4

Mabilis ang pagtibok ng aking puso kasabay nang mabibigat kong paghinga. Ang malamig na hangin na tumatama sa 'king mukha habang tumatakbo ang tumutulong sa 'kin para huminga. Hinawakan ko nang mahigpit ang mansanas na aking ninakaw sa palengke. Mabibigat na ang aking mga hakbang tanda na ako ay napapagod na kakatakbo.

Nang masiguro kong ako ay nasa malayong distasya na ay inilagay ko sa 'king tunod ang mga kamay. Huminga ako nang malalim bago tumuwid muli ng tayo at sinimulan nang maglakad. Inihahagis ko pa ang mansanas na kinuha sa ere habang naglalakad nang may biglang may humablot dito. 

Masama kong tinignan si Andeng na siyang may hawak na ngayon ng mansanas.

"Ano ba?" iritado kong sambit.

"Nagnakaw kana naman?" 

"Ay, hindi! Baka binili ko 'to."

Umiling na lamang si Andeng sa 'king naging sagot at ibinalik na ang mansanas. 

"Pwede ka namang humingi sa 'min ng pagkain."

Tumawa ako sa narinig, "seryoso ka ba? E, magkanda kuba na nga ang nanay mo kalalaba para lang may makain kayo."

"Kaysa naman nagnanakaw ka ng prutas sa palengke." 

"Hindi naman nila nalalaman."

Hinawakan ni Andeng ang aking palapulsuhan at hinarap sa kaniya. "Bakit mo ba kailangan magnakaw? E, marami namang kinikita ang Mama mo."

"Oo, marami siyang pera para sa kaniya at sa mga lalaki niya. Pero para sa 'ming anak niya wala!" Pabalang kong tinanggal ang kaniyang kamay sa 'kin at binilisan na ang lakad.

Hindi naman ito para sa 'kin, para ito kay Anna. Wala na naman kasi siyang makakain para sa hapong ito kaya kailangan kong gumawa ng paraan. Nagbibigay naman si Mama ng pera ngunit si Papa ang humahawak nito at sa sugal lamang ito napupunta. A, hindi nga lang ata sa sugal dahil marami siyang bisyo.

Noong nakaraang taon kasi ay nakapag Japan si Mama ngunit ilang buwan lang din siya do'n at napauwi rin. Hindi niya sinabi ang dahilan basta ang alam ko ay pinauwi siya ng agency niya. Sana nga ya nandoon na lang si Mama dahil wala kaming Papang iintindihin. At saka may mas pera doon si Mama.

Nag-hire siya ng katulong at tutor para kahit papaano ay may alam ako. Ayon nga lang ay hindi rin ito nagtagal. Pagkauwi ni Mama ay saka niya nakilala ang papa namin ngayon. Akala siguro ni Papa ay suwerte siya kay Mama dahil may pera. kailangan niya kasi 'yon para sa mga bisyo niya.

Pero eto nga at isang lingo nang hindi umuuwi si Mama dahil nasa Manila na naman ito. Sabi niya ay pwede na siya sa mga high class na bar dahil may experiencena siya sa ibang bansa. Matutuwa na sana ako dahil mukhang gaganda na naman ang trabaho niya kaso naiwan namankami sa kamay ng aming Papa.

Ngayong labing anim na taon na ako. Halos lahat na yata ng karumihan sa mundo ay naranasan ko na. Kaya ganito ang kinalabasan ko, halos mamanhid na ako sa pait ng buhay. Ay, hindi pala halos. Talagang manhid na ako. Hindi na ako nakararamdam ng sakit. Galit. Galit na lamang ang aking nararamdaman para sa buhay kong ito.

Lumalabas na lamang sa kabila kong tainga ang mga sipol at tawanan ng mga traysikel drayber sa lugar namin. Simula ng magdalaga ako at medyo nagkaroon ng hubog ang katawan ay lagi na kong ginaganto. Mga hayop. 

Tinignan ko sila nang walang emosyon at nakita kong nginisian lamang nila ako. Masaya bang mambastos? Hindi ko makuha kung bakit may mga taong nasisiyahan sa ganito. Mas masasahol pa sila sa hayop. 

Pagkamukas ko ng aming pintuan ay halos magwala ako dahil sa kanita. Si Anna ay nakahiga sa kaniyang higaan habang ang magaling naming Papa ay nakaluhod sa bandang mukha niya, habang nakalabas ang ari nito. Ibinato ko sa kaniya ang mansanas na aking hawak at tumama iyon sa kaniyang ulo. Sigurado akong malakas 'yon dahil sa tunog na nilikha nito nang magtama ang mansanas at ulo niya.

"Putangina!"

Hindi ko ala kung saan ko nakuha nag lakas ng loob para gawin ang ginawa ko pero isa lang ang alam ko. Kaya kong gawin ang lahat para kay Anna. 

Kaya pala nagwawala si Anna nang sabihin ko ang salitang 'isubo' dahil sa demonyong ito. Halos magdilim ang buo kong paningin nang makita ko ang nakalabas niyang ari. Dali-dali akong lumapit sa nakahigang si Anna at tinulak si Papa palayo sa kaniya.

"Walang hiya ka! Pati ba naman si Anna ha?!"

Tumawa naman ito nang nakaloloko at nginisian ako.

"Gago ka ha? Sino nagsabi sayong pwede mo kong batuhin niya?"

"Hindi lang 'yan ang nararapat sayo!"

"Aba, ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari 'yan kay Anna, Eba."

Naguluhan naman ako sa sinabi nito. 

"E, kung nandito ka e 'di sana ikaw ang nasa pwesto ni Anna."

Naiyukom ko nang mariin ang aking mga kamay. Gustong-gutso ko na talaga siyang saktan hangang sa maglaho na siya sa mundong ito at mapunta na siya sa lugar kung saan siya nababagay.

"Ayaw mo palang si Anna ang ginagalaw ko. E 'di h'wag kang umalis ng bahay para ikaw ang lagi kong nakikita!"

"Wala na kaming makain. Kailangan kong maghanap ng pagkain!"

"O, problema ko ba 'yon ha?" maangas nitong sabi sabay hablot ng braso ko.

"Oo! Kasi 'yung perang pangkain sana namin ay pinangsusugal mo."

Humigpit ang hawak niya sa 'kin at nakita kong napula na ang aking balat dahil doon. 

"Anak ka naman ng pokpok kaya sigurado akong kaya mo ring maghanap ng pera mo."

"Noong inangkin nga kita hindi na 'yon ang una mo." dugtong pa niya.

Inilapit niya ko sa kaniyang mukha, "malandi ka rin katulad ng nanay mong pokpok!"

Dinuraan ko siya sa mukha nang marinig ko ang mga katagang kaniyang binitawan. Alam kong pokpok si Mama at tanga siya dahil 'yon lang ang nakita niyang solusyon sa buhay naming ito. Pero hindi ko siya masisi kung 'yon lang ang nakita niya. Pag nasa ibaba ka ng buhay iisa lang ang makikita mong solusyon pagtumingin ka sa itaas na iyong inaasam. At sa kaso ni Mama ang pagbebenta ng katawan ang kaniyang nakita.

Sana nga lahat ay may nakikitang solusyon. Mabuti pa sila. Hindi katulad kong nanatiling bulag at walang magawa. Gustong-gusto ko nang umalis sa buhay kong ito pero wala akong makitang solusyon. 

"Tangina ka talaga!" 

Agad kong naramdaman ang pagtama ng kamao ni Papa sa 'king pisngi at ang pagbagsak ko sa matigas na sahig. 

"Bastos kang bata ka!"

Sunod kong naramdaman ang kaniyang paa sa 'king sikmura. Halos hindi na ako makahinga sa mga sipang aking tinatamo galing kay Papa. Puno ito nang panggigil. Akala mo ay isa lamang ako ipis na kaniyang tinatapak-tapakan o hindi kaya ay isang putik. 

Umubo ako at nalasahan ko doon ang dugo. Unti-unti nang pumipikit ang aking mga mata. Pinipilit kong tignan si Anna, siya ay nakatulala lamang sa 'ming dalawa ni Papa. Isa ito sa mga panahon na aking hinihiling na sana normal na lang si Anna para maramdaman ko namang may magtanggol sa 'kin kahit papaano.

Tanga. Kailan ba dininig ng Diyos ang mga hiling mo, Eba? H'wag kanang magpakatanga. 

Tumigil din si Papa sa kakasipa niya sa 'kin nang may tumawag sa kaniyang barkada niya sa labas. Mukhang magsusugal na naman sila. Parang gusto kong pasalamata ang kaniyang kaibigan dahil sa pagtawag niya kay Papa.

Bago si Papa tuluyang lumabas ay dinuraan niya ko sa mukha katulad nang ginawa ko kanina.

"Tandaan mo ito Eba. Pag-aari kita."

Ha, nakatatawa naman ang kaniyang mga sinabi. Pero kailan ko nga ba naging pag-aari ang aking sarili? Naging alipin naman talaga ako ng mapait na buhay na ito.

Siya nga pala si Papa Rupeng ang panglima kong papa.

Ang nagkulong sa 'kin sa impyerno.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top