Chapter Nine




"Brian Kiefer Montejo, President of MTS Industrial, the Philippines leading home improvement and construction supply retailers."

Nakangangang ibinaba ni Marshana ang article na binabasa nito at di makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"Wag mo ako tingnan ng ganyan please."

"Mamsh, nag-iilusyon ka lang ba? Nasobrahan ka ba sa kape? May problema ka ba pag-usapan natin 'yan. Wag ka lang mag-drugs. Mayayari tayo ni Digong n'yan, mamsh!"

Pinaypayan niya ang bibig. Kakatapos lang ubusin ang laman ng spicy noodles na kinakain niya. Hindi makapaniwala si bakla na may nag-iinteres sa kanyang dugong bughaw.

Kinunsulta nya nga kasi ito tungkol sa pagpaplano niya na pagre-resign. Muntikan siya nitong madagukan. Ang gaga daw niya para mag-resign pa, eh ang ganda na ng trabaho niya. Napilitan na siya ikwento ang tungkol kay Kiefer.

"Naging honest lang ako. Tinanong mo kung bakit gusto ko umalis. Ayan ang rason."

"At tingin mo bumebenta sa akin? Eto? Etong mayaman at gwapo na interesado kuno sa 'yo at kinukulit ka ang dahilan?" Ipinalo nito sa ulo niya ang dyaryo.

"Aray! Ang bayolente mo, bakla!"

"Umayos ka, Shamcey! Kung nahihirapan ka sa work mo, sabihin mo lang. Pero ayos naman 'yung lagay mo dun. Sa tingin ko walang problema."

"Ayos nga. Sinabi ko naman sa 'yo, di ba? Dahil lang d'yan kay Kiefer." Hindi talaga ito maniwala sa kanya. Tingin yata ng kaibigan nag-iilusyon lang siya. Baka pag ikinuwento niya dito na nagmeet na sila ni Kiefer bago pa ang Helios, mas lalo 'tong hindi maniwala. Okrayin pa ulit siya nito at masabihan na humihithit ng katol.

"Okay, sige, mamsh. Ipagpalagay nga natin na interesado sa 'yo tong si Kiefer Montejo, ha. Bakit ka naman tatanggi pa sa kanya?"

Nagsalubong ang kilay ni Shamcey. "Bakit naman hindi? Babaeng Pilipina ako. Mahinhin.. Hard to get-- Hayup ka, bakit ka ganyan makatingin kasi?!"

Tinitingnan siya ni Marsh na para bang inookray siya. "Shamcey, friend kita. Alam ko maganda ka. Laging muse noon. Ligawin. Pero iba na ang usapan pag gantong lalaki na!" Kulang na lang idukdok nito sa mukha niya ang dyaryo kung saan naroon ang gwapong mukha ni Kiefer. Mas lalo siyang naiinis.

Siya tuloy ang inookray nitong magaling niyang kaibigan dahil sa lalaki. Oo na, gwapo na ito. Mayaman. Ideal boyfriend. At walang dahilan para maging interesado sa kanya ito at para mag-inarte din siya. Kanina pa sinasabi ng kaibigan, ang palay na ang lumalapit sa manok. Ang kaso hindi naman sa lahat ng pagkakataon, tinutuka agad ng manok ang palay. Iyon ang kaso niya.

"Ipagpalagay na din natin na gusto mo na din magresign dahil sa trabaho sa Helios. Hindi mo na kaya. Pero pagdating naman sa salary, sobra pa nga 'yan  sa dati mong kinikita. Bago ka magresign, ang isipin mo hindi lang ang sarili mo. Si Tita na lang."

Nag-iisip na kinagat niya ang labi. Magiging selfish nga siya kung ngayon pa siya magre-resign. She's doing good. Magbi-birthday pa next month si Mama. Plano talaga niya na mag-Tagaytay sila at i-treat ito ng bongga. Sila lang dalawa.

Tapos magre-resign pa siya? Mali nga. Tama si Marsh. Hindi niya rin dapat isakripisyo 'yong trabaho na niya ngayon.

Kinabukasan pumasok siya sa trabaho na ang bumungad agad sa kanya ay ang mga kinikilig niyang katrabaho. Parang nilagyan ng asin ang mga kipay. Ang lalandi. Tho normal na reaksyon naman iyon. Lalo na at nandoon daw kanina si Kiefer. Hindi natigil ang pag-uusap ng mga kahit nagsisimula na sila sa cardio work out nila.

"Sa sunod na makita ko siya, lalakasan ko na talaga ang loob ko. Makikipag-selfie ako!" Nangunguna si Kris sa kaharutan. Parang kahapon lang ay ito ang nangu-ngunang umiyak sa pangamba na baka matanggal.

"Nagresearch ako tungkol kay Sir Kiefer. Bish, exclusive member din pala siya ng The Hunk Society! Lagi kong nakikita sa mga society pages ang ibang members nila na gwapo din!"

"Talaga ba? Ibig sabihin, member din siya sa Isla Amore?" tanong ni Dionne.

"Oo, at nalaman ko wala siyang girlfriend!"

"So, ibig sabihin may pag-asa na mapansin nya tayo?"

Nagtilian ang mga ito. Isang tumpok ang mga babae. Tahimik lang siyang nakikinig habang nagbo-browse sa bagong bili niyang android. Hindi na siya nakikisali sa mga ito. Lalo pa at pag magkakasama ang mga ito laging boys ang pinag-uusapan. Iba ang priority niya kahit na may nagsisimula na din na pumorma sa kanya mula sa department nila.

Pagkatapos ng cardio work out nila, nilapitan siya ni Sir Romeo. Isa sa mga manager nila. "Shamcey," nakangiting sambit nito sa pangalan niya.

Hindi lingid kay Shamcey ang pagkainteresado nito sa kanya. Hindi siya assumera, ha? Ilang beses na siya nitong niyaya na lumabas. Lunch man o dinner. Isang beses lang siyang pumayag dahil may iba ring kasama.

"Napagod ka ba sa work out natin ngayon?" pilit ang tagalog nito. Half British ang lalaki na nasa late thirties. Bakas sa tinig nito ang pinanggalingang bansa.

"Hindi naman, Sir Romeo. I'm good."

"I see. You're so full of energy you know. I like your performance here."

"Thank you, Sir." Na-flatter naman siya doon. Hindi lang ito ang nagsasabi sa kanya noon pero malaking bagay na 'yon. Narerecognize siya sa mga effort niya.

"So, kinumusta lang kita. Tatanungin na rin kita, are you free tonight?"

Gagawa na siya ng palusot nang marinig niya na tinawag siya ng isa sa mga waitress. "Bakit?" tanong niya. Humahangos na lumapit sa kanya ang babae.

"Shamcey, ipinatatawag ka sa HR. Urgent daw."

"Bakit naman daw?"

"Di ko alam. Punta ka na lang doon. Naku, girl. Parang in trouble ka yata."

Dumagundong ang dibdib niya. Tumingin siya kay Sir Romeo at nagpaalam dito bago nagmamadaling nagtungo sa HR. Kinakabahan siya. Para saan naman at pinatatawag siya? May hindi pa ba malinaw sa mga requirements niya? Ano matatanggal na ba siya?

Pagdating niya doon kumatok pa siya kahit may nakalagay ng wag na kumatok at pumasok na lang. Nakakaloka, hahatulan na ba siya? Binuksan niya ang pinto. Naglalangoy na sa isip niya ang mga dahilan---

"Hello, Miss Escudero."

Parang huminto na naman ang paggalaw ng paligid nang makita niya si Kiefer. Nakaupo sa swivel chair kung saan si Mrs. Ramos dapat ang nakaupo. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Mag-isa lang ito doon.

"Sinong hinahanap mo?"

"B-Bakit ka nandito?" nautal na tanong niya sa lalaki. Saglit niyang nakalimutan kung sino ito.

"Bakit nga ba?" balik na tanong nito sa kanya. "Pwede ka lumapit. Hindi naman ako nangangain ng tao." Playful ang tono nito pero ewan niya, parang may nakapaskil na danger sa noo ng lalaki.

Isinara niya ang pinto at humakbang. Kinakabahan siya kanina dahil akala niya HR ang nagpapatawag sa kanya. Ngayon, mas kinakabahan siya dahil si Kiefer pala ang may pasimuno nun. Kalma lang, girl. Di ka naman nyan siguro aanuhin.

Masyado siyang nahahalata na naaapektuhan nito. Dapat confident lang siya sa kahit ano pa ang sitwasyon.

"Ipinatatawag n'yo daw po ako, Mr. Montejo."

"Alam mo ba kung bakit?"

"Kaya nga ako pumunta para malaman 'yon, di ba?"

He grinned. "Kapag ganyan ka sumagot sa boss mo, malaki ang chance na masermunan ka lagi or matanggal."

"I'm sorry, Mr Montejo."

"Call me Kiefer. Hindi mo naman kailangan maging formal sa akin.. Tayong dalawa lang dito." Tumayo ito sa kinauupuan at humakbang papunta sa kanya. Napaatras siya. Hindi nakaligtas sa mata ng binata iyon. He chuckled.

"C'mon, Shamcey."

"Bakit mo nga ba kasi ako pinatawag? Akala ko may ginawa akong mali.."

"Meron naman talaga, di ba? Pero mapag-uusapan naman natin 'yan. Ngayon."

Lumapit ito sa kanya. Umatras siya hanggang sa mapasandal na siya sa pintuan. Ang cliche non, ha? Pero narealize din niya agad ang kanyang pagkakamali nang makalapit na ito ng tuluyan sa kanya. Nagawa siya nitong ma-corner.

"So, ano na nangyari sa plano mo? Sabi mo kahapon magre-resign ka na." Itinukod nito ang kamay sa pinto at inilapit ang mukha sa kanya. Napakurap siya sa sobrang pagkakalapit ng mukha nila.

"N-Nagbago na ang isip ko." Lumapat ang kamay niya sa dibdib nito para itulak ito. Napangisi ito ng maramdaman ang palad niya doon.

Pinag-initan siya ng mukha. "Lumayo ka nga.. Naduduling ako sa 'yo, Sir."

"Anong sabi ko sa 'yo kahapon? Hahalikan kita kapag tinawag mo ako ng ganyan."

"E, di Ma'am."

"Gusto mo talaga makita ang hinahanap mo, e." Panlalandi pa nito sa kanya. Kumikislap ang mata nito habang nakatitig sa labi niya. Lumitaw tuloy ang ilang malilinaw na alaala sa isipin niya. In HD version na nag-play ang mga labi nilang magkadikit. Wrong, wrong!

Very wrong.

"Kiefer," sambit niya sa pangalan nito. "P-Pwede ba na lumayo ka?"

"Ayaw ko nga. Tatakasan mo lang ako eh."

Ang landi talaga! "Ikaw nga 'yong boss, di ba? Hindi naman ako ganun rude para gawin 'yon. Sabi mo mag-usap, e di mag-usap, di ba? Bilang boss at employee lang."

"Boss at employee?" ulit nito, may makahulugang ngisi na alam niya dapat ikakaba niya. Hindi siya dapat kabahan.

"As professional, S-Sir." Naningkit ang mata nito. Ipinagpatuloy niya ang sasabihin. "Tingin ko hindi kita dapat tinatawag lang ng Kiefer. Boss kita and empleyado mo lang ako. Maging professional lang tayo, Sir, kapag nandito tayo. Okay?"

Lumayo ito sa kanya at napatitig. Sinamantala niya iyon para makakuha ng distansya. "Saka, wala na rin ako plano na magresign, Sir. Kailangan ko ang trabaho na ito. At kailangan nyo rin 'yong tulad ko dito sa Helios, so you're not going to fire me. Tingin ko dapat maging professional lang tayo sa isa't isa. No touching. Pwede po ba?"

Mukhang nabigla ito sa pinagsasabi niya. Bakit parang mas bossy pa yata ang tono niya dito? Parang ito pa 'yong sinasabihan niya? Naku, bahala na nga.

Ang awkward lang. Alam niya mas nakakataas ito sa kanya. Sa isang iglap, baka maging jobless na naman siya. Dapat gawin niya i-practice niya na maging mabait dito, di kaya?

"Okay." Umangat ang sulok ng labi nito at muling bumalik sa swivel chair nito. "I like what you said. Be professional."

Tumango-tango ito at hinawakan ang baba. Noong nagsabog ang kagwapuhan, salong-salo siguro ng lalaki iyon. No wonder bakit kilig na kilig sina Kris at nagsisimula na pagpantasyahan ang lalaki.

"Yes, Sir Kiefer. Ginagawa ko naman 'yong best ko para maging fit dito. Kailangan ko ng work talaga. Alam ko naman na may past sa pagitan natin.. Kaya makikiusap na rin ako na kung pwede let's just forget that and move on? Para sa ikabubuti nating lahat?"

Ay saan nanggaling 'yon? Nakagat niya ang labi.

"Sa ikakabuti ng lahat, o ikabubuti mo?" Umiling ito at ngumisi. "Fine, let's just forget that and move on."

"T-Talaga?" Matagumpay na napangiti siya.

Tumango ito at maluwang na ngumiti. "Oo naman, madali ako kausap, eh. Let's forget and move on.. Miss, Escudero. Now, pwede ka na umalis. You're fired."

Nalaglag yata ang puso niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top