CHAPTER 18
Skit POV
Pagkatapos naming manggaling sa guidance. Bumalik na kami sa room namin. Naabutan naman namin si sir Tom na nagtuturo na.
"Sorry sir.. We're late pinatawag pa po kasi kami sa guidance"-paliwanag ko sabay yuko.
"It's OK.. Umupo na kayo"-sabi niya. Nag nod lang ako at umupo na sa upuan ko. Nakita ko naman na umobob na naman sa desk niya si zenia at mukhang matutulog na naman. Napailing nalang ako. Linabas ko ang tablet ko at nag hack ako ng isang website
"Magaling ka din pala diyan? '-mabilis kong pinatay ang tablet ko at tinignan ang taong nagsalita sa likuran ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Zack na ang lapad ng ngiti.
"What are you doing? "-I ask him
"Hmm... Wala lang.. Nakita ko kasi yang ginagawa mo.. Mahilig ka din pala sa ganiyang mga bagay? "-tanong niya
"Tsk.. It's none of your business "-sabay irap ko sa kaniya
"Sungit mo naman"
"Ano ba kasing problema mo at pinapakealaman mo ako ha? "-tanong ko sa kaniya.
"Gusto ko lang naman makipag friends sayo. Napagisip isip ko kasi na hindi naman masamang magkaibigan tayo. Tutal naman mukhang parehas naman tayo ng hilig"sabi niya
"Hindi tayo parehas kaya tigilan mo ako"-sabi ko sa kaniya bago ko siya talikuran at hindi na pinansin.
-------------
Zack POV
Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Pa hard to get naman ang babaeng to. King'ina ako na nang nakipag kaibigan sa kaniya siya pa ang umayaw. Kapal din ah.
"OK I was saying na malapit na ang sport feast natin. At this coming next month na iyon.. Kaya kailangan niyo nang makapili ng sasalihan ninyong laro.. But this time kami na ang pipili ng laro ng para sa inyo "dinig kong sabi ni sir tom. Napakunot ang noo ko. Anong sila ang pipili?
"I have this bowl na may lamang mga paper. Dito nakalagay ang mga sports na maari niyong salihan.. Bubunot kayo dito at kung anong sports ang mabunot ninyo yun ang sasalihan ninyo. Nagkakaintindihan ba tayo? "-tanong ni sir
"Yes sir! "
Sigaw namin.
"Btw kung sinong makakabunot ng Mr and ms sport feast sila na ang pambato natin para sa pageant na yan.. Dapat walang kj dahil ibabagsak ko kayo sa subject ko"-banta ni sir. Nagsimula na silang bumunot. Ano kayang mabubunot ko? Sana yung hindi lang mahirap na laro.
------------
Charles POV
Ng ako na ang bumunot tinignan ko yun at parang gusto kong punitin ang papel dahil sa nakalagay na laro doon.
Soccer
Basketball
Mr. Sport feast
What the hell! Galit ba talaga sa akin ang tadhana at napunta to sa akin? Inis akong bumalik sa upuan ko at sumalubong naman sa akin ang mga sayang mukha ng mga kasama ko.
"Bro! Anong nabunot mo? Sa akin golf ,football. Volleyball"-masayang sabi ni Brent Kay zack
"Hmm... Football, badminton, basketball"
"ikaw anong sayo? "Tanong ni Brent Kay Bryan
"Same with Zack"
"Hala! Duga! Magkasama sila... Charles ikaw anong sayo? "-tinignan ko sila ng matalim. Dahil nakatingin silang apat sa akin na parang hinihintay talaga nila ang sasabihin ko.
"Tsk"
--------
Zenia POV
Matapos na silang lahat sa pagbunot at ako na ang last. Kailan ko pa pinatupad ang ka kornehang larong to? Hindi ko Alam na pinatupad ko to sa sarili kong school.
Tumayo na ako at pumunta sa harapan. Kita ko naman na hindi makatingin sa akin ng deretso si sir tom.
"My lady bu-munot n-a po kayo"-mahinang sabi niya sa kin.
"Tsk"pinasok ko ang kamay ko sa bowl at kumuha ng isang papel. Tinignan ko yun at parang gustong kong patayin ang nakaisip ng gimik na to. King'ina.
Galit akong bumalik sa upuan ko dahil baka kapag nagtagal pa ako sa gitna mapatay ko ng wala sa oras si sir Tom.
"Hime anong nabunot mo? "-curios na tanong ni kyle.
Tinignan ko siya ng seryoso bago sinandal ang likod ko sa upuan at umiwas ng tingin.
"Snob? Ganon? "-dinig kong sabi ni stacy
"Hime? Hoy! Sabihin mo na... "-sabay kalabit sa akin ni kyle. Hinayaan ko lang siya sa pangungulit niya.
"Hime"
"Hime naman e"-tinignan ko siya at fuck nakapout pa talaga siya. Nag papacute ba to? Kasi kung oo mukha siyang pato. King'ina.
"Stop it"iritang sabi ko sa kaniya.
"Ikaw naman kasi ayaw mong sabihin.. Segi na hindi ko naman sasabihin sa iba ..promise! "-sabay taas pa ng kanang kamay niya na parang nanunumpa.
"Gusto mo sabihin namin yung sa amin tapos ikaw sunod? "-parang batang sabi naman ni Monique na may kinakain na lollipop. San naman niya nakuha yan?
"Ako mauuna... Sa akin volleyball, long tennis at 500 m. Running"-sabi ni dria
"Me.. Ahmm... Swimming, volleyball, and badminton"-dagdag pa ni monique habang tinitignan ang papel niya
"Chess, badminton,volleyball"sabi ni skit
"Golf, football, volleyball sakin"-masayang sabi ni stacy
Tinignan ko naman si kyle at nginitian niya ako.
"Swimming, basketball, archery "-proud na sabi niya. This time tinignan na nila akong Lima.
Ringggggggg*** ringggg***
"OK class dapat bukas may pa register na kayo sa mga laro na naka assign sa inyo.. Dapat hindi kayo mahuli. Binabalaan ko kayo ibabagsak ko talaga kayo sa subject ko. Maliwanag! "-sabi ni sir tom
"Yes. Sir!! "
"Good"nakangiting sabi ni sir"good bye class"-paalam niya at lumabas na. Tumayo na din ako
"Hoy ! San ka pupunta? -pagpigil sa akin ni kyle tinignan ko siya ng seryoso. "Uuwi na"
"Ano? Hindi mo pa sinasabi sa amin kung saang laro ka na assign ang duga! "-maktol niya. Hindi ko na pinansin ang pag eenarte niya at tinalikuran na sila.
"Mauna na ako"-paalam ko at lumabas na sa room.
-------
Pagkauwi ko sa bahay dumeretso ako sa kwarto ko at nahanda na para sa mission ko. Nag text na din ako Kay kyle kung saan ang next mission namin at kung ano ito.
Tinali ko ang buhok ko at nag shot ng mask. Kinuha ko ang mga kakailanganin kong armas at pagkatapos lumabas na ako sa pinto at bumaba na. Naabutan ko pa si kyle na kakapasok lang at hingal na hingal
"Hime naman bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad"bungad niya sa akin
"May ayos ka na.. Hurry"-walanh emosyong sabi ko at nakita ko naman na tumakbo na siya sa itaas. Napasandal naman ako sa pinto para hinatayin siya. Hindi din naman nagtagal nakababa na siya at hindi ko maipagkakaila na cool siya sa ayos niya.
"Tara na. Excited na ako"-hindi nga halata.. Tsk
Lumabas na kami at pumunta na sa gagamitin naming sasakyan. Binigay ko sa kaniya ang info tungkol sa mission at kung anong gagawin namin.
Hindi din nagtagal nakarating na din kami sa location.
"Nasan sila stacy? "-I ask him bago ako bumaba sa kotse
"Iniwan ko sila sa mall.. May bibilhin daw sila"-sabi niya. Nag nod naman ako
"Stand by"-I said to him at bumaba na ako.
--------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top