Chapter Thirty Three


 NAKITA ni Shamcey si Romeo na nawala ang mukha at seryosong tumango bago nagtungo sa HR Department. Taga-HR ang nagpatawag dito kaya malamang may kinalaman iyon kay Kiefer.

Hindi pa man nangyayari, may hinala na siya sa pwedeng gawin ng lalaki. Tumayo siya sa kinauupuan at pasimpleng sumunod.

"Scared for your boy toy's career?"

Napalundag siya ng bigla na lang may magsalita sa likuran niya.

"K-Kiefer." Paglingon niya ay ang nakangising mukha nito ang bumungad sa kanya. Agad niyang kinompronta ito. "Anong ginawa mo? Pati ba naman si Romeo?"

"Bakit ano ba'ng ginawa ko?"

"Tatanggalin mo siya, alam ko 'yon ang balak mo."

"Hmm. Accusing without enough evidence. Paano mo naman nasasabi?"

"Ah, accusing without evidence ba? Hindi ba ikaw 'yon? Naghihinala agad. Mapang-akusa agad. Bakit inililipat mo sa akin mga gawain mo?"

Nagulat na lang siya ng maramdaman niyang may humila sa kanya.

"Ano ba, Kiefer! May makakita sa atin!"

"Mas maganda nga 'yon. Iisipin nila na may relasyon tayo."

"Wala na tayong relasyon. To be honest, there was never an us!"

"I would give you a punishment fuck in your ass the next time you deny me."

Naitikom niya bigla ang bibig niya sa sinabi nito. Binalaan ba siya nito na aanuhin siya nito sa ano niya? Namula ang pisngi niya sa imaheng lumabas sa isip niya. Parang automatic na may google sa utak niya at natype agad doon ang anal sex kaya kusang lumabas ang mga image results. Naeskandalo siya deep inside. Manyakis talaga!

Hinila siya nito hanggang sa madala siya nito sa quarters nila. Walang ibang tao doon kundi sila lang. Mabilis na inilock nito ang pinto.

"Kiefer, a-ano 'to?" Her breath become heavy. Parang lumiit ang silid na 'yon nang tumingin ito sa kanya.

Lumapit ang binata sa kanya at isinandal siya nito sa pader kung saan siya nito dinala.

"K-Kiefer.." nanginginig na sambit niya sa pangalan nito. "Ano ba.. Baka may makahuli sa atin dito."

"Mas maganda 'yon. Para maipakilala kita sa kanila na akin ka."

"Anong sa 'yo? Nakipaghiwalay na ako sa 'yo! Di ka ba nakaka-intindi--"

"Tsk, tsk." Ngumisi ito, at agad niyang narealize ang nasabi. "Do you really want a punishment, baby?"

Napaigtad siya ng dumako ang palad nito sa pang-upo niya at pisilin. "Do you want me behind your back? You won't be able to walk after that, babe.. But I like that. Mananatili ka lang sa akin.."

"Baliw ka! Akala mo papayag ako?"

"Makakatanggi ka pa ba?"

Inis na itinulak niya ang binata. Masyado itong malaki at matigas kaya hindi niya ito maitulak. Mas malakas ito sa kanya. Tumawa ito ng di niya maitulak ito.

"Di mo ako kaya, babe."

"Lilinawin ko sa 'yo di mo na ako babe."

Napangiwi siya ng marealize niya ang sinabi. Tangina, Shamcey? Gusto mo rin talaga no?

"Pangalawa na 'yon.." sabi nito, at hinagip ang batok niya at itinaas ang kanyang mukha sa mukha nito. His hot breath touched her lips as she felt the shiver run through her veins. She forced herself not to look at his angry eyes, but she couldn't.

"Talaga bang ipinagpapalit mo na ako sa lalaking 'yon?"

"A-Ano bang sinasabi mo, Kiefer?" pagmamaang-maangan niya. Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. His mouth molded against her lips in a domineering kiss. Hindi siya nakaiwas, nakatutol sa pag-angkin nito sa kanya.

Mainit, marubdob at mapagparusa ang paghalik nito sa kanya. Mariin ang hawak nito sa kanyang batok dahilan upang hindi niya magawang iwasan ang mapusok na labi ng lalaki. His tongue didn't ask for entrance as it invaded her mouth and made love to her tongue.

There was no choice but to let him invade her mouth. Wala siyang magawa kundi ang magpaubaya at tanggapin ang mainit at mapang-ahas na paraan nito ng paghalik nito. Kinagat nito ang ibabang labi niya at napaungol si Shamcey.

Damn.

She couldn't help but admire his powerful, hot kisses. Saglit na nakalimutan niya ang mundo. Ang pangamba na may makakita sa kanila ni Kiefer, na may ibang pumasok doon at may makahuli sa kanila sa akto ng pagpapalitan ng halik.

Nasabik na tinugon niya iyon. Mabilis na nakalimot sa sitwasyon nila. Gahd, he's such a temptation! Mahina lang siya sa ganoon.

Parang tumigil ang mundo. Ang buong atensyon lang niya ay nasa binata at sa masarap na pagpaparusa ng labi nito. He groaned in her mouth as their tongues made love in a old-aged dance.

Mga ilang saglit pa ay ito na mismo ang tumapos ng halik na iyon. Iminulat niya ang mga mata at nakikita pa rin niya ang galit sa mga mata ng lalaki. Anong problema nito? Nakahalik na lahat lahat, galit pa rin.

Binitawan siya nito. "Wag kang magmaang-maangan.. Nakita ko kayo. Siya ba ang dahilan kaya ayaw mo na?"

Mahigpit na hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. Napakurap si Shamcey sa paraan ng paghawak nito.

"Wala naman siyang kinalaman sa atin. Ikaw ang problema!" Inis na itinulak niya ang lalaki. "Kung makapang-akusa ka na naman d'yan. Ipaalala ko nga lang sa 'yo. Hindi mo ako pag-aari. Hindi mo ako binili kaya wag ka umastang ganyan."

"Hindi binili? Bakit, magkano ka ba?"

Umigkas ang palad niya sa mukha nito. Bumakas ang pamumula sa mukha nito. Napalunok siya. Hindi niya sinasadya iyon. Nadala lang siya sa galit dahil sa sinabit nito.

"H-hindi ako nabibili, Kiefer."

Tiim-bagang na tinitigan siya nito. Namumula ang mata sa galit. Mas lalong naging mapanganib ang dating.

"Kung ganyan lagi ang iisipin mo sa akin, hinding-hindi talaga tayo magkakasundo. Hindi ako for-sale."

Mayabang na ngumisi si Kiefer. "Kaya pala pumayag kang magpatira sa akin, para lang sa trabaho mo dito."

Kumirot ang dibdib niya sa bigat ng sinabi nito. Napakurap siya. "Wala akong ibang choice. Kailangan ko ng trabaho."

"Kung gusto mo magtagal dito, bakit ka makikipaghiwalay pa sa akin? You need me, Shamcey.. Hindi mo kailangan ang lalaking 'yon na nanganganib rin mawala.."

Napasinghap siya. Talaga nga na balak nitong tanggalin si Romeo!

"Wag kang mandamay ng ibang tao! Ako na lang kung gusto mo. Wag siya."

"Well, bakit hindi siya? Mukhang masaya ka naman sa kanya. Tingnan natin kung makita mo pa siya dito sa susunod na araw.."

"Ang sama mo talaga ano? Masakit ka na nga magsalita, namemersonal ka pa ng iba. Tingin mo sinong babae ang makakatagal sa 'yo n'yan?"

"Don't you dare."

Tumaas ang kilay niya. "Bakit hindi? I-expect mo ako magsalita ng maganda, pagkatapos ng mga sinabi mo? Totoo naman, di ba? You're a cruel, selfish bastard. Sarili mo lang iniisip mo. Hindi mo iniisip ang mararamdaman ng iba basta makapagsalita ka lang. Mayabang ka, arogante ka. Tingin mo sa 'yo iikot ang mundo? Tingin mo pag-aari mo lahat ng mahawakan mo? Tingin mo mabibili mo ang lahat ng tao? Well, bad news for you. Hindi lahat ng bagay mabibili ng pera mo, Kiefer."

Marahas na humigit ito ng hangin at tiningnan siya ng masama.

"Kung pamimilian mo ako ngayon, sinong pipiliin ko? Si Romeo. Mas masaya siyang kasama kesa sa 'yo."

Umigting ang panga nito. Kita niya ang matinding selos sa mga mata.

"Are you sure?"

"Oo, bakit kita pipiliin?" Nanunuyang nginitian niya ito.

Naningkit ang mata nito. Pagkatapos ay tumango. "Okay. Then, I'll destroy him."

Parang tinakasan ng kulay ang mukha niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo ang ibig kong sabihin, Shamcey. Sa 'yo na rin nanggaling. I'm a cruel bastard. I'm a monster. Papanindigan ko. I'll let you see the real me."

Tinalikuran siya nito.


---to be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top