Epilogue
Mabilis ang naging pagtibok ng aking puso habang iniikot ang buong bahay namin. Malagkit at malamig na pawis ang namuo sa 'king noo at likod habang naghahanap kay Anna. Halos baliktarin ko na ang aming bahay para lang mahanap si Anna. nanginginig na ang aking mga kamay habang binubuksan sa pangatlong pagkakataon ang pintuan ng aming silid, pero wala talaga.
Tangina naman na saan kaba Anna?
Nagsimula na akong magpabalik-balik sa paglalakad dito sa 'ming salas. Kinagat ko ang aking kuko habang nag-iisip. Parang nasa lalamunan ko na ang aking puso dahil sa lakas ng tibok nito. Hindi ako makahinga ng maayos at ang aking isipan ay nablablangko. Ano ng gagawin ko?
Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Tumigil ako sa paglalakad at huminga nang malalim. Saka ko ulit sinubukang mag-isip at sa pagkakataong ito ay may pumasok na sa 'king isipan. Baka nasa likod bahay si Anna dahil sa isipang iyon ay dali-dali akong nagtungo sa likod namin kaso bigo ang nang walang nakitang Anna doon.
Hindi pwedeng makalabas si Anna.
Kahit kailan ay hindi pa ito lumalabas ng bahay, ni ang tanawin nga ang bintana ay hindi nito ginawa. kaya bakit mawawala ang kapatid ko sa bahay namin?
At saka, na saan ba ang mga tao rito sa bahay? Kaya ko nga iniwan si Anna dahil nandito si mama at papa. Puta, dapat talaga ay hindi na ako nagtiwala sa dalawang iyon. Ano nga bang aasahan ko sa dalawang 'yon e sa 'kin din naman sila nakaasa?
Mabibigat ngunit mabilis na pagtakbo palabas ng aming bahay ang aking ginawa. Nagpalinga-linga ako sa kapaligiran baka sakaling makita ko si Anna kahit kadadaan ko lamang dito kanina. Dumeretsyo ako sa linya ng mga traysikel para makapagtanong baka kasi nakita nila.
"Mga manong nakita niyo ba 'yung kapatid ko?" hinihingal kong tanong sa mga ito.
"Hindi e," nakita ko kung paano humagod sa 'king katawan ang kanilang mga mata.
Agad na akong umalis doon at sunod na nagpunta sa tindahan ni Aling Seling. Kahit naman may galit ito sa 'min ay baka makatulong siya. Tutal ay chismosa naman siya.
"Aling Seling nakita niyo po ba ang kapatid ko?"
Tinaasan agad ako nito n kilay, "Ang pwede lang magpunta rito ay ang mga bibili."
Tinalikuran ako nito agad pero bago pa siya muling pumasok sa kanilang bahay ay nagsalita na ako. "Sige na po, hindi po kasi normal ang kapatid ko."
"Ewan ko, okay? Pero 'yung nanay mong pokpok nakita kong umalis at may dala-dalang mga gamit."
Napakagat ako ng aking labi sa narinig. Tangina,umalis na naman si Mama? At sa pagkakataong ito ay hindi man lang siya nagpaalam sa 'kin. Saan ko naman kaya ngayon hahanapin ang kapatid ko. Napakapa ako sa bra ko nang maalala kong may pera nga pala ako. Mabuti na lamang at may pamasahe ako kung sakaling aabutin ako sa ibang lugar kahahanap sa 'king kapatid.
Nararamdaman ko na ang pagkatuyot ng aking lalamuna dahil sa walang pahingang paghahanap sa 'king kapatid. Madilim na at mataas na ang lagay ng bilugang bwan sa langit. Ito lamang ang tanging bagay na nagbibigay liwanag sa langit. Ni isang bituin ay wala kang makikita. Kasing dilim ng langit ang pag-asa kong muling makit si Anna.
Ilang oras na akong walang tigil sa paghahanap sa kaniya at hangang ngayon ay hindi ko pa rin makita si Anna. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Umabot na ako ng tatlong barangay para lang mahanap siya pero wala pa rin.
Napatingin ako sa 'king tiyan nang tumunog ito nang may kalakasan. Agad na dumapo roon ang aking kamay at hinimas ito. Wala pa pala akong kain simula kaninang malaman kong nawawala si Anna. Bigo akong umuwi sa bahay namin. MAnigat ang aking dibdib at ang aking isipan ay patuoloy na may pumapasok na kung ano-anong bagay.
Paano kung may kumuha pala kay Anna? Paano kung isinama pala siya ni Mama? Pero wala namang nabanggit si Aling Seling kanina na may kasama si Mama. Paano kung lumabas ito ng bahay at naligaw? Paano kung may dumampot sa kaniya? Ang daming mga bagay na hindi magaganda ang pwedeng mangyari sa kaniya.
Hindi ito matanggap ng aking puso't isipan. Okay lang kung ako.
Okay lang kung ang lahat ng masasamang bagay ay sa 'king mangyari pero hindi ko kaya kung kay Anna ito mangyari.
Hinid ko kaya.
Mabibigat ang naging hakbang ko pauwi sa 'ming bahay. Parang ayoko pang umuwi hangat hindi ko pa nakikita si Anna. Hindi ko naman matawagan si Mama dahil wala akong selpon. Wala rin naman kaming ibang kamag-anak dito. Pati ang pagbukas ko ng aming pintuan ay magal at mabigat. Talagang labag ito sa 'king kalooban.
Nadatnan kong nakahiga si Papa sa sopa habang nag-iinom. Agad kong naramdaman ang pagkulo ng aking dulo. Para bang isang asido ang aking galit na mabilis binutas ang aking kalooban. Puro galit ngayon ang aking nararamdaman.
Tumayo ako sa gilid ni Papa, "Na saan si Anna?"
Hindi man lang ako nilingon nito bago sagutin, "malay ko baka nagpokpok na rin."
Agad na tumaas lahat ng dugo ko dahil sa galit. Puro pula na lamang ang aking nakita at wala ng iba. Mabilis kong inagaw sa kaniyang kamay ang alak at ipinukpok sa ulo niya ito. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa basta pakiramdam ko ay may bumululong sa 'king gawin ko ito.
"Ahh, tangina!" sigaw nito dahil sa 'kin ginawa.
Nakatatawan isipan na rati ay sinasabi niya 'yan habang nagpaparaos sa 'kin, tignan mo naman ngayon. Sa sakit niya na ito ibinibigas.
"Hayop ka! Ilabas mo si Anna!" Isinaksak ko sa kaniya ang nabasag na bote habang dinadaganan siya.
"Ah! Lumayo ka sa 'kin putangina ka!"
Isinalag ni Papa ang aking mga kamay habang ang isang mata niya ay nakapikit gawa ng paghampas ko kanina sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang aking lakas pero nagawa ko ulit siyang saksakin sa dibdib gamit ang sabag sa bote. May lumabas na maraming malapot na dugo roon. May naiwan pang mga bubog.
"Ayan ang bagay sayong hayop ka!"
Natumba ako mula sa pagkakapatong sa kaniya nang magawa niya 'kong maitulak. Agad ako napasalampak sa sahig. Masakit pero hindi ko inalintana iyon. Hinablot niya ang aking buhok at iniumpog sa sahig. Agad akong nakaramdam ng sakit at pagkahilo.
Nagtagis ang aking mga ngipin at hinawakan ang kaniyang kamay na nakasabunot sa 'kin. Muli kong inabot ang dulo ng bote at inisaksak sa mukha niya.
"Ahhh!"
Nabitawan niya ako dahil doon at ito na ang aking pagakkataon para gumapang pa puntang kusina. Hindi ko na kayang tumayo dahil sa hilong aking naramdaman nang i-umpog niya ako sa sahig kanina. Kumapit ako sa lababo para makatayo at agad kong kinuha nag kutsilyo.
Ngumisi ako sa 'king Papa na nagyon ay hindi pa rin magkanda ugaga sa sakit na kaniyang nararamdaman.
Tumakbo ako sa kaniya, "ahhhhh." hiyaw ko habang papalpit sa kaniya.
Unang tarak ko ng kutsilyo sa kaniya ay nakaramdam agad ako nang kaginhawaan. At nanghugutin ko iyon ay may mainit at malapot na dugo ang tumasik sa 'king mukha. Ang amoy malansang dugo ay para bang isang droga sa 'kin. Naka-aadik amuyin kaya muli ko siyang sinaksak nang may pangigigil.
Tumawa pa ako habang paulit-ulit siyang sinaksak sa dibdib.
"Ayan ang nababagay sayong demonyo ka!"
Itinaas ko ang aking dalawang kamay habang hawak-hawak ang kutsilyo. Ang duguang mukha ko ay puno nang pangigigil na patayin ang demonyong nasa harapan ko. Hindi na gumagalaw si Papa pero hindi pa ako kuntento.
Bago ko saksaking muli si Papa ay binulungan ko siya, "Manahimik kana habang buhay."
At muli kong itinarak ang kutsilyo sa kaniyang dibdib ng ilang beses. Ang tunog ng pagbaon at paghugot ng kutsilyo sa kaniyang katawan ay tila isang musika sa 'king pandinig. Kay gandang pakinggan. Kung alam ko lamang na ganito kasiya patayin ang isang demonyo ay sana matagal ko ng ginawa.
Simula sa pangalawa kong papa na siyang nanakit sa 'kin, sa pangatlo kong papa na siyang bumaboy at dumumi sa puri ko, sa pang-apat kong papa na siyang nagdala sa 'kin sa impyerno, at itong pang lima na siyang sinasaksak ko ngayon. Masarap pala sa pakiramdam. Ang sarap-sarap.
Natigil ako sa pagsaksak kay Papa nang may marinig akong nagsalita.
"Ate?" inosenteng sabi ni Anna sa 'kin.
Nginitian ko naman siya ng matamis habang nakapatong pa rin kay Papa na wala ng buhay ngayon. Nilaro ko ang aking mga daliri sa hawakan ng kutsilyo habang nakatingin kay Anna.
"Saan ka galing?"
Lumapit siya sa 'kin at ipinakit ang kaniyang manika. Alintana ang aking madugong itsura at ni Papa.
"Ligo... tubig," sabay turo nito sa likod bahay namin kung saan ay papuntang ilog.
Natawa naman ako sa sarili kong katangahan. Tinignan ko na ang likod bahay kanina pero hindi ko man lang naisip na baka nagpunta roon si Anna. Biglang may pumasok na ideya sa 'king isipan.
"Anna, tulungan mo si Ateng buhatin si papa."
Tinignan lamang ako nito na may halong pagtataka sa mga mata.
"Gusto raw ni Papang maligo sa ilog kagaya mo."
Ngumiti naman si Anna s a'king sinabi at ako naman ay tumawa. Masaya kaming humahagikgik habang hinihila si Papa sa paa para dalhin sa ilog. Mabuti na lamang at maputik ngayon kaya agad na nabubura ang mantsya ng dugo sa lupa dahil sa putik. Pabalya kong inihulog si Papa sa ilog.
Nakangiting kumakaway rito si Anna habang pinapanood naming agusin ang kaniyang katawa ng tubig. At dahil sa tuwa ay ginaya ko rin ang ginawa ni Anna.
Dguan ang damit at mukha habang nakangiti ay kinawayan ko rin si Papa habang unti-unti nang nawawala siya sa 'king paningin.
Tinignan ko sa mata si Anna at nginitian siya. Inilagay ko ang aking daliri sa aking labi at sinabing.
"Lihim lang nating naligo si Papa sa ilog ha?"
Masaya namang tumango sa 'kin si Anna at nagyaya ng umuwi ng bahay.
Ako si Eba, labing anim na taong gulang at ito ang aking lihim.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top