1

HUMINGA nang malalim si Leira habang nakatingin sa harap ng full length mirror sa kwarto niya. She had fun last night with the advanced celebration of her first year anniversary with her family and closest friends that pushes her to write and write! And today was her first year. The day she decided to write and dream to be a published author.

Pero hindi niya inaasahan na sa loob lang ng isang taon, makukuha na niya lahat ng pinapangarap niya noon. Nabigla siya ng maraming sumuporta sa kauna-unahang story na ginawa niya. Leira thinks that her work was lame and not worth to read, but her readers and babies proves her wrong. She thanks God for bringing them into her life. With her Family, friends and Reader's that became a vital part in her life. Wala na siyang mahihingi pa.

Sinuot na niya ang sneakers at nagmamadaling bumaba. She have an important meeting today and a little celebration with the other authors, na kasama niya sa publishing company and what excites her most was the surprise announcement of their big boss! Ang balita niya kasi ay kakauwi palang nito sa ibang bansa at may na close na deal sa isang sikat na publishing industry doon, that means, ang mga ibang libro nila pwede nang mapunta sa ibang bansa!

"Maaaaaaaa!" sigaw niya nang makababa siya sa may sala. She saw her mom cooking while having a quality time with her father. Ngumuso siya at lumapit sa dalawang naglalambingan at sumingit sa may gitna. She smiled cheekily at her father, na kasalukuyang umuusok ang bumbunan sa ginawang pag-agaw sa nanay niya. "Ibabalik ko din sayo si Mama, Pa!"

Inirapan siya ng ama at ito na ang nagpatuloy na mag luto sa niluluto ng Mama niya. Hindi niya madalas kasama ang dalawa dahil lagi ang mga ito na umaalis ng bansa, her parents loves to travel so much. Kaya hindi mahagilap ang mga ito, there's this one time that they told them they're in Japan. Pero nang magpunta silang magkakapatid doon at kumatok sa mismong hotel na tinutuluyan ng mga ito, wala na ang dalawa.

Pero sinisigurado naman ng dalawa na kapag may achievements silang magkakapatid, kahit gaano pa 'yon kaliit o kalaki, uuwi at uuwi silang dalawa para sumama sa celebration. Pero mukhang magtatagal ang mga magulang niya ngayon sa Pilipinas dahil masyado nilang ginalingan na magkakapatid. Tatlo silang magkakapatid at bunso siya. The spoiled one. Ang pinakaiingatan nilang lahat.

Umikot ang mga mata ni Leira nang tinanggal ng nanay niya ang pagkakayakap dito at bumalik sa tatay niyang tampu-tampuhan ang drama. She sighed as she watched her parents, kahit ilang taon o dekada na ang lumipas walang nagbago sa relasyon nilang dalawa. There's one time that her father needs to go abroad to work, but distance was not enough to break them apart. Unlike what happened to her. Ipiniling niya ang ulo at nagtimpla ng gatas.

After niyang mag timpla ng gatas, ibinagsak niya ang katawan sa sofa nila. But when she remembers that she have an important meeting today, mabilis pa sa alas kwatro niyang ininom ang mainit na gatas niya, gusto niyang maiyak dahil sa kagagahan na nagawa! Namamanhid ang dila niya at sobrang sakit ng lalamunan niya!

"Una na ako!" She shouted and grab her bag. Tumakbo siya papunta sa sasakyan na regalo sa kanya ng pinakamamahal niyang kuya. Well, perks of having a brother na matalino at mabilis pa sa gagamba kung umakyat sa pinaka mataas na posisyon sa isang kumpanya.

"Leira Azia! Mag-iingat ka sa pagmamaneho! Ang sasakyan mo! Papatayin ka ni Akiron kapag naibangga mo na naman 'yan!" sigaw ng Papa niya na sumunod pala sa kanya palabas. She shivered when the face of Akiron, his brother, getting mad like he's ready to throw her out, showed up in his mind. Mariing napapikit si Leira.

"Yes sir!" sagot nalang niya sa ama.

It was her fifth car this year, but she always choose the same model, dahil para sa kanya. Ito ang model ng sasakyan na pinaka mura at hindi mabubutas ng sobra ang bulsa ng dalawang kapatid. She's always in a rush, well, nag f-feeling lagi siyang maging kasing bilis ni Lightning McQueen kapag nasa may High way na siya. Because of her mad driving skills, like she was commiting a suicide, lagi din siyang nakakatanggap na katakot takot na sermon mula sa nakakatandang kapatid.

Leira checked the time before starting the engine, may dalawang oras pa naman bago magsimula ang pa-party para sa kanya. She's lucky that the publishing company has a good boss. He always initiates to celebrate whenever there are an author writing exclusively for the company had an achievements, birthday and Anniversary of being an exclusive writer of Vessarios Publishing company.

The Publishing Company was famous for publishing the best Erotic-romance books. Kaya nang ang mismong may-ari ng publishing company ang nakipag-usap sa kanya para kunin itong exclusive writer, nag-alanganin si Leira. Her genre is Teen fiction. And that was the publishing company weakness, napag-iiwanan ang mga na pa-published na Teen fiction books.

And she thank God because she's one of a lucky girl! Naging tablado ang benta at galaw ng mga Teen Fiction's na libro at Erotic-romance genre. That's why, Ves, her boss became her friend as well. Pero lahat naman yata ng mga exclusive writer na under ng publishing kaibigan niya. Hindi niya kami tinuturing na employees and most of all, pagkakakitaan.

Nakarating si Leira sa building ng Vessarios Publishing Company nang walang gasgas o yupi ang sasakyan niya, at higit sa lahat walang gasgas ang katawan at hindi dumudugo ang ulo niya.

"Looks like I am now a good driver!" tinapik niya ang sarili niyang balikat dahil sa saya. Damn, for the first time in forever! Hindi magagalit ang kapatid niyang pinaglihi sa stress!

"Leiraaaaaaa!" Leira smiled and turned her head, she saw her first friend in their team. Si Klea, she stood 5ft and her face was so angelic, pero kapag nakilala mo na ito at matagal tagal mo nang nakakasama. Doon mo malalaman na kahit gaano pa ka amo ang mukha, may tinatago parin ka demonyohan! Napaigik si Leira nang tumama nang malakas ang kamay ni Klea sa likod niya. Napayuko siya dahil doon.

"Klea! Ang sakit!" sikmat niya sa kaibigan at hinila ang buhok pababa. Tumawa lang si Klea sa ginawa niya, natural na sa kanilang dalawa ang magkasakitan.

"Sorry!" Klea cheekily apologize and did a peace sign and lock her head in her small and thin arm! "Happy 1st anniversary Leira Azia Mariano!" pabirong kinakaltok ni Klea ang ulo ni Leira. Leira just laughed and thanked her.

"Salamat! Andyan na si Boss?" tanong niya sa kaibigan. Klea shook her head and cutely giggled. Bakit ba nakalimutan niya na may gusto nga pala ito sa Boss nilang saksakan ng ka weirduhan at nagagawa lang mag seryoso kapag nasa harap na ng media o ng ibang tao? 

"May kasama siyang gwapo kanina! Ahhhh!" Tili nito at inalog alog ang katawan niya, her brows furrowed and flicked Klea's forehead. Quota na ito sa pananakit sa kanya.

"I don't care. Now, get off me." masungit niyang sabi at bahagyang itinulak patagilid ang kaibigan na hawak hawak ang noo na pinitik niya. Leira chuckled when she saw how horrified Klea's face. Hindi naman malakas ang pagkaka pitik niya pero napaka over acting na nito, siya nga na madalas siyang hampasin sa likod at batukan hindi nagrereklamo!

May ngiti na nakapaskil sa labi ni Leira habang naglalakad papasok sa building ng Vessarios, everyone greeted her. Nakangiti siyang nagpapasalamat sa mga ito. And when she reached the 4th floor of the building, kung nasaan tumatambay ang mga exclusive writer ng Publishing company may naka ready na ang mga ito na party popper at may hawak na isang cake na may nakasulat na Happy 1st Anniversary ang Boss nila.

Ves grinned. "Happy 1st year of writing, Undetected girl!" he greeted using her pen name. Lumabi si Leira habang nakatingin sa Boss niya, na naging malapit na kaibigan niya na rin. "Wish ka muna dalian mo! Nangangalay ako!" pabirong singhal sa kanya ni Ves. Tumawa lang sila sa pagrereklamo ng Boss nilang isip bata, lumapit siya rito at ipinikit ang mga mata.

I wish for a good health for everyone.

"Thank you!" Leira bowed her head a little and smiled at them. Lalo na sa lalaking naka discover sa kanya.

Kung hindi dahil sa lalaking 'to na nakipag sapalaran ng sobrang laki sa kanya, wala sana siya dito. She was a struggling underrated writer but because of Ves, who helped and give him a non stop trust and pushed her to write and write, nandito siya ngayon at patuloy na inaabot ang mga pangarap niya. Ves is a big help to them. Everyone was having a good time, may mga na iready pala na palaro ang Boss nila. The whole 4th floor was a total disaster! Parang dinaanan ng bagyo dahil sa kakalatan nila!

"Kawawa ang mga maglilinis nito." umiiling na sabi ni Leira habang nakatingin sa buong palapag. Damn, nagkalat ang mga icing sa lapag dahil sa palaro kanina ni Ves.

"Do you have another story as of now?" nabigla si Leira sa tanong ni Ves. She looked at him but her Boss was just looking at the others who's still having fun.


"Hm.. Wala pa. But I have an amazing story running in my mind right now. Baka mag-umpisa ulit akong mag sulat bukas or next week." sagot niya rito.

Lumipat ang tingin ni Ves sa kanya. "Another Teen fiction?" he asked and raised his brows.

"Boss, alam mo naman na doon ako magaling diba?" she smirked and playfully smacked his arm.

Ves clapped his hands. Kinukuha ang atensyon ng mga kasama niya na nagkaka siyahan pa.

"I know that all of you might have the idea now that I closed the deal between Vessarios Publishing Company and a famous Publishing Industry, Abroad. I want to thank all of you for that! Masyado niyong ginalingan sa pagsusulat, and now all of your works will also be published abroad. This is celebration is not for Leira only, kasama kayo sa celebration because y'all are amazing. Sa bawat libro na naisusulat niyo, pagaling kayo ng pagaling. I am not an author but I knew when it's good and not. Alam niyo naman kung gaano ako ka vocal sa mga gawa niyo. This is an another step for all of us! Cheers!"

"Cheers!" they shouted in unison and raised their glass na may lamang juice. It's too early for liquor and they're still in office.

Bumalik sa celebration ang mga kasama niya habang nakatingin lang siya sa mga ito. She grab her phone ang took a picture of them and post it in her social media accounts. Napangiti siya nang maraming bumati sa kanya, her new found family. Ang pamilyang nabuo niya dahil sa pagsusulat.

"Sa office tayo, I want to talk to you." parang kinalabog ang dibdib ni Leira dahil sa sobrang seryoso ng Boss niya. Sumundo nalang siya rito hanggang sa makapasok sila sa office ni Ves.

"What is it?" she asked impatiently.

"Lagi ko 'tong sinasabi sayo kapag nagrereklamo ka sa akin na hindi mo na alam ang isusulat mo sa susunod na kabanata. You have a bright future ahead so claim it, you are a sunrise that shines brightly. I want you to try something new."

"Ah-huh?"

"I will give you 3 months top. I want you to write an Erotic-romance story." nanlaki ang mga mata ni Leira. His voice was so stern.

"I don't know how to write a freaking bed scene! Why me? Ang dami mo naman na author na 'yan ang genre diba?" reklamo niya sa boss niya.

Tumaas ang kilay ni Ves. "That's your problem. Solve it, it'll be a biggest challenge for you. Besides, just try Lei... 3 months."

Kinalma muna si Leira ang sarili bago siya lumabas ng office at bumaba ng building. Nilakad na lang niya ang pagitan ng paborito niyang tambayan, where she can write freely. Dala ang note book, ball pen at ang cellphone. She ordered an Ice coffee para lumamig naman kahit papaano ang ulo niya. Nag-uumpisa na siyang mag jot down ng mga ideas para sa story na naisip niya, this story should be a Teen Fiction and not an Erotic-romance.

"Kaya ko 'to!" she cheered herself and closed her eyes, huminga siya ng malalim. But when she opened her eyes, her face went blank and suddenly have a urge to hit someone else face! 

"Hi, Sunrise!"

__________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top