coach hindi na masakit paa niya.. Nakakatayo na "-sabi ko kay coach. Kita ko naman napanganga siya sa sinabi ko.
"A-no--"
"Charles.. Pumasok ka na! "-sigaw ni coach sa kaniya at wala na siyang nagawa pa don
"Aiishht! Mag-uusap pa tayo babae! "-sigaw niya sa akin. Nginisihan ko nalang siya.
Ng makapasok nasiya sa court tinaponan niya pa ako ng masamang tingin. Hindi ko na siya pinansin at pumunta nalang sa pwesto nila monique.
"Waaahhh zenia!!! "
"Jusko! Nagpakita din sa wakas! "
"Akala namin may nangyari na sayong masama! Gaga ka San ka nagpunta!? "
"Hoy! Anong nangyari sayo at ngayon kalang nagpakita? "
Sunod sunod na tanong nila sa akin. Hindi ko sila sinagot at umupo nalang sa bakanteng upuan sa tabi ni skit. Kita ko naman na napatingin sila sa akin kaya nagsalita ako.
"Naglalaro na si charles. Tignan niyo"-sabi ko kaya gulat silang napatingin sa court.
"Sabi na e. Si zenia lang hinihintay non. Papasok din naman"
"Nako! Pag-ibig nga naman"-sabi nila Ivan at bryan
Tsk...
------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top