CHAPTER 38
Bryan POV
"Isha psa! "Kingina.. Nakakarami na si Brent pero ayaw niya pa ding tumigil. Naabutan na kami ng dilim dito sa bar kung saan ko siya dinala. Aba bigla ba naman kanina umorder ng hard drinks. Jusko.
"Brent tama na.. Lintik naman o"-sabi ko sa kaniya.. Akmang iaabot na sa kaniya ng bartender ang isang baso ng alak ng kinuha ko yun.
"Ano BA!! ..give that to me!! "-sigaw niya habang pilit na inaabot sa akin ang baso na hawak ko.
"Bro tama na.. Malilintikan tayo kay charles niyan e. "
"Wal-a *hik* akong *hik *pakealam!! "-napabuntong hininga ako at sinuli ko ang baso sa bartender.
"Ito ang bayad.. Alis na kami"-sabi ko sabay abot sa kaniya ng pera.
"Gushto ko pang uminom!!! Gushto ko pa!!! "
"Haist! "-napatampal naman ako sa noo ko ng kwelyuhan niya ang bartender. Inawat ko naman siya.
"Brent tama na. Bitawan mo siya! King'ina"
"Ibalik *hik* mo sa akin *hik * ang alak!!! "
"S-ir b-itawan niyo po ako"pagmamakaawa ng bartender.dahil sa inis napasigaw nalang ako.
"Brent!! "Napatigil naman siya at bigla nalang napaupo sa sahig habang nakayuko.
"Bakit? Bakit ba ang manhid mo? "Napabuntong hininga nalang ako. Mukhang hindi ko siya maiiuwi na mag isa lang ako. Medyo nahihilo na din ako dahil sa nainom ko kanina. Kinuha ko ang phone ko at dinialled ang phone no. Ni Ivan
Hindi din nagtagal sinagot niya naman.
"Dude asan kayo? "-bungad niya sa akin
"Nasa bar"
"What!? Anong ginagaw niyo diyan? Si brent? "
"Lasing"
"Tsk. Lagot kayo kay charles.. "
"I know.. Sundo niyo naman kami hindi na ako makakapag drive pa ngayon medyo hilo na din ako"
"Oo na!! Nasan si brent pala. Pakausap nga! "
"It--fucking shit! "Mura ko ng makitang nakikipag bugbugan na si brent sa grupo ng mga lalaki. Binulsa ko naman kaagad ang phone ko at lumapit sa kanila. Mabilis kong sinuntok ang isang lalaki na akmang susuntukin si brent na mukhang naalog na naman ang utak. Ano ban nangyayari sa isang to at nakipagaway pa.
---------
Ivan POV
"Oo na!! Nasan si brent pala. Pakausap nga! " sabi ko kay Bryan sa kabilang Linya
"It--fucking shit! " dinig kong mura niya sa kabila.
"Dude anong nanyayari diyan!? "Tanong ko ng may narinig akong ingay na parang nagkakagulo. Napatigin naman ako kila charles na nakikinig samin kanina pa.
"Mukhang may masamang nangyari "-sabi ko.
"Tsk.. Tara na"-sabi ni charles at nauna nang lumabas ng bahay. Sumunod naman kami sa kaniya. Pumasok kami sa isang sasakyan at ako na ang nag drive.
Hindi din nagtagal nakarating na do. Kami sa sinasabing bar ni Bryan. Kita ko naman na may nagkakagulo nga sa loob kaya dali dali na kaming bumaba at pumasok.
Naabutan naman namin na ang limang kalalakihan na pinagtutulungan sila brent at Bryan. Si brent lagapak na sa sahig.
"Hoy! "-sigaw ko sa mga lalaki. Napatigin naman sila sa amin. Nakita ko pang napahinga ng malalim si Bryan sa amin.
"Hindi naman yatang 2 lang ang kalaban niyo? Di patas yun! "-sigaw ko at sinuntok ko ng mabilis ang pinakamalapit na lalaki sa akin. Napansin ko naman na nakikipagbakbakan na din sila zack
"Gago ka! Wala kayong karapatan saktan ang kaibigan ko!! "-sigaw ko sa kalaban ko sabay sipa sa mukha niya. Ayun tulog. Mahina naman pala.
Hingal akong tumingin kay Brent na mukhang wala na sa sarili paano ba naman nakahiga sa sahig pero umiiyak
"Anong nangyari diyan!? "-dinig kong sigaw ni Ivan
"Heartbroken"-sabi ni Bryan.
"Ano? "-gulat na tanong ko.
"Tsk.. Buhatin niyo na yan. Umuwi na tayo"-utos ni charles at nauna nang lumabas. Napabuntong hininga naman ako at nagtulungan nalang kami ni zack buhatin si brent.
"Lintik ang bigat niya"-reklamo ko. Ilang sakong bigas ba kinakain nito?
"Stacy"-nagkatinginan kami ni zack sa narinig namin.
"Alam na"-sabi ko at napailing nalang kaming dalawa.
--------
"Aray!!! Huhuhu... Dude nakakarami ka na ng batok sa akin. King'ina"-napatawa nalang ako ng palihim. Paano ba naman pinaparusahan ni charles ngayob ang dalawa. Ayun dahil hindi sinusunod ang utos ni charles sa kanila magkakabukol sila ngayon.
"Uulutin niyo pa? "-seryosong tanong ni charles sa kanila.
"Tang'ina.. Lintik ka brent hindi na kita sasamahan ulit!!! "Sigaw ni Bryan. Hahahaha...
"A-no bang nangyari?"napangiwi ako sa sinabi ni brent.
"Tsk.. Tayo!! Mag-ayos na nga kayo! "Sigaw ni charles sa kanila. Dali dali namang tumayo ang dalawa at pumunta sa taas.
Humarap naman si charles sa aming dalawa ni zack
"May alam ba kayo sa nangyayari kay brent? '-tanong niya
Umiling naman kaming dalawa. Wala naman talaga. Except nalang na alam namin kung sino ang dahilan. Pag-ibig nga naman.
---------
Brent POV
Pagkapasok ko sa kwarto pinabaunan pa ako ng isang batok ulit ni Bryan. King'ina ang sakit na ng katawan ko dinagdagan pa nila. Pati puso ko masakit na.
Pabagsak akong humiga sa kama at tumingun sa kesame. Gusti niya ba talaga akong lumayo sa kaniya. Dahil kung yun ang gusto niya gagawin ko.
Napahilot ako sa sintido ko. Hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako.
-------
Stacy POV
Late na kaming pumasok sa school dahil na din hindi nakaluto kaagad ng umagahan si monique. Paano ba naman tanghali na siyang gumising.
Papunta na ako sa practice room ng sport ko ng mapadaan ako sa garden. Hindi sinasadyang may mahagip ang mga mata ko.
Si brent may kasama siyang isang babae. Maganda yung babae at mukhang mataas ang pinag-aralan. Matangkad din siya at mahaba ang buhok niya. Sexy pero mas sexy ako.
Hindi ko alam pero bigla nalang bumigat ang dibdib ko ng nakita kong naghalikan silang dalawa.
Grabe. Sa pagkakaalam ko wala akong pakealam sa kaniya. Kaya nga pinapalayo ko na siya sa akin. Sila! Sa amin..pero ano tong nararamdaman ko. Nakita kong napatingin sa akin si brent. Mabilis naman akong umiwas ng tingin at nagsimula nang maglakad.
Hindi ko siya pagaaksayahan ng panahon. May kailangan pa kaming kalaharapin ngayon.
Nabalitaan namin na pumasok na dito sa school si Sebastian. At hindi to magandang senyales para sa amin. Napasok niya na kami.
Kailangan naming Lima na magdoble ingat lalo na si skit.
-----
Brent POV
Nahagip ng mata ko si stacy na nakatingin sa amin ni cheska. Hindi ako nagdalawang isip na halikan siya. Mukhang hindi din makapaniwala si cheska sa ginawa ko pero tumugon din naman siya.
Tinignan ko si stacy .nagiwas siya ng tingin sa akin. Ito ang gusto mo diba?ng makita kong umalis na siya. Mabilis ko namang hiniwalayan si cheska na nakangiti sa akin ngayon.
"Sorry"-sabi ko sa kaniya.
"No. Hindi mo kailangang mag sorry. Alam ko naman na may gusto ka din sa akin" napangiwi ako sa sinabi Niya. Dream on girl
"Sorry.. Alis na ako"-sabi ko at iniwan na siya don.
"Brent!! Wait!! "Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin.
---------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top