CHAPTER 36


Monique POV

Pahikab hikab akong bumaba sa hagdan. Ikaw ba naman gisingin ng isang katulong at sabihing naghihintay si kyle sa sala. King'ina ano namang pumasok sa kokote ng isang to at pumunta dito ng  alas 3 ng umaga. Nasisiraan na ba siya? Hindi ba niya iniisip na may natutulog na tao. Nakakaisrbo siya.

"Oh? "-bungad ko sa kaniya ng makababa ako ng tuluyan at lumapit sa kaniya. Kita ko naman na mukhang wala pa siyang tulog. Ano namang pinagkakagaw ng isang to.

"Anyare sayo?"-tanong ko sa kaniya. Napahilamos naman siya ng kamay at yumuko.

"Please pakiusapan niyo si dad. Dito nalang ako titira kay hime. Ayaw ko na sa bahay ni dad "-sa asta niya ngayon pakiramdam ko may hindi talagang nangyari sa kaniya.

"Bakit naman namin gagawin yun. Ayaw ko pang mamatay oy!  Si master na ang nagutos na doon ka na titira"

"Monique nakikiusap ako.. Kapag iniisip kong tuluyan na akong titira sa bahay ni dad pakeramdam ko hindi na ako makahinga... Ikaw ba naman oras oras pasundan at pabantayan kahit san ka pumunta tapos kunting galaw ko lang hindi ako pinapayagan ni dad kahit kukuha ng tubig dapat katulong ang gagawa. King'ina ano ako baldado?! "Sigaw niya. Mukhang frustrated na siya sa ginagawa ng dad niya.

"Prrfftt.. Ayaw kalang masaktan at mapahamak ni master. After all ikaw ang magmamana ng lahat ng pagmamay-ari ng pamilya niyo kapag bumaba na siya sa pwesto..nagiisa ka lang niyang anak..tandaan mo yan kyle"-sabi ko sa kaniya. Napansin ko naman kung paano nag-iba ang timpla ng mukha niya. Simula sa pagkainis naging parang galit na galit na siya.

"Tsk.. Dito na muna ako"-sabi niya at humiga sa sofa. Napataas naman ang kilay ko sa ginawa niya. Feel at home ang gago. Pagnalaman to ni master lagot na naman siya at tiyak damay naman kami.

Napailing nalang ako at tumayo na. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa kwarto ko. Sa wakas mapapatuloy ko na ang tulog ko.

Pagkapasok ko sa kwarto dumereso ako sa kama at pabagsak na humiga. Pinikit ko na ang mata ko at natulog na.

----------

Zenia POV

Napataas ang kilay ko ng bumungad sa akin pagkababa ng hagdan ang isang kyle na natutulog sa sofa.

"Zen gising ka na pala.. Hali ka na kumain na tayo si stacy ang nagluto "-nakangiting sabi ni monique sa akin. Tinignan ko naman siya at mukhang na gets niya naman ang gusto kong iparating. Napatingin siya kay kyle na hindi pa rin gumigising. Napatingin ako sa relo ko. 7;30 am na. Wala ba siyang planong pumasok?

"A-hehe.. Zen alas 3 ng umaga dumating yan dito? Sabi niya ayaw niya na daw tumira kay master"-pilit na ngising sabi sa akin ni monique"sabi niya din parang hindi na daw siya makagalaw don ..hindi niya nga magawang gawin ang gusto niya.."

Napabuntong hininga naman ako.

"Hindi din naman natin masisisi si master nag-iisang tagapagmana lang si kyle kaya dapat protektahan talaga siya"biglang sulpot naman ni skit at sinabi yun.

"Ya nagiisang anak"-malamig na sabi ko.

"Hayaan niyo na si kyle diyan. Nagaalburuto na si stacy sa kusina. Kakaina pa ba daw kayo o hindi!? "-tanong naman ni dria na kakalabas lang din sa kusina.

"Hahaha.. Kakaina syempre"masiglang sabi ni Monique at pumunta nang kusina. Sumunod naman kami sa kaniya.

Umupo na ako at nagsimulang kumuha ng pagkain. Bacon. Wet bread. Scamble egg, hot dog at orange juice. Ang nakahain.

"Walang rice? "-biglang tanong ni monique. Sinamaan naman siya ng tingin ni stacy

"Manahimik ka o hindi ka kakain? Pumili ka.. Kapag hindi ka pumili hindi na kita ipagluluto"-banta ni stacy sa kaniya. Napatahimik naman si monique at kumain nalang.

"Meron ka ba? "-biglang tanong ni skit sa kaniya.

"Tsk"sabay irap na sagot niya

"Meron nga"-dagdag pa ni dria sabay subo

Hindi ko na sila pinansin pa at tinapos ko nalang ang breakfast ko. Ng matapos tumayo na ako pinuntahan si kyle na ang himbing pa din ng tulog. Marahan ko namang tinapik ang mukha niya para gumising siya.

"Kyle. Wake up"-bulong ko sa kaniya. Napangiti naman ako sa isipan ko ng makita kong nagmulat na siya. Napatingin siya sa akin at mukhang inaasahan niya na ako ang una niyang makikita. Nakangiti siya ngayon sa akin at hinawakan ang mukha ko. Napapout naman siya bigla at niyakap ako.

"Hime dito nalang ako titira sayo sasabiha--"

"No kyle.. Umuwi ka na.. Segurado akong nag-aalala na si tanda sayo"-sabat ko sa kaniya.

"Per---"tinignan ko siya at mukhang nakuha naman siya sa mga tingin ko"fine"

Tumayo na ako at nagsalita

"Get up.. Papasok pa tayo.. Sumabay ka na sa amin"sabay tinulungan ko siyang bumangon.

"O gising ka na pala? "-dinig kong sabi ni monique. Napatingin ako sa kanila at mukhang ready na silang umalis.

"Yeah ..ginising ako ng prinsesa ko e"

"Hahaha ..ang lakas ng tama mo kay zenia kyle"

"Pa check up ka na.. Hahaha"

"Ewan ko sa into"-sigaw naman sa kanila ni kyke. Napatawa naman silang apat.

"Pero bet ko si charles kay zenia"-napatigil naman kami dahil sa sinabi ni dria. Nakita ko naman na napatingin sa akin si kyle. Napabuntong hininga naman ako.

"Stop talking nonsense dria"-sabi ko
Napanguso naman siya sa akin.

"Zenia naman.. Nagbibiro lang naman si dria e.. Hindi ba dria"-sabi ni stacy

"A o-oo .nagbibiro lang ako"-sabay kamot sa buhok niya.

"Tara na"-aya ko sa kanila at nauna nang pumunta sa van at sumakay na doon.

Sumunod naman sila at nagsipasok na. Katabi ko naman si kyle na sumandal sa balikat ko at mukhang matutulog na naman siya.

Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Mukhang kailangan niya pa yun.
Tinignan ko naman si skit at mukhang malalim na naman ang iniisip niya.

Napabuntong hininga naman ako. Nakakailang buntong hininga na ba ako ngayon araw?

----------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top