CHAPTER 11

Zack at the multimedia
_________________________________________

Zenia POV*

Pagkauwi ko sa bahay ka gabi tinalakam lang naman ako ng tatlo kung saan na naman ako nanggaling. Tsk..

Kasama ko sila ngayon papunta sa school and what do you expect pagkapasok namin sa gate. Pinagkaguluhan na naman kami ng mga reporters hindi pa ba sila nagsasawa. They didn't know na wala kaming panahon para sagutin ang mga walang kwenta nilang tanong?

Habang naglalakad kami sa hallway bigla nalang may humarang sa amin na mga babae. Tinignan ko lang sila pero tinaasan ako ng kilay.

"Hindi niyo ba alam na kahit sikat kayo... Mas sikat pa din kami sa inyo!! "Sigaw sa amin ng babae na uuna.

"Wala kaming pake "-bara ni monique at binangga ang babae sa balikat at nauna nang maglakad. Sumunod nalang kami ni skit sa kanila. Bago pa kami umalis narinig pa namin ang sigaw ng babae.

"ARRGGSHH... MAKAKAGANTI DIN AKO SA INYO!  MAS MAGANDA PA DIN AKO SA INYO!! "

"Dream on girl"nakangising sabi ni dria sa kaniya.

"Arrsssgggshhhhhh!! "Narinig ko naman nanagtawanan ang tatlo sa unahan namin dahil sa narinig nila. Napailing nalang ako sa isipan ko.

Hindi din nagtagal nakarating na kami sa room. Unang pumasok si monique sunod naman kami. Tinignan ko si miss Stella at nakatingin din siya sa amin.. Or sa akin.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at napadapo naman ang tingin ko sa kings. I know nandoon sila kagabi. Ramdam ko ang presensya nila.

Umupo na ako sa upuan ko at natulog nalang. Ayukong makinig. Inaantok pa ako.

Charles POV

Bigla nalang bumukas ang pinto kaya napatigil si miss stella sa pagtuturo niya. Nakita naman namin na pumasok ang Lima at hindi man lang sila pinagalitan ni miss Stella dahil late sila. Unfair ah.

Nahagip naman ng paningin ko si zenia at nakatingin siya sa akin. Kumunot ang noo ko. Bakit parang pamilyar sa akin ang mga tingin niya at Ang tindig niya?

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo na siya sa upuan niya. Nakita ko naman na umubob na naman siya sa desk niya at natulog.

"Charles why do you keep staring at her? Alisin mo nga yang mga tingin mo"

Fuck!  Bakit ko nga ba siya tinitignan. King'ina. Pero kahit anong pilit ko hindi ko talaga maiwasan. Ang mga mata niya medyo may pagkasingkit. Ang matangos na ilong mahabang pilik mata at kissable li--... Aisht! 

Napagulo nalang ako sa buhok ko at umobob nalang din sa desk ko. I think kulang lang din ako sa tulog.

Ivan POV

Nakangiting nakatingin lang ako kay dria at bigla naman siyang napatingin sa akin at ngumiti. Waahhh... Ang ganda niya talaga.. Ang mga ngiti niyang paran inaakit ako. Jusko... Lord kung kukunin niyo na ako wag naman po gusto ko pang makasama si chandria.

Bigla naman may tumama sa ulo ko na isang crampled paper. Taka ko yung tinignan at kinuha. Nilibot ko ang paningin ko at nahahip ko si chandria na nakangiti sa akin. Napangiti naman ako bigla. Binuksan ko yun at binasa.

"Hey sabay tayong mag lunch mamaya? "

Nagsulat naman ako

"Sure... Why not kung ikaw lang naman ang makakasama ko. Payag ako. Doon tayo sa garden peace full doon "

Tapos binalik ko naman sa kaniya. Kita ko naman na binasa niya yun bigla at nagsulat.

Ng matapos na siya sa pagsulat tinignan niya ako at patagong tinapon sa akin ang papel. Sinalo ko yun at tinignan.

"Kita nalang tayo sa garden.. See you. 😘"

Hindi ko naman maiwasan na lumapad pa lalo ang ngiti ko. Shit!  Ganito palang ang ginagawa niya ang lakas na hang epekto niya sa akin.

Kumuha ako ng isa pang papel na blanko dahil hindi na kasyang sulatan.

"Ok see you too babe. 😉😍"

Nilukot ko yun at tinapon sa side niya pero nanlaki ang Mata ko dahil sa iba yun natapon at kay miss Stella na punta yun.

Kita kong napatigil si miss Stella at tinignan ako na nagtataka. Napayuko naman ako dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko. Patay kang bata ka.. Lagot na. Kita kong tinignan yun ni miss Stella at kung paano kumunot ang noo niya at tinignan ako ng matalim.

"Mr. Monterial.... What's the meaning of this? "-tanong ni miss sabay taas ng papel na sinulat ko kanina.

"Patay kang bata ka"-bulong ni Zack sa akin.

"Tsk di nagiingat kasi"pailing iling pang sabi ni Brent. Hindi ko na sila pinansin at na kay miss lang ang atensyon ko.

"A-hm.. M-iss... Nagkamali lang po ako"-kabado kong sabi. Tumaas naman ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Tinignan ko naman si chandria at nakita kong tensyonado din siya ngayon.

Ang tanga ko naman kasi e.

"Mali? Mali bang nakasulat dito na"
Ok see you too babe. 😉😍"..tell me Mr monterial... Who's that girl that your calling babe? '-tanong ni miss

"Ahmm-s-i a-no s--.. "

"That me. Miss Stella! "- nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay chandria na nagsalita at ngayon nakatayo na. Napunta din sa kaniya ang lahat ng tingin ng mga kaklase namin.

"Hey!  Dria anong pinagsasabi mo diyan? "Taka tanong ni Monique sa kaniya

"Shut up Monique... "Sabi niya dito at tinignan ulit si miss"miss Stella ako po ang kausap niya gamit ang papel at ako din ang tinutukoy niya diyan"-sabi pa niya.

Bakit dapat na mainis ako sa sinabi niya bakit parang kinikilig at ang saya ko pa. Shit!  Baliw na talaga ako sa babaeng to.

"Is that true Mr. Monterial? "-tanong ni miss sa akin. Walang pagalinlangan ko naman yung sinagot

"Yes miss"

"What!  Omg Ibig sabihin may something sa kanilang dalawa? "

"Wth!  No way! "

"Huhuhu... Ang baby Ivan ko! "

"Segurado akong fling niya lang yang babaeng yan"

"Malandi! "

"Inakit niya lang si papa Ivan"

"That true"

Naikuyom ko naman ang kamao ko dahil sa bulungan nang nga kaklase ko. Tinignan ko sila ng masama dahil sa mga sinasabi nila. They dont know kung ano ba talaga ang totoo.

"You two!  Go to the detention room now!  Oras ng klase kung anong pinaggagawa ninyo! Hala!  Layas! "-sigaw sa amin ni miss.

Yumuko lang kami kay miss bago kami lumabas ni chandria papunta sa detention room.

Stacy POV

Halos hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Tang'ina may namamagitan kila chandria at sa isa sa mga kings? Bakit hindi namin alam yun. Kahapon nga gumanti pa kami sa kanila tapos ngayon malalaman namin ito.

"I can't believe this! Gosh! " sabi ko sa kanila habang nandito kami sa car. Hanggang ngayon nandon parin kasi ang dalawa sa detention room. Parusa nila yun. Alam naman nilang class hour ganon pa ang ginawa nila

"Hindi lang ikaw ang hindi makapaniwala stacy.. Biruin mo ha ..paanong nagkalapit yung dalawang yun? "-tanong sa akin ni Monique

"Tsk hindi ko nga din alam e ako pa tatanongin mo! "

"Skit!  May ala-"

"Wala akong alam"-putol ni skit sa kaniya. Kita ko naman na Napa pout si Monique at tinignan si zenia

"No"

"E? "Kaming dalawa ni Monique anong pinagsasabi nito.

"May kausap ka bang hindi namin nakikita Zen? "-tanong ko

"Tsk"siya at tinuloy nalang ang kinakain niya.

Nagkatinginan nalang kami ni Monique dahil don. Wala na namang sa mood ang mahal na reyna. Hahaha.. Pero mukhang palagi naman.
----------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top