Chapter Twenty Four
MASARAP magluto si Kiefer. Hindi niya mahindian ang mga 'yon dahil sa paraan ng pagkapresent nito ng food. It's not a surprise. May-ari nga ito ng mga hotel and resorts eh. Ang ina nito mismo ang nagpatayo ng ilan sa mga sikat at mamahaling hotel.
Habang nasa hapag sila pinag-uusapan nila ang tungkol sa Helios Manila. Malapit na ang pagbubukas ng night club na iyon. Everyone's excited. Hindi lang naman kasi iyon basta night club. May indoor beach doon. Sa lawak ng Helios, hindi niya maimagine kung ilang tao ang kayang i-accommodate doon.
Pinag-usapan din nila ang pagbalik niya sa trabaho. "Next week ka na mag-start," sabi nito.
"Next week pa? Di ba pwedeng bukas na?" Pipilitin na lang niya makakilos na na hindi mahalata ang penguin walk niya.
O, di ba? Parang Miss Universe.
Anong sinabi ng Tsunami walk sa Penguin walk niya?
"Next week na. Hindi rin naman kita papayagan. Hindi ka makalakad ng ayos. Mahihirapan ka pa. Or worst, baka magkasakit ka pa pag pinilit mo."
May punto din naman ang binata. Baka nga magkasakit pa siya sa training nila. May cardio work out pa naman bukas. So, mahirap nga.
"Babayaran ko ang araw mo."
Tumaas ang kilay ni Shamcey. "Babayaran mo?"
"Oo. Mula sa araw na tinanggal kita sa Helios hanggang ngayon.."
"Seryoso ka? Hindi ko tatanggihan 'yan." sabi niya, sinunggaban agad ang alok nito. Pero narealize din ang mali. "Hindi pala. Di ko tatanggapin 'yan."
"C'mon. Huwag ka na mahiya sa akin."
"Bakit mo ba kasi ako babayaran? Parang kahina-hinala lang naman."
"Hindi naman ako ang magbabayad. Ang Helios pa rin ang magbabayad sa 'yo," pagpapalusot nito.
"Ang galing din makahanap ng palusot. Kasasabi mo lang babayaran mo ako."
"Oo nga. Bakit? Ako din naman may-ari ng Helios, ah?" ngumisi ito. "Ayaw ko lang isipin mo na binabayaran kita kasi may iba akong motibo?"
"Bakit, wala nga ba?"
Mapang-akit ang ngiting gumuhit sa labi ni Kiefer. At sa paraan ng mga titig nito, nako, alam na alam na niya.
"So, ano babayaran mo ako dahil sa performance level ko kagabi?"
"Wala akong sinabing ganon. Bakit ang dumi ng isip mo?"
"Wow! Ako pa talaga? Ikaw kaya 'tong manyak!" sabi niya dito. Ang lakas ng tawa nito sa sinabi niya. "Tawang-tawa ka. Totoo kasi no?"
"I don't know. Kung manyak ako, sinasamantala ko na 'yong pagkakataon na maangkin ka ulit ngayon."
Umirap lang siya. Dahil totoo 'yon. Hindi naman ito mapagsamantala sa kanya. Kung ituring nga siya nito ngayon para siyang prinsesa. Pinagsisilbihan. Inaamo. Saan pa siya makakakita ng lalaking tulad nito?
"Let's go to the doctor later." sabi nito pagkatapos nila kumain.
"Ang kulit mo. Wag na nga sabi. Magpapahinga na lang ako sa apartment."
"Sa apartment?" natitigilang ulit nito.
"Oo, 'yong tinitirhan ko sa Makati. Magpapahinga lang ako. Aalis na ako ha? Tumatawag na 'yong kasama ko kanina pa. Baka maulit pa kay Mama na wala ako doon."
Bahagyang dumilim ang mukha ni Kiefer. Naging seryoso ang tingin sa kanya. Bigla siyang nagtaka sa reaksyon nito. May sinabi ba siyang masama?
"Bakit g-ganyan ka?" Nakakatakot naman ito. Bigla na lang nagiging seryoso. Iniiwas nya ang mukha mula sa matiim nitong titig.
"You're staying here."
"Kiefer."
"No. You're staying here. Hindi ka uuwi. At hindi ka makakaalis hanggat di ko sinasabi."
Napasinghap si Shamcey. Ikinukulong ba siya nito sa bahay nito? Pinagbabawalan pa siyang umuwi?
"Sandali nga lang!" Napatayo ang dalaga. "Lilinawin ko lang 'yong agreement nating dalawa. Pumayag lang ako na sa relasyon na gusto mo dahil 'yon ang kondisyon mo. Pero hindi ako pumayag maging pag-aari mo. Kung gusto ko na umalis, makakaalis na ako. Hindi ko kailangan na hingin ang approval mo!"
Galit na tinalikuran niya ito at nagmartsa pabalik sa kwarto.
Ano ba ang akala nito? Property na siya nito? Pumayag lang siya maging jowa. Hindi siya asawa! Di porke na-appreciate niya ang mga efforts nito at mga ipinapakitang maganda sa kanya, magiging sunud-sunuran na siya sa lalaki.
May sarili pa rin siyang desisyon. Aalis na nga siya. Baka mamaya ikadena pa siya nito sa kama. Di niya alam baka may pagka-pyschotic si Kiefer. Hindi nga kaya? Inisip niya ang alok nito sa kanya na maging girlfriend nito.
Biglaan 'yon. Gusto lang naman siya nito maikama talaga. Biglang GF na? Hindi nga kaya may iba itong binabalak sa kanya?
Nanlaki ang mata niya. Mabilis na dinampot nya ang cellphone at bag. She need to get out of here!
Napalundag siya ng biglang bumukas ang pinto ng silid.
"Where are you going?" puno ng dilim ang boses nito. Mapanganib ang kislap sa mata nito. Napaatras si Shamcey. Tinatagan niya ang mga tuhod.
"Aalis na ako. At di mo ako mapipigilan, Kiefer. You don't own me."
"Okay, I'm sorry about that. Nabigla lang ako." Lumapit ito sa kanya. "Please stay."
Pansin pa rin niya ang tensyon sa balikat ng lalaki. Nagtitigan sila nito ng matagal. Pero di rin niya nakayanan. Siya rin unang nagbawi ng tingin.
Shuta bes, ang gwapo! Ayaw niyang titigan pa. Baka di lang siya magpakangkang dito. Baka magpabuntis na agad siya.
Hinawakan nito ang magkabilang braso niya at bumaba ang mukha sa kanya. Ilang inch na lang ang layo.
"Stay with me for two to three more days, please? Ako mismo maghatid sa 'yo pag gusto mo na umuwi. Just stay here with me.." parang nagmamakaawa ang boses na sabi nito.
Nakakapanlambot ng tuhod ang panunuyo nito. Gusto niyang isipin na dapat hindi siya tinatalban ng mga pa-ganon nito. No, di dapat. She's bulletproof..
But marufok.
Mabilis na sinaway niya ang sarili.
"Kailangan magkalinawan muna tayo dito, Kiefer." sabi niya at tinanggal ang kamay nito. "Ano ba tayo?"
"Ano nga ba tayo ngayon?" balik tanong nito.
Grrr! "Eh ano nga ba?!"
"Akala ko alam mo na." sabi nito at umupo sa gilid ng kama.
Oh, God. "Oo, alam ko kung ano tayo. Pero---"
"Alam mo naman pala tinatanong mo pa ako." pamimilosopo nito. Wow, ha?
"Sandali nga, gusto mo ba sa akin manggaling kung ano tayo ngayon? Gusto mo ako na magdesisyon?"
"Sige nga."
Aba't hinahamon pa talaga siya ng letse!
"Pero bago ka magdesisyon, ano ba ang pinag-usapan natin sa hotel? Bago tayo pumunta dito, pumayag ka na sa kondisyon ko. Pumayag rin ako sa kondisyon mo at lahat ng gusto mo pa. I will give you anything you want, Shamcey."
Mayabang na nag-angat ito ng noo. "Kahit anong hilingin mo ibibigay ko pa."
Hindi siya nakapagsalita. Ayaw niyang bigyan ng maling interpretasyon ang sinabi nito. Pero di niya lang magets parang gustong-gusto siya nito. Ganoon na ba siya kaganda para mabitag sa alindog niya ang isang tulad nito?
He was too good to be true.
Bumuntong-hininga si Kiefer. "I'm sorry for acting childish a while ago. Ayaw kitang sakalin, o pilitin na manatili kasama ako. You can go now.. But please, I'm asking you to stay with me."
Lumapit ito sa kanya. Ibinuka nito ang magkabilang braso para ikulong siya sa mainit na yakap nito.
"Kiefer.."
"Kahit isang araw lang. Then, you're free to go."
"Sabi mo 'yan, ha."
Naramdaman niya ang pagngiti nito, pagkatapos ay isiniksik ang mukha sa leeg niya. Nanlalambing. Napamura siya sa isip. Nakakapanghina kapag ginagawa nito iyon. Marupok lang siya!
"Oo. Pupuntahan na lang kita kung saan ka nakatira."
Patay. Mukhang mas okay pa yata kung manatili muna siya kasama ito kahit ilang araw na gusto nito. Wag lang muna ito pumunta sa apartment nila ni Marsh! Okay lang sana kung siya lang nakatira doon. Eh, nandoon ang kaibigan niya. Baka kung ano pa magawa nila ni Kiefer. Nakakahiya naman!
"S-Sige, mag-stay na ako. Kahit ilang araw mo pang gusto." Kusang napayapos na rin siya dito.
Napa-yes ito at pinaghahalikan ang leeg niya.
"Teka, ano ba, Kiefer.. Wag d'yan!"
"May kiliti ka ba d'yan?" Pinaghahalikan pa siya nito lalo doon. Ang hirap magpigil. Napadaing siya.
Natigilan ito, bahagyang nanigas sa tensyon ang katawan. Kapagkuwan ay pinagdikit pa lalo ang katawan nila. Her eyes widened when she felt his heavy lenght against her. "Kiefer!"
Mahirap di mapa-react. Hongloke!
He groaned in her ears, then whispered. "Holdap to, Miss. Hubarin mo mga suot mo kung ayaw mo ikasa ko ang baril."
"Teka--kuya," nauutal na inilapat niya ang palad sa matigas na dibdib nito. "Teka lang, sabi mo baril.. Hindi naman baril 'yan."
"Ano?"
"Armalite na 'yan!"
His loud chuckle filled the room. Sumabay ang halakhak niya sa kapilyyuhan nito. Ngunit kalaunan, 'yong haha niya. Naging ah-ah na.
-- to be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top