Chapter Sixty
"SHAMCEY, di ka pa kumakain." Bumukas ang pinto at pumasok doon si Shy. May hawak itong tray. "Eto, ipinaghanda na lang kita. Kumain ka na."
"Di ka na sana nag-abala. Bababa rin naman ako."
"Weh? Maghapon ka na nakakulong dito sa kwarto. Di ka naman lumalabas..." Kumunot-noo ito. "Okay ka lang ba?"
Pinilit niya na ngumiti. "Bakit ka ba nag-aalala sa akin ng ganyan? Alam mo naman na kaya kong lagpasan kahit ano pa 'yan."
"Pero iba 'tong pinagdadaan mo ngayon, Sham."
"Sus, lalaki lang 'yan." sabi niya. Pinahid niya ang luha. Napapamura sa sarili. Bakit ba tila walang katapusan ang pag-iyak niya? Namamaga na ang mata niya. Kagabi pa siyang walang tigil sa pag-iyak.
"Bes, tama na 'yan. Kumain ka na dahil hindi ka pa kumakain mula kanina. Kailangan mo rin alagaan sarili mo."
She nodded. "Salamat, Shy. Sobra. Di ko alam kung bakit tinutulungan mo ako.."
"Kasi kaibigan kita. At ang laki ng kasalanan ko sa 'yo kaya gusto ko na bumawi man lang kahit sa ganitong paraan."
Noong gabi na nalaman niya ang katotohanan tungkol kay Kiefer, nagpasya na siyang bigyan ng katapusan ang relasyon nila. Nagpaalam siya na magpapakalayo na muna. Ang balak niya ay umuwi sa Laguna. Pero sabi ni Marsh kung uuwi siya doon, matutunton siya ni Kiefer kung hanapin siya nito.
Gusto niya na magkaharap pa rin sila ng lalaki. Pero hindi ngayon. She's not ready to face him. Makakabuti kung malayo siya sa lalaki..
Si Shy ang nag-alok sa kanya ng rest house ni Jude sa Nueva Ecija. Kahit naiinis pa rin si Marsh sa kaibigan nila, naki-sang ayon din ito na tanggapin ang alok. Nag-dalawang isip siya pero tinanggap rin niya sa huli. Kung gusto niya na magpakalayo-layo muna, magandang ideya na rin 'yon.
"Naaabala pa tuloy kita. Dapat di ka naman kadamay dito. Hindi mo kasalanan na naging kapatid ka ng ex ni Kiefer."
"Pero kasalanan ko pa rin na nagtago ako sa 'yo. Imagine mo na kaibigan kita, pero kahit alam ko na, hindi ko masabi sa 'yo? Samantalang noong panahon na nagkaroon kami ng problema ni Jude, pinuntahan mo pa ako sa tinutuluyan ko."
Iyon 'yong gabi na muntikan siya mapahamak. Iyon rin ang gabing nakita niya si Kiefer. Sandali. Anong ginagawa doon ni Kiefer? Coincidence lang ba na nandoon ito? Naalala niya, minsan na rin siyang dinala ni Kiefer sa Antipolo.
"Shy, huwag mo sana masamain kung itanong ko.. Naging kaibigan mo rin ba si Kiefer?"
Umiling ito. "Hindi kami naging close.. Lagi silang magkasama ni Ate at naipakilala na siya sa family namin."
"Sabi mo matagal na sila noon?"
"Oo nga. Matagal na sila.. Si Kuya Kiefer kasi ang.." Lumunok ito, at nag-pause. 'Yung mukha nito, parang nahihirapan magdecide kung magkukwento ba o hindi.
"Si Kiefer ang alin?"
"Si Kiefer 'yong pinaka-nabaliw sa kanya. Nabilog ang ulo."
"Oh." Nagulat siya. Napansin niya ang pormal na mukha ni Shy.
"Mahal ko si Ate bilang kapatid. But she's terrible as a person. She's not a good role model for me. Wala siyang pakialam kung may ibang masaktan, basta makuha lang niya ang gusto niya."
Tahimik lang siya na nakamasid sa kaibigan. Mas pinili na huwag magkomento. Hindi niya personal na kilala si Kristina. Wala siyang alam kung anong tunay na ugali nito. Ang alam lang niya sobra itong minahal ni Kiefer at hanggang ngayon mahal pa rin..
"Siguro iniisip mo na kampi ako sa kapatid ko kaya nagtataka ka kung bakit kita tinutulungan ngayon.."
"Magkapatid kayong dalawa. Syempre, inaasahan kong nasa panig ka niya."
Mapait na ngumiti ito. "Alam ko pa rin ang tama sa mali. Hindi ko kinukunsinti ang kapatid ko, Sham."
"Sinasabi mo bang nasa mali siya?"
"Ayaw ko magsalita ng masama tungkol sa kapatid ko. Because she's not really perfect. Inaasahan ko na lang na si Kiefer mismo ang makausap mo."
"Ayaw ko na muna siya makita.."
"Kakailanganin mo pa rin siyang harapin."
"Kapag handa na ako." Nakatatak pa rin sa isip niya ang huling imahe nito sa isip niya. Kitang-kita niya kung paano nito tingnan si Kristina. Hindi siya tanga para hindi malaman na may namamagitan pa rin talaga sa dalawa. At sa narinig niyang usapan ni Kiefer at ng kasama nitong lalaki, kumpirmado na nagkikita nga ang dalawa.
Hinawakan nito ang kamay niya at banayad na pinisil. "I will always be your friend, Shamcey. At gusto ko lang malaman mo na kahit na masaktan ka ngayon, magagawa mo pa rin bumangon. Finding the perfect one is not easy. Dadaan ka sa lungkot, sakit at kamiserablehan para mahanap mo ang tunay na pagmamahal. Ang mahalaga natuto ka."
"Kung ganoon, bakit tinanggap mo pa rin si Jude kahit na alam mong niloko ka niya?"
Kinagat nito ang ibabang-labi, pagkatapos ay napatungo. "Siguro dahil hindi ko kayang bumitaw sa kanya.. You know, he's not the perfect guy. Marami pang iba d'yan. Pero siya ang fierce love ko. Noong malaman ko na nakabuntis siya ng iba, nasaktan ako ng sobra. Siya na 'yong buhay ko, at kung mawawala siya.. Di ko na gusto pang magpatuloy."
"Pero sinuyo niya ako. Alam ko di dapat ako madala. Kasi dapat dalang-dala na ako. Imagine mo nakabuntis siya ng iba habang kami? Pero hindi. Nalaman kong hindi siya ang ama ng bata. Nakausap ko 'yung babae. But that doesnt mean, walang nangyari sa kanila before."
"Tinanggap mo pa rin siya kahit nag-cheat siya sa 'yo? Really?"
Tumango si Shy. "I told you. There's no perfect love. I know, people would judge me dahil naging martir ako. Tinanggap ko pa rin 'yong taong nanakit sa akin. Pero mahal niya ako, Sham.. Mahal na mahal niya ako. Alam ko loyal siya sa akin."
"Paano mo nasabi?" tanong niya. "I mean, sabi mo nga nagloko, tapos loyal?"
"Oo, ang loyal titikim lang ng ibang putahe, pero babalik pa rin talaga siya sa nakasanayan niya."
Napangiwi siya. That's fucked up.
"At ang faithful, siya talaga 'yong hinahainan mo na ng masasarap na putahe pero doon pa rin talaga siya sa nag-iisang gusto niya."
Hindi niya alam na may kaibahan pala ang pagiging loyal at faithful. May pagka-masokista pala talaga ang kaibigan niya. Tinanggap pa rin pala talaga nito si Jude kahit nagloko. Oo nga, parehong nagmamahalan ang dalawa. Nakikita naman niya na mahal ni Jude si Shy.
Pero nagloko na, eh. Kung siya si Shy, hindi na niya tatanggapin pa ang lalaki. Kung nagawa nito ng isang beses, posibleng maulit pa 'yon.. Ngunit wala siya sa posisyon para diktahan ang kaibigan. Wala siyang karapatan para pangunahan ang ibang tao kung paano magmahal.
Ang tanging kontrol lang niya ay kung paano niya iingatan ang sarili na huwag magaya sa kaibigan niya. At sana nga, hindi siya matulad dito.
Iniisip niya na niya kung paano kapag hinanap siya ni Kiefer? Wala siyang salitang iniwan para dito nang umalis siya. Hindi niya sinasagot ang mga tawag nito kaya sigurado ang dalaga na hinahanap siya ni Kiefer.
Kinagabihan tumawag sa kanya ang mama niya. Tinanong siya kung nasaan siya. Ayaw man niyang ikwento dito ang nangyari sa tawag. Napilitan rin siya sabihin. Hindi siya tatantanan ng ina and worst, baka mag-alala pa ito sa kanya. Naisip rin niya na baka ito ang puntahan ni Kiefer. Nasabi na sa kanya ni Marsh ang pagpunta ng lalaki sa apartment nila.
Hinahanap daw siya nito. Hindi pa rin siya handang makita ito. Baka tumakbo siya palayo kapag nakasalubong na lang niya ito bigla. Aaminin niya naduduwag siya na harapin ito.
Natatakot siya.
Natatakot siya na baka pag nakita niya ulit ito at marinig ang boses nito ay bumalik siya dito. Kalimutan ang lahat para makasama ito. She would beg to be with him. Natatakot siya na baka umabot siya sa punto na sa sobrang mahal niya ang lalaki, handa siyang mamalimos sa pagmamahal nito.
Muli niyang nakausap ang kanyang mama sa bagong number niya. Pinalitan muna niya pansamantala ang dating ginagamit. Walang tigil ang pagtawag sa kanya ni Kiefer na parang dami nitong oras sa kanya. Bago siya magpalit, nagreply siya sa isa sa mga text nito. She finally dumped him in a text message.
Oo, sa text lang. Sapat na siguro 'yon. Nakaganti na siya. Alam niya wala nang mas sasakit pa sa paghihiwalay na idinaan lang sa text.
Malungkot na ngumiti siya. She know she's being unfair. Dapat na mag-usap sila. Pero heto siya, nagtatago sa malayong lugar na alam niya hindi siya nito mapupuntahan.
"Wala ka pa bang plano na umuwi, Shamcey? Aba, anak. Mag-iisang linggo ka na d'yan. Saan ka kumukuha ng pinanggagastos mo?"
"Mayroon pa naman akong budget dito, Ma." Pero nauubos na 'yon paunti-unti. Nahihiya naman siya na gastusan siya ng kaibigan kaya siya na ang kusang naglalabas ng pera. Tama na 'yong binigyan siya nito ng matutuluyan pansamantala. "Uuwi din ako, kailangan ko lang ng tamang panahon."
"Eh, kailan pa ba 'yong tamang panahon na 'yon? Pagkatapos ng isang buwan? Dalawa? Tatlo? O isang taon? Nak, bumalik ka na dito. Walang point 'yang pagpapakalayo mo, nak! Jusko, saang teleserye mo ba nakuha 'yan? Wala naman tayong pera panlayas. Ibigay mo na sa mayayaman ang ganyang pag-iinarte. Bumalik ka na utang na loob."
"Ikaw talaga, Ma." Bahagya siyang napangiti sa pang-ookray sa boses nito. "Hindi naman ako nag-iinarte."
"Eh, ano? Umuwi ka na dito, Shamcey. Habang tumatagal na malayo ka, mas lalo akong nag-aalala para sa 'yo. May kasama ka ba d'yan ngayon?" tanong nito. Hindi siya nakasagot. Wala doon si Shy ngayon. Nagpaalam ito sa kanya na luluwas muna daw sa Maynila. Siya lang ang nandoon ngayon. Di naman siya natatakot. She can take of herself.
"Shamcey, anak kita. Kung ikaw ang nagkamali, di kita kukunsintihin. Kung nasaktan ka, nandito lang ako sa 'yo. At tingin ko, hindi tama 'tong ginagawa mo." Bumuntong-hininga ito. "Hindi ganyan ang paraan para maayos ang problema.. Walang nasusulusyunan ang pagtakbo palayo."
Para siyang sinampal at nanghihinang napaupo.
"Mas masakit ang naranasan ko kesa d'yan. Alam mo 'yun. Pero mas pinili kong harapin ang mga 'yon. Ang daming kaibigan ko noon ang nagsasabi, 'ang martir ni Sasha', 'ang tanga tanga ni Sasha', ang desperada ni 'Sasha'.. Lahat 'yon natanggap ko mula sa kanila tuwing sinusugod ko ang mga naging babae ng ama mo. Pero nak, di ako kailanman nagsisi sa mga ginawa ko. Hindi ako nagpakamartir. Hinarap ko lang mga 'yon bilang isang babae na gustong pangalagaan ang pamilya niya. Kahit alam kong talo ako, mas pinili kong bumangon paulit-ulit kesa mag-iiyak habang nakadapa."
Nag-init ang mga mata ni Shamcey, tila tubig na umagos ang mga alaala sa isipan niya. Ang dami ngang pinagdaanan ng Mama niya noon. Pero kahit isang beses, hindi niya ito nakitang naging duwag. Lumaban ito. Ipinaglaban nito ang pagmamahal nito sa ama niya kahit na paulit-ulit itong niloko..
"Hindi kita tinuturuan maging martir, Shamcey. Kapag iniwan ka na at ipinagpalit ka sa ibang babae. Wag mo na habulin pa. Iwanan mo na agad-agad. Pero bago 'yon, harapin mo muna. Alamin mo muna ang katotohanan. Hindi lahat ng nakikita natin o naririnig, iyon na ang totoo."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at narealize na hindi lang si Kiefer ang nagkakamali, pati siya mismo.
"May anak na siya. Hindi niya maitatanggi 'yon."
"O, ano ngayon? Ang daming single dads at single moms dyan na nakakahanap pa ng iba. Ako nga, kung gugustuhin ko, pinatulan ko na 'yong mga nanliligaw sa akin."
"Eeew."
"May asim pa 'to, tadyakan kita d'yan. Ang babaw naman kung dahil lang sa may anak si---"
"May ex siya na mahal pa rin niya."
"Paano mo nasabi?"
"I can tell it with the way he looked at her. I know he still loves her."
"Wow, nak. Nasa Nueva Ecija ka lang, englisera ka na. International call na ba 'to? May snow ba d'yan?"
"Hay.." Hindi niya alam kung kailan talaga magiging pure heart to heart talk ang usapan nilang mag-ina kung naisisingit nito pang-ookray.
"So, what are you suggesting, Ma?" sabi niya para matapos na 'yon.
"Isa lang masasabi ko. Harapin mo si Kiefer.. Kausapin mo siya ng masinsinan. Magkaintindihan muna kayo bago ka daw magpasya na tapusin ang relasyon niyo."
Daw?
Naningkit ang mata niya. "Kinausap ka ba niya? Pumunta ba siya sa bahay?"
"H-Hindi."
"Yong totoo, Ma?"
"Pero nandito kanina ang ina niya."
"A-Anong ginagawa ni Tita d'yan?"
"Nag-usap lang kami bilang mga ina ninyo. Hindi na kayo mga teenager, Shamcey, para makialam pa kaming mga lola na. Pero gusto namin na maayos nyo 'yan.."
"Ma, wag mo sabihin na sinabi mo kay Tita kung nasaan ako?"
Hindi ito sumagot. Natigilan si Shamcey nang makarinig ng pumaradang sasakyan mula sa labas. Tumingin siya sa orasan. Mag-alas dies na ng gabi. Ngayon din ba ang balik ni Shy?
"Hindi ko sinabi sa mama niya. Mapaghinala naman 'to! Mapagbintang!"
Umirap siya. "Akala ko sinabi n'yo kay Tita, eh."
Pumunta siya sa front door. Baka kasama na nito si Jude. Pamilyar sa kanya ang kotse eh.
"Hindi ko nga sinabi sa mama niya.. Sinabi ko na lang kay Kiefer, sabi ko dapat secret lang namin 'yon." Humagikhik ito.
"Ah okay," binuksan niya ang pinto. Pagkatapos ay nanigas ang katawan nang marealize ang sinabi nito.
Ngunit hindi na rin siya nakapag-react pa nang tumambad sa harap niya ang lalaking pinagtataguan niya.
---
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top