CHAPTER 46
Zenia POV
Dito na muna ako nag stay sa condo ni Jack pagkatapos naming mag-usap ka gabi. Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama at naisipang lumabas.
Pumunta ako sa kusina at doon nakita ko siyang nagluluto.
"Kailan ka pa natotong magluto? "Kita kong nagitla siya dahil sa biglang pagsalita ko pero ngumiti nalang din siya.
"Kailangan e.."
"Tsk.. Nagbabago na talaga ang Tao"bulalas ko. Napatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.
"Ikaw din naman my lady.. Ang laki ng pinagbago mo"-seryoso niyang sabi. Iniwas ko nalang sa kaniya ang paningin ko at umupo na sa upuan sa dining table.
"What's the food? "Pag -iba ko sa usapan.
"Bacon, hot dog, scramble egg and fried rice"-nakangiti niyang sabi sabay lapag ng pagkain sa hapagkainan.
"Prito lahat a"
"Hehehe... Sorry naman yan palang ang alam kong lutuin. At isa pa ngayon palang naman ako nakapagluto ulit dahil nandito ka.. Sa labas ako kumakain araw araw "
"Just eat and shut up"
"Aye captain"-sabay salot pa niya. Tsk. Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula nalang kumain.
Monique POV
Pagkarating naming apat sa school hindi ko alam pero parang kinakabahan ako ngayon. Parang may mangyayari sa akin kapag pumasok ako sa building namin.
"Monique ang bagal mo naman! Come on! Late na naman tayo sa practice! "-sigaw sa akin ni dria sabay hila sa akin.
Kita ko naman na natatawa naman sila skit at stacy sa ginagawa ni dria sa akin. Napabusagot naman ako. Naman e. May kakaiba talaga. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko.
"Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan kanina sa bahay a? "-tanong ni stacy sa akin. Napakamot naman ako sa batok ko at ngumiwi
"H-indi ko din alam e. Hehehe"
"Haist! Ang babagal niyo ta--"
"Miss monique may nagpapabigay po"-hindi na natapos ni dria ang sasabihin niya ng bigla nalang may nagbigay sa akin ng isang rosas. Hindi naman valentines bakit may Rosas?
"Kanino galing? "-tanong ko sa babae. I bet sophomore palang to. Hindi niya ako sinagot at nginitian nalang. Pipigilan ko pa sana siya ng bigla nalang siyang tumakbo papalayo sa amin.
"Ano yan? "-taas kilay na tanong ni dria.
"Nakikita mo naman diba? May mata ka naman.. Tsk malamang rosas to.. Alangan namang kutsilyo to.. Tignan nga natin kong pwede ko tong isaksak diyan sa kokote mo nang malaman mo kung anong tawag dito"inis na sabi ko sa kaniya. Kita namang rosas nagtanong pa.
Glare*
"Tigilan mo ako sa kakabara mo sa akin monique namumuro ka na"
"Whatever "sabay irap ko sa kaniya. Kita ko naman kung paano umusok ang ilong niya sa sinabi ko.
"Prrfftt.. Hahaha.. Hali na nga kayo"awat sa amin ni stacy at nagsimula na kaming pumasok sa building
Pagkapasok namin sa building napatigil din kami sa bukana ng corridor dahil bigla nalang may nagsiabot sa akin na mga rosas.
What the! Ano bang nangyayari ngayon? Ang lakas ng pintig ng puso ko. Pinilit ko namang tanungin yung mga estudyante na nagaabot sa akin ng bulaklak pero nginitian lang nila ako. Napatingin ako sa mga kaibigan ko at mukhang pati sila hindi din alam ang nangyayari. Tang'ina sino mang tao ang may pasimuno nito. Hindi niya ba alam na nakakahiya?
Ang tagal pa ng valentines.. Nako naman o.
Ng maubos na silang lahat. Kita ko sa dulo na parang may pilit silang tinatago don. Nanlaki nalang ang mata ko ng nagsihawi ang mga estudyante. Don sa gitna. I saw a man na may hawak na bouquet.
"Kyaaaaahhhh.. Kakilig sila"
"Ang swerte ni monique Kay Bryan"
"Jusko! Huhuhuhu"
"Papa Bryan ko... Wala na"
"Tol wala ka nang pag-asa kay monique"
"Kyaahh.. Ang gwapo talaga ni papa Bryan"
Sunod sunod na bulungan ang narinig ko sa mga estudyante na nakatingin sa amin ngayon. Jusko. Kinakabahan talaga ako sa mga nangyayari. Siya ba ang may gawa ng lahat ng to?
Kita kong ngumiti siya sa akin at naglakad papalapit sa akin.
"Kyaah.. Hindi na ako galit sayo monique... Kyaahh kakilig si Bryan "-dinig kong sigaw ni dria sa tabi ko. Tinignan ko si skit at ngumingiti lang siya sa akin. Nahagip naman ng paningin ko si stacy na nakakunot pa din ang noo. Nako naman o.
Parang nawalam yata ako ng lakas ng makalapit na siya sa akin. Jusko bakit ba kasi ang gwapo ng isang to? Tang'ina.. Bugbugin ko kaya to para masira ang mukhang? Hahaha joke lang... Hindi ko gagawin yun no. Sayang naman ang mukha niya.
"B-ryan.. "-mahinang tawag ko sa kaniya. Pero nginitian niya lang ako habang nakatingin pa din sa akin. Kita ko Naman na nasa likuran niya lang ang tatlo niyang kaibigan at nakangiti lang din sila.
"Mo-nique"tawag niya sa akin .juslo ito na!! Waaaaaahhhh!!
"Hmm? "
"Hindi ko alam kong kailan? Hindi ko alam kong paano nangyari na napunta ako sa sitwasyong ito.. Pe-ro isa lang malinaw sa akin. Yun ay.... G-gusto kita monique"-parang nawalan yata ako ng hininga sa sinabi niya. What????? Ano daw? Tama ba nadinig ko?
"Huh? "
"Monique gusto kita....and ....can court you monique? "-nakangiti niyang tanong.
"A-e-eh"ano ba dapat kong sabihin? Kita ko naman na naghihintay siya sa sagot ko. Napabuga ako ng malalim na hininga. Wala naman yatang masama kung susubukan ko diba? At isa pa.. Hindi ko din naman maipagkakaila na gusto ko din siya.
"Y-es"kita ko naman na lumiwanag ang mukha niya sa sagot ko.
"Yes?"-tinanguan ko naman siya at ngumiti.
"Woooooohhh! Tol narinig niyo... Oo daw!!! Woohhhh!! "-napatawa naman ako sa inasal niya. Nagtatalon pa siya habang sinisigaw yun
"Ulol narinig namin... Parang kayo na ah... Tol nanliligaw ka palang.. Hindi pa kayo.. Kaya easy lang hahaha'-natatawang sabi ni Ivan habang nakaakbay Kay dria. Nag thumbs up naman sa akin dria. Kaya ngumiti nalang din ako sa kaniya.
"Tsk.. Panira talaga kayo ng moment "
"Hahahahaha"tawanan namin.
--------
Stacy POV
Ng matapos ang palabas ni Bryan kanina. Naisipan ko nang iwan na sila don at pumunta nalang sa likod ng building namin. Hindi ko alam pero ng makita ko si Brent kanina.. Nawalan na talaga ako ng mood.
Umupo ako sa lilim ng puno at pinikit ko ang mata ko.
"Stacy"-bigla nalang ako napamulat dahil sa boses na yun. Tinignan ko ang taong nakatayo sa gilid ko. Tinignan ko siya ng matalim. Anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba ako?
Tumayo ako at pinagpag ko ang palda ko.
"Anong ginagawa mo dito? "-pagtanong ko sa kaniya.
"S-tacy... --"
"Hindi ba sinabi ko na sayo na layuan mo na ako?! "-putol ko sa sasabihin niya. Kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya. Umiwas ako ng tingin.
"I'm sorry "-naningkit ang mata ko. Tsk. Sorry your face.
"Alam mo... Napagusapan na natin to.. Dib--"
"Pero hindi ko kayang lumayo sayo! "Putol niya naikinatigil ko.
"A-no--"
"Kapag iniisip kong lalayuan na talaga kita.. Parang mababaliw na ako anytime at hindi ko na alam ang gagawin ko don't you know that.. It's killing me na mula pa talaga sayo nanggaling ang salitang ayaw mo ako? Hindi mo ba alam na ang hirap itago sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko? Hindi mo ba alam ha?!"
"Hindi"-walang pagalinlangang sagot ko sa kaniya. Yun naman talaga e. Paano ko malalaman kung hindi ko naman talaga alam kung ano ang mga pinagsasabi niya. King'ina din to e.
"Huh? "
"Tsk.. Tabi nga kung ano ano lumalabas diyan sa bunganga mo hindi ko naman maintindihan"-bagot na sabi ko sa kaniya at tinulak ko siya para makadaan ako.
Ng malagpasan ko naman siya narinig ko naman ang pagmura niya.
"Fucking shit! "
"Fuck! Fuck! "
"Kainis !!"
"Arrgggshhh "sinilip ko siya at nakatalikod siya sa akin habang sinusuntok ang puno. Nasisiraan na siya ng bait.
"Bakit ba ang manhid mo stacy... Bakit ba.. Hindi mo maramdaman ang totoong feelings ko para sayo.. Arrggsj-"
Hindi ko alam pero parangnatuod ako sa narinig ko. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kong anong ibig niyang sabihin. What!! The!! Hell!!!
---------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top