Chapter Thirty
CALL ENDED.
"Ay, tanga." nanghihinang nasapo niya ang noo. Napatay niya ang tawag ni Kiefer. Pumikit siya ng ilang sandali at tumingin sa cellphone niya. Ilan na pala ang missed calls ng lalaki. May text pa ito na nagsasabing pupunta ito sa Helios para makita siya.
Napangiti siya, pero agad ding nawala ang ngiti na 'yon. Ang malas lang naman niya. Nagkasakit siya kahapon. Kinagabihan nag-aapoy na siya sa lagnat. Inasikaso siya ni Marsh kagabi. Sobrang sama ng lasa niya. Mabuti na lang may kasama siya doon kaya hindi siya nahirapan. Tiniis na lang niya ang mga okray ng bakla. Nagkasakit daw siya dahil sa pagpapakangkang niya. Baka daw nag-performance level siya. Kung alam lang nito hindi na niya kailangan gawin 'yon.
Ayaw sana siya iwan ni Marsh dahil nga may sakit siya. Nag-insist lang siya na magiging okay din siya ngayon. Nakainom na siya ng mga gamot niya at kumakain ng ayos.
Nagsisimula na rin siyang magpawis. Mamaya lang huhupa na 'yon. She decided to sleep again. Mamaya na lang niya kakausapin si Kiefer.
Hindi pa yata siya nakakatulog nang marinig niya ang malalakas na kalabog sa pinto. Napabangon si Shamcey kahit masama ang pakiramdam.
Ano 'yon? Muli, kumalabog 'yon. Nakaramdam ang dalaga ng takot. Mag-isa lang siya doon. Kung masamang tao 'yon, delikado siya. Dapat yata hindi nga niya pinapasok si Marsh sa work nito at nagpasama na lang siya.
Hindi siya lumabas ng silid niya. Isinara niya ang pinto. Kung makakapasok ito sa loob, hindi nito mapapasok ang kwarto niya. Ini-lock niya iyon.
Narinig niya ang boses mula sa labas. Napaatras siya. Sino ba ang lintik na nagliligalig na 'yon? Dami pa rin bang adik-adik sa lugar na 'yon?
Para yatang tumakas ang lagnat sa katawan niya. Naunang gumora. Ayaw madamay sa kapahamakan na mararanasan niya. Sumakit naman ang ulo niya.
"Open the goddamn door, Shamcey!"
Aba't nag-aadik nga yata. Inglesero ang manloloob sa kanya.
Kinuha niya ang cellphone. Tatawag na siya ng pulis. O kaya si Marsh. Mukha namang bouncer ang kaibigan niya. Dambuhalang bakla 'yon. Ewan na lang niya.. Mabilis na nagsend siya ng message dito na may adik sa labas at kailangan nito pumunta.
"Shamcey!"
At may accent pa ang pagtawag sa kanya. Di niya alam kung nahihilo lang ba siya o nahihilo---
In one, two, three...
"Oh, God." Nabitawan niya ang cellphone. Nagpatak iyon sa baba. Natutop ang bibig.
"K-Kiefer?"
Hindi siya pwedeng magkamali. Narinig ulit niya ang boses nitong tumatawag sa labas.
Mabilis na lumabas siya ng silid. Ang gago, sisirain pa yata ang pinto nila! Baka mabulabog nito ang mga kapitbahay nila.
"Sandali!" Pinagbuksan niya ito ang lalaki. Naabutan niya itong nakaamba sa pinto.
"Kiefer! Ano bang problema mo?"
Sinalubong niya ang nagngangalit na titig nito. He stared at her, his eyes were dark and murderous. Naguguluhan na pinasadahan niya ito ng tao.
"Bakit nandito ka?" tanong niya dito.
Napatiim-bagang ito nang makita ang ayos niya. Pawis na pawis siya, alam niya 'yon. She looked like a mess. Nakakahiya na makita pa siya nito sa kalagayan niyang 'yon. Nakasuot pa siya ng isa sa mga nightie na ibinigay nito sa kanya.
"Ikaw ang dapat ko tinatanong. Why are you still here?"
Napamaang si Shamcey. Bakit parang may talim ang boses nito? Nanibago siya sa ipinapakita nitong emosyon. Bakit parang galit ito? Wala naman siyang ginawang kasalanan dito.
Hindi nito hinintay ang sagot niya. Nilagpasan siya nito. Napansin niya ang paglibot nito sa paningin. Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Ang kalat ng apartment nila ni Marsh. Hindi pa kasi sila nakakapag-ayos.
Binuksan nito ang pinto ng kwarto ni Marsh at pumasok doon. Nanlaki ang mata ni Shamcey.
"Hoy, anong ginagawa mo d'yan?" Sinundan niya ito.
"Kaninong kwarto 'to?" tanong nito habang ini-scan ang room ni Marsh.
"Sa kaibigan ko!" Hinila niya ito sa braso. "Ano ba ang problema mo? Basta ka pasok ng pasok!"
Matalim na sinulyapan siya nito at nagpatuloy. Sa bukas na kwarto naman niya ito pumunta. Nandoon ang mga gamit niya. Nagkalat din.
Napatingin ito sa sahig, at may pinulot. "Sa 'yo?"
"Ibaba mo 'yan!" naeskandalong sigaw niya dito. That's her panty!
Sa pagkagulat niya, dinala nito 'yon sa ilong at inamoy. "Kiefer!" napatili siya.
Inagaw niya dito iyon. "Ang eeew mo! Alam mong akin, inamoy mo pa!"
"Kaya ko nga inamoy, and it's still smell so fucking good."
"Wag mo ko mabola-bola!"
" Wag ka mahiya. Ilang araw naman ako nagpakasasa sa pagitan ng hita mo, ngayon ka pa ba mahihiya sa akin."
She glared at him. Parang nakuha ulit niya ang lakas niya ng dumating ito. Nakalimutan niya na may lagnat pa siya.
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Bakit ka nandito, Kiefer?"
"Ikaw nga ang dapat na tinatanong ko. Bakit wala ka sa trabaho mo?"
Sumulyap ito sa kama niya. Gulo-gulo ang bedsheet nun. Again, she don't understand the rage in his eyes. Madilim ang buong mukha nito at tensyonado ang katawan.
"Nasaan ang kasama mo?" tanong nito, mababa ang boses.
Sino ang tinutukoy nito? Nag-loading siya doon bago niya naalala si Marsh.
"Umalis na kanina pa. May trabaho."
"Kanina pa o kakaalis lang?"
Napakunot-noo siya. Pinag-aralan niya ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. May galit nga doon. At ang boses nito, mapang-akusa.
May ibang gustong sabihin si Kiefer.
"Ang bilis naman matapos. Nagmamadali ba? Sana hinarap muna ako, di ba?"
His lips curve in a cruel smile. Matagal niya bago nakuha ang ibig sabihin ng lalaki. At nang tuluyan na magproseso sa utak niya ang mga sinabi nito, malakas siyang napasinghap.
"Oh, God.." Umiling siya, at maang na napatitig kay Kiefer. "Iniisip mo bang may kasama akong ibang lalaki ngayon?"
"Bakit mo pa sasabihing iba? Nandyan naman ang kasama mong lalaki na kaibigan mo kuno?"
Nadidismayang napapikit si Shamcey. "Pinaghihinalaan mo ako."
"Wala bang kahina-hinala? You think you can fool me? So, what's the plan, Shamcey? Gamitin ako habang may iba ka pala na karelasyon? Iyon ba?"
Parang matatalim na kutsilyo na binitawan nito ang mga salitang 'yon. She can't even imagine. Ang layo nito sa lalaking nakasama niya..
"You really think you can fool a man like me? Tingin mo ba mapapaikot mo ako? Pwede rin. Pero inisip mo talaga na pwede mo akong lokohin at di ko agad malalaman." Mapanganib ang naging tawa nito. Parang nanggaling iyon sa madilim na sulok ng impyerno.
Nanghihina siyang napatitig sa gwapong mukha nito. Muli, inisip niya kung ito ba ang lalaking nakakuha sa kanya. Ito ba 'yong lalaking nakasama niya ng ilang araw.
Parang isa ulit estranghero na walang pangalan.
Hindi niya kilala ang kaharap. Ang masakit mahal niya ito.
Lumabas ito ng silid niya at ipinagpatuloy ang paglilibot sa maliit na apartment. "So, was he better than me?"
Parang punyal sa dibdib niya ang tanong nito. Iniisip nga nito talaga na nakapanlalaki agad siya. Really. Ganoon kababa ang tingin nito sa kanya, ano?
Sabagay, sino lang ba siya? Mahirap lang siya at nangangailangan kaya desperadang lumapit dito para ialok ang sarili niya. Wala siyang halaga dito. Hindi tulad ng inaakala niya.
She thought he really cares about her. Assumed that he was really serious about them.
Bumagsak ang luha niya sa sobrang sakit. Parang asido sa lalamunan niya ang mga sinabi nito. Gumuhit iyon pababa sa sikmura niya.
Pinahid niya ang luhang umagos sa pisngi niya. Hindi siya ngayon dapat manghina. Kailangan niya munang harapin ito. Pagkatapos ay tatapusin na niya ang kung anong meron sila ni Kiefer.
Lumabas siya ng kwarto niya. Naabutan itong nakaupo sa sofa. "Tapos ka na ba?" sabi niya sa lalaki.
His jaw clenched as he stared at her.
"Kung tapos ka na, pwede ka na umalis."
"Ganoon na lang 'yon?"
"Oo ganoon na lang 'yon, Kiefer."
Sinimulan siya nito. Tatapusin niya.
"Unang-una, wala akong lalaki dito. Kung 'yong ang ipinagpuputok ng butse mo."
"Lies."
"Iyon ang totoo. Kahit halughugin mo pa ang buong apartment na 'to, wala kang makikita na bakas na may kasama ako.. Na nanlalaki ako."
Tumayo ito at lumapit sa kanya.
"Pangalawa, kung manlalalaki lang ako. Bakit di ko pa noon ginawa? Bakit ikaw pa ang nakauna sa akin? Isipin mo mga ibinibintang mo."
Natigilan ito at napatitig sa kanya.
"Hindi ako nanggagamit ng tao para makuha ang gusto ko, Kiefer. Kung may kailangan ako, handa akong palitan 'yon kung ano ang kaya kong ialok." Pumiyok siya. Hindi siya tumigil doon. Nagpatuloy siya.
"Hindi ba 'yon ang ginawa ko sa 'yo? Wala bang kapalit 'yong hiniling ko sa 'yo? Sino ba sa ating dalawa ang nagbigay ng nagbigay? Hindi ko hiningi ang mga 'yon. Kung gusto mo isasauli ko din lahat 'yon sa 'yo ngayon para di na tayo makapagsumbatan!"
"MAMSH!"
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Marsh. In her violet dress and black boots. "Anong nangyari sa 'yo mamsh---"
Natigilan ang kaibigan ng makita na may bisita sila.
"Shamcey? M-May bisita ka pala?"
Napatitig naman si Kiefer sa kaibigan niya. Gamit na gamit pa naman nito ang MAC cosmetics ngayon kaya ang kapal ng make-up.
"Kaibigan ko nga pala. Siya 'yong kasama ko dito sa bahay."
Naguguluhan na bumalik ang tingin sa kanya ni Kiefer. "Is that him?"
Hindi tumitingin dito na tumango siya. "Walang iba."
"Shamcey, akala ko ba may adik na nagwawala sa labas? Napauwi ako bigla, kaloka ka."
Lumapit sa kanila si Marsh. Malawak ang ngiti. "Hi, pogi. Nice to meet you. Marsh nga pala. But you can call me baby, too."
Naglahad ng kamay ang malanding bakla. Tinampal niya iyon.
"Aray naman. Selosa ha. Nakikipagkilala lang, eh."
Hinila niya si Kiefer sa labas. Parang gulat na gulat ito. "H-Hindi mo agad sinabi na bakla 'yong kasama ko. Sabi mo lalaki."
"Eh, ano ba ang bakla?" asik niya. "Umalis ka na, Kiefer. Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Malinaw naman sa akin 'yong mga sinabi mo. At sana malinaw din sa 'yo na ayaw ko na."
"I can explain--"
"Hindi na kailangan, Sir." malamig na sabi niya
Namutla ang mukha nito.
"Magaling pa na hindi na tayo magkita pa. Tinatapos ko na. Ibabalik ko sa 'yo lahat ng binigay mo sa akin. Bukas. Huwag ka na babalik dito."
"Shamcey, I'm just jealous."
"Pwes masakit ka magsalita. Buti na lang nakita ko kaagad kung ano ka talaga. Kaya, please, ayaw ko na." Nagtutubig ang mata na nag-angat siya ng noo. Pero hindi niya hinayaan na mangibabaw ang kahinaan niya.
"Papasok pa rin ako sa Helios pag mabuti na ulit ang pakiramdam ko. May sakit pa ako ngayon kaya di ako nakapasok. Di ako magre-resign. Ibinigay ko sa 'yo ang kapalit noon, hindi ko 'yon mababawi pa sa 'yo kaya mag-stay ako sa trabaho ko. Sana tumupad ka rin sa usapan. Goodbye."
Matapang na pinagsarhan niya ito ng pinto.
---to be continued..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top