Chapter Five
"YOU'RE hired!"
Sigurado matutuwa ang mama niya sa oras na malamang pasok na siya sa inapply-an niya. Sa isang casino resort and hotel siya nag-apply kasama si Marshana. Ito kasi ang nagrekomenda sa kanya na doon siya pumasok. Madali daw siyang makakapasok doon dahil may contact ito sa HR Department.
At hindi nga ito nagkamali. Hindi na siya sumalang sa unang screening. 'Yong pangalawang interview at final lang, pagkatapos sinabihan na siyang kumpletuhin ang requirements niya! Gusto niyang magtatalon sa saya.
"Seryoso ba talaga 'yon? Parang ang bilis lang."
"Shunga, kasi maganda ka. Iyon ang kailangan nila. Hindi ka naman sa housekeeping mapapapunta. Sa casino ka, at sigurado tuwing gabi ang duty mo."
"Ibig sabihin ba nun kailangan ko maghanap ng mauupahan? 'Yong malapit lang para di hassle sa trabaho."
Tumango-tango ang bakla. "Actually, oo, kailangan mo. Ayaw mo nun? Malalayo ka na dun sa mga mahadera nyong kapitbahay. Isama mo na si Tita!"
Nag-isip isip siya. Gusto na rin naman niya umalis doon. Matagal na rin silang nakatira sa Binan. Maninibago ang kanyang mama kapag napalipat na sila. Kung di naman niya ito isasama, mag-aalala siya na mag-isa lang ito.
Pagdating niya sa bahay, agad niya sinabi sa kanyang mama na may trabaho na ulit siya. Tuwang-tuwa ito. Alam niya na ito ang mas nahihirapan sa sitwasyon nila. Nag-iisip din ito ng mga pwedeng paraan para matulungan siya sa pagbabayad ng mga bills nila. Kahit minsan nananakit ang tuhod nito, tuloy pa rin ito sa paglalabada. Ume-ekstra sa mga karenderya para maging serbidora o taga-hugas ng plato.
Oo, mahirap sila. Lahat ng mga naipundar noon ng magulang niya, kasabay nawala ng abandonahin sila ng kanyang ama. Tulad sa mga teleserye, sumama ito sa ibang babae dala ang lahat ng meron sila. Naiwan sila ng kanyang mama na nangangapa, walang pera.
Nag-aaral pa lang siya noon. Ang nangyari, pagkatapos ng isang taon mula ng iwanan sila ng magaling niyang ama ay tumigil na rin siya sa pag-aaral. Kinailangan na niyang magtrabaho para matulungan ang kanyang mama.
Maraming alok sa kanya na trabaho. Pero di niya tinanggap ang mga 'yon. Naniniwala siyang mabubuhay sila sa malinis na paraan. Di niya kaya na ibenta ang sarili sa mga lalaki para lang makakain sila. There must be other way. Kaya kahit ang hirap-hirap maghanap ng raket, push pa rin siya. Ilan na ang naging trabaho niya. Naging waitress sa restaurants. Naging saleslady sa malls. At ang huli nga ay 'yong sa call center. 'Yong mga modelling gigs niya, konti lang. Lalo na at may mga photographer na mapagsamantala. Pag papuntang province ang shoot, sumasama lang siya pag alam niya matino rin 'yong sasamahan niya. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon. Mahirap kumita. Dahil kapalit niyon, may dapat kang isakripisyo.
"Eh, paano 'yan anak? Mahihirapan ka kung araw araw babyahe ka papunta doon? Gabi pa 'yong trabaho mo." may pag-aalala na sabi ng mama niya habang kumakain sila nito sa isang fast-food chain. Kanina pa rin talaga niya pinag-iisipan ang bagay na 'yon.
"E, di lumipat na tayo ng bahay na malapit lang sa trabaho ko, Ma. Mahirap din naman magbyahe. Lalo na pag aabutin ako ng gabi."
"Lilipat tayo? E, paano 'yung bahay natin? Saka paano ka makakahanap agad ng bahay agad?"
"Kahit maliit na apartment lang, Ma. Okay na sa atin 'yon." Ang problema, magsisimula pa lang siya sa trabaho. Wala pa siyang ipon para makapagsimula sila sa ibang lugar. Pinoproblema niya ang rent sa bahay, sa tubig, sa kuryente. Plus 'yong magiging budget nila. Wala pa nga siyang pera ngayon. Humiram lang siya kay Marsh na kasama rin nila ngayon para lang kumain sa labas kasama ang mama niya.
"Mars, ano kaya kung maghati na lang tayo sa apartment ko para di ka na mahirapan maghanap." singit ng kaibigan niya sa usapan nilang mag-ina. "Tama si Tita. Mahihirapan ka pa maghanap, eh, magsisimula ka pa lang naman."
"Seryoso ba 'yan?"
"Oo naman. Ano ka ba, willing ko naman na iniaalok no?"
"Paano na ang mga booking mo bakla kapag doon na kami ni mama?"
Napaubo ito. "Di naman ako nagdadala ng lalaki sa apartment ko no!"
"Mamatay?"
"Ito naman, patay agad." Tinampal nito ang braso niya. "Syempre, pag nandoon na kayo. Di na.. Maliban na lang kung wala kayo parehas ni Tita."
Kasabay nitong humalakhak ang mama niya. Nag-apir pa ang dalawa. Matagal na niyang kaibigan si Marsh. Nagdadalagita pa lang ang bakla, kaibigan na niya ito. Sa sobrang close friends nila, kilala na yata niya halos lahat ng mga naibooking nitong basketbolista sa kanila.
"Anak, ano kaya kung ikaw na lang tumira sa Maynila? Pwedeng dito na lang ako. Pwede ka naman umuwi every day off mo, di ba?"
"Ma, sure ka ba dyan? Mas maganda kung magkasama tayo doon."
"Nak, malaki ka na. Di mo na naman kailangan ang pagbabantay ko."
"Eh kayo?"
"Ano ka ba, Shamcey! Di pa naman Lola si Tita para kailanganin ang bantay mo." saway sa kanya ni Marsh.
"Magiging ayos lang ako dito, nak. Grabe, di ka naman mag-abroad. Mga isang oras na byahe lang naman ang layo mo sa akin. Sige na, kahit ikaw na lang. Dito na lang ako."
Nag-aalala lang siya na kapag mag-isa na lang ito, bumalik ito sa pagiging masyadong emosyonal. Alam niya ang mga pinagdaanan ng kanyang ina mula ng iwanan sila ng papa niya. Naging alcoholic ito, sugarol. Kaya nga nawala lahat ng napundar nila noon.
Pero di niya ito masisi. Kasalanan iyon ng ama niyang mas inuna ang sarili kesa sa sarili nitong pamilya. Kung sakaling magkita ulit sila, hindi niya sigurado kung tatanggapin pa rin niya ito bilang ama. Di niya sigurado kung kikilalanin pa rin niya ito. Patay na ito para sa kanya.
-
"DAMN. Bakit hanggang ngayon wala pa rin 'yong ibang supplies para sa Hellios? Can you please make it faster?" Pigil na pigil ni Kiefer na magmura sa kabilang linya habang kausap ang assistant niya. "Wala na ba kayong gagawing matino sa loob ng isang linggo na 'to? Yes, do it quickly. I mean, now. I don't wanna hear more excuses, Ryan."
Pabagsak na ibinalik niya ang telepono at napasandal sa kanyang swivel chair. Fuck. Marahas na naisuklay niya ang kamay sa buhok. Sunod sunod na yata ang sakit ng ulo niya. Isang buwan pa lang siyang nakakabalik, di niya akalain na ganito na kasakit sa ulo ang haharapin niya.
Tumunog ang intercom niya. That's his secretary. "Sir, your mother wants to see you. She's here."
"Tell her to come in."
Sigurado siya tungkol sa pagbubukas ng Helios Manila ang ipinunta ng kanyang ina. Isang buwan na lang at ipapakilala na niya ang pinaka-malaking indoor beach resort at night club sa Kamaynilaan. It was his idea. Her mother owns a casino resort and hotel at halos katabi lang ng Helios iyon.
May approval naman iyon galing sa kanyang ina. Tulong na rin nito iyon sa kanya actually. Bago pa siya umalis papuntang Amerika, nakaplano na talaga iyon at ongoing na ang pagpapatayo. Natigil lang iyon saglit ng umalis siya. Pero ipinagpatuloy pa rin ng kanyang ina ang pagpapagawa niyon. Last month lang siya dumating, now he's ready to open his new baby.
Ilang saglit lang bumukas na ang pinto ng opisina niya. Iniluwa nun ang isa sa pinakamatagumpay na negosyante sa bansa-- Ismeralda Montejo. The woman behind the success of seven of the best luxury Philippines Hotel. Bukod doon ay nagkalat pa ang ibang hotels na ipinatayo nito sa iba't ibang panig ng bansa, pati na rin sa labas.
And that's his mother. A very empowered and successful woman.
Tumayo si Kiefer para salubungin ito. "Mom," niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. "I'm happy to see you here."
"C'mon, Brian Kiefer. Who are you kidding? Kinailangan pa nga na dumaan ako sa sekretarya mo para lang makapasok ako."
Ngumiti siya. "Pag kayo, di nyo naman kailangan. I'm just busy kaya sinabihan ko si Nina na wag magpapasok basta sa office ko." Niyaya niya itong umupo at nag-utos agad sa sekretarya ng tea para sa ina.
"Ano bang naisip nyo at napadaan kayo? Is it about Helios?"
"Oh, yes. You only have one month to prepare, son. But there's nothing to be pressured. Naipaayos ko na naman ang contracts ng mga nasa likod ng pagpapatayo ng club. At hawak naman natin ang MTS Industrial, so, walang problema."
Parang wala lang dito na banggitin ang kompanya na pag-aari ng kanyang ama. Well, correction, di na pala nito pag-aari iyon. Napapunta na sa kanyang pangalan ang pag-aari at pamamalakad sa MTS Industrial mula ng mawala ito at abandonahin sila nito.
Pero hinahayaan lang niya sa iba ang pamamalakad niyon ng mawala siya. Si Vincent, ang malapit na pinsan niya na kasabay niyang lumaki ang pinagkatiwalaan niya niyon. Lalo na noong umalis siya ng Pinas.
Ngayong bumalik siya, katulong na siya sa pamamahala ng mga naiwan niyang trabaho at plano. He's so ready to start now. Pinutol na niya ang nag-uugnay sa kanya sa pagiging miserable. Matagal bago nangyari 'yon.
Kailangan muna niyang maghilom. Pakiramdam niya makakagawa ulit siya ng mali kung itutuloy niya ang mga dapat na ginagawa niya kung nasa sitwasyon siya na gusto niyang manakit rin ng iba. Tama na ang isang pagkakamali.
Pero ngayon, handa na ulit siyang magsimula.
"It's okay, Mom. Alam mo na nagsisimula pa lang ulit ako. Maraming naiwan sa akin---"
"So let me take care of it. Ano ba ang mga 'yon?"
He frowned. This is his mom. Masyado siyang bine-baby. Ini-spoil. Nasanay siya noon doon kaya nang kailangan niya tumayo sa sarili niya, nahirapan siya. Nadapa. And that was a long time ago. Nagbago na siya.
"Mom, I'm not a child anymore. Ang dami mo nang ginawa para sa akin. So, let me do my work on my own now."
"Kiefer, anak, wala lang sa akin na tulungan ka. Maliit na bagay lang 'yon. Isa pa, naririnig ko mula sa sekretarya mo na masyado ka daw maiinitin ang ulo nitong mga nakaraang araw. Gaano katotoo 'yon?"
"Wala lang 'yon, Mom. I'm just being myself. Masyado lang mababagal at nakaka---"
"Really? Are you still having your issues? Brian Kiefer, pinapaalalahanan kita, ha." may pag-aalala sa boses ng ina. Nang tumingin siya dito nakita niya ang simpatya sa mata nito at pang-unawa sa kanya. Kilala siya ng ina. Ofcourse, lahat naman ng ina ay kilala ang sariling anak.
Napapikit siya. "I'm okay, Mom. I'm doing good now. Wala kayong kailangan ipag-alala sa akin. I'm calmer now. Pressured lang, but I'm enjoying what I'm doing."
Bumuntong-hininga ito. "I believe you."
He's calmer now. He wouldn't commit the same mistakes anymore.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top