CHAPTER 47
Charles POV
Mamayang hapon ang simula ng mga laro at ang unang sasabak ay ang badminton. Napagpasyahan nilang manonood daw sila ng Laban nila monique at bryan mamaya. Wala na din akong nagawa at sumama nalang. Kahit gusto kong libutin ang buong school at hanapin ang babaeng yun na kanina ko pang umaga hindi nakikita.
Ang sabi niya kahapon may gagawin siyang impprtante kaya hindi kami makakapag practice. Nasan na ba yun.
"Alam mo Charles.. Hindi mo talaga yun makikita dito sa school. Kahit nga sa bahay di umuwi kagabi e"-kumunot ang noo ko sa sinabi ni dria. At tinignan siya na nagtataka.
"Masyado ka na naman kasing obvious bro. Napakalikot naman kasi niyang mata mo at hindi mo magawang iperme sa isang lugar.. Hahaha"tawang sabi ni Ivan.
"Tsk"
"Bakit mo ba kasi hinahanap yun? "-biglang tanong ni Bryan
"Nothing "
"Sus... Na mimiss mo lang kasi.. Umamin ka na kasi.. Hindi naman kami magagalit hahahaha"what! The fuck! Anong pinagsasabi ng mga to.. Tsk. Tumayo nalang ako at iniwan na sila don sa mesa.
Pagkalabas ko sa caf. Hindi ko alam kong saan ako pupunta basta ang nasa isip ko lang makita ko yung babaen yun.
--------
Stacy POV
Pagkapasok namin sa gym ang daming tao. May nakikita pa akong ibat ibang banner na gawa ng ibang year level. Pero ang nakaagaw talaga sa atensyon ko ang napakalaking banner ni Bryan na hawak ng limang babae sa taas. King'ina hindi naman yata napaghahalataan na marami siyang fansclub?
"Stacy dito ka Dali! "-sigaw sa akin ni dria habang sinisinyas niya sa akin ang katabi niyang upuan. Naupo naman ako don.
"Kyaah. ...ayan na magsisimula na ang laro.. Ayun si monique o... GO!!! MONIQUE!!! "-sigaw ni dria. Naramdaman ko naman na may umupo sa katabing upuan ko. Tinignan ko yun at hindi ko alam pero umiwas agad ako ng magtama ang mata namin. Bullshit! Bakit sa dinami dami ng mauupuan dito pa siya sa tabi ko?
Hindi ko alam pero dapat naiinis na ako sa kaniya ngayon dahil nilalapitan niya pa din ako. Pero king'ina ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin?
Ramdam ko naman na parang na mamawis na nga ako dahil sa hindi maipaliwanag na paraan. Hindi naman mainit bakit pinagpapawisan ako? Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang panyo ko ng hindi ko ito makapa. Nasan na yun? Alam ko mat panyo talaga ako ditong nilagay kaninang umaga e. Tinignan ko din sa kabilang bulsa ko. Pero wala talaga.
"Here "natigilan naman ako at napatingin sa panyong nasa harapan ko. Tinignan ko na nagtataka si brent.
"Anong gagawin ko diyan? "-inis na tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita pero nagulat nalang ako ng mabilis niyang ipunas ang panyo sa noo ko
"Kyaaaaa... Look!! "
"Ommggg.. Did you saw it guys!! "
"Waahhhhh... Pagkatapos ni Bryan si brent naman! "
"Si papa Zack nalang talaga at si papa Charles ang wala"
"Arrgggshhh.. Nakakainis talaga ang mga babaeng yan. Mga mangaagaw! "
Napairap naman ako sa isipan ko dahil sa narinig ko. King'ina wala akong inagaw sayo girl. Manahimik ka baka paglamayan ka diyan sa kinauupuan mo.
Inis kong kinuha sa kamay ni brent ang panyo niya at ako na mismo ang nagpunas ng pawis ko. Kita ko naman na pangiti ngiti naman itong isang katabi ko sa akin. Pinanlisikan ko naman siya ng tingin.
"Yiiiee.. Ikaw ha! Hahahaha"bulong niya sa akin.
"Tigilan mo ako dria..manood ka nalang diyan ng Laban"-inis na sabi ko sa kaniya.
Inirapan niya naman ako bago ituon ulit ang paningin sa unahan. Napasilip naman ako Kay brent at nakita kong nakatingin ito sa akin. Diba nandito to para manood ng laro. Bakit sa akin to nakatingin? Mukha ba akong laro?
"Anong tinitingin tingin mo? "Kita ko naman na mabilis siyang nag-iwas ng tingin pagkasabi ko nun.
"W-ala"-inirapan ko naman siya. Wala din naman pala e. Nababaliw na to. Dapat dito pinapasok na sa mental baka mahawa pa ako sa kaniya.
----
Skit POV
Nakatuon lang kami sa Laban ng bigla nalang may umupo sa tabi ko. Tinignan ko yun at hindi ko pinahalatang nagulat ako ng makita ko si Sebastian. Anong ginagawa niya dito?
"Binilhan kita ng snacks. Baka kasi magutom ka habang nanonood ka ng laro"-sabi niya sa akin sabay abot ng isang supot. Nginitian niya naman ako.
"Tha-nks"-sabi ko at kinuha yun sa kaniya.
"Welcome. Hindi ko naman yata dapat pinapagutom ang magiging soon to be wife ko diba? "-sabi niya sa akin. Iniwas ko nalang ang paningin ko sa kaniya dahil naiinis ako sa presensya niya. Tinignan ko naman si Zack at kita kong ang sama ng tingin niya kay seb.
Napabuntong hininga naman ako. At tinuon nalang ang pansin sa laro. Kita kong nagsisimula na ang laban at si Monique ang unang sasabak. Dahil single A siya. Freshman ang kalaban niya ngayon.
Unang nag serve si monique at nasalo naman yun ng kalaban niya. Not bad.
Binalik ni monique ang bola at hindi ko inaasahan na nag smash siya. Kaya ayun tumama sa noo ng kalaban niya at natumba. Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa ginawa niya. Kita ko naman na parang hindi din niya sinasadya na napalakas ang hampas niya.
Nako naman!
Nag tuloy tuloy lang ang Laban nilang dalawa at malapit nang matapos ang laban. 23-24 ang laban. Lamang si monique ng isa at kailangang mapanalo niya to ngayon dahil kung hindi magiging 2-2 win ang laban.
Nag serve na ang kalaban ni monique at kita ko namang nasalo ni monique yun at binalik sa kalaban niya. Ng maibalik kay monique ang bola.. Hinanda niya ang sarili niya at hinampas ng racket ang bola at binigyan ng drop ang kalaban. Napangiti naman ako ng manalo siya.
Dapat pala hindi na ako nanoood. Siya naman ang panalo.
--------
Zack POV
Kita kong nanalo si monique sa laban niya. Hindi ko aakalain na magaling pala siya. Kita ko naman na sunod na lalaban si Bryan sa kabilang court.
"Anong oras ka uuwi mamya.. Hatid na kita"-naikuyom ko naman ang kamay ko sa narinig ko. Bakit ba kasi nandito tong hinayupak na to.
"No thanks. May sasakyan ako"
"Ganon ba... So pwede ba kitang maaya mamaya.. Dinner lang naman.. Pwede? "-pasimple kong hinawakan ang kamay ni skit at kita kong napatingin siya sa akin. Nginitian ko siya.
"Sorry bro pero may gagawin kaming research mamaya. Kaya mukhang hindi siya makakasama sayo"-ngisi-ngising sabi ko sa kaniya. Kita ko namang tinapunan niya ako ng masamang tingin.
"A-oo.. Seb.. Sorry kailangan kasi naming tapusin ni Zack yun.. Dapat maipasa na namin bukas "mas lalo namang lumawak ang ngiti ko sa sinabi ni skit.
"Ganon ba.. Bukas? Are you free? "- tanong pa niya ulit. Tang'ina hindi ba napapagod ang isang to? Tsk.
"Sorry may gagawin din kasi ako"-sabi ni skit sa kaniya. Kita ko naman na napabuntong hininga nalang si seb sa sinabi nito.
"OK.. Sa susunod nalang seguro. Kapag wala ka nang gagawin"-sabi ni seb at tinapunan ako ng masamang tingin. Nginitian ko naman siya na mapang-asar. Buti nga sayo.. Hahahaha....
"Segi una na ako... "-paalam niya at umalis na siya.
"Umalis din ang asungot "-sabi ko.
"Zack"-sita sa akin ni skit. Nagpatay malisya nalang ako sa kaniya.
--------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top