Chapter Twenty Five
"KITA mo na. Wala naman ako problema. Normal lang daw sabi ni Doctora." paliwanag ni Shamcey kay Kiefer. Nagpumilit ang binata na magpa-check up siya. Jusko, di niya kinaya.
Hanggang ngayon namumula pa rin ang mukha niya sa mga tanong ni doctora.
"Wala naman lacerations?" tanong nito.
"Normal lang naman na magkaroon ng superficial cuts dahil nag-sex tayo. First time ko. Dakota ka. Boom, meron talagang minor. Pero di sapat na dahilan para ma-ospital ako. Okay?"
Napaka-pranella talaga ng lalaking ito. Hindi talaga natahimik. Kinaladkad pa siya sa malapit na clinic para lang mapa-check siya.
Tumango lang si Kiefer habang nakafocus ang atensyon sa pagmamaneho. May naalala siyang itanong. Kanina bago sila umalis sa clinic. Lumapit ito sa babaeng nag-chechk up sa kanya. Hindi niya narinig ang sinabi nito pero sigurado si Shamcey na may tinanong ang lalaki.
"Ano 'yong sinabi mo kay Doc kanina? Nakita ko 'yon." pang-uusisa ni Shamcey.
"Iyon ba? Wala lang 'yon," ngumisi ito. "Nakita mo pala 'yon?"
Naningkit ang mata ng dalaga. "Di nakaligtas sa paningin ko 'yon."
At syempre, di nakaligtas sa mata niya ang pamumula ng mukha ng babae. Maganda 'yong doktora at nasa late twenties lang. Napansin nga niya ang mga titig nito kay Kiefer. She was obviously eye-fucking him.
Parang gusto niya magtaray ng wala sa lugar kanina. Like hello, doc? Ako ang check-up-in mo. Hindi 'yong boyfriend ko! She was jealous and that feeling is not good for her.
Bakit siya magseselos? Oo nga't official ang relasyon nila ni Kiefer.. Di nga nila mahal ang isa't isa.
Ang meron lang sa kanila ay masidhing atraksyon para sa isa't isa. And she could say na parang ginagamit lang nila ang isa't isa. May kailangan siya dito. May kailangan din ito sa kanya. Fair lang. Kaya ano kung makipag-flirt pa sa ibang babae si Kiefer? Paki niya ba? Mukhang hiningi pa nito ang number ng babae. Nakita niya kasing naglabas pa ito ng phone.
"So, ano nga sinabi mo? Walang problema sa akin.. Ano nga?"
Tumaas ang sulok ng labi ni Kiefer. Pagkatapos ay nakakalokong sinulyapan siya. "Bakit parang issue mo ang paglapit ko kay doctora? I can smell jealousy from you."
Napaawang ang labi niya.
"Maganda si doctora, pero mas maganda ka. Wag ka na magselos dyan. Loyal ako, di lang halata."
"Hoy! Ang kapal mo rin eh no? Anong sinasabi mo d'yan na selos? Selos mo mukha mo!"
Kung nakamamatay ang kanyang tingin, baka tegi na ang lalaki.
"Nagtanong lang naman ako, nagseselos na agad? Bawal na pala mag-usisa no? Sige, mananahimik na lang ako. But for your information, di ako nagseselos."
Humalukipkip siya at sumuksok sa may bintana. Masiglang humalakhak ang lalaki. Inirapan lang niya ito at tumingin na sa labas.
"Tapos ka na ba?" pang-aasar pa yata ni Kiefer sa kanya. Dineadma na niya ito.
Nakita niya sa gilid ng mata ang pag-iling nito. "May tinanong ako kay doctora pero di tungkol sa kanya. Hindi ko rin hiningi ang digits niya para makipag-flirt. Hindi tulad ng iniisip mo siguro."
Wow lang, ha?
"Pero tama ka, crush ako ni doctora. Iba talaga nagagawa pag magandang lalaki tayo."
Pota. "Ang lakas ng AC ng car mo. Pwede pahina?"
"Wag na. Tama lang ang lamig niyan. Mamaya na kita painitin."
"Bawal pa. Masakit pa."
She rolled her eyes at him. Tingin nito makakaratrat ang armalite nito mamaya?
No, soldier. Matutulog ako ng maaga!
"Pero sabi ni Doc, pwede na raw."
"Sinabi niya 'yon?"
"Iyon 'yong itinanong sa kanya e. I asked her if we could do it again. Alam na naman niya 'yon. And she said yes."
Matagal bago nag-loading sa isip niya ang sinabi nito. Nang mag-process na, nanlaki ang mata niya. "Itinanong mo talaga?!"
"Why not? Hindi na ako makatiis eh."
Pati kasingit-singitan niya parang nagblush sa isipin na tinanong ni Kiefer 'yon sa babae. Kaya pala iba ang tingin nito sa kanya noong nagpapaalam na sila. Hindi niya alam may halong inggit na pala 'yong ngiti ni doctora. Parang gusto niyang lumubog sa kinauupuan.
"Gusto mo rin ba na puro oral lang ako sa 'yo? Aba naman, Shamcey. Maawa ka sa akin."
"Tumigil ka d'yan! Bakit si doc ang tinanong mo? Eh, 'yong akin naman ang aanuhin mo?"
"Anong aanuhin?" panunukso nito. Pinandilatan niya ang kumag. "Siya nakakaalam. Maganda na rin na may basbas ng eksperto. Para basbas na lang ng aanuhin."
"Isa pa, maaano kita d'yan, Kiefer!"
"Kung ano man 'yang gagawin mo, gusto ko 'yan." Pilyong kumindat ito sa kanya.
-
"AKO na d'yan." prisinta ni Shamcey. Nakita niya kasi na nagsisimula na magligpit ng pinagkainan nila si Kiefer.
"No, let me." Tumingin ang lalaki na may pag-alala sa namumutlang mukha niya. "Sabi mo, masama pakiramdam mo? Magpahinga ka na sa kwarto mo. Susunod ako."
Eme-eme lang naman talaga niya ang tungkol sa nararamdaman niya. She's good. Wala siyang sakit. Medyo mabigat lang ang pakiramdam niya. Siguro, dahil na rin sa pagod.
Pagkatapos magpa-check up, lumabas pa sila nito para mag-mall. They watched a movie together. Nag-shopping ito. Para sa kanya ulit. Namili ng sapatos, relos and buti napigilan niya ito sa pagbili ng jewelry. Ghad, she can't believe him.
Parang kailan lang naman sila. Wala pa silang one week! Alam niyang mayaman ito, pero hindi naman ito ATM! Hindi pwedeng tanggap lang siya ng tanggap sa kung anong ibigay at ialok nito. Gusto niya kung meron siyang bibilhin para sa sarili perang pinaghirapan niya. Hindi pera nito.
Hinayaan lang niya ito na ibili siya ng sandals. Nahihirapan siya maglakad sa heels niya. Pero 'yong relos na balak nito bilhin para sa kanya. Pinigilan rin niya.
No, no, no. That's not cool. Ayaw niya samantalahin ang pagka-galante nito sa kanya. Kaya ang nangyari, ito naman namili para sa sarili nito. Tinulungan niya ito. Pagkatapos noon naglaro pa sila arcades. Parang naging date ang nangyari sa kanila.
Nag-take out na lang sila ng food at sa bahay nito sila kumain.
"Ako na nga ang gagawa n'yan." pagpupumilit ni Shamcey. Nahihiya siya na si Kiefer pa ang magliligpit ng pinagkainan nila samantalang siya ang babae. Masyado naman siya nitong pinagsisilbihan.
Kabaligtaran. Dapat siya ang gumagawa nun dito.
"Kiefer, ako na nga sabi ang gagawa nito. Doon ka na lang sa sala maghintay sa akin."
Umiling ito. "No. Let me do this." Tumutol pa rin si Shamcey. Pero ayaw ni Kiefer na ipaubaya ang gawain na 'yon sa kanya.
"Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan na gumawa d'yan, eh, ako naman ang babae?"
"Not because you're the woman, hahayaan na kitang gumawa nito." Inilapag nito ang mga plato sa lababo, pagkatapos ay lumapit sa kanya. Nagulat siya ng bigla na lamang siya nitong buhatin. Dahil hindi niya napaghandaan iyon, napatila siya. Nahampas pa niya ito sa balikat. He just laughed at her.
"Kiefer! Ano ba?" pasigaw na wika niya. Ngising-ngisi ang lalaki na dinala siya sa sala at inilapag sa sofa. Hindi pa nakuntento ang kumag at pinisil pa ang kanyang pang-upo. Namimilog ang mata na kinurot niya ang braso nito.
"Ang landi mo talagang lalaki ka!"
He grinned at her. "I know that, babe. Now, I want you to let me wash the dishes. Magpahinga ka na sa kwarto mo. Baka matuloy pa 'yan sa lagnat."
Sinapo nito ang mukha niya at ngumiti. "You look pale, babe. Magpahinga ka na, okay?" Napipilitan na tumango siya. Pinatakan nito ng halik ang labi niya.
Nakonsensya tuloy siya. Pwede naman niya sabihin na okay lang siya. Gusto niya itong samahan doon. Mapamalaki o maliit, nakikita niya lahat ng efforts ni Kiefer. Ang bilis lang kung tutuusin. Mula sa impresyon niya na isa itong arogante at mayabang at mapagsamantalang lalaki sa isang sweet, caring at thoughtful na boyfriend. Di niya tuloy mapigilan ang sarili na kiligin sa ginagawa nito sa kanya. Grabeng pag-adjust ang ginagawa nito.
Hindi pa ulit sila nagse-sex ni Kiefer. He just won't take her. Pinipigilan nito. Nakaka-ilan lang silang oral. At ito lang ang gumagawa sa kanya. Pero siya? Hindi niya alam paano ang gagawin. Siya ba ang mag-initiate non? Pagkakatapos kasi niya, bigla na lang itong lalabas agad ng kwarto. Parang nagtitimpi talaga.
Hinintay niyang akalain ni Kiefer na nakaalis na siya. Bumalik siya sa may kusina. Doon lang siya sa may pinto at pinanood ito.
Si Brian Kiefer Monteho, naghuhugas ng plato na pinagkainan nila? God, this is so precious. Alam niyang totoo ang nakikita niya. Na-amaze lang talaga siya.
Lumaki si Shamcey na ang mga lalaki sa paligid niya ay inaasa na lang ang lahat ng gawaing pambahay sa babaeng kasama. Mas gugustuhin ng mga iyon na tumambay lang sa labas o di kaya ay maglaro ng basketball kasama ang mga kapwa lalaki kesa ang magpaka-andres de saya. 'Yong jowa ni Shy, never din niya nakita gumawa ng gawaing bahay kahit magkakasama sila minsan.
Kahit nga 'yong ama niya na sumama sa ibang babae, jusko, ganoon din. Inaasa na lang sa kanyang ina ang lahat ng gawaing bahay. Iyon ang isa sa dahilan kaya lumaki siya na pinaniwalaan na iyon ang pinaniwalaan niya.
Actually, lumaki siya na hindi naniniwala na nangyayari sa realidad 'yong mga nababasa sa mga romance books. Kung meron man, pili lang. Pero kadalasan, ang mga lalaki.. Ay hindi ganon kapanta-pantasya. Wala pa siyang nakilala na nagsilbi talaga sa girlfriend. 'Yong tipo na magpapakita na inaasikaso ka sa harap ng ibang tao, 'yong parang sinasamba ka.. Di naman literal. 'Yong ipinaparamdam lang sa 'yo na babae ka. Di dapat lahat ikaw 'yong gumawa.
Sa panahon ngayon, parang babae rin kadalasan ang gumagalaw para mag-work ang isang relasyon.
Kaya feeling niya parang too good to be true si Kiefer. Parang ang perfect guy lang nito. Not just an ideal boyfriend for her, but a good husband material.
Hindi niya maiwasan na hangaan ito sa lahat ng aspeto. Di niya napigilan ang sarili na ilabas ang cellphone at kuhanan ito. Kaso may sound pala ang camera niya. Tumunog iyon kasabay ng pag-click.
May flash pa. Napangiwi siya.
Napalingon sa kanya si Kiefer. "Anong ginagawa mo pa dyan? Akala ko--" nag-pause ito, pagkatapos ay nag-aakusa siyang tiningnan. "Kinuhanan mo ba ako ng picture?"
Sunod sunod na umiling siya. "Hindi, ah. Nagseselfie lang. Ang ganda ng house mo!"
"Nice try, baby." Humakbang ito palapit sa kanya. "Give me that phone."
"That's gonna happen!" Tumawa siya at tumakbo na papunta sa kwarto niya. Narinig pa niya ang malakas na pagtawag nito sa kanya bago siya makapasok sa kwarto.
Napapangiting pinagmasdan niya ang picture nito sa phone. Nakuhanan ang paglingon nito sa kanya. Ang cute!
Hindi niya 'to buburahin.
She would keep it just for herself.
-- to be continued.
Pang-limang update ko 'to ngayong araw. Yay! Sorry sa errors, naduduling na ako, eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top