Chapter 4
For someone who doesn't want to see Khairus, Leira actually let him in inside her house. She must be crazy for taking his offer. May dala itong mga libro at ang ilan naman ay mga papel, which leira was very familiar with. Katulad noon, naging feel at home agad ang lalaki. He made his own coffee in her kitchen, cook for his breakfast. Yes, his only. Kay Leira ang mga pagkain na niluto nito at kusina ni Leira ang ginamit, pero hindi man lang siya nito naalala na ipagluto.
Khairus didn't bother to asked if it was okay to use her kitchenette. Hindi alam ni Leira kung ilang beses siyang bumuntong hininga at kung ilang beses din niyang pinaikot ang mga mata habang pinapanood ang lalaki na magluto ng pancit canton na hinaluan ng itlog.
"Hindi ka ba nag-almusal sa bahay mo bago ka nangapit bahay?" casual na tanong niya sa lalaki. Pagod na siyang maging sarcastic kay Khairus lalo na at hindi naman marunong makiramdam ang siraulo.
Lumabi si Khairus sa kanya. She made a disgusting expression. "Grabe diring diri siya oh! Kumain na ako kanina. Kaso nabitin ako, hati naman tayo dito!" he wiggled his eyebrows and smiled boyishly.
Hindi na sumagot si Leira at umalis na lang sa kusina, watching Khairus cooking, kung matatawag na pagluluto ang ginagawa niya e simpleng pancit canton lang naman 'yon. Brings back a lot of memories of the past. Na ayaw na niyang balikan. Umakyat siya sa kwarto niya at naligo nalang muna. She wear her usual clothes when she's staying inside her house. Oversized T-shirt and dolphin shorts, pero dahil kasama niya si Khairus, she wear a jogging pants.
"Azia! Kakain na!" sigaw ni Khairus mula sa kusina. Leira rolled her eyes upon hearing her second name.
"Don't call me Azia. Hindi tayo close." pagtataray niya kay Khairus bago umupo. Kumunot ang noo niya nang tumayo ang lalaki at lumipat sa katabing upuan niya. "What the heck are you doing? Doon ka nga!" taboy niya.
"Ayaw. Dito ako, para close na ulit tayo. Azia." Leira gritted her teeth and glared at him. Nakakaloko ang ngiti na mayroon ito.
"Alam mo? Pasalamat ka mabait ako, kasi kung hindi? 'Yang mukha mo na 'yan nakasubsob na sa lamesa!" she hissed, hindi man lang nawala ang ngisi ng lalaki sa labi. Instead, Khairus smiled and turn into a laugh. "Saya mo no?" sarkastikong tanong niya rito.
Tinulak ni Khairus palapit sa kanya ang pinggan na may lamang pancit canton, may tinidor na din. Then her eyes widened when he pushed her favorite glass tumbler na regalo sa kanya ng isa sa mga readers, niya noong unang beses siyang magkaroon ng book signing event. Leira loves to keep her readers gifts. May laman itong iced coffee na siguradong ginawa ni Khairus habang naliligo siya kanina sa kwarto niya.
"Alam kong hindi gagana ang utak mo, kapag hindi ka nakakainom ng malamig." Khairus smiled and pat her head like a good puppy. Hindi na nakapag salita si Leira, tahimik niyang inubos ang pancit canton at hindi na nag-abalang inaya si Khairus. Good thing, hindi siya nabulunan. Damn, Khairus was staring at her the whole time she's eating!
After eating, ililigpit na sana niya ang pinagkainan but Khairus held her hand and get the plate. "Ako na. Saan ka madalas tumambay kapag nagsusulat ka?" he asked.
Leira's brows furrowed. "Sa kwarto ko, andoon yung laptop ko. Tinatamad akong tumambay sa sala ngayon. Bakit?"
"Sige sa kwarto mo tayo."
Nanlaki ang mga mata ni Leira sa sagot nito. "Hoy! Anong tayo?!" singhal niya sa lalaki.
"Because I'm going to help you? Don't worry, I won't touch you. Hindi din ako manggugulo, hindi ko pakikialaman ang mga gamit mo kasi alam ko naman na mapapalayas mo ako kapag ginawa ko 'yon!" he reassured and smile playfully at her.
Tinaasan niya ito ng kilay, hindi hahawakan? Bakit parang nanghihinayang siya? Mabilis na pinilig ni Leira ang ulo dahil sa naisip. Hindi siya dapat manghinayang! She should be thankful that he's not going to touch her! Padabog na umakyat si Leira sa kwarto niya, she leave the door opened para hindi maligaw ang bwisita niya na naglilinis sa may kusina. She opened her laptop, readied her ipad and her extra notebook pati ang mga highlighters niya nakalapag sa lamesa niya.
Ni-review niya lang ang last chapter na naisulat niya bago siya nagsimulang mag tipa sa keyboard at buuin ang next chapter. Leira felt like floating whenever she's writing a story, inilalagay talaga niya ang sarili sa sitwasyon ng bawat characters na binubuo, hindi niya alintana ang nasa paligid at sumusunod lang ang mga daliri niya na ginagamit sa pagtipa, sa takbo ng kanyang imahinasyon.
Even when she heard the footsteps of Khairus, didn't bother her. Patuloy lang siya sa pagsulat at paminsan minsan ay sumisimsim sa ice coffee na ginawa ni Khairus para sa kanya. Katulad nang pinangako ni Khairus kanina, hindi niya ito inistorbo. He minded his own business, even tho she was busy with her laptop, hindi niya mapigilan ang sarili na silipin ang ginagawa ng lalaki. May hawak itong malaking sketch pad at nagsketch ng building.
Tumigil si Leira sa pagtitipa at tinitigan ang gawa, sunod sunod ang paglunok na nagawa niya nang mapansin na nawala siya sa outline, sa susunod na chapter pa dapat ang bed scene dahil hindi pa niya na-imagine ang parte na yon, hindi niya namalayan na lumipad ang utak niya habang nagnanakaw ng tingin kay Khairus kanina.
"Shit!" Leira hissed and bumped her head against the table.
"Huy! Bakit mo pinupukpok ang ulo mo sa lamesa?" tanong sa kanya ni Khairus. She glanced at him, parang nag slow motion ang paligid niya nang makitang nakasandal ito sa headboard ng kama niya at suot suot na nito ang headband niyang may tainga ng pusa. Leira blinked her eyes and cleared her throat when she get back into her senses, narinig pa niya na baritonong tumawa ng bahagya ang lalaki.
"I don't know how to write bed scene..." she whispered and Khairus just chuckled softly at her.
"Nagbabasa ka ba ng libro na may ganoong tema?" tanong nito, she's shy but she nodded her head. "Good. Basahin mo lahat ng 'to! Baka sakaling makatulong sa pagsusulat mo. Kapag may hindi ka parin naiintindihan, ako na mag e-explain sa'yo." hindi maiwasan ni Leira na titigan si Khairus habang nagsasalita. He seems to have a lot of experience when it comes to this.
KHAIRUS sighed when he saw how Leira looked at him. Kulang nalang patayin siya nito sa tingin, he knows what she's thinking right now. Kilala niya ang babae kahit matagal silang nagkahiwalay. He flicked her forehead.
"Judgemental mo makatingin ah?" tumatawang tanong niya. But the truth is, his having a hard time breathing. He's afraid of Leira's judgement. Damn, he wants to be in her good side again so just he can bring back their relationship in the past. Pero ang utak ng babaeng mahal niya, ibang klase kung umandar.
"Do you have a lot of experience when it comes to intimacy?" Khairus was taken a back with her question. Sabi na nga ba niya, bakit pa ba siya nagulat? Leira looks so innocent while asking him but there's something about her eyes like she wants to tell him, hindi niya lang sigurado kung ano 'yon. But one thing Khairus knew is that, the emotion she hides behind her innocent eyes was good for him. But bad for Leira. Khairus smirked, bingo, nahuli din niya ang emosyon na pilit tinatago nito. Jealousy.
"Wala." simple na sagot niya. He's sure that Leira will have a follow up questions.
"Hindi ako naniniwala. Bakit wala?" Khairus smiled sadly.
"I've dreamed of you every night and I'd spend my morning jogging and waiting for the sun to rise. Hindi naman tayo naghiwalay, umalis lang ako. Basically, tayo pa rin kahit sobrang layo mo sa akin. Did you really think I can fuck whoever I want abroad? Sure, there's a lot of good looking woman that tried to cooed me. But my heart and my body already belong to someone. And that's you, Leira. Ikaw lang ang may-ari sa akin simula noon hanggang ngayon. Hindi ako haharap sa'yo at magsisikap na makuha ka ulit kung gumawa ako ng kabalastugan sa likod mo habang tayo pa." he sighed heavily and ruffles Leira's hair before urging himself to smile, so he can show to Leira that he's okay. It was her judgement for him and he will accept it. Pero hindi ibig sabihin non na hindi na siya nasaktan.
Umiwas ng tingin si Leira. "Magbabasa muna ako." bulong nito.
MALAKAS ang tibok ng puso ni Leira dahil sa narinig niya mula kay Khairus, may parte sa kanya na nakahinga siya ng maluwag dahil wala itong naging ibang babae habang magkalayo sila. But, her heart unexpectedly aches when she saw the pain in his eyes. She can't focused on the book she's reading, lumilipad na naman ang utak niya papunta kay Khairus.
She glance at him and saw him shading the building he just sketched a while ago. Tapos na agad niya?
"Yes? Need anything? Hungry? Thirsty?" sunod sunod na tanong ni Khairus, the same Khairus he knew year's ago. Umiling siya sa lalaki at pasimple na tinitigan ang mukha nito.
"Why did you leave me without a word?" she blurted out. Huli na para mapigilan ang sarili. Gustong sakalin ni Leira ang sarili!
Khairus smiled sadly at her. "Natatakot akong magpaalam sayo. Baka hindi ako makaalis, at kung ang susunod mong tanong bakit hindi ako nakatawag man lang sayo, same reason. Takot. I was a coward back then. No balls? Name it." he shrugged, umiwas ito ng tingin sa kanya at pinagpatuloy ang pag sh-shade sa drawing nito.
"Aalis ka pa ba?" she asked again. Leira wanted to know.
"Hindi na. Paano kita maitatali sa akin kung aalis ako?"
Leira's face reddened in an instant. Umiwas siya ng tingin at humarap nalang sa laptop at kunwaring nagtitipa para sa susunod na kabanata ng binubuo niyang libro. Hindi niya naman maikakaila na malakas parin ang epekto sa kanya ni Khairus.
Maybe because.... I didn't really tried to move on.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top