Chapter Fifty Two


 "HOP in." sabi ni Kiefer nang tumigil ang sports car nito sa tapat ni Shamcey habang nagbo-book siya ng taxi.

Nahigit niya ang hininga, hindi inaasahan ang pagpapakita nito. Pinigilan niyang alisin ang tingin sa screen ng cellphone. Nagkunwari ang dalaga na hindi ito naririnig.

Marahas na bumuga si Kiefer. "Baby, come on."

Tumindig ang mga balahibo ni Shamcey. Heto na naman siya.. Di na nga niya pinapansin ang mga tawag nito at text nito. She completely ignored him. Pinapanindigan niya ang cool-off.

"Kailangan ko pa bang lumabas at buhatin ka papasok?" may mahinang pagbabanta na sa boses ni Kiefer. Di na rin siya nakatiis at matalim na tiningnan ito. Naniningkit ang mata nito habang nakatingala sa kanya mula sa bintana ng kotse nito.

"Ano bang kailangan mo?" asik niya. Napansin niya na parang mas lalo itong gumwapo ngayon kesa sa huling nakita niya ito.

Ano, may iba na bang nagpapasaya dito? Sino, 'yong ex nito? May namuong hapdi sa sikmura niya.

"Uuwi ka na di ba? Halika, ihatid na kita."

Di siya madadaan sa malambing na boses nito. Hindi siya magiging marupok.

"Huwag na nga."

"Sumakay ka na." Tumaas ang kilay nito. Hindi siya natinag sa kinatatayuan. May isa siyang salita. Hindi siya sasakay.

"Come on. Magbo-book ka pa, at mukhang kanina ka pa naghihintay dyan."

Tumikwas ang kilay niya. "Paano mo nasabe? Hindi pa nga ako nakakatulog kakahintay eh."

Mahina tong napamura, pagkatapos ay napailing. "Ayaw mo talaga sumakay?"

"Ayaw."

"Okay. Madali naman akong kausap." Nanlaki ang mata niya nang bumaba ito sa kotse.

"Anong ginagawa mo?"

"Di ka mapakiusapan, eh."

Napatili siya nang bigla na lang siya nitong buhatin na parang sako. Parang kaydali lang siya nitong naisakay. Sigurado siya nakakuha sila ng atensyon sa ginawa nito.

"Ay, pilitian pala 'to! Bwisit ka!" Inis na hinampas niya ito sa braso. "Ibaba mo ako. Hindi mo ba alam pwede kita sampahan ng harassment?"

"Alam ko. Pero wala naman ako balak na gawan ka ng masama. Ihahatid lang kita."

"Hindi ako nagpapasundo sa 'yo."

Napansin niya ang pangingislap ng kapilyuhan sa mata nito.

"At mas lalong hindi ako magpapasundot." Inirapan niya ito, at malawak siya nitong nginisian. Ilang araw din niyang inignora ito. Minsan nagsesend pa ito sa gabi sa kanya ng mga selfie nito na wala itong pang-itaas. Minsan pawisan dahil sa pagwo-work out. Pero pinipigilan niyang magbigay ng reaksyon.. Ang problema hanggang try lang siya. Dahil sa huli natatagpuan niya ang sarili sa loob ng banyo, hinahawakan ang sarili para paalpasin ang init na dulot ng panunukso nito.

"Akala ko naintindihan mo na ang gusto kong mangyari. Cool off nga, di ba?" kompronta niya sa binata.

"Oo, cool-off lang. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay breaking up."

"May pinagkaiba pa ba 'yon?"

Hindi ito umimik. Hinayaan lang niya na manaig ang katahimikan sa pagitan nila. Gusto rin niya pag-isipan kung tama ba itong ginagawa niya. May nalalaman pa siyang pag-iinarte. Ano ba talaga ang gusto niya? Kung tutuusin, gusto lang din naman niya na makasama si Kiefer. Gusto rin niya ang pakiramdam lagi kapag kasama ito, kapag nakikita ito.. Nayayakap.

Dahil ba nakita lang niya ito na kasama ito ng ex niya? Aminin niya naghinala talaga siya. Hindi niya maitatanggi na may insecurities rin siya. Inner conflicts. Wow.. Mahirap aminin pero kahit sino yatang magandang babae na makikita niya na makasama ni Kiefer o mapatabi lang, makakaramdam siya nun. Bago pa lang siya sa ganitong relasyon. Hindi pa niya naranasan kung paano ba malagay sa sitwasyon na 'yon. That's her first time. Naghinala agad siya dito. Nagduda.

At masisi ba siya nito? Nakita na niya 'yong ganon. Nag-iwan sa kanya ng sugat ang ginawa ng papa niya kaya ngayon nadadamay si Kiefer.

Nadadamay si Kiefer sa ginawa ng isang lalaki na malaking parte ng buhay niya. At hindi tama 'yon.. Napagtanto niya hindi pare pareho ang mga lalaki.

Paano pag ang mama niya ang gumawa ng ganoong kataksilan? Ganoon ba ang iisipin niya sa mga kabaro niya? Na pare parehong manloloko?

Nagsalubong ang kilay niya nang mapansin na hindi naman nito tinutumbok ang daan pauwi sa apartment niya.

"Teka, saan mo ba ako dadalhin?"

"Sa langit," sagot nito, sabay ngisi.

Aba, gago 'to ah. "Seryoso? Di ako nakikipagbiruan. Wala ka talagang isang salita. Sabi mo ihahatid mo ako?"

"Ihahatid naman talaga kita.. mamaya."

Naningkit ang mata ni Shamcey. "Ah, so 'yong hatid mamaya pa talaga. So, ngayon may plano ka? Sa akin?"

"Bakit, excited ka?"

"Kung patayin kita?"

"Sa sarap? Pwede rin naman. Gusto mo ngayon na?"

"Bakit, tigang na tigang ka na?"

Sinulyapan siya nito, puno ng init sa mga mata nito. Iniiwas niya ang mata dito. Hanggang doon lang ba ang habol nito sa kanya? Tuwing magkasama sila palagi na lang ba silang magsasalo sa init ng katawan nila?

"No." sagot ng binata.

"N-No?" Di niya naitago ang pagkagulat. "Why no?"

"Babe, it's not about sex. It's not always about that."

Napakurap siya. Totoo ba ang naririnig niya? Muli itong sumulyap sa kanya.

"Hindi ka naniniwala. 'Yon talaga ang iniisip mo sa akin?"

"May dahilan ba para hindi ko isipin na ganoon?" nag-iinit ang pisnging ibinaling niya ang mukha sa labas ng bintana.

"So, you really think that I only like you because of sex?"

Nakagat niya ang ibabang-labi.

"Sex lang ang habol ko. Ganon ba?"

Hindi siya makakibo. Guilty siya sa paratang nito. Pero hindi siya pwedeng sisihin nito kung nag-isip siya ng ganoon.

"Kung ayaw mo na ganoon ang isipin ko, pwes bigyan mo ako ng dahilan para isipin kong seryoso ka talaga sa akin." may panghahamon na sabi ni Shamcey. "Pero teka nga kasi, saan ba tayo papunta?"

"Tinatanggap ko ang hamon mo."

"Ha?" Naguguluhang nagsalubong ang kilay niya. "Kiefer, diretsuhin mo nga---"

"I'm taking you to my mom's house again."

"B-Bakit na naman? Kiefer, ni hindi pa ako nakapag-ayos."

"There's no need. Maganda ka pa rin naman sa mata ko."

Masamang tinitigan niya ito. "Kung iniisip mo na okay na tayo ulit pag naiharap mo ulit ako sa mama mo---"

"Sino bang nagsabi na ina ko lang nandoon? Your mom's there too."

Nanlaki ang mata niya, at parang tinamaan siya ng malakas na hangin.

"Ano?!"

"You heard it right, baby." Nagtaas-baba ang kilay nito. At parang kidlat na tumama sa kanya ang realisasyon.

"Anong ginawa mo kay Mama?!"

At totoo nga ang sinabi ni Kiefer. Pagdating nila sa bahay ng ina ng binata, nandoon ang kanyang mama. Parang magbalae na nakikipagchikahan sa ina ni Kiefer. Nagkukwento ang kanyang mama at tawa ng tawa ang kausap sa mga sinasabi nito.

"Naku, 'yong mister ko na sumakabilang bahay na, ang lakas mambabae, balae! Akala mo naman ang sarap sarap niya.. Ang bilis bilis naman bumigay ng tuhod!"

Ang lakas ng halakhak ng Mrs. Montejo. Napangiwi siya sa sinabi ng kanyang mama at agad na lumapit dito.

"Ma!"

Napatingin ang dalawang ginang sa kanya. "O, nandito na pala kayong dalawa."

Nakasunod sa kanya si Kiefer.

Yumakap si Shamcey sa ina pagkalapit at humalik sa pisngi nito. Ganoon din siya sa ina ni Kiefer. Nakakaramdam pa rin siya ng hiya kapag lumalapit sa ginang.

"Ma, bakit kayo nandito? Anong ginagawa nyo dito?"

"Ay, ayaw mo ba akong makita dito, nak?" Madamdaming humawak sa dibdib niya ang mama niya.

"Hindi naman sa ganoon.. Paano kaya napapunta dito?" bulong niya dito, pero sigurado siya matalas ang pandinig ni Kiefer para marinig ang mga sinasabi niya.

"Eh, paano pa? Syempre sinundo ako ng syota mo sa Laguna."

"Shota talaga?" Napangiwi siya.

"Oo, shota. Short time." Humahalakhak ito. "Chareng lang! O sige jowa na lang para mas maganda pakinggan."

Marahang nasapo niya ang noo.

"That's true."

Napatingin siya kay Kiefer. Naguguluhan siya. "Paano mo nalaman kung saan kami nakatira sa Laguna?"

Ngumiti lang ito. "Madali lang. I have connections."

"Connections?" Tumaas ang kilay niya.

"Dinner is ready!"

Biglang umentra ang baklang boses. Napalingon siya at nabigla siya nang makita si Marsh. Ang bruha! Ito ba ang kinasangkot ni Kiefer? Wala siyang kaalam-alam!

"Tamang tama nandito na pala ang magjowa." Maarte na kumekendeng pa itong naglakad papunta sa kanila. Nakapang-maid attire pa talaga ang bruha!

"Ay, congrats, Kiefer at nadala mo 'yan dito. Sabi ko naman sa 'yo, mukha lang 'yang manlalavan! Vavaeng marufok 'yan!"

Sinamaan niya ito ng tingin. Gumagalaw na pala ito para ibugaw siya kay Kiefer!

"Ano pa ang hinihintay natin? Tayo na. Naghihintay na ang mga niluto natin." pagyaya ng ina ni Kiefer sa kanila. Nauna na ito kasama ng mama niya.

"Babe, let's go." Hinawakan ni Kiefer ang kamay niya.

"Teka, sandali lang." Bumitaw siya dito at hinila niya si Marsh. "Bakla ka, mag-usap nga tayo."

"Ay! Ay! Sandali, ate, masakit! Vavae din po ako."

"Gaga!" Kinurot niya ito sa braso. "Ikaw ha, traydor ka!"

"Sinong traydor? Ako? Ay, bakit? Di ko pa naman niluluhudan si Kiefer ah?"

"I mean ito. Di ka man lang nagpasabi na ibubugaw mo pa ako. Dinamay mo pa si Mama. Di ba, sabi ko cool-off muna kami?"

"Ang arte ng cool-off ha. Gising ka nga te, pang-high school lang 'yon. Adult ka na. Dapat hindi sa ganyan mo hinahandle ang pagtatampo mo." Pinagkrus nito ang braso sa dibdib. "Maka-inarte ka, sikip ka pa?"

"Oo, sikip pa 'to kaya nga hinahabol, eh."

"Ay, sikip naman pala." Humagikhik ito. "Pero bruha! Lilinawin ko sa 'yo, hindi kita binugaw. Nasuhulan lang."

"Ni Kiefer?" Dumako ang tingin niya sa binata na nakamasid sa kanilang magkaibigan.. Correction, sa kanya lang. Mataman siya nitong tinititigan na parang naghihinala na baka tumakas siya sa dinner nila.

Inirapan niya ang lalaki at supladong nag-angat lang ito ng kilay.

"Oo, kinulit ako ng kinulit niyang jowa mo. Ayaw ko makipag-cooperate baka sa akin ka magalit kaso suhulan ba ako ng lalaki. Hihihi, di ako na ako makatanggi mamsh! Antalap, talap!"

"Bwisit ka."

Tinalikuran niya ito at binalikan si Kiefer. "Anong pinag-usapan n'yo?" usisa nito.

"Wala."

"May problema pa rin ba tayo?"

"Ay meron. Di ako nakakalimot."

"Di ka pa rin ba mapagpatawad sa akin?" he smiled. At feeling niya ice cream siya na matutunaw sa matamis nitong dila. Wag kang marupok, Shamcey!

"H-Hindi." nautal niyang sagot, namumula ang pisngi. "Nadagdagan pa. Blinackmail mo si Marsh, kinidnap mo ako pati si Mama.."

"Talaga ba?" Ngumisi ito ng pilyo. "Pero sabi ng Mama mo, mamanugangin na daw niya ako. Paano 'yun? Ibinibigay ka na sa akin?"

"Ewan ko sa 'yo." Nauna na siya maglakad dito. Ngunit maagap na hinagilap nito ang balakang niya. Napatili siya dahil akala niya bubuhatin na naman siya nito.

But she found herself caged in his arms. Her lips teasing her neck. "Alam ko naman nagkamali ako, babe.. Pero mahirap ba na bigyan mo ulit ako ng isa pang chance? One more chance for me, babe.."

"Kiefer, b-bitawan mo---"

"Hindi ko matatanggap ang resignation letter mo.. Pinunit ko na."

Nahigit niya ang hininga.

"May plano ka pa lumipat sa ibang hotel, ah.. Di mo ba alam na karamihan sa ibang options mo, pag-aari din ng kompanya namin?"

"Langya ka, sapilitan na ba ito?" Matalim ang tingin na pinukol niya dito.

"Hindi naman. Pero ipipilit ko sarili ko sa 'yo.. Pabor naman sa akin si Tita at kaibigan mo. So, you're stuck with me now." Mapatagumpay na ngumiti ito sa kanya. And all she could do is to glare at him. Para maitago ang sagad-sagarang kilig na namuo. Hindi lang sa dibdib niya, kundi sa pagitan ng mga hita niya.

Bwisit na keps talaga, mas una pa naglalaway kesa sa bibig niya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top