Chapter Thirty Six
"WE need to talk."
Pareho na silang nahimasmasan ni Kiefer. Humupa na ang init nila at ngayon nakakapag-isip na ulit siya ng matino. Napagtanto ni Shamcey kung gaano siya karupok kapag nasa paligid lang ang lalaki. Kung paano siya madaling bumigay sa pang-aakit nito.
Hindi niya alam kung isang magandang bagay 'yon or hindi. Pero hindi niya sinasabi na pinagsamantalahan siya nito, at mas lalong hindi niya sasabihin na nagsisisi siya. Ginusto niya ito. Wala siyang dapat ipagsisi sa desisyon niya.
Pero isip niya kung may mareresolba ba ang mainit na sex. Meron bang magbabago? Sa kanya, may nagbago. Dahil hindi lang niya narealize na marupok siya. Narealize niya ang isang mahalagang bagay.
Tumingin siya sa lalaki. Nakapikit pa rin ito at habol-habol ang hininga. Basa ng pawis ang gwapong mukha at ang makisig na katawan. Nakababa ang pantalon na parang pinagsamantalahan niya ito.
Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng ngiti. Pero di rin niya napigilan ang pag-alpas ng maliit na tawa.
Nagmulat ito at seryoso siyang tinitigan.
"Ano ang itinatawa mo?" tanong nito, inilapit ang mukha sa kanya.
Itinikom niya ang ibabang-labi at umiling. "Wala. M-Magbibihis na ako."
"Magbibihis ka? Wala ka namang damit in the first place."
"Atleast, matatakpan 'yong dapat matakpan." Kinuha niya ang two piece at mabilis na isinuot. Nag-init ang mukha niya sa panonood sa kanya ni Kiefer. Bawat galaw nito, nakasunod ang mata nito. Parang CCTV ang gago.
"Ayaw na kitang makita na magsusuot ng ganyan dito sa Helios. Bibigyan ko sila ng note na huwag kang i-assign sa pool parties."
"Parte ng trabaho ko na magsuot ng sexy attire. Halos lahat ng susuutin namin magpapakita ng balat. Baka nakalimutan mo?"
Hindi ito nakapagsalita. Tumiim-bagang lang habang nakatingin sa mukha niya. Tutal chance na rin nila mag-usap. Sasamantalahin na niya.
"To be honest, ayaw ko sa mga lalaking masyadong seloso. Ayaw ko sa taong sasakalin ka sa relasyon, pipigilan ka sa kung anong gusto mo. Ayaw ko rin sa lalaking walang tiwala sa partner niya. Gusto ko 'yong may tiwala sa akin at hindi ako basta basta huhusgahan ng walang basehan."
"I want a more mature man. Kung makikipagrelasyon ako, ayaw ko dun sa immature at childish at masyadong possessive."
"Do you want an old man for a boyfriend? Ganoon ba ang ideal mo?"
"Maka-old man ka naman. Hindi ka naman old."
"Eh kung ganon, bakit sinasa---" Nag-pause ito, nag-process sa isip ang sinabi niya. Napaupo ito ng ayos. "Are you saying I'm your ideal boyfriend?"
"Wala akong sinabi." Nag-iwas siya ng tingin. Inabot nito ang mukha niya at ipinaharap para hulihin ang mata niya.
"Tell me, ideal boyfriend mo ba ako?"
"'Yong totoo ba?"
Tumango ito.
"No."
Lumarawan ang pagkadismaya sa mukha ni Kiefer.
"Because you're too possessive. Nakakasakal 'yong ganoon. Hindi ko gusto ng boyfriend na paghihinalaan ako kapag may ibang kasama. Hindi ko gusto ng masyadong seloso at hawak na ako sa leeg. Mapapalagpas ko pa 'yong minsan na masakit ka magsalita, dahil kaya ko rin naman gawin 'yon sa 'yo. But not the possessive part."
Natahimik si Kiefer pagkatapos. Nanghihinang napabitaw sa kanya. "So, hindi mo talaga ako gusto ano? 'Yong tulad ba ni Vega ang gusto mo?"
He was talking about Romeo.
"Hindi rin."
"Kung hindi rin tulad niya, sino pa?"
Nilakasan niya ang loob at tumingin dito. "Ikaw pa rin."
Nakita niyang natigilan si Kiefer. Bumakas ang gulat sa mukha nito. Hindi inaasahan ang sinabi niya. Namumulang binawi niya ang tingin. Di niya alam kung ano ang sumapi sa kanya para masabi na lang niya 'yon.
"Ano ulit ang sinabi mo?"
"Di ko na uulitin 'yon." Akmang tatayo si Shamcey nang hilahin siya ni Kiefer. Napaupo siya sa kandungan nito.
"Ano ulit 'yong sinabi mo? I want to hear it from you again." malambing na bulong nito sa tenga niya. Masuyong hinaplos nito ang braso niya.
"I-Ikaw ang gusto ko.." nauutal na sambit niya, kita niya ang matagumpay na ngiti nito. Naiinis niyang pinalo ito. "Ano iningingisi mo d'yan? Hindi ibig sabihin na gusto kita, akala mo meron na ulit na tayo."
"Let's see." Malawak ang ngising sabi nito. Nangingislap ang mata nito. "Mag-ayos muna tayo. Hihintayin kita sa parking."
"Uuwi na ako." sabi niya at tinakpan ang sarili.
"No, you're not. Hindi pa tayo tapos mag-usap."
"Pero--"
"Walang pero pero. Magbihis ka lang ng madali. Hihintayin kita."
Mariing nakagat niya ang ibabang-labi. Inisip niya kung ba tama ba na umamin siya sa lalaki or hindi. Pero hindi niya napigilan. Ngayon lang niya napagtanto na gusto na niya talaga si Kiefer. Hindi lang gusto. Mas higit pa doon. But she's not going to tell him that. Hindi muna ngayon..
"SIGURADO ka ba na walang nakakita sa 'yo paglabas mo kanina sa stock room?" tanong niya kay Kiefer. Nasa kotse na sila nito ngayon at nagda-drive.
"Wala. At kung meron, aaminin ko agad sa kanila kung ano tayo." Nakakalokong sinulyapan siya ni Kiefer.
Inirapan niya ito. Kinuha nito ang kamay niya at hinawakan. "Papaalalahanan lang kita. I didn't force you to come with me. Sinabi ko lang hihintayin kita sa parking.. Hindi naman ako umaasa na pupuntahan mo nga ako."
"Ay, so ang dating sabik din akong sumama sa 'yo ganoon?"
Tumawa ito. "Sabik. Masyadong mahalay 'yong term."
"Wow! Sa 'yo talaga nanggaling? Sa pagkakaalam ko, walang kahalayan sa term na 'yon. Noong ikaw talaga ang nag-apply, merong ibang kahulugan na."
Pinisil nito ang kamay niya. "Basta hindi na kita pinilit this time."
She rolled her eyes. "Sige, kalimutan na lang natin na hinili mo ako papasok sa stock room at--"
"At pumayag ka na may mangyari. Don't deny me now, Shamcey. You want me as much as I want you. Tigilan na natin ang pagpapatintero. Let's be serious, okay?"
Tumango siya. Pagod na rin siya makipaghabulan. Paikot-ikot lang sila kung di pa nila pag-uusapan ng seryoso ang tungkol sa relasyon nila. Obviously, pareho sila ng nararamdaman nito.. There's no reason pa para magpakiramdaman sila.
Now is the time para ayusin nila 'yon.
Dumaan muna sila sa resto para kumain. Habang hinihintay nila ang order nila, hindi maiwasan ni Shamcey magtanong. "I'm just wondering, Kiefer, bakit sa dinami dami ng babae.. Bakit ako?"
"Why not? Napapangitan ka ba sa sarili mo?"
"Please. Alam ko maganda ako." Umirap siya dito at ngumiti.
He let out a chuckle. Inabot nito ang pisngi niya at pinisil.
"Nagtatanong ako ng seryoso sa 'yo. Why me?"
"Hindi na ba 'yan makapaghintay para mamaya? Do you really want to know?"
"Oo nga."
Nag-isip ito ng ilang sandali bago sumagot. "At first, I can only see you as an excitement. Bago para sa akin na may babaeng tumatanggi sa akin. Hindi ako sanay sa ganon. Ikaw, harap-harapan mo tanggihan ang tulad ko."
"Ah, the rejection."
"Correct."
"So, tingin mo talaga biyaya ka ng Diyos sa kababaihan na di dapat tanggihan kaya nasaktan ko ang ego mo? Ganoon?"
Muli, tumawa ito. "Aaminin ko na parang ganoon na nga. Kaya nachallenge ako. Gusto ko na maging akin ka.."
"Challenge lang pala," nakaismid na sabi niya.
"Noong una ganoon lang. Pero aaminin ko, you're more than a challenge now. Kahit naman noon, you're also more than just a beauty. Naramdaman kong kakaiba ka sa ibang babae na nakilala ko." Ngumiti ito at nagpatuloy.
"Hindi ka nadadala ng mga materyal na bagay lang. You always think about your mother. Hindi mo ginagawa ang mga sakripisyo na ginawa mo para lang sa sarili mo, para din iyon sa magulang mo. And I like that about you. You love your mother too much na handa kang gawin lahat para makuha mo ang trabaho mo. Handa kang isakripisyo ang sarili mo para sa iba.. You're willing to work hard to earn. Ayaw mo na may ibang magsusustento sa 'yo. Mas gusto mo ang maghirap kesa manggaling sa iba ang pera mo."
"And you're a selfless woman. Ayaw mong may madamay na iba dahil sa 'yo. Gugustuhin mong ikaw ang mahirapan, kesa ang ibang tao pa."
Napalunok si Shamcey sa mga sinabi ng binata. Paano nito nalaman ang mga 'yon? Lihim ba siya nitong inoobserbahan? All this time akala niya ang alam lang nito ay ang ikama siya at gawing pag-aari nito.
Di niya alam na kinikilala na siya nito. Umapaw ang emosyon sa dibdib niya. Nagtubig ang mata niya. Pinanlabanan niya ang sarili huwag lang maiyak.
"Paano mo naman nalaman 'yan? Nag-hire ka ba ng private investigator?"
"Hindi kailangan ng eksperto para malaman 'yon. That's my own observation, Shamcey. Akala mo lang hindi ko nakikita, pero nakikita ko ang lahat.. And that makes me want you more." Nagbaba ito ng tingin. "But I was an ass."
"True."
Mapait na ngumiti ang lalaki. "Sumobra ako sa mga nasabi ko sa 'yo. Narealize ko na masyado akong mayabang, arogante at lahat ng sinabi mo tungkol sa akin. Tama ka sa lahat ng 'yon, at nahihiya na akong magpakita sa 'yo. Because the old me is starting to show again. The worst version of me. Inisip kong mas okay kung nakadistansya na lang ako sa 'yo."
Kaya pala hindi niya na nga ito nakikita sa Helios mula noong huli silang magkainitan.
"Pero lilinisin ko ang sarili ko. Wala akong ibang pinopormahan na babae. Hindi ko kilala 'yong babae na kumakausap at lumalapit sa akin. She's just being nice to me, and I want a distraction. Kaya kinakausap ko rin kahit di ko natatandaan ang pangalan niya."
"Si Kris 'yon."
Di ito umimik, at di nakaligtas sa mata niya na may dumaan na ibang emosyon sa mukha nito. Mabilis lang 'yon at inignora na lang niya.
"Okay na 'yon. Pinapatawad na kita sa mga sinabi mo sa akin. Pero sa susunod na uulitin mo 'yon, hindi na talaga kita kakausapin."
"I'm really sorry about that. Hindi ko na uulitin. I promise to be better this time."
Tumango siya. But deep inside her, ang dami niya pa ring tanong. Bakit ito nagkaganoon? Si Kiefer napansin niya ang anger issues at trust issues nito.
Lahat ng tao may kanya kanyang dahilan kung bakit nagkakaroon ng kakaibang ugali. Minsan dala ng environment. Kadalasan, dala ng trauma at dating naranasan..
Hindi kaya nagkaroon ito ng trust issues dahil sa isang bahagi ng nakaraan nito? Naloko na ba ito ng ibang babae noon? Naging palaisipan sa kanya ang bagay na 'yon.
---to be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top