Chapter Forty Eight
TINIKMAN ni Shamcey ang chicken adobo na niluto niya para sa munting salo-salo nila. Napangiti siya, pumasa sa panlasa niya ang timpla niyon.
"Ano masarap ba, 'nak?" Nakangiting lumapit sa kanya ang ina. Tinikman nito ang luto niya.
"Aba, gumagaling ka na rin magluto, ah. Talagang pwede na mag-asawa."
"Ma! Asawa agad?"
"Saan pa ba ang punta n'yan?" panunukso nito. "Naipakilala ka na nga kamo sa magulang di ba?"
Tumango siya. Pero ayaw niya mag-expect ng malaki. Tama lang sa kanya ngayon na ine-enjoy niya ang relasyon nila kay Kiefer. Nakadagdag lang na parehong alam na ng mga ina nila ang tungkol sa kanila. Lakas loob na rin siya na nag-open sa kanyang mama. Sinabi niya dito ang tungkol kay Kiefer, ang relasyon nila na ilang linggo na.
Sa una hindi ito makapaniwala. Akala nagbibiro lang siya noong sinabi niya na ang lalaking may-ari ng Helios ang jowa niya. Ilusyunada daw siya. Kahit ipinakita niya picture nila ni Kiefer na magkasama, di pa rin kumbinsido. Baka daw nagpapic lang siya. Kaya ang pinakita na niya ay picture nila na magkasama sa kotse ni Kiefer kung saan nakahalik ang binata sa pisngi niya.
"Matagal pa ba dumating ang jowa mo?" sabi ng kanyang mama.
"Nasa byahe na raw, Ma. Malapit na 'yon."
Yumakap ang kanyang ina sa braso niya at ngumisi. "Masaya ako sa 'yo, nak. Ang swerte mo para sa first boyfriend mo. Kasi ako noon, 'yung una kong naging kasintahan niligawan lang ako dahil sa panunukso ng mga kaibigan niya. Isang linggo lang kami nagtagal. Ang siste di lang pala ako ang nililigawan."
Bumuntong-hininga ito at nangingislap ang mata sa tuwang tumingin sa kanya. "Excited na ako makilala ang nobyo mo. Pero kahit di pa siya nakikilala, alam ko mabuti siyang tao dahil nakapasa siya sa 'yo, 'nak."
"Mabait siya, Ma. Caring. Thoughtful.. Pero uunahan ko na kayo, di siya perpekto." May pagkamanyak, ma. Dugtong niya sa isip.
"Wala naman lalaking perpekto, Shamcey. Wala ring babae na perpekto. Okay lang 'yan."
Handa rin naman niya tanggapin kung ano ang mga pagkakamali ni Kiefer. 'Yong imperfections nito, kaya niyang halikan.. yakapin. Dahil mahal niya ito. Hindi siya magsasawang sabihin sa sarili o kahit dito na mahal niya ito. Iyon naman talaga ang nararamdaman niya.
Bumukas ang pinto. Sabay silang napalabas sa kusina ng kanyang mama sa pag-aakalang si Kiefer na 'yon.
"I'm home!" deklara ng bakla habang ayos na ayos. Naka-party dress pa ito.
"Saan ka galing? Bakit ganyan ang suot mo?"
"Ganda ko ba?"
Pinasadahan nila ng kanyang ina ang kaibigan ng nawi-wirduhang tingin. "Jusko, kayong mag-ina ha! Ini-insulto nyo ang kadyosahan ko."
Ipinatong ang dalang shopping bag sa sofa at umupo. "Bakit ka ba kasi naka-ganyan? Dadating si Kiefer."
"Si Kiefer? Tologo?!"
"Oo daw, baks! Si boypren niya ipapakilala na sa atin." na-e-excite na sabi ng kanyang mama.
Di makapaniwalang napatitig sa kanya si Marsh. "Wow, meet the mother na pala! Seryoso na talaga kayo n'yan!"
"Ipinakilala na rin naman niya ako sa mom niya."
"Ay panalo ang performance level sa OT!" Umakto pa si bakla na may sinusubo. Nanlaki ang mata niya. Buti na lang nakatalikod ang mama niya kay Marsh kaya di nito nakikita ang ginagawa ng kaibigan.
"Ano ang mga ito, baks?" tanong ng mama niya habang inuusisa ang dala ni Marsh.
"Tita, pasalubong lang 'yan sa akin. Galing kay Shy."
"Si Shy?" ulit niya.
"Oo, pinaabot lang niya para sa ating dalawa. Galing sa kapatid niya na balik-bayan. Sayang nga di ko naabutan! Umalis na daw nang dumating ako."
Tumango siya. Narinig nga niya din kay Shy last time ang tungkol sa pagdating ng elder sister nito. Though never pa naman niya nakita iyon sa personal. Sa ilang old pictures lang na mayroon si Shy. And the woman is very pretty.
Tumunog ang cellphone niya. Si Kiefer iyon, tumatawag. Iniwanan niya ang mama niya at si Marsh bago sagutin iyon.
"Hello, Kiefer? Nasaan ka na?" malambing natanong ni Shamcey.
"Babe." narinig niya ang malalim na boses nito sa kabilang linya. "I'm sorry, i can't come tonight.. Something came up."
"A-Ano?"
"May nangyari lang sa opisina. Kailangan kong bumalik. Naipit pa ako ngayon sa byahe.." Mabilis na nagkwento ito tungkol sa aksidente daw sa daan kaya bumigat ang traffic.
Nakaramdam siya ng bigat sa dibdib. Pero inignora niya iyon. Kailangan niyang unuwain ang binata.
"I'm sorry, babe. Babawi ako next time, okay? Please tell your mom that I'm sorry.."
"Hindi, okay lang.. Kung importante talaga 'yan, pwede naman natin ipagpaliban. Marami namang ibang pagkakataon."
"Sorry talaga, babe.. Tawagan ulit kita mamaya."
Mabigat na humugot siya ng hangin. Iyon ang unang pagkakataon na maipapakilala niya ang boyfriend sa mama niya. Pero kasamaang palad hindi pa sumang-ayon ang panahon. Nilunok niya ang pagkadismayang namuo sa lalamunan.
"Bakit, nak?" tanong ng kanyang mama pagkatapos niya makausap si Kiefer. "Malungkot ka. May nangyari ba?"
"Tumawag si Kiefer.. Hindi daw siya makakarating. May kailangan daw siya ayusin agad sa opisina." mapait siyang ngumiti at di makatingin dito. "Sorry, Ma."
"Bakit ka nag-so-sorry? Kung may dahilan naman siya." Agad na nilapitan siya nito at marahang hinagod ang likod niya. "Wag kang mag-sorry sa akin. Ayos lang 'yun."
"Nagluto pa naman ako.." kinagat niya ang ibabang-labi.
"Eh, ano naman? Nandyan naman si Marsh. Nandito ako. Kakainin namin 'yan. Okay lang 'yan. Wag ka malungkot."
Pero hindi iyon ang ikinalulungkot talaga niya. Nanghihinayang siya sa espesyal na gabi sana para sa kanya. Ngayon lang niya maipapakilala ang mama niya. Bukas aalis na ulit ito pauwi.
But she need to understand him. Hindi rin naman biro ang trabaho ni Kiefer. Hindi dahil nobya na siya nito, makakalimutan nito ang commitment sa trabaho. She need to learn to understand his responsibilities.
KINABUKASAN hindi niya nakita si Kiefer sa Helios. Maghapon na inabangan niya ang nobyo. Sa text lang sila nito nagkausap. Binati siya ng umaga at tanghali. Tapos tinanong kung kumain na ba siya.
Isang buong araw lang niya ito nakita at grabe na 'yong pagkamiss niya dito. Distracted siya sa trabaho na hindi niya ito nakikita. Ano na kaya ang nangyari sa binata? Nakakakain ba kaya ito ngayon?
For sure hindi ito makaalis sa opisina nito sa dami ng kailangan nitong ayusin. Wala siyang alam sa pagpapatakbo ng kompanya. Sa negosyo pa nga lang, hindi siya masyadong magaling. Hindi siya business-minded. Ganoon din ang mama niy hanggang sa naisipan lang nito na magnegosyo sa kagustuhan na makatulong sa kanya. Alam niya mahirap ang ginagawa ni Kiefer. Kaya naiintindihan niya na hanggang ngayon di pa rin ito nagrereply sa huling text niya.
"Shamcey!" Hinabol siya ni Romeo nang makita siyang naglalakad na palabas.
"Uy," ngumiti siya sa lalaki.
"Aalis ka na?"
"Oo. Ikaw?"
"Pauwi na rin. Gusto mo ihatid kita? Saan ba bahay mo?"
Nabura ang ngiti niya. "Romeo, hindi na. Salamat. May iba pa kasi akong pupuntahan.."
"E, di ihatid na rin kita. Okay lang sa akin." He's really a nice guy. Hindi naman lingid sa kanya na pinopormahan siya ng lalaki. At nakokonsensya kasi mabait ito sa kanya at umaasa lang ito sa wala.
"Romeo, wag na talaga.. Magtataxi na lang ako. 'Yong boyfriend ko kasi ang dadalawin ko."
Nawala ang kislap ng tuwa sa mga mata ni Romeo. Napalitan agad ng disappointment at pait ang mukha nito. "Ganoon ba?"
She nodded, feeling guilty. Kahit wala naman siyang dapat ika-konsensya.
"Di ko alam na may boyfriend ka." sabi nito. "Sige, mauna na ako.." Laglag ang balikat na tinalukuran siya nito.
Napakabuting tao ni Romeo. Alam niya makakahanap ito ng iba. Mabuti na rin na sinabi niya kasi ayaw niya na magtagal pa ang pagkagusto nito sa kanya. Mahirap na umasa sa wala. Ayaw niyang makasakit ng iba.
Nag-book siya ng taxi sa phone niya at ilang minuto pa, may dumating na taxi. Sumakay agad siya. Hindi talaga siya makatiis. Gusto niyang makita si Kiefer.
Ibinaba siya ng taxi sa harap ng mataas na building ng MTS Industrial. Nararamdaman niya ang tensyon sa balikat habang papasok sa establishment. Nanginginig ang binti niya. Ngumuya siya ng bubble gum para pawiin ang umaahon na tensyon sa kanya.
"Miss, saan dito ang opisina ni Mr. Brian Kiefer Montejo?" tanong niya sa isang babae na mukhang empleyado naman doon.
"Ah, ma'am kumaliwa po kayo." Itinuro naman nito sa kanya ang direksyon.
"Salamat," ngumiti siya dito at tinunton na ang daan.
Nakita niya ang isang babae na may sariling table sa labas ng isang silid. He must be his secretary. "Hi." bati niya ito sa friendly na tono.
Nagtaas ng kilay ang babae at pinasadahan siya ng tingin. Na-intimidate siya. "Sino sila?"
"Ako si Shamcey Escudero. I'm looking for Mr. Kiefer Montejo."
"May appointment?"
Nakagat niya ang ibabang-labi. "Wala eh. Pero kilala naman niya ako. Pasabi naghihin---"
"May kausap siya sa loob ng opisina niya. Mukhang mamaya pa sila matatapos. Kung wala kang appointment, bumalik ka na lang bukas, Miss Escudero."
"M-Makakapaghintay naman ako."
Ngumiti ang babae, pero malamig ang ekspresyon ng mukha. "Mas maganda kung bumalik ka na lang bukas. Baka maghintay ka lang sa wala."
"K-Kumustahin ko lang naman sana--"
"Miss, please. Mr. Montejo is a very busy man. Wala siyang panahon para sa mga stalkers and admirers. Umalis ka na bago pa ako tumawag ng security."
"P-Pasensya na po." Di na siya nakipagtalo. Gusto lang naman sana niya kumustahin ang lalaki.
May convenience store sa katapat na entrance ng building. Desidido siya na maghintay sa binata. Nagsend siya ng text dito. Di niya sinabi na nandoon siya. Nangumusta lang siya at nagtanong kung busy pa ba ito.
Bumili siya ng kape at matamang naghintay. Dumaan na ang kalahati, isang oras hanggang sa magdalawang oras, hindi pa rin niya nakikita na lumalabas ang binata.
Nagtext na sa kanya si Marsh, nagtatanong kung nasaan siya.
Gusto na niyang sawayin at murahin ang sarili. Ano ba ang ginagawa niya? Magkikita pa naman sila ni Kiefer! Baka tama nga ang sekretarya ng binata. Maghihintay lang siya sa wala. Nagdecide na siyang umalis nang makita niya si Kiefer.
Parang tumalon ang puso niya. Nakangiti siyang lumabas ng store. Hawak nito ang cellphone at parang may binabasa ito. Nabasa siguro nito ang text niya. Pero nakakunot-noo ito.
Pagkatapos ay inilagay ang cellphone sa tapat ng tenga nito. May kinakausap ang lalaki. Tumingin siya sa kanan at kaliwa para i-check kung may dadaan na sasakyan. Nang makitang wala, tumawid na siya.
Nae-excite si Shamcey makita kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita. Mabilis na tumawid siya at humakbang palapit dito. Ngunit nabura ang ngiti niya nang makita ang kotse ng lalaki na huminto sa tapat nito.
Seryosong ibinulsa ni Kiefer ang cellphone nito. Pagkatapos ay humakbang papasok sa kotse nito.
Natigilan siya sa kinatatayuan.. Nang dumaan sa harap niya ang kotse, mas lalo siyang natigilan. Nakabukas ang bintana niyon at bukas ang ilaw kaya malinaw na nakita niyang hindi lalaki ang nagda-drive sa kotse nito.
Babae iyon.
---to be continued..
Don't forget to follow me on IG: race.darwin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top