Chapter Twelve
NAG-USAP sila ni Kiefer na magkita bukas sa hotel. Inaya siya nito na mag-lunch at pumayag siya. This time hindi na siya iiwas. Haharapin na niya ito. Well, dahil may kailangan siya dito. Ibinigay nito sa kanya ang location kung saan sila magkikita.
Wala ng atrasan 'to, sabi ni Shamcey sa sarili. She would take her friend's advice.
Maaga siyang nagbyahe pabalik sa Manila. Pagkarating niya, naghanda agad siya sa pagkikita nila ni Kiefer. Dalawang oras yata ginugol niya sa pag-aayos at pagpili ng isusuot niya. Naging conscious siya sa kung ano ang magiging itsura niya. Hindi na niya dapat gawin 'yon. But it feels like she wanted to impress him.
Kung hindi lang talaga dahil sa kailangan niya ang tulong nito, hindi niya gagawin ito. But she need. Mahirap man aminin. Kailangan niya si Kiefer and if this is the only way, why not?
Minutes later, lulan na siya ng taxi papunta sa pagkikitaan nila ng lalaki. She could feel her heart beating fast. Muli niyang tiningnan ang sarili sa compact mirror. Her make up is on-point. Hindi siya dapat ma-consious sa sarili na makakaharap ulit niya ito.
Kikitain lang naman niya ito dahil gusto niya makabalik sa Helios. Hindi naman siya nag-effort magpaganda dahil gwapo ito at nahihiya siyang humarap dito na hindi presentable.
Talaga ba?
Umirap siya. Aaminin niyang gwapo naman talaga ito. Lahat ng babae tulad nito ang pantasya. But not her. Hindi siya mahuhulog sa lalaking tulad ni Brian Kiefer Montejo. Pangalan pa lang nito, parang nagbabadya na ng heartbreak sa daan-daang babae. So, yes. Hindi tulad ni Kiefer ang para sa kanya.
Kabababa pa lang niya sa taxi, walang tigil na sa pagtunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon nang makapasok na sa hotel.
"Nasaan ka na?" parang naiinip na tanong ni Kiefer.
"N-Nandito na ako sa lobby."
"Akala ko hindi mo na ako sisiputin. I'm coming." sabay pinagbabaan siya. Wow, ha? Tiningnan niya ang oras. Hindi pa naman siya late sa usapan nila. Maaga pa nga siya ng ten minutes. May pagka-pranella din pala ang lalaki. Praning. As if naman may choice pa siya na hindi ito siputin.
This time wala na talagang atrasan. Sariling desisyon na niya ang paglapit sa lalaki. Hindi siya nito pinilit. Para siyang gamo-gamo na lumapit sa apoy. 'Yon nga lang, di tulad ng gamo gamo, hindi siya masasaktan. Because she will not fall for him. She would just play with him, take advantage of the situation.
Buong gabing pinag-isipan niya ang desisyon na sigurado di niya pagsisisihan.
Interesado ito sa kanya? That's okay. And that's why she would use his interest for her gain. Kahit ano pa ang maging kapalit noon.
Napalingon si Shamcey nang maramdaman niya ang mainit na titig mula sa likod niya. And there he is. Para itong tahimik, kalmado ngunit mabangis na hayop sa kagubatan. His eyes were pinned on her as he sauntered toward her.
Nahigit niya ang hininga habang pinapanood ang paglapit nito. He could pass for a hollywood action star. Ang lakas ng dating nito. Napapalingon ang mga nakakasalubong nito babae man o lalaki. Pero tila wala itong ibang nakikita kundi siya lang. Nagbigay sa kanya ng nakakakiliting sensasyon ang ideyang nasa kanya lang ang atensyon nito at hindi ito napapatingin sa iba. Hindi pa siya nakakuha ng ganoong klaseng atensyon sa mga lalaki. Well, totoo, may mga nanliligaw sa kanya.
Ngunit sa paraan na titigan siya nito, ipinaparamdam talaga nito sa kanyang gusto siya nito. Hindi lang eme-eme. Pinigilan ni Shamcey ang panginginig ng tuhod. Hindi niya kayang tumagal na nakatayo kapag ganoon kaintense ito tumitig.
Tulad niya, mukhang naghanda rin ang lalaki. Di niya mapigilan na pasadahan ito. Long-sleeve shirt and dark slacks-- Yum.
Ano? Di naman masamang magbigay ng comment dito, di ba? Approved sa kanya ang dating nito. Though nakakabother lang na halos nakikita niya ang nakabakat na abs nito sa suot ng lalaki. Hindi niya alam kung masyado lang malinaw ang mata niya or what.
"Nice. Akala ko di mo na ako sisiputin," sabi nito habang pinapasadahan siya ng tingin. Base sa kislap ng mata nito, nagugustuhan rin nito ang nakikita.
"Maaari ba 'yon? Ako ang tumawag sa 'yo."
"So, you really want to negotiate with me." Bahagyang sumingkit ang mata nito nang dumapo ang mata sa malulusog na dibdib niya. Seryoso, pinilit niya itago ang cleavage. Ang problema lang talaga, malaki ang dibdib niya na kusang nakakaagaw na ng atensyon ng kaharap.
"Alam mo na ang pakay ko, Kiefer. Wag na tayo magpaligoy-ligoy."
"Parang pormal na pormal ka masyado," he chuckled.
Ang sarap lang angilan nito. Pero oo na, tama ito. Masyado siyang nagiging pormal. Parang may malaking negosyo ngang nakataya sa pag-uusapan nila.
"Dapat lang kasi alam ko na kung saan ang kapupuntahan ng magiging usapan natin."
"Kung alam mo na, dapat di ka na maging pormal."
"Tinatawag na nga kitang Kiefer, paano pa naging pormal 'yon? O gusto mo na may endearment agad? Babe? Honey? Ano?"
Naging pilyo ang ngiti nito habang pinapanood siyang maging defensive. Naiinis siya.
Paano nito nagagawang maging gwapo at nakakainis at the same time?
"Pwede rin naman. You can call me anything you want.. Basta hindi ka na babali sa magiging usapan natin. Tulad ng una mong ginawa." Yumuko ito sa kanya at sinalubong ang mata niya.
"Dahil pag ginawa mo ulit 'yon, hindi ko na palalagpasin 'yon, Shamcey. You're going to get what you deserve."
Nanuyo ang lalamunan siya sa pagbabanta sa boses nito. Dapat siyang kabahan sa sinabi nito. Pero parang gumatong lang iyon sa kakaibang kiliti na dumaan sa mga ugat niya. Nanginig ang kalamnan niya at may tila apoy na gumuhit sa puson niya.
"I'm warning you, Shamcey.. Wag mo na akong takasan sa pagkakataong ito. Ikaw na ang lumapit sa akin, hindi na ako."
"O-Oo na. N-naiintindihan ko. Di mo kailangan magbanta."
"Hindi na pagbabanta pag ginawa ko na." He smiled devilishly. "Let's go, let's have a lunch first. Bago pa ako magutom at ikaw ang makain ko."
You wish.
Ngunit ang mapanganib na banta nito, sa hindi niya malamang dahilan ay parang nagbibigay ng kakaiba at estrangherong pakiramdam sa kanya. Kulang na lang paypayan niya ang sarili.
"BAKIT hindi mo iniibo ang pagkain mo? Di mo ba gusto ang food?" tanong ni Kiefer sa kanya. Ganadong-ganado kumain ang lalaki at di niya maiwasang panoorin ito. Ghad, kung ganoon ito kaganado kumain napapaisip siya kung paanong ang ganda ng pangangatawan nito.
Pero di naman talaga iyon ang naiisip ni Shamcey.
"I'm eating. Hindi mo ba napapansin na ginagamit ko ang spoon ko?" nakataas ang kilay na sagot niya.
At paano siya makakakain ng ayos kung ganoon ito tumingin sa kanya? Bawat subo nito, ang lagkit ng sulyap nito na ginagawa nito sa kanya. It's bothering her. Di nakatulong na parang tumutugon ang katawan niya sa mga pasimpleng ginagawa nito.
God! Hindi siya dapat nakakaramdam ng ganoon. Ine-entertain na naman niya ba ang mga simpleng pang-aakit nito? Wag ka maging marupok, Shamcey.
"I'm done." sabi ni Shamcey pagkaraan ng ilang minuto.
"Ha? Tapos ka na? Di mo halos nagalaw ang pagkain mo."
"Busog na nga ako."
Napangisi ito at sumulyap sa dibdib niya. Inabot nito ang tissue at pinahid ang gilid ng labi habang malagkit ang titig doon. "Ako rin, eh."
"Bastos," bulong niya at inirapan ito. Lumawak ang ngisi ng binata.
"C'mon, I'm just appreciating the food."
"Mukhang hindi naman sa pagkain ka nakatingin." Ang manyak-manyak talaga nito! Hindi niya maimagine kung ano pa kaya ito noong teenager ito. Baka mas pilyo pa ito. Di na siya magtaka kung first year high school pa lang, malandi na ang bwisit.
"Isa lang naman ang pakay ko sa 'yo kung bakit ako nandito at kasama ka. Dahil kailangan kita."
Napatigil ito, pagkatapos ay kumislap ang kapilyuhan sa mata. "Di ko yata narinig 'yong huling sinabi mo."
Hay nako. "Uulitin ko 'yong sinabi ko. Kailangan kita."
Sinasadyang tumikhim ang binata at sumeryoso ang mukha. Parang gusto niyang batukan ito. May ganon pang epek, eh, malinaw na malinaw na natuwa ito sa narinig.
"Ano ba ang kailangan mo?"
She want to roll her eyes. "Akala ko napag-usapan na natin sa phone 'to."
"Marami akong iniisip. Nakalimutan ko na 'yong mga bagay na di naman masyadong importante sa akin.. So, please remind me."
Parang sinasabi nito na wala itong interes sa kanya. Doon niya gustong saktan ito. Mapagpanggap. Okay lang kung wala na itong interes sa kanya. Pero huli na masyado. At duda siya na ganoon nga ito lalo pa at kung tingnan siya nito parang gutom ito. He looked at her like he wanted to eat her.
She know he still want her. Nararamdaman niya ang init sa bawat sulyap nito. Init na bumubuhay ng apoy sa katawan niya. Ofcourse, di niya aaminin 'yon no!
"Gusto ko bumalik sa Helios."
"Why would you want to go back? Alam mo na nandoon ako." Nanunukso ang tingin nito. Inignora niya iyon. He want to tease her. Gusto yata siya nito makitang naiirita. Ang galing, gusto talaga nito siya nakikitang nabubwisit!
"Kaya nga ako lumalapit sa 'yo. Huhubadin ko na ang pride ko para sa 'yo--"
"Sa pagkakatanda ko, hindi lang 'yan ang hinubad mo para sa akin."
Muntikan na siya masamid ng sariling laway. Namumulang iniiwas niya ang mata. "Hindi ka pa ba grateful? It's a remembrance."
"Yeah.. A reminder that I was fooled.. I guess? I still have it though."
Nanlaki ang mata niya. Pilyong nagtaas-baba ang kilay nito. Hanggang ngayon ba itinatabi pa rin nito iyon? Seryoso ba ito? Hindi niya maitanong. Wala siyang lakas itanong 'yon. Paano pag sinabi nitong oo? Jusko, baka malaglag siya sa kinauupuan. Hindi niya maimagine!
"Yeah, I still keep it."
Nanginig ang kamay niya. Oh, my God. Nababaliw na yata ito. Sinong lalaki ang magtatabi noon.. Malinis naman siya sa katawan.. Wala siyang problema sa amoy niya kahit sa kasingit-singitan dahil sigurado siyang maalaga siya sa sarili.
Pero ang malaman na nasa possession pa rin nito ang panty niya? She couldn't imagine.
"Nawalan ka ng imik." puno ng aliw ang mga mata nito.
She glared at him. Hindi siya dapat magpagulat. Dapat masanay na siya sa mga panggulat nito sa kanya.
"As I was saying.. Gusto ko bumalik sa Helios. I need a job. Since tinanggal mo ako which is so unfair in my part. Di mo man lang ikinonsidera na--"
"Nagrereklamo ka ba, Miss Escudero?"
Napakunot-noo siya. Gusto ba nito na maging pormal sila o mag-first name basis? Okay.
"Hindi, Mr. Montejo. Hindi ako nagrereklamo. Ang sinasabi ko lang.. Baka pwede naman na bumalik pa ako."
"Bakit hindi ka mag-apply ulit kung gusto mo bumalik? You know, you don't need to do this.. Sa Palazzo ka naman talaga natanggap. Inilipat lang sa Helios."
"Pwede ba 'yon eh tinanggal mo nga ako? At kahit matanggap ulit ako, makakahanap ka ng paraan para tanggalin mo ulit ako. Nagsayang lang ako ng effort. Magmukha pa akong desperada."
"Ngayon ba hindi?"
Nakagat niya ang ibabang-labi at bahagyang napayuko. "Ngayon, desperada ako. Dahil hindi ko naman ibababa ang sarili ko kung hindi ko 'to kailangan. Kaya lumalapit ako sa 'yo ngayon para bigyan ka ng magandang proposal."
Nanliit ang mata ni Kiefer. "Proposal?"
Kinakabahan na lumunok siya. Isang buong gabi na pinag-isipan niya ang proposal na ito. Kwinestyon niya ang sarili. Pero pinagana niya ang utak kesa sa puso niya. Walang mangyayari kung hindi niya susubukan.
"One night. You can have me... Do everything you want with me. Kapalit non, makakabalik na ako sa Helios. You will give me a job. A better and secured position."
"Only one night?"
"B-bakit, hindi pa ba sapat 'yon?"
Tumaas ang sulok ng labi nito. "You think papayag ako ng isang gabi lang?" he smirked.
"A-Ano ba ang gusto mo?" Hinawakan nito ang baba at tila pinag-aralan ang mukha niya. Kinabahan na hinintay niya ito magsalita. Hindi niya alam kung ano ang laman ng isip nito..
"Gusto mo ba mga isang linggo? Isang buwan?" dugtong niya, pagkatapos ay may ideyang sumulpot sa isip niya. Sa interes na pinapakita nito sa kanya, parang may ideya na siya.
Oh, God.
"I'm not going to be your sex toy." Napahawak siya sa leeg niya. She could imagine being tied on his bed. Bad girl!
"Ofcourse, not. I want a relationship, Miss Escudero."
Nabingi siya. "W-What?"
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top