Chapter Forty One

WALANG ngiti ang Kiefer na naghihintay sa kanya sa parking lot. She bit her lower lip. Sariwa pa rin sa isip niya ang ginawa kanina. Sigurado siya sariwa pa rin iyon sa isip nito, at malamang iyon ang dahilan kung bakit madilim ang mukha nito.

"You're twenty minutes late." seryosong saad ni Kiefer pagdating niya.

"Bakit, wala ka namang oras na binigay, ah? Nag-aayos pa kasi ako."

"May oras akong ibinigay. Kahit tingnan mo pa sa text ko."

"Okay, okay. Bakit ba ang init ng ulo mo?" Huli na para bawiin niya ang tanong niya. Nakalimutan niyang siya nga pala ang "nagpainit ng ulo" nito.

"I believe you already know the answer, baby." Tiningnan siya nito, diretso sa mga mata. "Tama ba ako?"

Nagkibit-balikat siya, nagpipigil ng ngiti. "Ewan ko sa 'yo. Ikaw 'tong mainit ang ulo kanina pa. Baka akala mo di ko nakita ang pagsusuplado mo kanina."

"I know. At baka akala mo rin di ko nahalatang pinagtataguan mo ako kanina pagkatapos ng ginawa mo. You know, i don't deserve what you did to me. I deserve better for treating you like a princess."

"Ang lalim naman ng hugot." Hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng mahinang tawa sa labi niya. Mas lalong sumeryoso ang anyo ng binata. Nag-peace sign siya dito.

Umangat ang isang sulok ng labi ni Kiefer. "Go. Laugh at me. Because i'm not so sure kung magawa mo pa 'yan mamaya."

Napakunot-noo si Shamcey, hindi naintindihan ang sinabi ni Kiefer. "Hindi naman kita pinagtatawanan."

"To late too deny."

Hindi na lang siya umimik. Nakasimangot ito habang palabas na sila sa parking lot.

"Okay. Sorry na."

He just frowned at her. Pinigilan na lang niya mapahalakhak kahit gusto niya. Para itong bata na hindi napagbigyan sa gusto kaya buong araw na may tantrums. Hinayaan na lang muna niya ito.

Tumigil ito sa isang five star hotel. Pumasok sila sa parking area doon. "Hindi ka naman nagsabi na dito pala tayo magdi-dinner. Nag-ayos man lang sana ako."

"Kaya nga kita hinintay kasi sabi mo mag-ayos ka pa."

"Kulang pa."

"Di mo naman kailangan magpaganda. Kahit wala 'yang make up mo, ikaw pa rin ang gusto kong kainin."

"Sira ka talaga!" Tinanggal na nito ang seatbelt niya. Seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi tuloy niya alam kung nagbibiro ito. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito.

Ganoon ba ito kapag nawawala sa mood?

Pumasok sila sa isang mediterranean restaurant. Nakapagpareserve na si Kiefer ng table nila kaya itinuro sa kanila ng isang waitress ang pwesto nila. Nakaawang lang ang labi niya habang pasimpleng iniikot ang tingin doon.

You know the feeling of being in an old princess fairytale? Kung saan ipinatawag siya ng prinsipe para sa isang pagtitipon. That's the exact feeling.

Ang rangya ng loob noon. Parang lahat ng bagay na nakikita niya ay gawa sa dyamante, kumikinang at nagbibigay elegante sa paligid. Kahit ang mga nagdi-dine in doon ay nakaayos. Mga naka-eleganteng dress at formal wear.

Out of place ang beauty niya.

"Alam mo mas okay kung nag-dinner na lang tayo sa ibang lugar. This is too much, Kiefer."

"Wag ka ma-out of place."

"May lisensya ka naman. Di ka man lang prumeno na need natin magpabongga, o kaya sa ganito tayo magdi-dinner."

Ngisian lang siya nito at tinawag ang waiter. Umorder ito para sa kanila. Hindi na siya tinanong. Di rin naman niya alam kung anong gusto niya. Sorry, pero di siya pang-five star hotel.

So, ano, pang-Sogo ka?

Hindi rin naman sa ganoon. And to be honest, mahal na rin sa Sogo.

Hindi lang si Shamcey sanay sa ambience. Feeling niya para siyang kakain sa plato at kutsara na gawa sa ginto.

"Huwag ka ma-out of place. My mom owned this hotel." sabi nito pagkatapos kunin ng waiter ang order. "Isa lang ito sa five star hotel na nasa ilalim ng pangalan ng mom ko."

Napatango lang siya. Nalulula siya sa yaman na meron ang mag-ina. Kaya hanggang ngayon may pagdududa siya kay Kiefer. Sa lahat ng babae na magugustuhan at mapipili nito, bakit siya pa? Ang daming babae na nasa same level nito ang magkandarapa dito. At for sure, gugustuhin din ng mom nito.

"Ang yaman ng pamilya mo, Kiefer. Are you sure hindi nyo pag-aari ang buong Manila? Karamihan yata ng hotels and night clubs, under sa company nyo."

"Kasama ka sa pag-aari ko."

Nag-init ang pisngi niya. "Naisingit mo pa talaga 'yan."

"Marami na akong business bago ako umalis ng Pinas. Nagpapatuloy pa rin 'yon kahit noong nawala ako."

Hindi nito naikwento pa sa kanya iyon. Bakit ito nagpunta ng ibang bansa? Nag-aral? Ayaw niya muna mag-usisa.

"My mom is the one who handled all my business. The resorts and the night clubs. Pati ito. I co-owned this restaurant."

"Ah, so, mahilig ka sa mga european cuisine?"

"Not much. I'm part colombian, part puerto rican and french. Sa totoo lang, 'yong parents ko, parehas konti lang ang dugong Pinoy. Mga one fourth lang. Pero dahil nandito nakabase 'yong karamihan ng business nila, dito na rin sila nag-stay."

"And you?"

"I have other business abroad. Nag-focus din ako sa mga negosyo ko sa ibansa.. Especially when I stayed in US."

"Ikaw lang mag-isa?"

"Ako lang."

Ah, kaya siguro umalis ito ng Pinas. She was impressed. Hanga talaga siya sa isang lalaki na maraming pangarap sa buhay. Marunong tumayo sa sariling paa.

"Okay. Kala ko naman may ibang dahilan kaya ka umalis ng Pinas, eh."

"Anong dahilan?"

"Malay ko kung ano. Posibleng heartbreak?" Tumawa siya. "We know that's impossible. Mukhang ikaw ang heartbreaker."

Natigilan siya nang mapansin na naging seryoso ito. Tila may bumikig sa lalamunan nito. Nagtagis ang bagang nito at dumaan ang miserableng kinang sa mata nito. Ngumit mabilis lang iyon. Sa sobrang bilis ay hindi niya alam kung tama ba ang emosyon na nakita niya.

Hindi nga kaya... Napalunok siya. May iba siyang nararamdaman. Hindi niya mabigyan ng pangalan. Inignora niya iyon.

DUMATING na ang pagkain nila ni Shamcey kaya agad na naliko ang usapan nila. He's not ready to answer her. Magsisinungaling siya kung sumagot siya sa tanong nito. Matagal na rin naman iyon. Hindi na 'yon mahalaga pa para maging concern niya sa relasyon nila ni Shamcey.

She's different from her. Napakalaki ng pagkakaiba. Hindi na rin dapat pa malaman ni Shamcey ang tungkol sa nakaraan niya.

Nalagpasan na niya iyon. Walang mapapala na hukayin ang mga alaala na nailibing na niya. It's already in the past.

Habang kumakain, hindi niya napigilang komprontahin ito sa ginawa nito sa kanya kanina. Hindi pa rin niya makalimutan ang pang-aakit na ginawa nito. He just can't forget how she licked the peanut butter on his chest down his abdomen. Napakasensuwal ng galaw ng labi nito at tila nandoon pa rin 'yong pakiramdam na sinisilaban siya dala ng pang-aakit nito.

Damn, he want her lips again.. Among other things. He want her to lick him, tease him and worshipped him. Mababaliw siya kung hindi.

"Hindi ka pa nakakabayad sa kasalanan mo sa akin."

Napaubo ito. "Kiefer naman, kumakain tayo. Ayan pa rin ba iniisip mo?"

"I can't stop thinking about it now that we're eating.. It makes me want to eat you under the table.."

Natutop nito ang bibig at nanlalaki ang mata na napatitig sa kanya. Pilyong kinindatan niya ito. Her cheeks blushed.

"Okay, i'm sorry about that, Kiefer. Kasalanan mo rin naman kung bakit ko ginawa 'yon."

"And what did i ever do to you?"

She rolled her eyes. "Come on, Kiefer. Alam naman natin na mahilig ka talagang mang-asar kahit seryoso ako sa pagsasalita. Napikon lang ako, at ginusto ko gumanti. And I am so sorry. In Gloria voice na 'yon, happy?"

Umangat ang isang sulok ng labi ni Kiefer. "That's it?"

"Yes. At bakit ba pakiramdam ko hindi ka maka-get over doon? Masyado ka bang nabitin?"

"Hell yes."

Pilyang ngumisi ang dalaga. "E, di dapat nag-selfie ka na lang." Dinampot nito ang baso ng juice at uminom.

Napangisi rin siya. "I don't want to masturbate. I want to fuck you.."

Nasamid ang dalaga at napa-ubo. Matalim na tiningnan siya nito. "Letse ka. Puwede bang huwag kang nagsasalita ng ganyan lalo na kapag umiinom ako."

"Bakit, ano ba ang naiimagine mo na iniinom mo?"

"Bastos mo no? Wala akong iniimagine." Pinahid nito ang tumulong juice sa bibig. "Kailan ka kaya matututong mag-censored, ano?"

"Well, i don't know, baby. Hindi ka pa rin nakakaligtas sa ginawa mo sa akin kanina. You deserved a punishment for that." Ibinaba niya ang kutsara at tinidor. "Mmm.. Ano kayang magandang gawin ko sa 'yo?"

Pinaikot nito ang mga mata. "Hay, ewan ko sa 'yo, Kiefer. Puro na yata kahalayan ang nasa utak mo. You should be thankful. Hindi ako ang uri ng babae na gumagawa ng ganoong bagay, pero sa 'yo ginawa ko. I can say that's my first time."

Napangiti si Kiefer. Alam niya na hindi ito nagsisinungaling. She's a first timer. But for a first timer, kaya nitong baliwin siya sa napakataas na lebel.

"I know, baby. Siguro nga dapat magpasalamat ako. I'm your first time and you're just mine. Sa akin ka lang, understand?"

"Parang may choice pa ako, no?"

Tumawa ito at parang kaysarap ng tawa nito sa kanyang pandinig. Nangingiting napatitig siya sa dalaga.

Oh, how he love to see her like that. Buhay na buhay ang tawa nito. Tila walang iniindang problema sa buhay. Tuloy hindi niya naiwasan ang pagsagi ng isang partikular na tao na naging bahagi ng buhay niya.

Napatiim-bagang siya.

Matagal ng wala ang taong 'yon. Ibinaon na rin niya ang mga alaala nito kasabay ng pagkawala ng ama niya noon.

Napangiti si Kiefer ng mapakla. He better stop thinking about her. Wala na itong lugar sa kanya. May nagpapasaya na sa buhay niya ngayon. Wala ng halaga kung iisipin pa niya ang taong matagal ng nawala.

"Ikaw naman ang natigilan." pagpansin ni Shamcey sa kanya.

Umiling si Kiefer bilang pagtanggi. Pagkatapos ay ngumiti. "Iniisip ko lang kung gaano ako kaswerte para maging akin ka."

Napahagikhik ito. "Loko ka talaga. Kumain ka na nga. O, eto." Sinubuan pa siya nito. Nagtawanan sila ng hindi niya masubo lahat 'yon. "Grabe, pag-aralan mo sumubo ha?"

"Hindi ba dapat 'yon ang gawain mo?" panunukso niya, at tinampal siya nito sa braso.

Napahinto ito sa pagtawa ng may makita sa likod niya. Parang may nakita itong kakilala base sa panlalaki ng mata nito. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito.

Isang pareha na kakapasok lang at naghahanap ng table. Di niya kilala ang lalaki. "Friend mo?" tanong niya at bumalik siya sa pagkain.

"Oo, si Shy.. Jusko, bakit kasama niya pa 'yong lalaking 'yon?"

"Bakit parang against ka sa boyfriend ng kaibigan mo?"

"Eh, niloko lang naman siya nun! Nambuntis ng iba kahit ikakasal na sila. Tapos ngayon, kasama pa rin ulit niya?"

Wala sa sarili na napalingon ulit siya. Sakto na napatingin din sa pwesto nila ang babaeng kasama ng lalaki na tinitingnan ni Shamcey.

Natigilan siya. No fuckin way.


---to be continued..



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top