Chapter Thirty One

 HE FUCKED up so badly. Alam ni Kiefer 'yon. Kaya puno ng tensyon ang balikat niya habang nakatitig sa mga bulaklak na dala niya. Magugustuhan ba ng dalaga niya iyon? Hindi siya sigurado kung mahilig ito sa roses. Dapat yata may chocolates pa.

Fuck, di nga niya sigurado kung tatanggapin ba nito ang mga 'yon o baka ihampas lang sa mukha niya.

It was his fault. Kung naging mas resonable man lang sana siya, o kalmado, baka hindi ito nagalit sa kanya. Nagpadala agad siya sa emosyon niya. Naghinala ng wala sa tama. He wasn't thinking clearly that time.

He was an ass.

Mahinang nagmura siya at matapos ang ilang pagmumura sa sarili dahil sa katarantaduhan niya, lumabas na siya ng kotse dala ang isang boquet ng roses. Tumingala siya sa apartment ng dalaga. Alam niya nandoon na ito ngayon. Alas nueve na ng gabi kaya kanina pa itong nakauwi.

Kumatok siya sa pinto. Mga ilang sandali pa ay nagbukas na 'yon. Pero hindi si Shamcey ang bumungad kundi ang kaibigan nitong lalaki.. Obviously, hindi 'yong tipo ng lalaki na inaasahan niyang magiging karibal niya.

Muli siyang nakaramdam ng pagkapahiya. Tangina niya rin.

"Hi." bati niya dito at ngumiti. "I'm looking for Shamcey.. Nandito ba siya?" tanong niya.

Umiling ito, nakataas ang kilay sa kanya.

"Wala siya."

"Si Shamcey?"

"Umalis. With friends."

He quickly scan the room. Nararamdaman niya ang pagsisinungaling ng kaibigan nito. He could practically smell her scent around the area.

"Anong oras kaya dadating? I'm her boss actually."

"Alam ko. Pero wala daw si Shamcey di---I mean, umalis siya."

He control the urge to smile. Baka mas lalo niyang hindi makita ang dalaga.

"Pwede naman ako maghintay."

Napaawang ang bibig ng kausap at nagpanic. Hindi alam kung ano ang isasagot.

"Gusto ko lang siya makausap." Araw araw siya bumibisita sa Helios. Lagi niya rin ito nakikita. Isang linggo na puro panakaw tingin lang siya dito. Hindi niya ito malapitan sa pangamba na umalis ito doon. Galit ito sa kanya. Hindi man lang nito salubungin ang tingin niya tuwing tinititigan niya ito.

"Hindi ka niya pinapansin.. What makes you think gusto ka rin niya makausap?"

"Because we need to talk."

Hindi to sumagot. Napansin niya ang pagtatype nito sa phone. Nakita niya ang pangalan ng dalaga sa screen.

"Bakit nyo ba kailangan mag-usap?" tanong pa nito.

Napabuntong-hininga si Kiefer. "Basta kailangan natin mag-usap. Hindi ba pwedeng mag-usap na lang kami kahit sandali lang? I just need to talk to her. Please, I'm begging you."

Tinitigan niya ng matagal ang kaharap. "Please?"

"Ano ba 'yan, kuya. Wag kang tumitig ng ganyan. Mahina ako d'yan."

Napangiti siya. "Ibibigay ko lang din 'to sa kanya, then aalis na ako. Just let me talk to her."

Nahihirapan na bumuga ito ng hininga. Pagkatapos ay lumingon. "Mamsh, lumabas ka na nga d'yan. Tama na pag-iinarte."

Nakarinig sila ng sunod sunod na dabog. Di nagtagal ay lumabas na ang dalaga mula sa kwarto nito. His heart jumped at the sight of her. Masama ang tingin nito sa kanya, pagkatapos ay lumipat sa kaibigan nito.

"Di ka rin nakatiis, eh no? Nilaglag mo rin ako, bakla ka!"

Inignora ng binabae si Shamcey at kinuha ang boquet sa kanya. "Akin na lang 'to pogi ha? Itatapon lang naman niya 'yan."

"S-Sure." Hinayaan na lang niya. Mas lalong sumimangot si Shamcey.

"Traydor kang kaibigan, alam mo 'yan?"

"Arte nito, iniyakan mo din naman. Tse! Mag-usap na kayo d'yan!"

Iniwanan na sila nito. Nakaramdam siya ng sabik na makita ulit ang babae ng ganito kalapit. Kahit araw araw pa niya masilayan ito, walang nagbabago sa epekto nito sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray na sabi nito, iritable ang mukha.

"Hindi mo ba narinig 'yong mga sinabi ko?" balik tanong niya dito.

Namula ang mukha nito at lalo pa siyang sinamaan ng tingin. Kung patalim lang 'yon, napatay na siya. But this is Shamcey. Normal lang ba na masiyahan pa siya na nagkakareaksyon ito ng ganoon? Tangina kinikilig pa yata siya.

Damn, he's not a boy anymore. He's acting like a fucking horny kid, damn it.

"Wala na tayong dapat pag-usapan Kiefer. Tapos na tayo. Finish na."

"Wait, ganoon na lang ba 'yon? Di mo man lang ako bibigyan ng isang pagkakataon?" pagsusumamo niya sa dalaga. Matigas na tiningnan siya nito.

"Okay, I messed up. Hindi ko dapat sinabi 'yong mga nasabi ko sa 'yo noon. I'm sorry, okay? I am so sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko. Nambitang ako. Naghinala agad. At pinagsisisihan ko ang mga nasabi ko."

Malamlam na tinitigan niya ito at inabot ang balikat ng dalaga.

"I'm sorry, babe.. Hindi na mauuulit 'yon."

She stared at him. Nakita niya ang pagtatalo sa mga mata nito kung papaniwalaan siya o hindi. Kung patatawarin ba siya o kakalimutan na talaga siya.

Say yes, please.

Ngayon lang siya ulit manunuyo ng ganoon sa isang babae. He really like her. Ayaw niya itong pakawalan.

"Fine."

"Pinapatawad mo na ako?"

"Ano pa nga ba magagawa ko? Nandito ka na."

Napangiti siya. Umasa talaga siya na babalik ito sa kanya. At hindi siya nabigo.

"Salamat, babe."

Yayakapin sana niya ang dalaga. Pero agad na lumayo ito sa kanya.

"Napatawad lang. Pero di ko binabawi 'yong desisyon ko, Kiefer. Break na tayo. Tapos na kung anong meron sa atin. Sorry din. I'm not for relationships so, hindi ko alam kung gugustuhin ko pa rin ba ito."

 Parang pinasabugan siya nito ng bomba sa harapan.



"HINDI ba awkward na doon ka pa rin nagtatrabaho pagkatapos mo siyang i-reject?"

Lumingon si Shamcey sa kaibigan niya. Katatapos lang niya magbihis. Naglalagay lang siya ng make-up sa mukha at aalis na siya.

"Awkward. Pero pinipilit ko na lang deadmahin."

"Wow, Anne Curtis. Learn the art of deadma."

She rolled her eyes. Kagabi pa siya nito inaasar tungkol kay Kiefer. Nakikinig pala ang bakla sa usapan nila kagabi ni Kiefer. Narinig nito ang pagtanggi niya sa lalaki. Ang tanga tanga daw niya, palay na ang lumalapit. Wala siyang pakialam. Hanggang ngayon masakit pa rin ang mga sinabi ni Kiefer sa kanya.

Hindi niya alam kung anong dahilan nito para umakto ng ganoon. May sakit pa man din siya. Kaya naging madamdamin siya lalo.

"Ang effort niya ha. Binigyan ka ng roses. Akala yata madadala ka sa pabulaklak."

"Dapat niya malaman na hindi ako marupok sa mga ganyan."

"Oo, dapat nga di bulaklak. 'Yong hotdog na lang niya sana inihain nya ewan ko kung di ka manghina bigla."

"Ang bastos mo."

"Uy, namumula siya. Na-imagine mo agad ano?"

"Ewan ko sa 'yo!"

Aaminin naman niya na nandoon pa rin ang atraksyon niya sa lalaki. Hindi yata nawala 'yon kahit na nasaktan siya sa mga sinabi nito. Pagbintangan ba siya na nanlalalaki? Kahit sinong babae magagalit. Sa kaso niya, nakipagbreak agad siya.

Akala ba nito masusuyo agad siya nito? No way. Kahit ganoon lang siya, may pride siya. Di niya iyon ibababa kung paano niya ibinaba ang panty niya dito noong unang beses!

"Eh, akala ko ba mahal mo? Bakit kailangan mo makipag-break agad? Di ba pwedeng ayaw mo lang muna siya makita?" tanong pa ni Marsh.

 Araw-araw na lang yata nilang topic si Kiefer. Tuwing umaga bukambibig nito sa kanya ang lalaki na para bang hinayang na hinayang ito sa kanila.

Wala pa nga silang one month nito!

"Ganoon na rin 'yon. Ayaw ko siyang makita, ayaw ko na sa relasyon na masasaktan lang ako."

Lalo pa't iniyakan din naman niya 'yong mga sinabi nito sa kanya. He was an asshole. Kulang pa nga ang term na 'yon dito.

Tama lang Hindi na nakipag-break siya sa lalaki. Hindi siya papasok sa isang relasyon na walang tiwala sa kanya ang lalaki. Trust is a very important part of a relationship, at hindi okay sa kanya na pinaghihinalaan ng partner niya.

That is not okay.

"Ganun naman talaga sa relasyon, mamsh. Hindi laging masaya. May part na masasaktan ka talaga. Normal lang 'yon. Ang mahalaga nandoon pa rin ang pagmamahal."

Napaismid siya. "Coming from you  talaga no?"

Humagikhik ito. Parang ang daming experience sa love ng kaibigan niya. Eh, puro lang naman booking ng mga bagets ang bakla.

"Hindi ko na siya mahal. Binabawi ko na 'yon." Pagbibigay diin nya.

"Asus, tingnan lang natin. Pupusta ako di mo rin matitiis, lalo na at lagi din kayo magkikita n'yan."

She rolled her eyes.

---to be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top