CHAPTER 15
Zenia POV*
Nakauwi na kami ni Kyle sa bahay pero bigla nalang tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si tanda
"Sino yan hime? "-tanong ni kyle
"Si tanda"sagot ko"mauna ka na sa loob sasagutin ko lang to"tinanguan niya naman ako at pumasok na siya.
Tinignan ko muna si kyle kung nakapasok na nga ba siya at ng masigurado kong wala na siya sinagot ko ang tawag ni tanda
"Hello? "
"Hime... Nandiyan ba si kyle? Tell me the truth wag na wag mo siyang pagtatakpan"napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Napahilot ako sa sintido ko dahil sa ginawa na naman ni kyle
"Nandito siya"
"Ano na naman bang pumasok sa kokote ng batang yun at hindi na naman ako sinunod... Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya.. Hime ikaw lang talaga ang sinusunod niya"
"Wag na kayong mag-alala ako nang bahala sa kaniya"
"I know hindi mo naman siya pababayaan diyan... May tiwala ako sayo hime"
"Geh baba ko na"pagkatapos kong sabihin yun binaba ko na ang tawag. Napabuntong hininga naman ako at napailing.
Kyle.. Letche ka bakit hindi ka nagpaalam Kay tanda na susunod ka dito .king'ina pinag-alala mo na naman siya. Ang tigas talaga ng ulo mo.
Pumasok na ako sa loob at naabutan ko silang lahat na nanonood ng tv sa sala.
"Hime anong sabi ni tanda sayo? "-tinignan ko ng seryoso si kyle dahil sa sinabi niya.
"Alam mo na ang ibig sabihin niya"-sabi ko sa kaniya at iniwan na sila doon. Gusto ko munang matulog pagod na din naman ako. Tapos ito dadagdagan na naman ni kyle.
Kyle POV
What the! Ibig sabihin... Patay.. Ang daldal talaga ni dad. Segurado ako ngayon galit na naman sa akin si hime dahil sa ginawa ko. Kasalanan lo ba na gusto ko siyang makasama kaya tumakas ako kay dad. Miss ko lang naman siya at gusto ko siyang bantayan
"Kyle anong pinaguusapan niyo ni Zen? "-tanong ni skit sa akin. Tinignan ko lang siya
"Tsk"-umakyat na ako sa taas at pumunta na sa kwarto ko. King'ina kailangan ko na namang suyuin si hime. Ayaw kong hindi niya naman ako papansinin hindi ko kaya yun.
------
Monique POV
Taka kong tinignan si skit dahil sa tanong niya Kay kyle pero wala naman akong marinig na na sinabi ni kyle bagkus umakyat lang Ito sa itaas.
"Skit ano daw sabi? "-tanong ni dria Kay skit
Pero hindi siya pinansin ni skit at umakyat lang to sa itaas.
"Ano daw dria? "-tanong ni stacy sa kaniya
Pero napakunot nalang ang noo ko dahil pati si dria umakyat din sa taas. Ano ba talagang pinaguusapan nila. Nako kapag nalaman ko lang talaga pagsasabunotan ko talaga sila hanggang sa mawalan na sila ng buhok.. Arrggshhh.. Pero syempre joke lang. Nako kapag ginawa ko yun segurado ako kinabukasan hindi niyo na makikita ang beauty ko sa ibabaw ng mundo.
"Stacy anong sabi? "-curious na talaga ako sa pinaguusapan nila. Tinignan niya lang ako tapos iniwan din ako dito sa sala.
"What the! Hoy! "-tawag ko Jay stacy pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Dere deretso lang siya paakyat sa taas.
Ano ba kasing pinaguusapan nila at hindi man lang nila masabi sabi sa akin.
--------
Zenia POV
Napamulat ako ng mata dahil sa sunod sunod sa katok sa pinto ko.
"Hime buksan mo naman to o. Mag-usap naman tayo... Hindi ko lang naman sinabi Kay dad dahil alam kong hindi niya rin naman ako papayagan"-dinig kong sabi ni kyle sa labas.
Pero pinag-alala mo naman ang matanda doon. Tsk.
Tumayo ako at pinagbuksan siya pinto. Bunungad sa akin ang nakakaawang mukha ni kyle habang nakayuko sa harapan ko.
"Pasok"-seryosong sabi ko sa kaniya at iniwan na siya doon. Bumalik ako sa kama ko at umupo. Kita kong pumasok siya at sinara ang pinto. Hinarap niya ako at para talagang nakakaawa ang mukha niya.
"Bakit ka ba nang bubulabog ki aga again nanggigising ka ng tao.. Can't you see 5:30 am palang ng madaling araw"-sabi ko sa kaniya
"Himeeee!!!! "-napangiwi ako ng bigla siyang sumigaw at lumuhod sa harapan ko.
"Hime... Sorry "-sabay hawak pa sa kamay ko.
"Stand up"-sabi ko at sinunod niya naman bigla.
"Bakit mo ginawa yun.. Diba sinabi ko naman sayo na pagkatapos ng kailangang kong gawin dito babalik din naman kami agad"-this time hindi na seryoso ang tuno ko.
"Hime.. Hindi ko lang naman maiwasan na isipin na ang tagal mo pang bumalik"-napabuntong hininga naman ako at bigla siyang yinakap. Bakit ba hindi ko maiwasan ang totoong ako na ipakita Kay kyle. Kyle is very important to me. Siya lang ang nasasabihan ko ng totoong nararamdaman ko.
"Tsk... "-ako
"Hindi ka na galit sa akin? "-tanong niya
"Sino naman nagsabi sayong galit ako. Hindi naman ako galit sayo.. Ang iniisip ko lang wag na wag mong pagaalahanin si tanda... Hala ka baka atakihin yun "-
"Prrfftt.. Hindi yan... Siyam ang buhay non"-napailing nalang ako sa kalokohan niya.
"Tara na sa baba... Magluluto ako"-sabi ko sa kaniya. Kita ko naman na ngumiti siya sa akin at bumaba na kami.
Pagkababa namin naabutan naman namin si Monique na bangag at mukhang walang tulog.
"Anong nangyari sayo? "-takang tanong ni kyle sa kaniya. Napatingin siya sa amin na parang walang kabuhay buhay.
"Monique what happened to you? "-napatingin ako sa likuran namin at nakita naming nandon na din pala sila skit na kakagising lang.
"Kasalanan niyo!! "-biglang sigaw ni monique sabay duro sa amin
"Anong kami? Wala kaming kasalanan no"-depensa ni dria sa sarili
"Anong wala?... Ako ba pinagloloko niyo.. Nang dahil sa inyo hindi ako nakatulog. Ng dahil sa inyo hindi ko magawang matulog dahil sa kakaisip kong anong sinabi ni Zen Kay kyle na hindi niyo din sinabi sa akin"-maktol niya.
Napatingin ako sa tatlo na bigla nalang tumawa.
"Prrffffttt... Hahahahaha.... Seryoso! "
"Hahahaha.. King'ina ang slow talaga ni monique"
"Jusko po... Hahaha.. "
"Sa pagkakatanda ko wala akong sinabi Kay skit "-sabi ni kyle. Napatingin naman kami Kay skit na nagpipigil parin ng tawa.
"Pprffftt... Tinalikuran lang naman ako ni kyle ng tanungin ko siya
Kaya ginaya ko nalang din ang ginawa niya.. Hahaha"paliwanag ni skit
"Me too"-natatawang sabi ni dria
"Ako din"-sabi pa ni stacy
Napatampal naman ako sa noo ko dahil sa ginawa nila.
"What the! Wala namang palang sinabi.. Bakit hindi niyo sinabi sa akin... Waaaaaa!!!! Huhuhuu.. Nag ka eyebags pa ako"-iyak na sabi ni monique
"Hahahajaha"-tawa nilang lahat except me
---------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top