Chapter Twenty Three
Nanginginig pa rin ang mga tuhod ni Shamcey pagkatapos ng pagpapaligaya sa kanya ni Kiefer. That was mindblowing. Dinala ulit siya nito sa kakaibang level ng saya.
Tiningnan niya ang nakasarang pinto ng banyo na pinaglabasan ni Kiefer. Alam niya kung bakit nagmamadali itong lumabas. Natatakot siguro itong hindi ito makapagtimpi at maangkin ulit siya. He cares about her so much. Hindi nga siya nito ginalaw.
But made her feel better.
He pleasured her so she would forget the pain. Nandoon pa rin naman pero hindi niya naiiisip dahil sa sarap na ibinigay nito. Ang isipin na nahihirapan ito ngayon ay nagbigay naman sa kanya ng guilt. She knew he wanted to take her inside. Masyado lang itong caring at thoughtful. God, he's not even selfish!
Inuuna muna siya nito bago ang sarili nito.
Actually may nabasa siya kani-kanina lang. Kahit malaki ang ari ng lalaki at virgin pa rin siya, kung magaling sa foreplay ang lalaki madaling makakalimutan ang pain.
At napatunayan niya iyon, nakakalimutan niya ang hapdi. Kaya siguro one time lang siya nag-bleed. Dahil hindi masyadong makasarili ang lalaki sa pagpapaligaya sa kanya.
Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng banyo para magbihis. Nagulat siya nang makita ang ang madaming shopping bags na may iba't ibang clothing brand sa ibabaw ng kama. May dalawa pang magkapatong na box at isang heart shape na may tatak ng Victoria Secret.
Nanlalaki ang mata niya habang iniimpeksyon ang laman ng mga 'yon. Mga damit at underwear para sa kanya!
Nalula siya sa mga price noon. Sigurado siya kulang pa ang dalawang buwan na sahod niya sa Helios sa mga ipinamili nito. Akala niya ay nagbibiro lang ito ng sabihin sa kanya na inutusan na nito ang secretary na bilhan siya ng susuutin niya. Tinotoo nga nito!
This is too much! Ang dami ng pinabili nito. Parang binabalak na nitong doon na siya patirahin sa bahay nito. Syempre, di siya papayag doon kahit na pilitin pa siya nito.
Napailing siya habang nagsusukat na. Tama lang sa size niya ang mga 'yon. Napapangiti na lang sa effort na ginawa ng binata para sa kanya.
Hindi sinasadyang napatingin si Shamcey sa salamin.
Natigilan siya. There's something about her face that's new. Kakaiba ang kislap ng mga mata niya, gayundin ang pamumula ng kanyang pisngi na tila tinapatan ng spotlight. Dumaan siya sa stage ng pagiging dalaga na nagkakaroon din naman ng crush. Ngunit hindi niya kailanman nakita na nagkaganoon siya.
Hindi siya dumaan sa proseso na magising siya isang umaga na kakaiba ang kislap sa mga mata at namumula ang pisngi. Makukulangan siya sa mga salita para mailarawan niya ang nararamdaman nang sandaling 'yon.
Mabilis na pumili siya ng maisusuot. Pinili niya ang isang white top, saka niya tinernuhan ng high-waist pink velvet shorts. Nag-apply lang siya ng lip tint para hindi siya pale tingnan.
Tapos lumabas na siya ng kwarto. Nahihirapan pa rin talaga siya maglakad. Jusko, feeling niya isa siya sa penguin sa Happy Feet. Sagwa! Pinilit niyang maging normal ang lakad niya.
Hinanap niya si Kiefer sa kusina. Natigilan siya nang makita ito na naka-boxers lang habang nagpe-prepare ng omelette. Nakatalikod sa kanya ito. Nag-dry ang labi niya sa itsura nito. Kinailangan niyang basain iyon.
Uhm, dayum. Nakakapagpa-uhaw ang matipunong likod nito.
Kahit nakatalikod lang ang lalaki, makapigil-hininga na ang dating ng maskuladong katawan nito. Si Kiefer 'yong tipo ng lalaki na kahit hindi pa lumilingon ay malalaman mo nang gwapo talaga.
Tinuyuan siya ng lalamunan ng dumako ang mata niya sa pang-upo nito. Hongsorop.
Kahit sinong babae mapapanganga kapag nakita kung gaano pinagpaala ang pang-upo ng lalaking ito. Hindi niya maalala kung nakapa niya ba 'yon kagabi o napisil man lang. Sana oo. Sayang 'yong chance.
Ngayon nga, parang gusto niya lapitan ang lalaki at paluin 'yon. Bad boy! Bad boy!
"Titig pa."
Parang binuhusan ng isang galon ng malamig na tubig ang mukha ni Shamcey. Bumalik ang tingin niya sa nakangising mukha ni Kiefer. Nakatingin na ito sa kanya, kumikislap sa pagkaaliw ang mata.
"Satisfied ka ba?"
"Saan?" painosenteng sagot niya.
"Sa tinitingnan mo."
Nagkibit-balikat siya. Tinakpan ng pagpapainosente ang pagkapahiya.
"Puwede na rin naman." Iniiwas na niya ang titig dito kahit natutukso siyang tingnan ang matigas na dibdib nito at namumutok na abs. Pwede itong pumasang endorser ng mga underwear. Ang laki ng kikitain dito ng mga 'yon. Kasi ang laki rin naman ng babakat..
"Ang ganda mo."
"Maliit na bagay."
"Nagustuhan mo ba?" tanong nito sa kanya, ang tinutukoy ay ang mga binili nito.
"Okay lang. Pero bakit ang sobra naman yata. Isa lang ang kailangan ko sa mga 'yon."
"Sa 'yo na ang mga 'yon." mariing sabi nito. "Bigay ko sa 'yo ang mga iyon."
"That's too much. Hindi ko matatanggap. Kaya ibabalik ko sa 'yo."
"Ibabalik mo sa akin o hindi ka na makakabalik sa inyo?"
"Hoy!" Nanlaki ang mata niya. "Binabantaan mo ba ako?"
Playful na ngumiti ito. "Hindi naman banta 'yon. That's an offer."
"Anong ibig mo sabihin?"
"I'm offering you to stay here. With me."
Naningkit ang mata na humakbang siya palapit dito. Napansin ni Kiefer na nahihirapan siya sa paglalakad kaya iniwanan nito ang ginagawa. Nilapitan siya. "Masakit pa ba?" masuyong tanong nito.
"Ilang beses mo na sa akin tinanong 'yan. Next week mo ako tanungin para maiba naman sagot ko."
Umungol ito. "Ang tagal ng next week."
"Nag-search ako. May mga nagkakasakit pa nga after. Maging thankful ko ito lang nararamdaman ko ngayon."
"Let's see a doctor."
Inignora niya ang sinabi nito. Bumalik na rin naman ito sa piniprito nito. Napansin niya na sausages 'yon. Pinamulahan siya sa imaheng pumasok sa isip niya. Well, for the record. He's bigger than those sausages.
"I will be okay. Pero nagtataka lang ako, 'yong iba parang normal lang after ng first time nila? Nakakapaglakad pa sila ng maayos. Hindi halata na may nagbago. Pero, ako hindi ko yata magagawa 'yon."
Parang ayaw muna niya umuwi sa apartment nila ni Marsh. Pag nakita siya ni bakla na ganoon, maglakad. Nako.
Hindi nagsasalita si Kiefer. Pero nakatingin ito sa kanya at nakatitig. Okay, mabuti 'yon dahil may gusto siyang itanong dito.
"O baka depende talaga 'yon sa sukat ng... pumapasok. Alam mo na." Bumaba ang tingin niya sa harapan nito. Ngayon lang niya napansin na kahit hindi ito arouse nakabakat pa rin talaga ang ano nito.. Parang mandirigma na nakasaludo at handa lagi.
"Wag ka sanang magalit sa tanong ko, Kiefer.. Pero ano ba talagang nangyari? May nakakagat ba or what.."
Nagsalubong ang kilay nito. "Nangyari.. Saan? Nakagat ang alin? What are you saying?"
Gusto niyang mapahalakhak. Pero pinigil niya ang sarili.
"D'yan sa ano mo," ininguso niya ang harapan nito. "'Yang ano mo.. May nakakagat ba?"
Napaawang ang labi nito, namula ang mukha. "No, you don't.. wag mo na sundan." may pagbababala ang tinig nito.
Itinuloy niya ang balak sabihin. "Napansin ko nga kasi na iba ang size. Parang.. Parang di normal. Hindi ba na-impeksyon 'yan at bukod sa mahaba ay mataba pa? Parang braso ng bata."
"Shamcey!" Dumagundong ang naeeskandalong boses nito.
Napalundag siya doon.
"Oo na, hindi na ako magtatanong sa alamat n'yan. Sige na. Magprito ka na dyann. Ingat lang, baka maprito din 'yang ano mo."
Humalakhak siya ng mas lalong namula ang mukha nito. Siya naman ang nakapuntos sa pang-aasar.
---to be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top