Chapter Fourteen


 AM I ready for this? Tinanong rin ni Shamcey ang sarili niya. Habang nasa sasakyan sila nito, unti-unting naramdaman niya ang pagsukob sa kanya ng kakaibang init. Iyon 'yong kaparehong nararamdaman niya kanina pa.

 Even if she tried to ignore, masyadong masidhi ang pakiramdam na 'yon. Tila hinahalikan ng apoy ang balat niya, at pinag-iinit ang buong kamalayan niya.

Nabibilisan siya sa nangyayari. At kapareho din ng nararamdaman niya. Sa isang iglap, it feels like she wanted it from the start. Parang humahanap lang siya ng dahilan.

Kinuha ni Kiefer ang kamay niya. "Having second thoughts?" tukso nito sa kanya.

"N-No," umiling siya at bumaling dito. "Di ko na babawiin desisyon ko. Ako ang lumapit sa 'yo.. Wala akong dahilan para umatras."

"You're tensed." pagpansin nito. Di siya nagkomento.

"You sure you're okay?" tanong pa nito ng hindi siya sumagot. Sumulyap lang ito sa kanya. Habang siya ay di mapigilang bumaba ang tingin. Kapansin-pansin iyon para hindi niya mapansin mula pa kanina. God, her eyes..

Napupukaw ang kuryosidad niya. Para siyang si eba ngayon. Nararamdaman niya 'yong kuryosidad na abutin ang mansanas at kainin iyon. But in her case, it was the huge bulge in his jeans that she wanted to reach..

"Alam ko biglaan pero tulad ng sinabi ko, di naman kita pupwersahin ngayon. You can still say no--- W-what are you--"

Hindi napigilan ng dalaga ang matukso at abutin ang temptasyon. Siya yata si eba noong pinitas ang pinagbabawal na prutas. Ngunit ang kaibahan, ipinagbabawal ba ni Kiefer iyon? Dinama ng palad niya ang "tent" sa harap ng pantalon nito. Nanlaki ang mata niya. He was so hard!

Nang hawakan niya iyon, parang mas lalo pang lumaki.

He let out a groan. "Fuck, woman. You're getting us both killed kung ipagpapatuloy mo 'yan."

Agad na binawi niya ang kamay. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Gusto niyang mapatili. Hongloke! Nanginig sa kiliti ang mga daliri niya.

"Just checking out.."

"Checking out?"

 Makahulugang sumulyap siya dito at nagtama ang tingin nila. "Nagsisigurado lang na hindi ako lugi sa 'yo."

Malakas na napa-preno ang lalaki. "Hoy! May balak ka ba patayin ako?" galit na sabi niya dito. Seryoso rin ang mukha nitong sumulyap sa kanya.

"Wag ka mag-alala, hinding-hindi ka malulugi sa akin. Sisiguraduhin ko 'yan." At mapanganib itong ngumiti.


 "TEKA, saan ba tayo papunta?" nagtatakang tanong ni Shamcey sa kanya ng hindi naman QC ang daan na tinutumbok nito.

"We're going in my place."

"Alam ko.. pero di ba sa QC ka naman nakatira? Doon sa condo unit mo?"

"Oh, sweetheart. You mean that cheap condo unit?"

Napasimangot si Shamcey at parang gustong batukan ito. "Maka-cheap ka naman. Kung cheap na 'yon, ano pa siguro 'yong tinitirhan ko ngayon? Baka tawagin mo pa akong hampaslupa."

Gagong 'to.

Tumawa ang binata. "Wala akong intensyon na laitin 'yon. Na-offend ka? I'm sorry. Anyway, would you want me to visit you in your apartment sometimes? Di ako maselan."

"Wag na. Sa squatter ako nakatira." sabi niya.

"Nakita ko ang resume mo. It says you're living somewhere in Laguna. Pero ang gusto ko malaman, saan ka nag-stay dito?"

"Sa friend ko."

"Friend? Is it a boy?"

"Yes, sa apartment niya sa Makati."

Nagsalubong ang kilay nito. "A boy? Lalaki ang kasama mo?"

Actually, pwede naman niya sabihin na bakla 'yong kaibigan niya. Pero may bumulong sa kanya na palabasin na lalaki ang kasama niya sa apartment na tinitirhan niya.

"Okay, first.. I don't like that."

"Hindi ko hinihingi approval mo. May approval na 'yon ni Mama." Naningkit ang mata nito, pero di sumulyap sa kanya. Mukhang hindi ito natuwa sa narinig.

"And we're just friends. Walang malisya sa amin."

Dumilim ang mukha nito habang nakafocus sa daan. Inignora niya ang pagtiim ng bagang nito. But she can't help and look at his jaw. How could he be so perfect? Pati panga nito, nakakadala ng hininga. Naiimagine niya ang panga nito na nasa pagitan ng mga hita niya.

Ooh. Pinigil niyang mapaungol sa kapang-ahasan na i-imagine iyon. Umiling siya. This is getting worst. Pinagnanasahan na nga niya talaga ito, at sumisidi iyon sa bawat pagdana ng oras. Hindi pa man nagtatagal ng isang araw, parang may namumuo na agad. No way!

"Eh, matanong ko nga saan na ba tayo pupunta?"

"Sa bahay ko."

"Wow.. May condo unit ka na, may bahay ko? Or bahay ng parents?"

Mayabang na ngumiti ito. "Sariling pundar ko."

"Oh, talaga ba?" Kung ganon ang galing naman. May sarili na itong bahay. Pwede na nga ito bumuo ng pamilya. Ang tanong, bakit hindi na nga nito gawin 'yon? Sa research niya tungkol dito, he's turning thirty. Dapat ay magpakasal na ito..

Natigil ang pag-iisip niya ng pumasok sila sa isang village. Ang malaking gate ay tila gawa sa purong ginto ng magbukas sa kanila.

Wow, ang sosyal. Dito ba nakatira ang lalaki? Pero hindi ito nagsalita. Nagmaneho lang papasok. Manghang nakatingin siya sa labas ng bintana. She couldn't believe her eyes. Naggagandahang mansyon ang nadadaanan nila. Tila nagsusumigaw ng kayamanan ang bawat madaanan niya.

Ano 'to? Nasa Beverly Hills ba sila pumunta? Ang gaganda ng mga mansyon! Ang bongga! Ang yayaman ng mga nakatira dito. Sigurado siya mga milyonaryo or baka nga bilyonaryo ang mga nakatira doon.

Sa isiping 'yon, napatingin siya kay Kiefer. "Wag mo sabihin na dito ka may nakatayong bahay?"

"Bakit? Di ka maniniwala?"

"Yes! Kung sinasabi mong bahay lang ang ipinundar mo, di talaga ako maniniwala. Look! Ang gagara ng mga mansyon. Dito ka ba nakatira o dinadaanan lang natin ang mga 'yan?"

Di ito nagsalita. Makahulugang ngumiti lang sa kanya.

Alam niya mayaman si Kiefer. Ilan din ang pag-aari nitong hotels and night clubs bago pa ang Helios. Mayroon pa itong MTS Industrial na sa pagkakaalam niya ay minana nito mula sa nawalang ama. Di malinaw sa kanya kung namatay iyon or what.

He can afford a mansion. Eh, ang tanong sino ang titira doon? Mag-isa lang ito? That's kinda funny. Ang lungkot na tumira sa isang malaki at magarang bahay. Kahit sabihin pa na pwede itong araw-araw na magdala doon ng mga bisita o babae nito. Still, ang lungkot mag-isa.

"Tingnan mo ang isang 'yan. Ang ganda. Seryoso, parang 'yong nakikita ko lang sa mga magazines."

"You think you can live in that house?" tanong nito habang papalapit sa paningin nila ang tinutukoy niyang bahay. It was gorgeous mansion. Tinitingnan pa lang niya ito, iniisip na niya kung ilang tao ang maaaring tumira doon.

"Oo naman. Tatanggi pa ba ako?"

"So, are you saying you want to live with me now?"

"Teka," naguguluhan siyang napatingin dito. "Ang pinag-usapan lang naman natin ay boyfriend-girlfriend relationship.. Tingin mo papayag ako na makipaglive in sa 'yo? You wish."

He smiled playfully. Pagkatapos ay tumigil sila sa gate ng bahay na tinitingnan niya. Bumukas iyon at dire-diretsong pumasok ang kotse ni Kiefer. Mas lalong namangha si Shamcey. This house is insane. Wala siyang masabi. May isang malaking fountain sa harap ng bahay. Napaka-classy niyon tingnan. Parang iyong mga nakikita niya sa teleserye-- Actually, mas maganda pa itong nakikita niya.

Nalaglag yata ang panga niya sa pagkamangha. Nag-uunahan ang mga tanong sa isip niya ngunit wala siyang maisabibig. Tumigil ang kotse nito sa harap. Pinatay nito ang makina at tinanggal ang seatbelt.

Doon na siya nagsalita. "Oh, God.. Kiefer, anong ginagawa natin dito?"

"We're already here." sabi nito at hinaplos ang hita niya. Ngumisi ito. "Masosolo na kita ngayon."

Napailing siya, naguguluhan. Ito ba ang bahay na sinasabi ng binata? No way.

"Pakilinaw lang.. K-Kanino 'tong bahay?"

"Miss Escudero.. Kanino sa tingin mo ang bahay na 'to?" Umangat ang kilay nito.

"Kanino nga ba?" balik na tanong niya. "S-Sa 'yo?"

Hindi ito nagsalita. Pinanatili lang ang tingin sa kanya. Mainit at intense. Napalunok siya. Kapag ganoon ang itsura nito, alam na niya ang sagot. Muli siyang tumingin sa harap.

Sinamantala naman nito ang pagkakataon, inilapit nito ang bibig sa leeg niya. "This house is mine, sweetheart.. Parang ikaw, akin din.. So, what do you think? Titira ka na ba kasama ko?"

"K-Kiefer." nauutal na sambit niya. Di niya alam kung masasagot niya agad iyon. Hindi siya makaget-over na ganito ang bahay na tinutukoy nito.

 This is not just a house. It's a mansion. At ang mas lalong kinaloloka niya, he was offering her to live him! He can't be serious!

Mainit na tumama ang hininga nito sa leeg niya. "Ang bango mo.. Baka di ko mapigilan ang sarili ko mamaya." Napamura ito, at parang may humagupit na kiliti sa pagitan ng mga hita niya.

"Bumaba na tayo, Shamcey.. Baka di ko na mapigilan ang sarili ko. Dito na kita angkinin."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top