Chapter Seven


 MINSAN talaga akala mo nakatakas ka na. Nakatakbo ka na palayo. Pero nasa treadmill ka lang pala. At iyon yata ang nangyari sa kanya.

Brian..

Naramdaman niya ang pagtakas ng kulay sa mukha niya habang nakatitig siya sa mukha ng lalaking kilalang-kilala niya.

"Look who I found here," sambit nito habang suot ang nakakalokong ngisi sa labi. "Luck must be on my side."

At siya naman ang tinakasan ng swerte, ganon?

"We meet again, Shamcey. Do you still remember me?"

Mahina siyang napamura. Pero hindi nakatulong iyon upang maibsan ang malakas na pagtibok ng dibdib niya sa kabang namamayani ngayon sa loob niya. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Mukha siyang obvious!

Tumikhim siya, pagkatapos ay lumingon-lingon. Nang bumalik ang tingin niya sa lalaki, naniningkit na ang mata nito. "Anong ginagawa mo?"

"Chinecheck ko lang kung di ba ako nagkakamali na ako ang kinakausap nyo? Sir?" pinalumanay niya ang boses. Kalma lang. Wag pahalata.

Dapat umakto siya na di ito naaalala. Patay malisya lang. Dedma is the key. Shuta this.

Bumakas ang gulat sa mukha nito. Pero muling bumalik ang ngisi nito at tumawa. "Do you think you can fool me right now?"

"Po? Ano po, kuya?" Siraulo na yata siya. Paano kung isa ito sa boss nila? Patay na siya. Baka bumalik siya sa Laguna nito. Goodbye sa magandang salary. Bahala na.

Kailangan panindigan ang pagpapanggap na di niya ito kilala. Pero jusko, imposible naman na isa to sa big boss nila? Isa lang naman ang boss nila. Nakilala na niya ang may-ari ng Palazzo at si Mrs. Ismeralda Montejo 'yon. Di porke mukhang pormal ang nasa harap niya ngayon ay isa na 'to sa boss. Ano ba kung naligaw lang ito? Di naman mukhang super rich ng lalaki, lalo na at nakita na niya ang condo unit nito.

"Quit pretending, Shamcey. Sigurado akong natatandaan mo ako."

Humugot siya ng hangin. E di, tapusin na ang pagpapanggap. "Okay, sige. Panalo ka na." Sinalubong niya ang mata nito. Bakit ba ganun ito makatingin? Para siyang isang item na gusto nito tikman. Ah, not surprising. Alam niya mula umpisa na 'yon naman talaga ang gusto nito. Kaya nga niya ito tinakasan right? Pero bakit gumawa na naman ang tadhana na magkita sila? Shet naman.

"Kilala kita. Oo na, panalo ka na. Nagkita na naman tayo. Happy?"

"Mukha ba akong masaya?" Madilim ang anyong sabi nito.

Nakagat niya ang ibabang-labi. Hindi nga obvious. Alam niya na hindi maganda 'yong ginawa niya. Tinakasan niya ito kahit pumayag siya. Kung kasalanan ang pagpapaasa, may kasalanan siya dito. Pero ano magagawa niya? Di siya ready! Mapipilit ba siya nito?

"Shamcey." Napapitlag siya ng marinig ang boses ni Kris sa likuran niya. Shit.

Nakangiting humarap siya dito. Ewan niya paano pa niya nagawang ngumiti sa sitwasyon niyang napaka-awkward. Naglipat-lipat ang tingin ni Kris sa kanya at sa lalaking kasama niya. Hindi naman yata obvious ang pagnganga nito ng makita si Brian. Parang nakakita ito ng celebrity.

"Bakit, Kris?" sabi niya para kunin ang atensyon nitong nalipat na yata sa kausap niya.

"Uuna na kami.. Sure ka di ka sasama?" May kakaibang kislap sa mata nito bago lumipat sa kanya. "Siya ba 'yong friend mo?"

"Ah, eto?" itinuro niya si Brian. Tumango ito, obvious much ang pagka-interesado sa lalaki. She can't blame her. He look so gwapo in his polo ha. Pero manyakol 'yan, bes. Ingat ka.

"Di ko siya friend," sagot niya at maagap na nakaisip ng paraan para matakasan ang lalaki. "Nagtatanong lang siya kung nasaan 'yong HR department natin. Di ba may mga nag-apply pa?"

"What are---" Hinagip niya ang bibig ng lalaki at tinakpan. Ngumiti siya kay Kris.

"Kris, di naman kayo nagmamadali no? Baka naman pwede mo siyang samahan. Sayang naman ang effort ni kuya. Ginabi na pag-apply. Baka di to matanggap 'to." Agad agad lumapit si Kris. Nananabik agad.

Maharot, friend.

"Ah, ano ba ina-apply-an niya?" bulong sa kanya nito.

"Baka taga-linis ng pool. Swimmer 'yan. Gusto manisid."

Napatanga ito. "Huh?"

"Joke lang 'yun." Hindi na siya tumingin kay Brian. Ramdam niya ang naniningkit nitong mata sa kanya.

May ideyang pumasok sa isip niya. "Tulungan mo siya, Kris, ha. Alis na ako. Tinatawagan na ako ng boyfriend ko." pinagdiinan niya 'yong salita na gusto niyang iparinig kay Brian. Pagkatapos ay tumalikod na siya sa mga ito at nagmamadali ang mga hakbang. Sinubukan niyang huwag lumingon sa lalaki.

She felt bad rejecting him again. Marami na naman siyang nabasted nun, di ba dapat sanay na siya?


 KINABUKASAN, gamit na niya ang bagong high heels na binili nila ni Marsh kagabi. Nakalimutan na niya ang nangyari kagabi. Siguro naman hindi na niya makikita ngayon si Brian. Palaisipan lang sa kanya kung sino talaga ang lalaki. Ano ang ginagawa nito doon kagabi?

Mabigat ang dibdib niya na pumasok sa room nila. Parang may nararamdaman siyang iba sa atmosphere. Wow, ang atmosphere talaga?

Bumungad agad sa kanya ang tumpok nina Kris at Dionne kasama ang ibang girls. Nang makita siya ng mga ito ay para siyang anghel na dumaan ang tumahimik ang mga ito.

Nagsalubong ang kilay niya. May problema kaya? Kinutuban siya. Lalo na ng tawagin siya ni Dionne. Lumapit siya, may pagtataka sa mukha. Bakit parang pinag-uusapan siya ng mga ito? Ramdam niya ang titig ng mga kasamahan.

"Bakit, Dionne? May problema ba dito?" marahang tanong niya. Seryoso ang mukha nito. May pag-aalala doon. Di niya magets ang kakaibang iniaakto ng mga ito. Samantalang, tuwing dadating siya doon tuwing umaga ang sisigla ng mga ito.

"Tingin mo bakit kami naka-black?"

Isa isa nga niyang tiningnan ang mga kasamahan. Mga naka-itim nga ang mga ito. "May color coding ba tayo today? Naka-pink ako, shet."

Bakit di siya na-inform na nabago pala? In Wednesdays, they wear pink. Ewan niya kung Mean Girls reference iyon. Sumusunod lang siya.

"Gurl, hindi iyon ang problema." sabi ni Kris. Parang umiyak ito base sa pamumugto ng mata. Ngayon niya napansin na bakas ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito.

Teka, ano ba ang nangyayari?

"Ano ba kasi? Bakit kayo ganyan?" Natutop niya ang bibig. "Masisibak na ba tayo? Eh, wala naman naging problema sa 'tin di ba?"

"Wala nga. Kaso 'yong lalaking ipinasamahan mo sa akin.."

"Si Brian?" Huli na bago niya marealize na nabanggit niya ang pangalan ng lalaki. Nanlaki ang mata ni Kris.

"Kilala mo pala siya?"

"H-Hindi. Nagpakilala lang siya sa akin noong lumapit siya. Di ko nga kilala 'yun." pagtanggi niya. "May naging problema ba sa kanya?"

Kinabahan si Shamcey. Paano pag sinabi ni Brian na siya talaga ipinunta nito doon? Mukhang na-trace nga siya nito.. Possible ba 'yun? Parang ang desperado ng dating. Parang sa fairytale kung saan ipinahanap ni Prince Charming si Cinderella gamit ang kaparehas ng sapatos nito. Desperate moves din. At hindi niya alam kung matatakot ba siya sa security niya?

Tumango si Dionne. "Meron. Di ba sabi mo daw kay Kris, nag-apply siya?"

"Oo?"

"So, sinamahan namin siya sa HR deparment di ba?"

"Tapos?"

Nag-angat si Kris ng mukha, mukhang papalahaw na ng iyak.. "Tapos sabi mo nag-apply na tagalinis ng pool di ba? So, may pagka-janitor, parang ganon di ba?"

Napangiwi siya. "Sabi ko joke lang di ba?"

"Eh, nilalandi landi namin kaya binibiro biro na rin namin siya hanggang makarating sa HR. Pinalo palo pa namin sa braso, sabay sabing ang "pogi mo para mag-apply lang dito. Gusto mo pumart-time ka na lang sa 'kin, babayaran kita." Di niya alam kung ano na ang itsura niya sa sobrang pag-ngiwi.

"Pero pota friend, pagdating namin sa HR. Namura kami. Boss na pala natin si kuya."

"Anong boss?" Nasinghap siya.

"Anak siya ng may-ari ng Palazzo, bes. Siya mismo ang owner nitong Helios."

Nang sandaling iyon parang gusto niyang makiisa sa nararamdaman ng mga ito. Dapat nga nag-black na rin siya dahil sigurado maibuburol na niya ang mga pag-asam niya na magtatagal siya doon.

Malupit ba talaga sa kanya ang tadhana? Aba, sa lahat pa ng magiging owner ng Helios. Ang lalaki pa talagang iyon. Paano na siya ngayon? Ibig sabihin ba nun kailangan na niyang magpaalam? Itext na ba niya ang mama niya na matatanggal na siya? Magsabi kay Marsh na maghanap na ulit siya ng ibang trabaho?

She compose herself. Di siya dapat pangunahan ng kanyang emosyon at kapraningan. She think too much. Nagpaalam siya sa mga kasama na lalabas muna. Humingi muna din siya ng pasensya. Parang kasalanan yata niya na napahamak ang mga ito?

 Di niya mapigilang makonsensya.

Ngumiwi siya habang pinag-iisipan kung ano ang mga posibleng mangyari ngayon na si Brian pala ang owner kung saan siya ngayon nagtatrabaho. Hindi na niya ito matatakasan o maiiwasan pa. Wala siyang choice kundi harapin ito.

 He's a Montejo. Hindi niya akalain na posible na maging ganoon kayaman ang lalaki. Anak pa ito ng isa sa pinakamatagumpay na negosyante. Hindi niya maimagine.

Napakasimple lang nito kumilos at manamit. Mukhang madali lang ito abutin, pero napakalayo pala nito sa kanya.

Okay, kunyari di niya alam na may pagnanasa ito sa kanya. Di pa rin nagbabago ang isip niya. Kahit alukin pa siya nito ng kayamanan, di siya bubuka. Di talaga. Well.. siguro.. slight.. If the price is right..

Umiling siya. Mali, mali. Walang presyo ang bataan niya. Papanindigan niya ang pagtanggi dito. Kung kinakailangan niya mag-resign para maiwasan ang lalaki, gagawin niya.

Maghahanap na lang siya ng ibang trabaho.

-


Follow me on IG: race.darwin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top