Chapter 7
HINDI mawala sa utak ni Leira ang sinabi ni Khairus sa kanya kanina nang nasa restaurant sila. It keeps lingering in her mind. Leira watched Khairus play dart games, umaandar na naman ang pagka feeling high school nito. Nandito sila ngayon sa likod ng Mall kung saan may mga rides and different games. Skyranch. He badly want to claim the human size teddy bear, kanina pa sila nasa stall na 'to pero kahit isang bala na hawak ni Khairus walang bumaon.
"Let's go try the other games? Wala kang chance dyaan!" she hissed before pulling the hem of his hoodie. Walang nagawa si Khairus kung hindi ang sumunod sa kanya, ang susunod na pinuntahan nila ay yung may mga rubber duck na lumulutang sa tubig. May human size teddy bear na naman na nakita si Khairus kaya agad itong naglapag ng pera.
"Ilang bibe dapat ang makuha ko?" nakangising tanong ni Khairus sa babae na nagbabantay. Umikot ang mata ni Leira at hinayaan nalang si Khairus sa gusto nito.
"Sir, every rubber duck po may mga number na 1 to 10 sa ilalim. Kapag naka 3 or 4 po kayo, may makukuha kayong key chain. Kapag naman po naka 5 or 7 kayo na bilang, may isang maliit kayo na teddy bear na makukuha. At kapag naka 8-10 kayo, makukuha niyo po 'yung teddy bear na kulang pink." iminwestra ng babae ang nag-iisang kulay pink na teddy bear sa gilid, it was just a normal size teddy bear.
"How about the human size? Ilang bilang ng bibe dapat?" tanong ni Khairus.
"That will be 20 sir." ngumiti nang pagkatamis tamis ang babae.
"Magkano?" she boredly asked. Pang bata lang naman ang mga laro na nilalaro ni Khairus. No fun at all.
"Bale, every three rubber duck po 100 pesos, if gusto niyo po siyang dagdagan, 500 pesos po 6 rubber ducks. Then kung gusto niyo po na i continue yung bilang, pwede naman po kayong mag extend." the woman explained.
Naglapag ng 500 pesos si Khairus sa counter. Huminga nalang malalim si Leira at kinagat ang pang ibabang labi para pigilang matawa nang inabutan ng pang huli si Khairus, may ginawa pa ang babae para gumalaw paikot ang mga rubber ducks. He looks so serious while catching those rubber ducks. Naka anim agad siya at isa isang tinignan ng babae ang mga number sa ilalim ng bibe. Tumalikod si Leira at tinakpan ang bibig gamit ang kamay niya. Puro uno ang nakuha ni Khairus, wala man lang naligaw na dos o tres!
"Another one." seryosong sabi ni Khairus at naglapag na naman ng 500 pesos sa counter.
Katulad kanina, naka anim na naman ito at puro uno. Hindi na napigilan ni Leira ang matawa kay Khairus, damn this game is just for kids pero pinapatos niya para lang makuha ang human size teddy bear na sigurado siyang ibibigay ng lalaki sa kanya!
"Another one, Miss. Akina 'yan! Pambatang laro na nga lang puro uno pa ang nakukuha mo!" natatawang singhal niya kay Khairus. He crossed his arms and watched her caught the little rubber ducks. Nakakangalay ang hawak niyang panungkit kaya isa isang bibe ang kinukuha niya, hindi din siya nag stay sa iisang lugar lang na kinukuhanan.
"Ilan na ang bilang?" she asked, bago siya kumuha ng isa pang bibe na panghuli na niya.
"Naka 12 po si Sir, Mam. Plus..." isa isang nilapag ng babae ang mga nakuha niyang rubber ducks, Leira wanted to laugh her ass off when she saw the numbers, puro dos at may isang tres. "Total of 25 po, congrats po!" the woman smiled and get the small teddy bear and the human size teddy bear na kanina pa kinukuha ni Khairus.
"Tch, bakit sa akin puro uno? Unfair." bulong ni Khairus at inabot na ang maliit na teddy bear habang kay Leira naman inabot ang human size. She laughed heartily when he saw how distorted his face is.
"Smile, Khairus! Ang pangit mo!" sinipa niya ang binti ng lalaki habang tumatawa. After she consoled Khairus with her words, ngumiti na din sa wakas ang lalaki.
They spend their night, playing games and riding all the rides, maliban nalang sa mga rides na tiyak na lalabas ang kaluluwa sa katawan mo! Leira hates those rides so much! Kaya yung mga rides na kalmado lang ang pinili ni Khairus, bumper car, carousel, at halos lahat ng mga pambatang rides doon siya pinasakay ni Khairus. Leira was glaring at him everytime he pushed her to ride those. Habang si Khairus ay naghihintay lang sa labas at kinukuhan siya ng picture, para itong proud na magulang niya dahil nakasakay na siya finally ng rides. Ang sarap ipukpok ng lalaki sa pader!
"Did you have fun?" nakangising tanong ni Khairus pagkababa niya sa rides.
Tinuro ni Leira ang mukha niya. "Mukha ba akong nag enjoy?" sarkastikong tanong niya.
Tumawa lang ang kasama niya at inakbayan siya, agad na nag alburoto ang puso niya. She's having a hard time breathing because of that. Hindi pa sa pag-akbay natapos ang lahat! Khairus kissed her temple and her cheeks afterwards.
"Then I'll bring you somewhere next time, yung mag eenjoy ka. Pero at least ngayon, nalibang ka. Na refresh naman kahit papaano ang utak mo diba?" tanong ni Khairus at bahagyang dumukwang para masilip ang mukha niya, she smiled and nodded her head.
Hindi na siya ulit nito pinilit na sumakay ng pambatang rides. Instead, inubos nila ang dalang pera ni Khairus sa Arcade. They played ti'll their heart contents.
ILANG linggo na ang nakakaraan simula ng mag date sila ni Khairus at hindi na naulit 'yon. Khairus is now busy because of the construction of the new Vessarios building, kaya lagi itong nasa construction site. Pero kung may routine na hindi nagbabago kay Khairus, 'yon ay ang mangapit bahay ng sobrang aga at ito na din ang mag p-prepared ng almusal at lunch niya. Then, after working. Dederetso sa bahay niya ang lalaki.
Malapit na malapit na niyang matapos ang story na sinusulat niya. Khairus helps her a lot, thanks to him, maliban sa pagbibigay niya ng madetalyeng salita para sa kissing scene and bed scene, nakasanayan niya ang magsulat ng ganon. At ayaw man niyang aminin, he became her inspiration while writing. Kaya nawala na naman siya sa outline na ginawa niya, she added those times na magkasa silang dalawa. Tumigil sa pagtipa si Leira.
Come to think of it, medyo magka ugali na naman si Khairus at ang bidang lalaki sa sinusulat niya. Well, lahat naman yata ng bidang lalaki na ginagawa niya! Ginulo ni Leira ang buhok at nagpatuloy na lang siya. Mamaya niya na iisipin ang title na tutugma sa plot ng story niya.
UMANGAT ang tingin ni Khairus nang may kumatok sa pintuan ng office niya at inuluwa noon ang kaibigan niyang saksakan ng istorbo. His friend was smiling at him like he never done something wrong with him.
"Ang sama ng tingin sa akin!" reklamo ni Ves at humawak pa sa dibdib nito. Khairus rolled his eyes and showed him his middle finger. "Look, I'm sure yung Engineer pa rin naman ang gagawa lahat ng trabaho dito, magagawa mo parin ang gusto mo eventually!" rason na naman ni Ves.
"Ah talaga? Magagawa ang gusto ko eventually? E kung binato ko sayo ang blueprint ng building na pinapagawa mo at yung mga hallow blocks sa labas?!" sarkastikong tanong niya sa kaibigan. "How the fuck? Paano ko magagawa ang gusto ko kung lagi kang nakabantay sa labas? Tapos sasabihin mo sa akin na dapat hands on ako? Wala ka bang trabaho sa office mo?" sunod sunod na pasigaw niyang tanong kay Ves, habang ang isa ay humagalpak ng tawa dahil sa pagrereklamo niya.
"Khairus, it's your job!" Ves exclaimed and laugh at him again.
"Oh diba? Tangina mo! Alis!" taboy niya kay Ves, pero siya itong lumabas dala dala ang blue print ng building.
Without thinking about his work, iniligay niya ang blueprint sa back seat at umikot para makasakay sa driver seat. He wanted to surprise Leira. Nagpunta muna siya sa restaurant na pinuntahan nila noong nag date sila, he texted the owner and ordered an Ice cream cake, he remembered that Leira loves their Cake and Ice cream.
"Hi! Yung pina reserved ko?" he asked. Inilapag ng lalaki sa counter ang isang kahon.
"Sir, huwag na daw po kayong mag bayad." nakangiting sabi ng lalaki. He smirked and thanked him, mamaya na siya magpapasalamat sa kaibigan.
He drove his car towards the flower shop and buy a bouquet of white roses. Nakangisi siya habang nag d-drive pauw sa bahay ni Leira. He smiled when she saw her outside, wearing a pull over, may dala dala pa itong supot. Binusinahan niya ito kaya tumigil si Leira at hinintay siyang makababa.
"Tapos na ang trabaho mo? Ang aga pa?" magkasunod na tanong ni Leira.
"Nope, dumaan lang ako para ibigay sayo 'to." he smiled and kiss her forehead before handling her the bouquet and the box na may lamang ice cream cake.
"Bakit may pa ganito ka?" nakakunot ang noong tanong ni Leira.
"I'm courting you again, Sunrise!" he winked before he slid himself inside his car and drove back to the site.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top