3

"Hoy, Eba! Mag bayad naman kayo ng utang niyo!" 

Ito ang ibinungad sa 'min ni Aling Seling sa umagang ito. Magandang Umaga rin sa inyo aling Seling. Ayan sana ang gusto kong sabihin sa kaniya pabalik, ngunit nang makita ko kung gaano kagalit ang mukha niya ay hindi ko na isinatinig. 

"Wala pa po kaming pera aling Seling..."

Nakahihiya. Ang aga-aga mag-eskandalo at talagang sa tapat pa ng bahay namin. Parang tatatlong sardinas lang naman ang utang namin sa kaniya. Hindi pa kasi umuuwi si Mama mga tatlong araw na rin. Kaya napilitan akong umutang sa tindahan niya at hindi ko pa rin nababayaran. 

"Aba, problema ko pa ba 'yon?!" 

"Babayaran naman po namin kayo."

"Kelan pa? Kapag pumuti na ang uwak?!" 

Napakagat ako ng aking labi dahil hindi ko na alam ang gagawin para mapatigil si aling Seling. Baka mamaya ay magising si Anna at matakot sa kaniya. Mahirap pa naman 'yong patahanin. Tinigigan ko si siya sunubukang magpaawa.

"Wala pa po kasi si Mama," 


"So? Madami namang lalaki 'yang nanay mong pokpok a? Malamang ay may pera 'yan!"

Sa isang taong lumipas pagkatapos mangyari sa 'kin ang mga bagay na hindi ko gusto noong labing tatlong taon ako. Nalaman kong hindi pala magandang trabaho ang pagiging pokpok. Iyon pala ay kahiya-hiya at kasuklam-suklam. Ginagamit ang katawan sa hindi magandang bagay para lamang sa pera. 

Nakalulungkot lamang na may mga taong kumakapit sa patalim katulad ni Mama. Hindi ko rin naman siya masisis dahil mahirap lang kami. Ni hindi nga nakapag-aral si Mama ng high school at nabuntis agad. Natatakot akong baka ganito rin ang aking kalagyan lalo na't hindi rin ako pinag-aral ni Mama. Pag-aalaga lamang kay Anna at paglilinis ng bahay ang aking inaatupag.

"O, baka naman umuwi 'yang Mama mo na buntis na naman? Ilang araw ng hindi umuuwi 'yon a?" 

"Palibhasa walang utak Mama mo. Patira lang nang patira! Pokpok."

Tumawa pa nang pagkalakas-lakas si  aling Seling habang sinasabi 'yon. Tinaasan niya ako ng kilay nang makitang nakatitig lamang ako sa kaniya. 

"O, tititigan mo lang ako diyan? Hindi na kayo makauutang sa 'kin muli! Manigas ka sa gutom diyan."

Tumalikod na ito at naglakad na paalis. Pinagbubulungan ako ng mga kapit bahay naming nasa labas at nanonood sa 'min kanina. Isa ito sa mga libangan ng aming mga kapit bahay, ang pag-usapan kami. Kung hindi ang pagiging pokpok ni Mama, pagiging may kulang ng aking kapatid na si Anna ay ang mga naging papa ko naman ang kanilang pagdidiskitahan. Mga walang magawa sa buhay.

Tiningnan ko ang isa-isa ang mukha ng mga kapit bahay naming nagbubulungan. Inismiran ko na lamang sila bago pumasok sa loob ng bahay. Masasabi kong dahil sa 'king naranasan sa pangatlo kong papa na si Efren ay hindi na ako ang munting batang si Eba. Hindi na ganoon kainosente ang aking utak. Sa aking pakiramdam lahat ng tao ay may gagawing masama sa 'kin. 

Hindi ko na muling matignan ang mundo ng makulay at maaliwalas. 

Pagpasok ko sa bahay ay saktong paggising ni Anna. Nakaupo ito sa kutson at tulala lamang. Pag ganiyan siya ay hindi ko muna pinapansin. Mahirap itong magulat, bigla na lamang nagwawala. Laking pasasalamat ko na lamang na walang alam si Anna sa lahat ng pangbababoy na ginawa sa 'kin ng demonyong Efren na 'yon. At mabuti na lang din na hindi niya naisip galawin si Anna.

Hindi ko alam ang mangyayari kung sakaling ginawa niya iyon.

Nang makita kong inabot na ni Anna ang manika niya at ngimiti na. Ayan ang takda na maganda ang gising nito. Lumapit ako sa kaniya at hnaplos ang pisngi ni Anna. Hindi man lang ito tumingin sa 'kin ng gawin ko 'yon. 

"Anna, almusal na." 

Kahit wala kaming pagkain ay nag-uwi naman kagabi si papa Ben ng tinapay, kaya mayroon pa kaming kakainin ngayon. At saka may dalawang pakete pa ng kape rito sa bahay. Pwede ng pangtawid gutom. Sa mga naging papa ko, si papa Ben na ang pinakamabait. Sa tatlong buwan nilang relasyon ni Mama ay wala naman itong kakaibang ginagawa. 

Kung ang una kong Papa ang pag-uusapan ay wala akong masasabi. Hindi ko naman na kasi siya nasilayan kahit isang beses lang. Ni hindi nga raw kilala ni Mama kung sino talaga ang tatay ko. Basta ang sabi niya foreiner daw ang Papa ko. Ang Papa naman ni Anna ay hindi rin namin kilala. Umuwi na lang si Mama noon na buntis na.

Mabilis na lumipas ang oras at gano'n din ang pagkalam ng aming tiyan ni Anna. Hindi kami nakakain ng tanghalian dahil wala na kaming pagkain. Naubos namin kaninang umaga ang tinapay at kape. Kaya ngayong mag-aalas tres na ng hapon ay grabe na ang gutom na aking nararamdaman.

Hindi ko alam kung saan kami kukuha ng pagkain. Hindi pa rin kasi nakauuwi si Papa Ben mula sa trabaho niya. Isa siyang trabahador sa isang konstruksyon at kadalasan ay gabi na nakauuwi. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nagagalit si Papa na hindi pa umuuwi si Mama, baka nagpaalam sa kaniya.

Pumalahaw nang iyak si Anna. Malamang ay dahil sa gutom niya. Kuhuma ako ng isang basong tubig at lumapit kay Anna para ibigay ito. Magtubig muna kaming dalawa para kahit papaano ay may laman ang aming tiyan. Sa tagal kong nakasama si Anna ay sanay na sanay na ako sa kaniyang malalakas na iyak. 

"Anna, mag tubig ka muna. Wala tayong pagkain e." 

Tumahan naman ito nang kaunti at ininom ang tubig habang humihikbi. Ngutin nagpatuloy ito sa pag-iyak nang hindi mabusog sa tubig. Ano bang dapat kong gawin? Hindi naman ako makahanap ng pagkain sa labas bukod sa wala akong pera ay hindi ko siya pwedeng iwan mag-isa sa bahay. 

Pinatulog ko na lamang siya para hindi niya maisip ang gutom. Alam kong mahirap matulog nang gutom kaso wala naman kaming magagawa, kailangang pilitin. Tumulala na lamang ako sa 'ming kisame na gawa sa kahoy pagkatapos kong patulugin si Anna. Pinipilit tanggalin sa isipan ang namimilipit sa gutom na tiyan. 

Parang may mga halimaw sa loob ko na sumisigaw at gustong manakit sa gutom. Ang utak ko ay nablablangko at ang tanging nasa isip lamang ay ang makakain. Huminga ako nang malalim at tumayo nang hindi kumukurap. Lumunok ako nang ilang beses, sinusubukang alisin ang gutom ngunit ang aking nalasahan lamang ay ang pait ng reyalidad.

Nag nginging ang aking mga mata nang makita ko si Papa Ben na pumasok sa bahay. Para siyang isang pag-asa sa isang malungkot na pangyayari. Para siyang liwanag sa madilim kong buhay.

"P-pa," 

"Bakit Eba anak?"

"May pagkain ka po ba diyan?" mahina kong sabi. Ni ang pagsasalita ay nakagugutom para sa 'kin.

"Huh? Walang pagkain dito?"

Tango lamang ang aking isinagot sa kaniyang tanong. Napahilamos naman siya ng kaniyang mukha, mukhang wala ring dalawa si Papa na pagkain.

"Nako, wala pa kasing sahod e." 

Ang pag-asa kong nakita kanina ay unting-unting naglaho ng parang bula. 

"Wala pa rin ba ang Mama mo?"

"W-Wala pa rin po."

Parehas kaming napalingon kay Anna nang umiyak na naman ito nang pagkalakas-lakas. Hindi ko alam kung bakit pero pumasok sa 'king isipan na patahimikin si Anna sa isang masamang paraan. Gutom ang naggagabay sa 'king mga emosyon sa oras na ito. Kumukolo ang aking dugo kasabay ng aking tiyan. Nakaramdam ako ng galit at inis habang naririnig ang iyak ni Anna.

"Anak, wala akong maipapakaing sa inyo."

"P-Pero may alam akong maraan para hindi natin maramdaman ang g-gutom."

Sa mga oras na ito hindi na gumagana ang utak ko, basta ang gusto ko lamang ay mawala na ang gutom na aking nararamdaman. 

"Ano po 'yon Papa?" 

May kinuha si papa Ben sa kaniyang lumang bag. Nakita kong naglabas siya ng isang paketa doon na may lamang puting gamot. Na nginginig pa ang kaniyang mga kamay habang binubuksan 'yon. Tinitigan n'ya muna ako sa mata bago niya ininom 'yon sa harapan ko. 

Hindi ko alam kung ano 'yon pero kung ininom niya 'yon ay baka isang klase ng gamot na nagpapawala ng gutom 'yon. Maya-maya ay ngumiti sa 'kin si papa Ben at inabutan ako ng isa. Sa munti kong mga kamay na magspang at puro kalyo ay nakalapag ang aking pag-asa na mawala ang gutom ko. 

Walang pag-aalinlangan kong ininom 'yon. Walang tubig, tanging laway lamang ang tumulok nito pababa sa 'king lalamunan.

Wala namang nagbago. Nararamdaman ko pa rin ang galit kong tiyan. Taka kong nilingon si papa Ben at nakita kong tumatawa ito habang hinahawakan ang baba ni Anna. Ibinuka niya 'yon kahit nagwawala na si Anna at inihulog niya sa bibig nito at gamot na ibinigay niya sa 'kin. 

Maya-maya ay iba ang tingin ko paligid. Naramdaman ko ang paggaan ng aking pakiramdam, wala na rin ang gutom na aking nararamdaman kanina. Nakagiginhawa sa pakiramdam. Alam kong nakaupo lamang ako at nakatulala pero hindi ko maiwasang tumawa. 

Nang marinig ito ni papa Ben ay nakisabay itong tumawa sa 'kin, habang si Anna naman ay nakahiga at tulala lamang sa kisame habang nagsasalita mag-isa. Alam kong hindi ito ang reyalidad ngutin hindi ko maiwasang matuwa dahil kahit saglit ay nakatakas ako. 

Walang namang dahilan pero nakararamdam ako ng saya na hindi ko maipaliwanag. Alam kong hinid ito totoong kasiyahan pero ang mahalaga ay masaya ako sa oras na ito. 

Apat na buwan at hindi pa rin umuuwi si Mama at halos lingo-lingo namin gawin ito nila papa Ben. Sa isang buwan namin itongg ginagawa ay nalaman ko na ang iniinom namin. Droga. Ito pala nag sinsabi nilang Droga. Tangina. 

Tuwing iinomin ko ito ay dinadala ako nito sa kakaibang lugar. Hindi ko maiwasang tumawa habang nagtatano ng...

Ito na ba ang Impyerno? 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top