Chapter Fifty Six
"ANO? Hindi kasi kita maintindihan.. Marsh, nandito kami ngayon sa charity event ng kaibigan ni Kiefer."
Nasa loob siya ng cubicle ng tumawag sa kanya ang kaibigan. Paputol-putol ang linya nito kaya wala siya maintindihan sa sinasabi niya. Ang naiintindihan niya lang ay may dapat daw siyang malaman.
Bumuntong-hininga siya. "Di ko talaga magets, mamsh."
Pinatay na niya ang tawag at madaling nagtype ng message para dito. Bumalik siya sa pwesto kung saan niya iniwan kanina ang nobyo. Wala na ito doon.
Luminga siya sa paligid para hanapin ito. Ilang minuto pa ay hindi pa rin niya makita si Kiefer. Tinawagan na niya ito. Nagri-ring lang pero hindi nito sinasagot. Nasaan na ba ito? Kung may pinuntahan man ito, sana man lang nagawa nitong hintayin siya.
Patuloy na tinatawagan niya ang lalaki. Sa wakas ay sinagot nito ang tawag. "Hello. Babe, nasaan ka na?" tanong niya. Naririnig niya ang mga boses sa background.. "Kiefer?"
Biglang naputol ang linya at parang gusto niyang murahin ito. Aba, bastos! Nasaan na ba ang lalaking 'yon?
Naglakad siya palabas. Natagpuan niya ang sarili sa may hardin. May pool sa gitna at nakakahalina ang liwanag na nanggagaling doon. Napahinto si Shamcey sa paghakbang.
"G-Goddamn it.. Fuck."
Nabigla siya sa narinig na palitan ng ungol. Ngunit pinigilan niyang mapalingon sa pinanggagalingan niyon. Seryoso? Napailing siya, natatawa sa sarili. Jusko. Hindi na yata nakahintay makauwi. Sabagay, madilim ang parte na 'yon. Pwede talaga gawan ng kababalaghan.
Mabilis na tumalikod siya at bumalik sa loob. Baka nandoon lang din sa loob ang binata.
"KIEFER, may problema ba?" Napansin niya ang pagiging tahimik nito at tensyonado. Katatapos lang niya mag-shower at naabutan niya ito sa may terrace. Malalim ang iniisip. Kanina pa na hindi nakaligtas sa kanya ang pag-iiba ng mood nito nang bumalik ito sa tabi niya. Hanggang sa umalis sila ay parang malamig si Kiefer.
Hindi niya maintindihan ang biglang pagbabago nito. Kahit nakangiti ito, nakikita niya ang ikinukubling lamig sa anyo nito.
"What?" Lumingon ito sa kanya. Parang nasa ibang bagay ang atensyon nito at naabala lang niya.
Napakunot-noo siya. "Ayos ka lang ba? Kanina ka pang ganyan."
"Paanong ganyan?"
"Masyado ka ngayon seryoso." Cold. Iyon talaga ang gusto niyang sabihin. Anong nangyari? Nawala lang ito kanina. Parang may nangyari na dito na wala siyang kaide-ideya.
"Are you worried?" banayad na tanong nito.
"Ayos ka lang ba?" Hinawakan niya ang noo nito. "Masyado kang tahimik bigla. Di ka ba nilalagnat?"
"Silly," he let out a soft chuckle. "Don't worry about me. I'm still good. May natanggap lang akong tawag about the night club.."
"Masamang balita ba?"
"Hindi naman."
"Napepressure ka ba? Wag. Ipagdadasal ko ang tagumpay mo babe." sabi niya para palakasan ang loob nito. Hinaplos niya ay pisngi nito.
Opening na sa weekend ng Helios Manila at iyon ang magiging engrandeng pagsalubong nila sa unang linggo ng Disyembre. Malalaking TV network ang magco-cover ng event at maraming personalities ang inaasahan na magiging bisita.
Hinuli nito ang kamay niya at ikinulong sa palad nito. "Thank you, Shamcey.."
"Wala 'yun."
"Thank you for coming to my life. Hindi kita hiniling na dumating, pero nandyan ka. And I will always thank you for that."
"Kiefer.. Bakit mo ba sinasabi 'yan? Hindi mo kailangan na pasalamatan ako. Ako 'yung dapat na nagsasabi n'yan. Kung hindi kita nakilala, hindi magbabago 'yong pananaw ko sa lalaki. Hindi ko magagawang magmahal. Matatakot akong sumugal at magaya sa mga babaeng ibinigay na ang lahat, hindi pa rin naging sapat." Ngumiti siya dito habang madamdaming pinadadaan ang tingin bawat sulok ng mukha nito.
Humarap ito sa kanya. "Is it because of him? Your father?"
Tumango siya.
"Nag-iwan ng sugat sa akin ang ginawa ni Papa. Buhat ng inabandona niya kami para sumama sa iba, lagi kong naririnig si Mama na umiiyak tuwing gabi. Mahirap 'yon lalo na at nasa iisang kwarto lang kami noon.. Mahirap na marinig 'yong bawat hikbi, bawat iyak.. Nararamdaman ko siya kahit bata pa ako."
"Dahil sa ginawa ni Papa noon nagkaroon ako ng kawalan ng tiwala para sa mga tulad niya. Lagi akong nagd-doubt sa intensyon ng lalaki pag nakikipaglapit sa akin. Pinaniwalaan ko na kapag nagmahal ka, ang kapalit agad non ay masasaktan ka. Kapag nagtiwala ka, para ka nang sumugal ng malaki."
"To love is to gamble." pabulong na sabi nito. Napangiti siya dahil hindi marahil nito intensyon na iparinig sa kanya 'yon.
"Oo, nakikipagsapalaran ka non. Pero sa akin kapag nagbigay ka ng tiwala.. Ibinukas mo na ang sarili mo sa taong 'yun. Hindi lang tiwala ang ibinigay mo. Kundi pati sarili mo. Kaya hindi ko hinayaan ang sarili ko na mahulog.."
"Then, why did you trust me?"
"Because I ended up loving you, Kiefer.. I fell inlove with you in the most unexpected way."
Lumamlam ang mata ni Kiefer. Sinapo nito ang mukha niya. "I love you, too. I'm not like your father. Hindi kita sasaktan tulad ng ginawa niya." Mahigpit na yumakap siya dito. Ipinikit ang mga mata at dinama ang buong init nito.
Panghahawakan niya ang mga salitang 'yon habang magkasama sila. Magiging kampante siya dahil alam niyang hindi siya nito sasaktan.
KINABUKASAN, mas maaga siyang nagising kesa sa kinasanayan niya. Natutulog pa si Kiefer sa kama nang mapagpasyahan niya na bumangon na. Nag-inat inat siya at saka pumasok ng banyo para maghilamos.
Ang sarap ng tulog niya pagkatapos nila mag-usap ni Kiefer. Ang gaan ng pakiramdam. Naibuhos niya sa lalaki ang lahat ng naging hinanakit niya noon sa kanyang ama. 'Yong mga takot at insecurities na nabuo dahil sa ginawa nito.
It's like opening herself to him into another level of intimacy. Nag-usap sila hanggang sa makatulog siya. Pero parang may kulang pa rin sa naging usapan nila kagabi. Hindi man lang niya ito napagkwento tungkol sa pamilya nito. Oo nabanggit nito ang ina nito. But his father? Pansin niya na parang iniiwasan nito na mapapunta sa ama nito ang paksa. Kapansin pansin ang pag-iwas nito. Parang ayaw talaga nito pag-usapan. Hindi nito magawang buksan ang paksang iyon.
Dismayado siya ngunit kailangan din niyang irespeto iyon. Bigyan ng panahon si Kiefer. Marami pa silang oras para doon. Dadating din ang panahon na ito mismo ang mag-oopen sa kanya.
Sinilip niya ang orasan. Five thirty pa lang ng umaga. Ang aga nga niya nagising. Napagdesisyunan niyang libutin ang kabuuan ng mansyon. Ano nga kaya pumasok kay Kiefer at nagsolo agad ito? Weird talaga. Ang laki naman ng bahay ng magulang nito. May condo unit pa din naman ito. Anong ginagawa nito kapag mag-isa lang ito doon? Imagine eight bedrooms ang mansyon na 'yon. May theater room pa. Yaman talaga ng lalaking 'yon.
Kusa siyang dinala ng paa niya sa bawat sulok ng kwarto. Curiousity filled her. Chineck niya bawat rooms. Sa walong kwarto, may isang katangi-tangi na nakahiwalay. It was like a forbidden room. Iyon lang ang nakasarado. Iiwanan na sana niya iyon nang mapansin niya na iyon lang din ang may halaman sa tabi ng pinto.
Nakita na niya iyon somewhere. Kung saan nilalagay ang key sa may halaman.. And boom, hindi nga siya nagkamali. May susi nga na nakatusok.
Nagtataka si Shamcey. Bakit sa lahat ng kwarto parang yun lang ang isinusi? Anong meron doon? Nanaig ang kuryosidad sa kanya. Alam niya di dapat. Pero wala, eh. Pinasok na niya ang kwarto.
At nagulat siya sa bumungad sa kanya. Halos kapareho lang 'yon ng kwarto na inuokupa nila ni Kiefer ngayon. May queensize bed sa gitna. May malaking closet at banyo. Pero ang ikinabahan ay salamin lang ang nagsisilbing wall na nakaharap sa may pool..
Mas maganda ang silid na ito. Napansin niya ang nakabukas na closet. Nilapitan niya iyon. Pagbukas niya, namangha siya.. Ngunit ang pagkamangha ay agad napalitan ng pagtataka. Nagsalubong ang kilay niya habang nakatitig sa mga gamit ng babae na nandoon..
Kanino ang mga ito? Pumasok siya at pinagmasdan ng mabuti 'yon. May nakakuha ng pansin niya. Sa likod ng mga nakasabit na damit ay may isang litrato. Kapansin pansin na matagal na 'yong nakadikit doon.
Mukha ni Kiefer ang nakikita niya. Mukhang nasa early twenties pa si Kiefer sa larawan.. O mas bata pa. Mukhang nasa kolehiyo pa ito. Eighteen or nineteen, hula niya.
Hindi maitatanggi ang kakisigan nito. Ang gwapo na nito kahit noon pa lang. Wala pa siyang nakikitang litrato nito noong bata pa ito. 'Yung mga pictures lang nito sa internet karamihan na nakita niya..
Natigilan siya. Kalahati lang ng litrato ang nakikita niya. Napansin niya ang braso sa balikat nito nito.
Kaya hinawi niya ang tumatakip sa kalahati. Isang magandang babae ang nakayakap dito. Nakangiti sa camera tulad ni Kiefer. Kumikislap ang mga mata ng binata, isang pagpapaalala sa kanya ng ngiti nito tuwing magkasama sila.
Sino siya?
Isa pang maliit na litrato ang naka-pin sa tabi niyon. At sa pagkakataon na 'yon, ebidensya na 'yon sa relasyon nito sa lalaki. Nakahalik si Kiefer sa pisngi nito habang nakayakap.. May nakaguhit na puso doon gamit ang marker..
Pamilyar sa kanya ang babae.
Tila may sumakal sa lalamunan niya. Naguguluhang lumayo si Shamcey doon. Ano 'to? Sino ang babaeng 'to? Napaupo siya sa kama.. May umiilaw sa isip niyang imahe.. Imahe ng isang babae. Hindi nagtagal ay luminaw 'yon.
Umahon ang tila asido na namuo sa sikmura niya. Kasabay ng paglibot niya sa mga bagay na nakikita niya sa bawat sulok ng kwarto ay ang pagpasok ng realisasyon.
--
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top