Chapter Sixty One


"KIEFER.." Dumulas ang phone niya mula sa kamay niya. Malakas na bumagsak iyon. Ngunit wala doon ang isip niya.

Natulala siya sa lalaki. Ilang araw lang niya itong hindi nakita. Ngunit napakalaki ng pagbabago.. Nangingitim ang paligid ng mata nito, parang ilang gabing walang tulog. Sa kabila ng hinanakit niya dito, naitanong pa niya sa sarili kung nagagawa pa ba nito tumulog.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Tumitig lang ito sa kanya. Nanunuot sa kanya ang paraan ng pagtitig nito. Humahaplos sa puso niya ang pangungulilang nakalarawan doon.

Nagbaba siya ng tingin. She should hate him. Hindi niya dapat ito tingnan. Baka maging mahina siya at madala ng nararamdaman niyang pagmamahal sa lalaki.

"Nabasa mo naman siguro ang sinabi ko sa text. Tinutuldukan ko na ang relasyon natin."

"That's why I'm here." mababang sagot nito. "To ask you why."

Walang pakundangan na pumasok si Kiefer. Tensyonado ang buong katawan nito. At sa paraan nito ng pagtitig sa kanya, para itong handang lapain siya. Napaatras siya ng unti.

"Bakit, Shamcey? Ganoon ba sa 'yo kadaling itapon ang relasyon natin? Sa text lang?" puno ng hinanakit ang boses nito.

Umahon ang apoy sa sikmura niya. "Ang lakas ng loob mo na sumbatan ako. Bakit nasaktan ka ba? Nasaktan ka ba na inunahan na kita bago mo pa sa akin gawin 'yon? Iyon din naman ang patutunguhan natin, di ba?" Pumiyok siya. Muling pumasok sa isip niya ang lahat ng mga nalaman tungkol dito. Ang kwarto ni Kristina sa bahay nito, ang anak nito, ang hindi nito pagka-get over sa dating kasintahan. Gusto niyang saktan ito pabalik. Gusto niyang sampalin ito para maibsan man lang ang sakit.

Napatiim-bagang ito. Isa isang pumatak ang mga luha niya.

"Why the hell are you crying?"

"Dahil napakawalanghiya mo! Nagtiwala ako sa 'yo! Mahal na mahal kita, tapos gagaguhin mo lang ako!"

Lumapit ito sa kanya at pinalagapak niya ang kamay sa pisngi nito.

"Christ! What's wrong with you?"

"Para sa akin 'yan!" sigaw niya at muling sasampalin ulit ito. Nahawakan ni Kiefer ang braso niya bago pa tuluyan iyong lumapat sa kabilang pisngi nito.

"Damn it, para kanino naman 'yan?"

"Para sa akin pa rin, gago ka!"

"Stop it, Shamcey. Daanin natin sa maayos na usapan."

"Hindi naman na natin kailangan pa mag-usap. I already know the answer, damn you."

"No, you don't."

"Itinatanggi mo pa rin ba?" asik niya.

"Wala akong itatanggi sa 'yo." Lumamlam ang mata ni Kiefer. "But please, babe.. I'm begging you not to judge me easily."

"Hindi kita huhusgahan kung sa simula pa lang naging tapat ka na sa akin. Bakit kailangang sa iba ko pa malaman ang totoo? Bakit kailangan na ako pa ang makatuklas na hanggang ngayon na itinatago mo pa rin ang alaala ng ex mo?"

Napakunot noo ang binata. Mapait siyang ngumiti. "Yes, nakita ko ang silid na 'yon. Nandoon pa rin ang mga gamit ni Kristina. Nandoon pa rin ang mga pictures niya. Hindi nagagalaw. Kahit di ko pa malaman ang tungkol sa anak nyo, alam ko mahal mo pa rin siya---"

"Let me clear that.. I don't love her anymore."

"Wag ka na magsinungaling!" Patuloy ang pagtulo ng luha niya. Di na umampat 'yon, and she hate it.

"I'm not lying!"pagdidiin nito. Hinagip nito ang braso niya at pinihit siya paharap ulit dito. "I'm not lying when I told you I don't love her anymore."

"Hindi ka nga siguro nagsisinungaling. Nagtatago lang ng katotohanan."

"Pwede ba pakinggan mo muna ako? You easily assume things then judge me without hearing my explanation."

"E di magpaliwanag ka! But tell me, Kiefer. Kahit ba magpaliwanag ka, may mababago ba sa nararamdaman ko ngayon? Nasaktan mo na ako by keeping secrets from me. Nasaktan mo na ako sa di pagsasabi sa akin ng ugnayan nyo ng ex mo. Nasaktan na ako na may anak ka na! Iyon ang bagay na unang una hindi mo dapat inilihim sa akin!"

Nanginig ang mga tuhod niya at napahagulhol siya. Parang walang katapusang pag-apaw ng luha. Ramdam niya ang unti unting pagkawala ng lakas niya. Namumutla si Kiefer habang pinagmamasdan ang pag-iyak niya. Hindi ito makapagsalita.

"Alam mo? Mabuti pa talaga na tapusin na natin 'to. This relationship won't work anymore.."

"So, that's it? Gusto mo na tong tapusin na parang isang pagkakamali lang ito mula umpisa?" nanghihinang sabi ng lalaki. Namumula ang mga mata nito. "Ganito mo gustong I-handle ang problema natin. By ending our relationship and running away? Nagsisimula pa lang ang problema, iiwanan mo na ako? Don't you think that's unfair?"

Parang may palad na dumapo sa mukha niya. Natiim-bagang siya. "Get out."

"First sign of the problem and you're already running away. Hindi ba kaduwagann? Hindi ka ba mapagod n'yan?"

"Umalis ka na!" galit na pagtataboy niya sa lalaki. Nagsisigawan na sila at wala na siyang pakialam pa kung magmukha na silang mag-asawang nag-aaway.

Marahas na nagmura si Kiefer. Pinadaan nito ang palad sa mukha, pagkatapos ay sinuklay ang buhok. He looked like a mess. Ganoon din siya. Napapagod na siyang umiyak. She's not like this. Hindi na niya magawang umiyak ng mahina. Nagiging saksi ang bawat sulok ng bahay sa mga nakakaawang hikbi niya.

Naramdaman niyang nakayakap na si Kiefer sa kanya mga ilang sandali pa.

"Let me go, Kiefer.. Iwanan mo na lang ako. I don't deserve it. I don't deserve you.."

"I know." may pait sa boses nito. "But stop crying. Please, ayaw kong umiyak ka pa."

"Then, let go."

"Shamcey please.."

Inaalo siya nito habang bumubulong ng mga salitang nagpapakalma sa kanya.. Ang hina niya pagdating dito. Ang hina hina niya. At kinamumuhian niya ang sarili. Pagod na pagod na isinuksuk niya ang mukha sa dibdib nito.

Mahigpit na yumakap siya dito. Ito ang ikinakatakot niya. Ang pagiging needy niya at clingy dito. She's such a desperate bitch for clinging to him like that. Pero pagod siya na pumalag pa. All she wanna do is hug him, feel him, touch him. Ipinikit niya ang mga mata..

Nararamdaman niya ang paghagod nito sa likod niya. Pagkatapos ay naramdaman niyang ipinangko siya nito na walang kahirap hirap. Namalayan niyang nakatulog siya sa yakap nito. Nang magising siya, natagpuan niya ang sariling nakalibing ang mukha sa dibdib ni Kiefer.

Mabigat ang paghinga ng binata. Natutulog na ito. Pero kahit sa pagtulog nito, puno ng pag-aalala ang mukha nito. Nakaramdam siya ng awa..

Kahit naghihinanakit siya sa lalaki, hindi niya maitatanggi na nangingibabaw pa rin talaga ang pagmamahal niya dito. She was madly inlove him. And if it's a crime to love him.. Siguro, kriminal na siya.

Hinaplos niya ang gwapong mukha nito. Gwapo pa rin ito, pero puno ng tensyon ang mukha nito. Hindi na 'to nakapag-ahit pa. Pasimpleng inamoy niya ito. Hindi pa yata naligo na sumugod sa kanya.

Umismid siya. Hindi man lang magpa-impress sa kanya.

Bumangon na siya. Umaga na. Nakatulog na nga siya pagkatapos siyang iakyat nito sa kwarto. Ngayon niya naramdaman ang sakit ng ulo niya pagkatapos ng pag-iyak niya kahapon. Pero kumpara sa mga nakaraang araw, parang magaan ang dibdib niya.

May kinalaman marahil doon na kasama niya ngayon si Kiefer. Naiiling na sinaway niya ang sarili.

Pumunta siya sa kusina para maghanda ng almusal niya. Almusal lang niya. Hindi niya papakainin ang lalaking 'yon. Pero naisip niya na napagod rin ito sa pagbyahe nito kagabi.. FINE.

Napansin niya ang cellphone niya sa may front door. Basag ang screen. "Jusko, kasabay yata ng pagkawala ng love life eh wala din cellphone?"

It was her mother's fault. Siya ang anak nito. Siya pa talaga ang nilaglag!

Bumalik siya sa kusina para maghain na. Muntikan na niya maibagsak ang plato nang makarinig siya ng sigaw. "Shamcey!"

Paulit-ulit. Napapikit siya. Nakita niya si Kiefer na hindi magkandaugaga sa paghahanap sa kanya. Nasa front door na ito nang tumugon siya. "Nandito lang ako!"

Napalingon ito sa kanya. Nagtataas baba ang dibdib at namumutla. Sinugod siya nito ng yakap. "Fuck. Akala ko umalis ka ulit. Akala ko iniwan mo na ako."

Kumirot ang dibdib niya sa sinabi nito. Pinigil niya ang pag-iinit ng mata. Pwinersa ang sariling itulak ito palayo sa kanya.

"Naghanda lang ako ng almusal natin." Iniwasan niyang mapatingin sa mata nito. "Kumain ka muna bago ka umalis."

"I'm not leaving without you, babe."

Malakas na tumibok ang puso niya. "I'm not coming with you. Tanggapin mo nang tapos na tayo." madiing sabi niya.

Hindi pwedeng magpakita lang ito sa kanya, eh gagang babalikan agad niya ito. Hindi pa malinaw ang lahat sa kanila. At gusto muna niya na magpahinga sa lahat ng 'yon. Tama si Kiefer. Nakakapagod tumakbo palayo.

"Please, baby.. Huwag ganito."

"Enough, Kiefer. Ayaw ko makipagtalo sa 'yo ngayong umaga. Kung ipagpipilitan mo pa rin 'yan, baka kamuhian lang kita lalo. Enough." Malamig na sabi niya at sinulyapan ito.

Mataman siyang tinititigan nito. Hindi na nakipagtalo at sumunod sa kanya. Tahimik lang sila habang nasa hapag kainan. Hindi niya ito matingnan ng diretso. Samantalang hindi naman nito maihiwalay ang titig sa mukha niya.

"Hindi ka na dapat nagluto.. Hinintay mo na lang sana ako magising, tapos mag-drive papunta sa--"

"Paraan mo ba 'yan para sabihin na di ka nasasarapan sa niluto ko?"

"Wala naman akong sinasabi." Napalunok ito. "I'm sorry."

"Pasensya na. Naalala ko, ibang putahe pala ang gusto mo.." pilit niyang nilunok ang kinakain.

Tiim-bagang na ibinaba nito ang kutsara at tinidor. "Do you want me to talk right now o patapusin muna kitang kumain?"

Hindi siya sumagot.

"I told you, I don't love Kristina anymore. Matagal ko na siyang kinalimutan. Ibinaon ko na sa limot ang pagmamahal na ibinigay ko sa kanya. Matagal ko na rin na hindi binubuksan ang kwarto na 'yun. Sa lahat ng mga silid sa bahay, iyon lang ang katangi-tangi na hindi nagalaw. Dahil hindi ko na tinangka pang buksan 'yon pagkatapos ko bumalik sa Pinas. Hindi ko akalain na makikita mo ang kwartong 'yun.. But believe me, wala na akong nararamdaman pa para sa kanya."

Muli hindi siya nagkomento. Balisa itong nakatitig sa kanya.

"Shamcey, talk to me."

"I understand. I would understand that.. kung sinabi lang sa akin ng mas maaga na may anak kayo."

"Hindi mo na ba ako tatanggapin kung sinabi ko sa 'yo?"

"Tatanggapin kita. Mamahalin pa rin kita. Dahil hindi naman mahalaga sa akin kung may anak ka o wala. Ang mahalaga sa akin maging tapat ka. Alam mo ang unfair mo kasi."

Binitawan niya ang kutsara at naghihinakit na tumingin dito. "Naging tapat ako sa 'yo. Binuksan ko ang sarili ko para sa 'yo at ito ang ipapalit mo? Alam mo handa akong makinig. Handa akong intindihin na hindi ka pa handang magbukas sa akin ng mga bagay na sensitibo para sa 'yo. Kaya kong hintayin na pagkatiwalaan mo na ako.."

"Pero hindi pala. Lalo na nang makita kita kasama ulit ang ex mo. Oo, nakarating sa akin ang photo album ng anak nyo. Siya mismo ang nagpadala noon sa akin ng mismong araw na nakita ko ang kwarto nyo ng ex mo. Alam mo ang nakakatawa? Sobra sobra ang nangyari sa araw na 'yon, dahil sumunod noon nakita ko rin na mag-usap kayo at sumakay siya sa kotse mo."

"It's okay kung hindi ka pa nakakalimot sa nangyari sa inyo. Pero hindi okay na girlfriend mo na ako, pero nakikipagkita ka sa ex mo at may anak pa kayo. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit kailangan malaman ko pa sa kanya? Wala ka ba talagang tapang para sabihin mo sa akin? Gusto mo lang ba talaga akong lokohin at paasahin?"

Kinagat niya ang ibabang-labi at pumikit ng marin. Ayaw niyang umiyak, please.. Ayaw niyang umiyak.

"I never told you about about my son because I'm not ready.. Hindi sa magiging reaksyon mo kundi sa pagbalik ng mga alaala sa akin.. I couldn't tell you everything about my past because I was ashamed of it."

Tumayo ito at isinuklay ang buhok. "Niloko ako ng babaeng minahal ko at hindi lang isang beses nangyari 'yon.. Paulit-ulit. At sa lalaking dahilan pa kung bakit ako nandito ang naging karibal ko sa kanya.."

Napamulat si Shamcey, lumipad ang tingin kay Kiefer. Nakatalikod ito sa kanya. His body was tensed.

"Sa loob ng ilang taon na magkarelasyon kami ni Kristina, hindi pumasok sa isip ko na gagawin niya sa akin 'yon. Nagkaanak kami at nagpaplano na akong pakasalan siya when I found out she was having an affair with my father."

Natigagal siya.

"Magkarelasyon na sila simula pa lang ng relasyon namin.. At huli ko na malaman ang tungkol doon. Kung hindi ko pa sila nakita mismo, hindi ko malalaman na ang mismong ama ko pa ang gumagago sa akin. Sobrang sakit ng ginawa nila sa akin. And because of that, I become a murderer."

Humarap sa kanya si Kiefer, may luhang tumutulo sa pisngi nito. Napahawak siya sa bibig niya.

"I killed him."

"Oh, God. Kiefer." Nanginginig na tumayo siya at nilapitan ito. "A-Anong ibig mo sabihin?"

"My father died of heart attack because of me, Shamcey. Namatay siya dahil sa matinding away na namagitan sa amin. Inatake siya sa puso nang sinabi ko sa kanya na malalaman ng lahat ang katarantaduhang ginawa niya sa akin, na makikita ng lahat 'yon dahil nirecord ko ang pinaggagawa nila. Masisira ang pangalan at reputasyon niya. Babagsak ang negosyo niya.. Inatake siya at hindi na umabot sa ospital.. I killed him, and it's still haunting me." Marahas na sinuklay nito ang buhok at napatungo. Bakas ang sakit at paghihirap sa mukha nito. Tila nararamdaman niya ang bigat na pasan nito. Nararamdaman niya na parang nakakulong pa rin ito sa isang nakaraan na puno ng sakit.

"I comfront Kristina after that. Galit na galit siya sa akin. Ako ang sinisi niya. Tinawag niya akong kriminal pagkatapos ng lahat. Ako ang tinuro niyang naging dahilan ng pagkamatay ni Dad. And the worst part, walang ibang nakaalam na nagkaroon sila ng relasyon.."

Napasinghap siya. "H-Hindi mo ba sinabi sa Mom mo?"

"Not directly. Nalaman niya nang kusa siyang nagpa-imbestiga. May mga ebidensya ng mga hotel bookings nila, CCTV na magkasama sila. Nalaman niya 'yon at sinugod niya si Kristina. She tried to make her pay. Pero ako na ang nakiusap sa kanya na huwag na niyang gawin 'yon. Lumuhod ako sa harap niya huwag lang niya sirain ang buhay ni Kristina.."

Napakurap si Shamcey. Ganoon ba ito nabaliw kay Kristina noon? Umabot sa punto na pinalagpas lang nito ang ginawa ng babae?

"Malamang iniisip mo na dahil 'yon sa sobra ko siyang mahal noon.."

"Hindi nga ba?"

"Minahal ko siya. Hindi ko itatanggi 'yun. Pero alam kong hindi na maibabalik ang dati pagkatapos ng lahat. At kaya pilit kong tinakasan ang sakit. That's when I started doing drugs. Hindi ko maipaliwanag ang sarap sa pakiramdam kapag natatakasan ko ang lahat. Para akong nakalutang sa ere.. Hindi nagtagal, nilamon na ako noon. Hanggang sa hindi ko na makilala ang sarili ko." Mapait itong ngumiti.

"Nainvolve ako sa kung ano anong away. Hindi na ako pumapasok sa trabaho. Itinigil ko na ang pagpapatakbo sa mga negosyo ko.. I completely lost myself. Hindi ko na gustong bumalik pa sa dating ako. I just wanted to destroy my life.. Wala na akong nakikita pang halaga para mabuhay.."

"Why? Hindi ba't nandyan pa ang Mom mo?"

"Before, hindi kami magkasundo ni Mom. Lagi akong nakasunod kay Dad. Siya ang nakakaintindi sa akin.. Siya rin ang gumago sa akin. Pero di ko gagawing excuse 'yon para takasan ang nangyari.. I'm still the reason why he died. Iyon ang dahilan kaya ginusto ko na rin na mamatay. I killed him just for that woman."

Tila may sumakal sa dibdib niya sa paraan kung paano nito sisihin ang sarili. Hanggang ngayon sinisisi pa rin nito ang sarili. Gusto niyang pagsisihan na inungkat niya 'yon. Gusto niyang yakapin ang lalaki.

"I'm sorry.." sabi niya.

"No. Please don't." He was crying. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa pisngi nito. "Nawala ang liwanag sa buhay ko noon.. Kung saan saang gulo ako nasangkot. Ilang beses akong naglabas masok sa kulungan.. If not because of Mom, siguro hindi na ako nakabangon. Pinilit niya akong makabangon. Pwinersa niya akong dalhin sa Amerika para magpagamot at magsimula ng bago." Iyon pala ang dahilan kaya ito nanggaling sa ibang bansa. Nalulong ito sa droga.

Ang bigat ng pakiramdam ni Shamcey. Mas bumigat pa 'yon. Buong akala niya.. Siya lang ang may masakit na nakaraan. May mas isasakit pa pala ang sa lalaki.

Hindi niya alam kung paano ito aaluhin na hindi nagmumukhang naaawa siya dito. She just want to hug him. Gusto niyang saluhin kahit ang kalahati ng sakit ng nararamdaman nito. Inabot siya nito at tinanggap niya iyon. Then, she hugged him. Isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito.

"Alam ko ilang beses mo tinangka na itanong sa akin ang tungkol kay Dad. And I'm sorry for not telling you---"

Nanginginig na hinawakan niya ang pisngi nito. "Ssssh, I understand now."

Tinitigan siya nito. "No. Gusto ko na sabihin sa 'yo ang lahat. I can't forget what he did. I can't forgive my father.. Dahil hindi lang ako ang sinaktan niya. Pinatay niya rin sa sakit ang babaeng nagmahal sa kanya at nasa tabi lang niya kahit anong mangyari. My mother loved him very much. Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya nakuntento.. Hindi ko rin alam kung paano niya nakaya na maipagrelasyon kay Kristina.. But I don't love her anymore. Galit at muhi na lang ang nararamdaman ko sa kanya."

"She tried to seduced me, pero pandidiri lang ang nararamdaman ko.. Kung hindi lang dahil kay Kierro, matagal ko na pinutol pa ang ugnayan sa kanya.."

"Sinusentuhan mo ba ang anak mo?"

Tumango si Kiefer. "Pati si Mom, nakasuporta."

"Pero naguguluhan ako. Bakit hindi nyo kunin ang custody kay Kierro? Kayang kaya mo makuha ang custody niya.. Kahit na sabihin pa na may mga records ka. Kaya ni Tita na ipaglaban 'yon."

Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya.. "Because he's not mine."

"Anong ibig mo sabihin?"

"Inakala kong akin si Kierro noon. Kaya ako ang nakapangalan na tatay niya. But it was my father... Siya ang ama ni Kierro. Nalaman ko 'yun sa DNA test. I love that kid, tatanggapin ko siya kahit hindi sa akin. Pero kailangan ko malaman kung ano ang totoo."

"Oh, God. Pero kamukhang kamukha mo siya."

Malawak na ngumiti si Kiefer na parang proud na proud. "Pumayag si Mom na suportahan ko ang bata. Walang kinalaman si Kierro sa hidwaan namin ng ina niya kaya patuloy pa rin ang pagtayo bilang ama niya. Ano man ang nangyari, dugo ko pa rin ang nananalaytay sa kanya. I will still love him as my son."

Mahigpit na napayakap siya kay Kiefer. Ngayon lang niya lubos na napagtanto kung gaano kabait ang lalaki. Tumayo itong tatay sa bata na kung tutuusin ay makakapagpaalala lagi dito ng nakaraan nito. Pero hindi nito iyon inisip. Naging resonable ito. Walang kinalaman ang bata sa kasalanan ng mga magulang nito.

"You're so nice." nasabi na lang ni Shamcey.

"No, I'm not nice.. Dahil ikaw naman ang sinaktan ko ngayon. You're right. I don't deserve you, Shamcey. You're so pure. That's the reason why I couldn't tell you about my past. Baka mawalan ka ng gana sa akin at tumakbo ka palayo pag nalaman mo ang mga nakaraan ko. I don't want to lose you. Ikaw ang nagturo sa akin para magmahal ulit. Mawawalan na ako ng bait kapag ikaw pa ang nawala sa akin."

Umiling si Shamcey. "Hindi mangyayari 'yan.. Naiintindihan kong nasaktan ka lang noon. Lahat tayo nasasaktan at nakakagawa ng mga maling desisyon. At normal na tao ka lang. Mamahalin pa rin kita.."

Pagak na tumawa ito. "Nagbago ba ang desisyon mo na hiwalayan ako dahil sa awa?"

Nanginginig na inilayo niya ang mukha para pakatitigan ang gwapong mukha nito. Tinitigan niya ang magagandang mata nito naglalahad ng iba't ibang emosyon.. Kahit ilang beses niyang tingnan iyon, walang magbabago sa epekto sa kanya. Paulit ulit siyang mahuhulog dito. Paulit ulit siyang mababaliw..

Sinapo niya ang mukha nito at ngumiti. "No."

Nawala ang ngiti nito. "B-Bakit?"

"Don't get me wrong, Kiefer. Hindi na ito dahil sa ginawa mo, sa unang dahilan kaya nakipaghiwalay ako."

"Dahil sa mga nalaman mo ngayon?" nag-aalang sabi nito.

Umiling siya. "Tanggap ko ang nakaraan mo.. Kahit naging anak mo nga si Kierro, tatanggapin pa rin kita. Dahil ang mahalaga lang sa akin ay maging tapat ka lang.."

"Then why are you still breaking up with me?" Naguguluhang sabi nito. "H-Hindi mo na ako mahal?"

"I still love you, Kiefer Montejo. Mahal na mahal kita."

Kumalas ito sa kanya pagkatapos ay napamura. Hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. Sinuklay nito ang buhok at bumuga ng hininga. Natawa siya.

"Bakit ba?"

"Pwede ba 'yon na sinasabihan mo ako ng ganyan pagkatapos mo sabihin na na nakikipaghiwalay ka pa rin?

"We both deserve space, Kiefer.. At panahon sa sarili habang maghiwalay sa isa't isa. Aaminin ko, nasasaktan pa rin ako ngayon. Pero hindi na dahil kay Kristina. I realized I'm better than her."

"Don't compare yourself. You're way, way much better. You're a diamond." Kumikislap ang pagmamahal sa mga mata ni Kiefer. Hindi na nito kailangan pang sambitin ang mga salitang 'yon. Ang totoo, napakagaga niya para mag-doubt dito.. Hindi lang niya mabasa agad ang mga kinikilos at mga titig ni Kiefer, pero mahal na mahal siya nito.

"Gusto ko bigyan muna ng oras ang sarili ko. Gusto ko magpahinga muna sa lahat ng ito. At gusto ko na ganoon din ang gawin mo sa sarili mo."

"Pero bakit nga kailangan natin---"

"Kiefer, you need to let go of all the pain in your heart. You need to learn to forgive your father, you need to forgive yourself. Huwag mo sisihin ang sarili sa nangyari noon.. It's not all your fault." Hinayaan niyang haplusin ulit ang mukha nito. Maiyak ulit habang tinititigan ito sa mata.

"Shamcey.."

"If you learn to forgive and forget, mas magiging payapa ang kalooban mo at kaisipan. Hindi ko sinasabi ito dahil gumagawa ako ng excuse para maghiwalay tayo. Sinasabi ko ito para pakawalan mo na ang sarili mo sa nakaraan. Wala kang kasalanan sa nangyari sa Dad mo. There's a reason kung bakit iyon nangyari ang mga bagay bagay. Gusto mo ba na mabuhay na dala dala 'yan hanggang sa bandang huli?"

Umiling ito, diretsong nakatitig sa kanya.

"Then, do it. Patawarin mo na ang sarili mo. And maybe, kapag nagawa mo 'yon at free pa rin ako.." Naibitin niya ang sinasabi nang biglang hapitin siya ni Kiefer.

"Ang usapan, maghihiwalay lang tayo dahil gusto mo akong mag-move on sa nakaraan. Forget the past, and forgive myself. Pero wala sa usapan na maghahanap ka ng iba. Naiintindihan?"

Tumaas ang kilay ni Shamcey. "Ano pa ang sense ng paghihiwalay natin kung di pala ako allowed na magjowa ng iba?" panunukso niya.

"Shamcey! Mangako ka!"

"Mangangako saan? Hindi ba ikaw ang dapat mangako? Magbreak up lang tayo, pero walang balikan sa ex."

"Ikaw na kaya ang ex ko." Bumaba ang titig ni Kiefer sa labi niya. Akmang bababa ang mukha nito para halikan siya..

"Hep! Hep! Hepppp!" Itinulak niya ang sarili palayo dito. "Pag ex, bawal na manghalik."

"Goodbye kiss lang, eh."

"Nako, alam ko na ang kasunod ng goodbye kiss mo. Wag ako, Kiefer!"

"ARE YOU still serious about this?" parang naninigurado pa si Kiefer habang nagmamaneho. Malapit na sila sa apartment nila ni Marsh. Nagsabay na sila nito na umuwi ng Manila. Nagsend na rin siya ng message kay Shy ng pagpapasalamat sa tulong nito.

"Kiefer, akala ko napag-usapan na natin 'to.."

Tumango lang ito at pinilit na ngumiti. "Irerespeto ko ang desisyon mo."

"Para sa kinabukasan naman nating dalawa ito. Just think of the positive side."

Inihinto nito ang kotse sa tapat ng apartment nila. Tinulungan siya nito buhatin ang bag niya hanggang sa tapat ng pinto.

"Kiefer, hanggang dito na lang muna. Sana sundin mo ang mga sinabi ko. I wish you all the best." Naluluhang sabi niya. Pasimple niyang pinahid iyon. Bakit sa lahat ang pagpapaalam ang pinakamahirap?

"You're crying," pinahid nito ang luha niya. "You can still change your mind about this break-up.. Ayaw ko rin naman na mawalay sa 'yo."

"No. Let's do this. Remember, this for the best. And maybe, magandang test na rin ito kung talagang mahal natin ang isa't isa at gusto natin na tayo sa huli. So, hanggang dito na lang muna."

Niyakap siya nito. Mahigpit na sinuklian niya iyon.

"Thank you, Shamcey."

"Stop that. Di mo kailangan magpasalamat sa akin." Humiwalay siya dito at tinapik ito.

"I will try to let go of all the pain and misery in the past.. Hindi lang para sa akin, kundi para sa 'yo. Because you're right. Ayaw ko na tumandang dala lahat 'yon sa dibdib ko. Ayaw ko makulong doon habambuhay. You deserve a better man. At gusto ko ako pa rin 'yong better man na 'yon kaya gagawin ko ang lahat para sa sunod, mas karapat-dapat na ako sa 'yo."

"I will wait for that day, Kiefer."

Tumalikod na ito sa kanya. Mabibigat ang hakbang na naglakad papunta sa kotse nito. Pero hindi niya kayang matagalan na makita itong humahakbang palayo.

"Kiefer!" tinawag niya ito. Lumingon ito sa kanya. Umahon ang pag-asa sa mukha. Malawak na ngumiti siya at tumakbo palapit dito. She throw her arms around his neck. Tumawa ito, at sinunggaban ang labi niya. Sa loob ng ilang sandali, nanatili lang silang ganoon. Naghahalikan na parang ilang linggong hindi nakita ang isa't isa. Nang maghiwalay ang mga labi nila, habol-habol nila ang hininga..

"That was.. hot. I really missed the taste of your lips.."

"Hindi nga halata. Parang nabigla 'yong labi ko eh."

Ngumisi ito. "Are you really sure you still want to do this, babe?"

"H-Hindi talaga ako sigurado kung makakaya ko. Pero mahal kita."

"Ganoon din ako. Kaya ayaw kong gawin 'to. Please, baby. Huwag na tayong maghiwalay. Start a new life with me, Shamcey. I promise, hinding hindi ko na uulitin pa na saktan ka." Parang maiiyak siya, pero pinigilan na niya. Ofcourse, hindi niya tatanggihan iyon. She's more than willing to accept him.

"Asos! Ang aarte nyo!" biglang umeksena ang baklang inggetera. Hinila siya nito palayo.

"Hoy, Kiefer. Hindi mapagpatawad ang puso ko. Hindi kami nakakalimot. Hashtag never forget. Hashtag never again. Hashtag silent no more."

"Bakla, wag ka namang political.."

"Ikaw babae ka. Halika, lalagyan ko ng asin yang kipay mo. Hindi pa nakaka-24 hours na nagkaayos kayo, bati bati agad. Marupokpok ka talaga, eh no?" Hinila siya ni Marsh palayo.

"Marsh," tawag ni Kiefer sa bakla.

"O bakit?" Nagtaas ng kilay si Marsh dito.

"I'm sorry about what happened last time. But I promise, I'll be a better man for Shamcey from now on.. Can you let us be happy?"

 Tumingin sa kanya ang bakla. Nakikiusap na tumingin siya dito. Pero sadistang ngumisi ang bakla. "Hindi. Walang liligaya!" parang demonyitang humalakhak ito.

"Baklang ampalaya talaga oh."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top