Chapter Twenty Eight


 "THAT was so good, baby." habol-habol pa rin ang hininga ni Kiefer na bumulong sa tainga niya. Pawisan ang buong katawan nila. Bahagyang humupa ang init nila. Ngunit nakabaon pa rin ang pagkalalaki nito sa pagitan ng hita niya. Tila wala na yatang balak hugutin.

Napangiti si Shamcey. "Yes, that was good."

Naramdaman niya ang mahinang pagtawa ng binata sa leeg niya. "Baliw na ako sa 'yo."

Kinurot niya ang matipunong braso nito. "Kung gusto mo pa makaisa, di mo na ako kailangan bolahin. Alam ko namang sanay na sanay ka na nga sa ganito."

Gumalaw ito at tumingin sa mukha niya. Kumikislap sa kaligayahan at kapilyuhan ang mata nito. "Seryoso ako sa sinabi ko."

"O, sige na nga. Seryoso ka na."

"Sarcastic mo." Pinisil nito ang tungki ng ilong niya.

Hindi niya mapigilan ang pagguhit ng ngiti. Basang-basa sa pawis ang mukha at buhok nito. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking gwapo pa rin talaga kahit basang-basa na sa pawis. Idagdag pa na namumungay na mata nito habang nakatitig sa kanya. Kahit hindi siya marupok, tatablan siya sa ganoong tingin nito.

Normal naman siguro kung kiligin siya ng palihim, di ba? Kahit basang-basa na sa pawis ang katawan nito, parang ang bango bango pa rin. At parang ang sarap padaanan ng labi ang maskuladong dibdib nito, at paglaruan ang brown nipples nito gamit ang dila niya.

Shit.

Sa kanilang dalawa yata ni Kiefer, siya ang mas nababaliw. Kinikilig siya sa lalaking ito. Aba, aba. Nadala lang siya sa kama, nagustuhan na yata niya ito.

Pero ang mas malala yata ay 'yong pagkatapos siya nitong maikama ay 'yong bigla na lang niya itong mamahalin. Malala nga. Hindi ba't pinaalalahan niya ang sarili? Kailangan yata niya ipaalala sa sarili na hindi siya dapat makipaglaro sa apoy.

Isa itong naghihintay na panganib. Dapat mag-ingat siya.

"What's wrong?" tanong nito. Naramdaman ang tensyon sa katawan niya.

"Wala," sagot niya at umiling. Maingat na inihiwalay ang sarili dito. Bago pa siya magtagumpay, pinigilan siya nito. Namilog ang mata niya. How could he still be so hard? Pagkatapos ng mainit na namagitan sa kanila? Para nga talaga itong mandirigma.

"Sigurado ako may problema. Why are you tense? May nasabi ba ako na hindi mo gusto?"

"Wala nga."

"Ano nga?"

"Mahirap ba intindihin na wala nga?" giit niya.

Umibabaw ulit ito sa kanya. Napasinghap siya dahil sa pagbaon ulit nito sa kaibuturan niya. Hupa na ang init. Pero binubuhay ulit nito ang natitirang lingas.

"Meron 'yan. Ngayon sabihin mo sa akin. What's the matter?"

Hindi talaga ito natigil hanggat hindi nakukuha ang gusto.

"Iniisip mo ba na sex lang habol ko sa 'yo?"

Umangat ang kilay niya. "Ano pa nga ba?"

"Seryoso ako sa 'yo, Shamcey. Seryoso 'yong intensyon ko sa 'yo."

Iyon na nga. Ang mga salitang nakakapagpahulog. Tapos pag nahulog, diretso hulog talaga. Bakit? Dahil nakalimutan ang ipinangako. Hindi na sinambot. Iniwan sa ere.

Ayaw niyang dumating siya sa ganoon. Pero pwede naman na mag-enjoy na lang siya nararamdaman ngayon. Hindi lang naman si Kiefer ang nakikinabang sa set-up nila na 'to. Siya rin. Bakit hindi niya muna hayaan ang sarili na maging masaya? Laro-laro lang.

Right. Dapat enjoyin muna niya 'yon.

"Pag sinabi kong seryoso ako sa 'yo, I meant it." Tinitigan siya nito na parang totoo nga ang mga pambobola nito.

"Ganyan din ba ang sinabi mo sa mga babaeng naikama mo na bago ako?"

"Hindi ko 'yon sinasabi sa iba. Ine-expect na rin nila kung hanggang saan lang kami."

"So, ako 'yong nag-eexpect ganon? Patay na patay ako sa 'yo, iyon ba gusto mo sabihin?"

"Di ko itatanggi na gusto kong isipin na ganyan nararamdaman mo.." pilyong ngumisi ito.

"Tandaan mo, ikaw itong habol ng habol sa akin."

"I know. Pero sa huli, ikaw din naman lumapit sa akin. Fair game." Napasulyap ito sa magkadugtong na katawan nila. Naramdaman niya ang pagguhit ng sarap nang magsimula itong gumalaw.

Kumapit siya sa mga braso ni Kiefer. Nanlalaki ang mata. "Katatapos lang natin.."

"I know. Fuck." Mabigat ang hininga na pinakawalan nito, at tumitig sa kanya. Natunaw yata ang mga buto niya sa katawan sa init nito. She could feel her body set on fire again.

"I can't help it, baby.. I waited for this. Now, there's no stopping me from taking you." Napaungol siya nang tuloy-tuloy na itong mag-labas masok.

THIS IS BAD.

Parang ayaw na niyang umalis sa pagkakayakap ni Kiefer. She just want to stay like this forever.

Kung may pinakamasaya na nga yatang babae sa mundo ngayon, siyang siya na 'yon. Hindi pa niya naramdaman 'yong ganoong kasiyahan. Umaapaw ang saya sa dibdib niya, at sa mga oras na 'yon ay wala siyang ibang hiniling kundi magtagal 'yon. Huwag na matapos.

Minsan lang ito mangyari. Wala pang ibang naging lalaki sa buhay niya kaya di niya alam na ganoon pala ang feeling. Alam naman niya na hindi talaga siya seseryosohin ni Kiefer. Kaya kailangan niya magising sa katotohanan. Kung seryosohin man siya nito, alam din niyang di ito pang-matagalan.

"Ano kaya bukas ka na lang umalis?"

"Kiefer, i need to go." sabi niya sa binata. "Binukas mo na ako ng binukas. Kakabukas mo baka di ko na namalayan na one month na kitang kasama."

"Binabawi ko na. That's not a question anymore. You'll stay here." nakangising bulong ni Kiefer sa tenga niya habang sinasabon nito ang malulusog na dibdib niya mula sa kanyang likod.

Nasa loob sila ngayon ng banyo at kapwa walang saplot sa katawan. Sinasabon nito ang katawan niya, partikular na ang kanyang dibdib. Hindi maikakaila sa mukha niya na nasasarapan siya sa bawat paghagod ng palad nito sa dibdib niya.

"Bukas na ako babalik sa Helios, Kiefer. Ano 'to, di na ako magtatrabaho?"

"I'm your boss. Sa akin ka naman magtatrabaho, so, it's a problem."

"Teka lang, cocktail waitress ako sa Helios. Iyon ang trabaho ko doon. Hindi ang maging parausan mo, okay?" inis na sabi niya.

"I know. Di rin naman kita parausan, ah?"

"So, ano 'tong ginagawa natin? Bahay-bahayan?" Frustrated na humarap siya dito. "Kiefer, I'm not saying that you only want me for sex."

Madilim ang mukha nito at kasingtalim ng labaha ang titig. "Kasasabi mo lang ginagawa kitang parausan. May iba pa palang interpretasyon doon?"

"Huwag ka magalit, okay? Hindi naman pwede na hindi na ako umalis dito. I need to work. Kailangan ko kumita ng akin. 'Yong pinagpaguran ko talaga. Naiintindihan mo ba 'yon?"

Tumango ito. "So, aalis na ako mamaya okay?"

Tumungo ito, pagkatapos ay bumuntong-hininga. Ngumiti ito at akala niya okay na. Pero bumuka ang bibig nito, "No. Bukas ka na lang din umuwi. Let's just spend this day together. What do you think about that?"

She glared at him. "Seryoso ka?"

"Dead serious."

"Ugh. Kiefer, hindi puwede 'yon! Kailangan ko rin umuwi ngayon sa amin. Nag-text na ako sa kanya. Uuwi ako ng Laguna."

"Magpaalam ka na hindi ka muna makakauwi." pangungumbinsi pa nito sa kanya. "Hindi ba puwede 'yon?"

She rolled her eyeballs. Ang kulit! "Hindi. Bakit ba ayaw mo ako payagan? As if naman di ulit tayo magkikita?"

Pumulupot ang braso nito sa beywang niya. Napayakap siya dito. "Sige, umuwi ka ng Laguna. Pero ako maghahatid sa 'yo and you will introduce me to your mother."

"W-What?"

"Ipakilala mo ako. As your boyfriend."

Umiling si Shamcey. "No.. Masyadong mabilis, Kiefer. Alam naman ni Mama na wala pa akong boyfriend."

"Kaya ipapaalam mo na."

"Siguradong magugulat iyon kung bigla-bigla ay magkakaroon ako ng boyfriend."

"Kung di ka pa handa, sabihin mo manliligaw mo ako. Hindi ka na lugi."

"Very funny. No."

"E, di no rin. Di ka aalis." seryosong sabi nito. Gusto niyang pagpapadyak sa inis. Pero agad itong gumawa ng paraan para i-distract siya. Bumaba ang labi nito sa kanya at hinalikan siya. Marubdob. Mainit. Nagsalo ang katawan nila sa ilalim ng shower. Bumubuhos sa kanila na parang gas na mas pinaglilingas pa ang apoy.

The end up having sex in the bathroom. Walang katapusan na pagnanasa. Walang katapusang pag-iisa ng katawan.

He was holding her hips like he really owned her. Like she was his property and she must obey his rules.

The thought made her body quivered with delight.

Hindi ba dapat mangamba siya na masyado itong clingy sa kanya? Bago pa lang siya sa ganto. This is her first relationship. Laro man o seryoso, first pa rin niya ito. She didn't know how to handle this. Na-overwhelm siya. Kaya nga ilang araw na silang magkasama ni Kiefer. Four days to be exact.

Ipinaalam niya kay Marsh na di siya makakauwi kaya di 'to nagtatanong. Basta kinukumusta siya nito. Nakiusap siya dito na huwag sabihin sa kanyang mama. Hindi rin naman kasi talaga siya sigurado sa kung ano meron sila ni Kiefer.

Like what she said. This is new to her. She didn't know how to handle relationships.

Nasanay siya na walang lalaki na kumokontrol sa buhay niya. And being with Kiefer now, nararamdaman niya na may isang lalaki na kokontrol na sa kanyang buhay ngayon. Dapat ba siyang matakot? Parang baha ang ipinaparamdam nito sa kanya. Nakakalunod. Kailangan niya mag-evacuate.

But at the same time, nakaka-flatter. Babaeng-babae siya pag kasama ito.

Nakakagulo ng isipan. Nakakagulo rin sa puso. Dahil sa huli, nanalo si Kiefer. Ito ang nasunod.


---to be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top