5
Ang init na aking nararamdaman ay inalintana ko na lamang, kahit ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng aking pawis galing sa 'king likod pababa. Ang aking mata ay nakapokus sa iisang bagay lamang. Kaya ko ba? Kakayanin.
Kanina pa ako nandito at nagmamasid. Hindi ko alam kung nakahahalata na ba ang iilan dito o hindi pero wala akong pakielam. Kung hindi ko ito gagawin ay malamang mamumuti na naman ang aming mata sa gutom.
Hindi ko alam kung namamawis pa sa kaba o sa init ang aking mga kamay. Ilang beses ko na naman itong ginawa pero kinakabahan pa rin ako. Ang takot na mahuli at hindi makauwi kay Anna ang siyang nagpakakaba sa 'kin. Huminga ako nang malalim at sinimulan ng mag-ikot.
Kailangang ko munang magkunwaring may hinahanap o bibilhin bago ako magnakaw. Ang pipillin kong tindahan ay 'yung may karamihan ang mamimili para hindi ako mahahalata. Prutas lang naman muli ang aking nanakawin. Hindi pwedeng baboy o kung ano man dahil masiyadong halata.
Tatlong mansanas.
Ayan ang aking nanakawin.
Hindi ko alam kung paano ko ito itatago dahil tatlo sila. Kailangan ko rin kasing magpalamig sa pagnanakaw ng prutas para hindi ako mahalata. Kung aaraw-arawin ko kasi malamang ay makatimbre na silang ako ang nagnanakaw.
Tahimik akong naglakad papunta sa 'king napusuang tindahan ng mga prutas. Abala ang tindera sa pag-aasikaso sa kaniyang kimang mamimili. Maingat at mabilis ang ginawa kong paglalakad.
"Mag kano po sa mansanas?" tanong ko nang makalapit na ako ng tuluyan.
Hinawakan ko pa ang mansanas habang nagtatanong. Binigyan lang ako ng isang mapanghusgang tingin ng tindera at hindi ako sinagot. Muli niyang ibinaling ang kaniyang atensyon sa ibag mamimili. Ayan, tignan natin kung saan ka dadalhin ng iyong kamatapobrehan.
Ngumisi na lamang ako nang matagumpay kong nakuha ang tatlong mansanas at mabilis na naglakad palayo. Hindi niya napansin. Mabuti.
Alam kong mukha akong walang pera dahil wala naman talaga akong pera, pero may masama ba kung sasagutin niya ang aking munting tanong? Wala naman 'di ba?
Masaya kong kinagatan ang isang mansanas na aking ninakaw. Halos mabulunan naman ako nang may humablot sa 'kin sa isang tagong lugar. Mapuno at matalahib dito sa pingadalhan sa 'kin. Apat sila at hindi ko nakikita nang maayos ang kanilang mga mukha dahil nakatalikod sila sa 'kin.
"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!"
Nagpumiglas ako sa kanilang hawak. Abot langit ang aking kaba dahil walang makatutulong sa 'kin sa lugar na ito. Kinakarma na ba agad ako?
"H'wag kang maingay Eba."
Nagulat ako nang makilala ko ang boses na 'yon.
"Ton-Ton?" isa siya sa mga kaibigan ko simula sa pagkabata. Kaming apat nila Andeng, Tere, at Ton-Ton ang magkakalaro.
Lumingon siya sa 'kin at nginisian ako, "Kamusta Eba?"
"Anong gagawin niyo s-sa 'kin?"
"Kakausapin ka lang namin."
Ano sa tingin niyo sa 'kin, tanga? Sa dami kong hindi magagandang pinagdaanan sa tingin niyo ay maniniwala akong usap lang ang gagawin? E, kung usap lang pala bakit kailangan akong dalhin dito 'di ba? Nagsimula na akong pumiglas nang mas malakas kaysa sa ginagawa ko kanina.
"Eba, huminahon ka. Talagang kakausapin ka lang namin."
"Bakit niyo pa 'ko kailangang dalhin sa ganitong lugar ha?!"
Tumigil kami sa may isang malaking puro na may kawayang upuan. Pinaupo nila ako pero hindi ko ginawa. Sino ba ang uupo kung nasa ganitong sitwasyon ka?
"Ano ba kasi 'yon?"
"Nakwento kasi sa 'kin ni Andeng na nagnanakaw ka raw."
Tinaasan ko na lamang siya ng kilay. E ano naman ngayon kung nagnanakaw ako? H'wag mong sabihing may balak nilang isumbong ako? Pero kung isusumbong nila ako e 'di sana hindi nila ako dito dinala kung hindi sa barangay namin. Malayao kasi ang pulisya rito sa baryo namin kaya nag barangay ang nanganagsiwa bago ka dadalhin sa mga pulis.
"Gusto ka naming kunin sa grupo."
"Ha? Anong grupo 'yang pinagsasabi mo?"
Pinasadahan ni Ton-Ton ang kaniyang buhok ng kaniyang palad at tumingin sa 'kin nang direstyo.
"Nakita kasi naming magaling ka ngang magnakaw at kailangan ka namin sa 'ming grupo." sabi naman ng katabi ni Ton-Ton na hindi ko kakilala.
"At saka, bakit mansanas lang ang ninanakaw mo? Kung pera at alahas malamang niyan ay yayaman ka."
Nginisian ako ni Ton-Ton pagkatapos 'yon sabihin ng isa pang lalaking kasama nila. "Ayaw mo bang gamitin 'yang talento mo sa isang makabuluhang bagay?"
Tinitigan ko lamang sila habang nag-iisip. Sa totoo lang ay may punto sila. Bakit hindi kong naisip na pera ang aking nakawin kaysa sa prutas? Nakatatawa. Masasabi ko bang inosente pa rin ang aking isipan dahil lang prutas ang aking naiisip nakawin? Tanga, kahit anong nakawin mo kasalanan pa rin 'yan. E, kung kasalanan naman na pala ang aking ginagawa bakit hindi pera ang nakawin ko. Tutal ang pagnanakaw ay pagnanakaw pa rin.
Teka nga, talento nga bang matatawag ang pagnanakaw? Siguro. Sa panahong ito siguro matatawag nga itong talento. Akalain mo 'yon? Akala ko ganda lang ang mayroon ako, mayroon din pala akong talentong matatawag.
"Ano sasali ka ba Eba?'
"Ano bang ginagawa ng grupo niyo?"
"E 'di nagnanakaw rin pero wallet, alahas, at mga gamit sa bahay."
"A, kayo pala ang mga akyat bahay sa baryong ito?" gulat kong tanong sa kanila.
Nagkibit balikat lamang si Ton-Ton sa 'kin sinabi, "oo."
Hindi na ako magtataka kung bakit naisipan ni Ton-Ton sumali sa grupong ito. Mananakal ang kaniyang tatay samantalang taga-walis ng kalye ang kaniyang nanay. Hindi naman ito malaking bagay sana kaso lima silang magkakapatid at si Ton-Ton ang panganay sa kanila. Naiintindihan ko siya. Kailangan kasi naming kumayod sa murang edad.
Makatutulong din sa 'min ni Anna ang kikitain ko kung sakali. Hindi ko na kailangan isipin lagi kung may kakainin kami sa pang-araw-araw. Hindi ko na rin kailangan pakisamahan ang demonyong namamalagi sa 'ming tahanan. At kaht hindi lagi umuwi si Mama ay okay lang din.
Isang ngisi ang dumaan sa 'king labi, "Sige."
Magaan ang loob kong umuwi sa bahay. Sa wakas ay nakakita rin ako ng solusyon sa paghihirap kong ito. Hindi ko aakalaing na ang pagnanakaw ko ng mansanas ang magdadala sa 'kin sa inaasam kong maginhawang buhay.
Tinabihan ko si Anna pagkapasok ko sa bahay namin. Magulo ang mahaba nitong itim na buhok at ang kaniyang mga mata ay may muta pa. Napatawa ako nang mahina sa nakitang itsura nito. Nakabuka rin nang kaunti ang kaniyang labi habang naglalaro ng manika. Lumalaki na si Anna ngunit ganito pa rin siya, walang usad sa kaniyang kalagayan.
Magtataka pa ba ako? E hindi naman ipinagagamot ni Mama si Anna.
Tumayo ako para maghugas ng mansanas na aking ninakaw kanina. Habang naghihiwa ng mansanas ay nagkwekwento ako kay Anna. Alam ko namang hindi niya ko ganoon maiintindihan at lalabas lamang ito sa kabila niyang tainga.
"Anna, alam mo bamg malamit na tayong guminhawa sa buhay?"
Tumawa pa ako nang mahina at umiiling-iling, "salamat sa mga mansanas na ito."
"Malapit na malapit na," pakanta kong bulong.
Pagkalingon ko kay Anna ay nadatnan kong papasok si Mama sa bahay. O, umuwi pa siya.
"Kamusta ang trabaho Ma?"
Naglakad ako pabalik kay Anna habang dala-dala ang mansanas na aking hiniwa-hiwa. Sinundan naman ni Mama ang bawat galaw ko at nakita kong kumunot ang kaniyang noo nang makita nag mansanas na aking dala.
"Saan mo nakuha 'yan?"
"Sa puno?" pilosopo kong sagot sa kaniya.
Ano ba naman 'yan, hindi nga niya kami tinatanong kung kamusta kami tapos ngayon magattanong siya kung saan ko nakuha ang prutas? Nakatatawa.
"Umayos ka ng sagot Eba."
"Saan pa ba? E 'di sa bilihan."
"Sabi ng Papa mo ay wala na raw pera."
A, uuwi lamang pala siya pagwala na kaming pera rito. Sana sinabi niya e 'di matagal ko ng sinabi sa kaniyang wala na kaming pera. Malamang niyan ay wala ng pera si Papa pangsugal niya samantalang kami ay matagal ng walang pera pangkain.
"Matagal na, at saka anong bago? Wala naman talaga tayong pera."
Agad na bumalatay sa 'kin pisngi ang kaniyang palad. Matapang kong tinignan si Mama pagkatapos niya kong sampalin.
"Damang-dama ko ang pag-uwi mo Ma."
Bakit pa ba siya umuwi? Hindi ko na naman siya kailangan. Pagsinimulan ko na nag trabaho ko sa grupo ay papalayasin ko na agad ang demonyong 'yon at wala na akong pakielam kung saang lupalop magpunta si Mama o kung uuwi pa siya. Pagkatapos ay ipapagamot ko si Anna.
Ano pang silbi nila sa buhay ko kung kaya ko na naman?
tangina niyong mga demonyo sa buhay ko. Malapit na ang oras na mawawala kayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top