Chapter 6

HINDI alam ni Leira kung anong klaseng damit ang susuotin niya para sa date nilang dalawa ni Khairus. He's going to take her out, of course this is a date! In her mind, kailangan niyang mag mukhang maganda pero kapag naaalala niya na si Khairus ang kasama... lahat ng pagpapaganda na kailangan niyang gawin nawawala sa utak niya.

Khairus loves it when she's just being herself. No make ups and fancy jewelries. So she ended up wearing a faded mom jeans and a pull over crop top paired with her black air max, it was Ves, her boss, gift when she held her very first fan signing event. She took a selfie and mirror shot before posting it on her instagram account.

She just bring her belt bag, nasa loob na ang powerbank, alcohol, liptint at wallet niya. Hindi siya ang tipo ng tao na halos dalhin lahat ng kagamitan sa bahay kapag aalis. She can move freely, kapag kaunti lang ang dala niya. Minsan nga ay wallet at cellphone lang ang dala dala niya kapag umaalis silang magkakapatid.

Alas diyes ang usapan nila ni Khairus pero alas otso palang nakahanda na siya, natawa nalang si Leira sa sarili habang tinitignan ang sarili sa life size mirror niya. Umupo muna siya sa harap ng lamesa niya at binuksan ang laptop, she's in the mood to write, besides may dalawang oras pa naman siya bago dumating ang ka date niya. Ang sabi ni Khairus sa kanya, aalis din siya kaagad kapag pinakilala na ng pinsan ang ex partner nito na sinusuyo nito simula ng maka balik sila, hanggang ngayon.

"Come to think of it, parehas lang naman silang mag pinsan." bulong niya sa sarili.

His cousin was pursuing his ex and she'd like to think that Khairus was doing the same thing. Khairus was taking advantage of her situation para makalapit ulit ito sa kanya, akala siguro ng lalaki, hindi magsusumbong sa kanya ang boss niya na kaibigan pala ni Khairus. Ves told her that Khairus made a deal with him, kung gusto ni Ves na maging Architect niya si Khairus sa pinapagawang bagong building ng publishing company nito, kailangan niyang bigay lahat ng mga na published niyang libro, but Ves was the one who offered Khairus to help her. Na agad naman sinunggaban ni Khairus.

Nalipat ang atensyon niya sa cellphone, nang mag-ingay ito. Her boss name was shown in her screen, kaya agad niya 'yong sinagot.

"Yes?" ini-loud speaker niya ang tawag para makapag sulat pa rin siya.

[How's your project? Doing good?] Ves casually asked. She smiled and stoped what she's doing. Kinuha niya ang Ipad at tinignan ang outline na ginawa niya, Ves will be very shock kapag sinabi niya na nakalahati na niya ang story.

"Yep!" she cheerfully beamed.

[Wow, confident ka ah?] natatawang tanong ni Ves sa kabilang linya. Umayos ng upo si Leira at binitawan ang Ipad na hawak hawak niya.

"Are we going to published this one? O pinapagod mo lang ang utak ko?" pabirong tanong niya sa boss. Ves chuckled.

[Depende kapag nalagpasan mo ang mga bed scene ng mga erotic writers ng Vessarios.] Leira pouted and crossed her arms and legs. That's imposible, walang wala ang gawa niya kumpara sa mga beteranong erotic writer ng Vessarios. [Kidding, of course. I p-published ko ang gawa mo. Anyway, tumawag lang naman ako para mangamusta. Enjoy the date with Khairus!] he said before dropping the call.

Hindi makapaniwalang umiling si Leira, hindi na siya magtataka kung paano nalaman ng boss niya. Of course, Khairus loves to broadcast his whereabouts. Nakatapos siya ng dalawang chapter bago dumating si Khairus. He was wearing a faded jeans and a plain white hoodie paired with his black sneakers. Simple clothes yet every head will turned.

Leira smiled upon seeing Khairus. Kinuha niya ang belt bag niya at sinuot, Khairus helped him locked her door and gate. Ang sasakyan na ni Khairus ang ginamit nila paalis, bahagya pa siyang natawa nang ang lalaki na mismo ang magsuot ng seat belt sa kanya. Her breathing hitched, isang tulak nalang mahahalikan na niya ang mapupulang labi ni Khairus.


"Where are we going?" tanong niya sa lalaki nang makasakay na sa driver seat. Lumingon si Khairus sa kanya at kinindatan, nagsalubong ang kilay ni Leira at pabirong sinampal ang mukha ng lalaki. "You and your winks." naiiling na sabi niya.

"What? Kinikilig ka dapat, bakit mo ako sinampal?" tanong nito sa kanya. Leira looked at him flatly.

"Tigilan mo, Khairus. Nagmumukha ka lang tanga." walang gana niyang sabi bago tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan nito. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pagmumukha nito dahil sa sinagot niya. She glanced at him, nakahawak ito sa dibdib niya habang nagmamaneho.

"Napaka gwapo ko naman palang tanga." narinig niyang sabi ni Khairus. Leira scoffed and burst out laughing, humawak pa siya sa tiyan niya dahil sa sobrang tawa. Minsan hindi niya alam bakit niya nagustuhan ang lalaking nasa driver seat!

"Tanga ka naman talaga!" She said between her laugh.

"I feel loved, Sunrise." Khairus flatly said and rolled his eyes. Tumigil sa pagtawa si Leira at tinignan na lang mag drive si Khairus. He was facing the road seriously, salubong ang mga makakapal na kilay nito at bahagyang naka awang ang mga labi. His hand on the steering wheel looks so hot, litaw na litaw ang mga ugat nito sa kamay.

Tahimik lang sila habang nasa biyahe, focus na focus si Khairus sa pagd-drive habang siya naman ay busy sa pagtitig sa lalaki. Kung nakakalusaw lang ang pagtitig, wala na si Khairus sa harapan niya.


"Kiss mo ako dali. Bayad sa pagtitig mo." nagulat si Leira nang bigla nalang magsalita si Khairus, dahilan para mabilis niyang iniwas ang tingin sa lalaki. Her face heatend, nakita niya pa ang mukha s reflection ng cellphone niya. Damn, her face was so red like a freaking tomato! "Sunrise come on, isa lang, sa pisngi, hindi ako haharap promise!" he even raised his right hand and chuckled.

Kahit gusto niyang sakalin ang lalaki sa pang-aasar nito sa kanya, hindi ginawa ni Leira. Her face was still red and she's shy to face him. Tsaka na kapag kumalma na ang malakas na tibok ng puso niya sa dibdib at kapag hindi na sobrang pula ng pagmumukha niya.

"Ang cute mo!" Khairus exclaimed and reach her cheek to pinch it. Sumama ang mukha ni Leira, ang sakit ng pagkaka kurot ni Khairus sa pisngi niya!

"Masakit! Siraulo!" singhal niya sa lalaki habang pilit na tinatanggal ang kamay nito sa pisngi. Mabilis na hinuli ni Khairus ang isang kamay niya, in a blinked of an eye, Khairus was holding her hands tightly. "Let me hold your hand for a while please?" he plead, walang nagawa si Leira kung hindi ang tumango.

Besides, she likes the warm he's giving her using his hand. Leira missed the feelings of Khairus holding her hand, bago ito umalis at mag ibang bansa, laging hawak ni Khairus ang kamay niya. Ayaw bitawan na parang mawawala siya lagi sa tabi nito. Kalmado si Leira dahil sa hawak ni Khairus, she glance at him when he squeezed her hand.

Tumaas ang sulok ng labi ni Khairus, bumuka ang bibig nito at may binulong pero hindi niya 'yon nasundan dahil sa bilis nito. Kumunot ang noo ni Leira,  she shifted her position and stared at him.

"What's that? Tell me?" bahagyang hinila ni Leira ang kamay ni Khairus.

He grinned. "Wala, wait until our date ended. I'll tell you." Khairus wagged his eyebrows.

Hindi na nagpumilit si Leira sa pagtatanong, mabilis lang naman ang oras and she's sure that Khairus will tell him. Pagkadating nila sa Mall, kumain muna sa isang restaurant. She was hella shocked when they entered the restaurant, hindi naman kasi ganoon kadaling mag pa reserve sa restaurant na pinasukan nila, dahil madalas itong puno. Nagulat pa siya ng malaman na magkaibigan pala si Khairus at ang may-ari nito, how did she knew? Simple, may special treatment na naganap sa kanila.

"Ang dami mo namang kaibigan. Bigatin." she exclaimed as her eyes wandered around the VIP room.

"Some of them were my clients, kaunting inuman and then kinabukasan kaibigan ko na. Magic!" parang bata na nagpapaliwanag si Khairus sa kanya may nalalaman pa itong magic.

"And Ves?" she asked.

He smiled. "I just bumped into him, actually yung kaibigan ko ay yung may ari noong publishing company kung saan kami nagka bungguan." Khairus explained. Tumango tango lang siya.

Nang dumating na ang pagkain nila, parehas silang. maganang kumain. The food was delicious, hindi niya napigilan ang sarili na kumain ng marami kahit kaharap niya pa si Khairus, besides sanay na ang lalaki sa pag kain niya. Dahil pareho lang naman silang matakaw. After eating, sunod na sinerve ay ang dessert. Even their cake and ice cream taste good!

"Sariling gawa nila 'yan, hindi galing selecta o magnolia." inunahan na siya ni Khairus na tumatawa. Masyadong halata ang tanong sa mukha niya.

"Ang sarap bumalik balik dito!" pinikit pa niya ang mga mata para namnamin ang sarap ng cake at ice cream na sabay niyang sinubo. Tumawa lang si Khairus sa ginawa niya, then he leaned forward and wiped the ice cream on her side lips, hindi nadin nagulat si Leira ng isubo at dilaan ni Khairus ang hinlalaki nito na ginamit.

"Then, I'll bring you here whenever you want." ngumiti si Khairus sa kanya. Showing his white perfect teeth. Huminga ng malalim si Khairus. "I want to bring you somewhere far, pero hindi mo dala ang laptop mo. I know a place where you can write and relax at the same time." humaba ang nguso ni Khairus.

"Let's go there next time, hindi pati ako sanay na sa ibang lugar ako nagsusulat." she explained. Mabilis niyang inubos ang Ice cream na nasa harapan niya at hinaklot ang cake ni Khairus na hindi naman nito ginagalaw.

Khairus boyishly smiled as he look at her while eating his cake. Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. "What?" maangas na tanong niya.

"Nothing, ang kalat mo talaga kumain." sita nito sa kanya at kumuha ng tissue na ipang pupunas sa gilid ng labi niya. Hinayaan niya lang si Khairus na asikasuhin siya, she's enjoying the cake she's eating.

She stopped eating and stared at Khairus. Para itong robot na bigla nalang tumigil at nakatunganga lang sa pagmumukha niya, kinuha ni Leira ang phone at binuksan ang camera to check her face. Wala naman kahit ako sa mukha niya? Leira waved her hand in front of Khairus. Natawa si Khairus at ibinaba ang kamay niya.

"I badly want to claim you as mine again, Sunrise."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top