CHAPTER 25
Zenia POV
Magisa akong pumasok dahil doon nagpalipas ng gami sila skit kila tanda. Wala naman akong pake kahit don pa sila tumira. Pabor pa yun sa akin dahil magiging tahimik ang buhay ko.
Nakarating ako ng school nang napakaaga. Wala ngayong klase at lahat practice lang. Kaya hindi na ako nag-abala pang mag uniform. Naka Jeans lang ako at T-shirt na plain. Bumaba na ako sa kotse ko pagkatapos kong mag-park. Wala namang sumalubong sa aking reporter kaya mabuti. Kunti palang ang nakikita kong mga istudyante na paikot ikot sa school.
Dumeretso na ako sa archery room dahil isa yun sa sports ko. Dala dala ko naman ang mga gagamitin ko para sa practice. Pagkapasok ko sa archery room wala akong naabutang tao. Ganon ba talaga ako kaagang pumasok. 5:30 am palang naman.
Ni ready ko na ang sarili ko at pumwesto na. Hindi ko na kailangang umpisahan sa pinakamalapit na distansya. Doon ako nagsimula sa pinakamalayo.
I position my self at ni release ang arrow. Binaba ko ang bow ko at tinignan ang board. Nagpakawala ako ng isang ngisi dahil sa nakita ko. Tumama sa pinaka gitna.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok ang isang babae na mahaba ang buhok at kulay itim. Nakasuot siya ng supreme shirt at jeans. May dala din siyang bow and arrow.
"Oh! May nauna pala sa akin... Sasali ka din ba? "-tanong niya. Nag nod ako sa kaniya. Ngumuti siya sa akin at lumapit.
"Hi I'm Venice president ako ng archery sport...magpapalista ka na ba? "Pakilala niya sa akin
"Zenia "-sabi ko at nilagpasan na siya.
"Zenia? I think I heard that name.. Wait ikaw ba si rian? "-tanong niya at hinarap ako na ang lawak ng ngiti.
"Waahhhh.... Omggg! Ang ganda mo pala sa malapitan.. Kaya pala pamilyar ka sa akin e.. BTW ito pala ang form may register ka na lang tapos ibalik mo sa akin kapag na tapos mo na"-sabi niya sabay abot sa akin ng isang form. Kinuha ko naman yun at lumabas na sa archery room.
Dumeretso naman ako sa long tennis sport at kumuha din ang form. Pagkatapos ko sa long tennis sport. Dumeretso ako sa isang sport room na pinaka ayaw ko. Bakit ko pa nabunot yun.
Kumuha lang ako ng form at naisipan nang umuwi. Sa bahay ko nalang fifill-up pan lahat. Iaabot ko nalang to sa tauhan ko para ibalik bukas. Plano ko kasing sa bahay nalang mag practice at isa lang namang sport ang kailangan kong pagkaabalahan dapat.
Ang pageant...
-------------
Stacy POV
Sabay sabay kaming Lima nila kyle na pumasok. Naka casual attire lang kami at hindi naka uniform. Practice day lang naman ngayong araw pati sa susunod na araw.
"Skit natawagan mo na ba si hime? Hindi ko kasi siya ma contact akala ko ba dadalawin niya ako. Pero hinintay ko siya kagabi hindi naman siya dumating"-napailing nalang ako sa inasta ni kyle.
"Hindi ko din siya ma contact"-sagot ni skit. Napasabunot naman sa sariling buhok si kyle dahil don.
"Nag-aalala na ako sa kaniya. Paano kong may nangyari pala sa kaniyang masama. King'ina"sabi niya na may kasamang mura.
"Baka may inasikaso lang .at isa pa kahapon ka lang kaya nakalabas."-sabi ko sa kaniya.
"Contact mo ako kaagad skit kapag na contact niyo na siya"-nag nod nalang kami Kay kyle "geh una na ako sa. Pupunta pa ako sa practice room ng nga sports ko. "-paalam niya at tinignan lang namin siya na tumatakbo papalayo.
"So? Kita kita nalang tayo mamaya? "-tanong ko sa kanila.
"Malamang stacy.. Segi sama ka sa akin mg hindi ka makapag register sa sports mo. Tapos hindi tayo magkikita mamaya kasi buong araw tayo nagkikita. Try natin"-sinamaan ko naman ng tingin si Monique. Itong babaeng to. Umiiral na naman ang pagkapilosopa. Meron ba to ngayon?
"Ewan ko sayo.. Una na ako"-paalam ko sa kanila at iniwan na sila don sa tapat ng gate. Dumeretso nalang ako sa golf room kong saan magpaparegister ako. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon may bumangga sa akin ng papasok na ako sa pinto.
"Shit! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo. Kita mong papasok ako tapos ikaw papasok din"-sigaw ko sa taong yun. Tinignan ko siya at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
"Hey! Hindi ko kasalanan yun...at isa pa hindi lang naman ikaw ang magpaparegister dito. "-sabi niya na ikinataka ko. Wait!
"Nabunot mo din ang larong to?"-tanong ko sa kaniya
"Kaya nga nandito ako diba? "-sarcastic na sabi niya at pumasok na sa loob. Napaawang naman ako sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tinignan siya.
"Haha.. Ang malas ko naman yata. Tsk"-bulong ko sa sarili ko at pumasok nalang din.
Pagkatapos kong kumuha ng form nag fill up na ako kaagad at binalik yun. Next volleyball room naman. Habang naglalakad ako naramdaman ko namang may sumusnod sa akin. Tumigil ako at hinarap ang taong yun.
"What the sinusundan mo ba ako? "Tanong ko Kay Brent. Taka niya akong tinignan at tinuro pa ang sarili niya. Nag cross arm naman ako sabay taas ng kilay sa kaniya.
"Ako? Sinusundan ka? Haha di ah"-sabi niya
"Kung hindi mo ako sinusundan. Anong tawag mo sa ginagawa mo ?"-tanong ko sa kaniya.
"Prrfftt... Wag kang assuming.. Hahah.. Pupunta ako sa volleyball room mag paparegister ako. Kaya tabi "-sabay tulak sa akin at nilagpasan ako.
Napa singhap naman ako at tinignan siya na naglalakad papalayo sa akin.
"What the!! Pinaglalaroan ba ako ng tadhana? Arrggshh!! "-inis na sabi ko at naglakad na papunta sa volleyball room.
--------------
Charles POV
Nandito ako sa field at kasama ko ang ibang soccer player dahil mag papractice daw kami. Nakapag pa register na din ako sa dalawa ko pang sasalihan. Kahit labang sa kalooban kong sumali sa isang laro kailangan dahil baka ibagsak pa ako ni sir Tom. Tsk.
"Kailangan nating pumili ng captain"-sabi ng isa kong kasama. Hindi ko naman sila kilala dahil ngayon ko lang sila nakita
"Tama hindi naman yata tamang sasabak tayo sa Laban wala tayong captain"sabi naman ng isa
"Sino naman ang pwede? "
Napatahimik sila at napatingin sa akin.
"Tsk"
"Si king nalang. Tutal magaling naman siya"
"So payag ka na king? "Tinignan ko sila ng matalim. Mukhang natakot naman sila dahil sabay silang lahat napaatras.
"OK"-yun nalang ang sinabi ko at inayos nalang ang sintas ko.
Hindi ko napansin na kasama nila stacy kanina si zenia. Nasan ba siya? Akala ko pa naman papasok siya. Mukhang hindi naman.
Nag-aalala lang ako sa kaniya dahil sa nangyari kagabi. May nagtatangka pala sa buhay niya pero wala man lang sa kaniya yun. Ni hindi ko nga siyang nakitang natakot ka gabi sa mga lalaki na pilit siyang kinukuha.
Dalawin ko kaya siya sa bahay niya. Seguro nandon lang yun?
--------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top